Nawala rin ang nakatagong Reiki sa painting nang nawala ang imahe, pero nang tiningnan ulit ni Charlie ang painting, hindi niya mapigilan na iugnay ito sa imahe ni Marcius. Bigla niyang naramdaman na mukhang mas masigla at malinaw si Marcius sa portrait.Hindi niya mapigilan na isipin kung ano ang naging buhay ni Marcius pagkatapos umalis sa nayon sa bundok.Kahit na humaba ang buhay niya, mukhang walang mahalagang tao sa buhay niya. Matagal nang pumanaw ang asawa at anak niya, at ang natitirang disipulo niya na parang isang anak ay pumanaw na rin. Siya na lang ang nag-iisang taong nanatiling buhay.Sa pagkahumaling niya sa cultivation at paghihirap para sa haba ng buhay, marahil ay pipiliin niya pa ring bumalik sa kuweba niya kung saan at patuloy na tumira nang mag-isa para mag-cultivate pagkatapos umalis sa nayon. Marahil ay alam niya lang ang pagsikat ng araw at ang paglubog ng araw simula noon, pero hindi ang tungkol sa kung anong taon, buwan, o henerasyon na sa labas ng mund
Kahit na alam din ng mga miyembro ng pamilya niya ang tungkol sa villa, dahil ang mga upgraded na door lock ay nakabase na sa facial at fingerprint recognition, siya lang ang kayang magbukas sa kanila kaya hindi niya kailangan mag-alala na malalaman ng pamilya niya ang tungkol dito.Nang marinig ni Isaac na pupunta siya sa Champs Elys hot spring villa, sinabi niya nang nagmamadali, “Kung gano’n, ihahatid kita doon!”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi na. Nagsumikap ka buong araw, kaya bumalik ka muna at magpahinga. Kaya kong pumunta doon nang mag-isa.”Nang makita ni Isaac ang pagpupumilit ni Charlie, tumango siya agad, sumenyas sa tauhan niya para ibigay kay Charlie ang susi ng isa sa mga Rolls-Royce, at sinabi nang magalang, “Young Master, tawagan mo sana ako sa kahit anong oras kung may kailangan ka!”“Okay.” Kinuha ni Charli ang susi ng kotse at sinabi sa kanya, “Kung gano’n, pupunta muna ako doon.”Pagkatapos makipaghiwalay kay Isaac, nagmaneho nang mag-isa si Charlie papun
Dahil alam din ng mahalagang tao sa Aurous University na nasa Hong Kong si Marianne, inayos niya ang schedule ng interview ni Marianne sa alas tres ng hapon. Sa ganitong paraan, may sapat na oras si Marianne at hindi siya masyadong magmamadali kahit na pumunta siya sa Aurous Hill bago isang araw bago ang interview o sa araw ng interview.Nag-book na rin ng return ticket si Marianne sa Hong Kong ng alas nuwebe y media ayon sa oras na ito. Sa normal na sitwasyon, siguradong matatapos ang interview bago mag alas sais ng hapon. Kahit na makuha niya ang mga resulta na gusto niya o hindi, balak niyang bumalik muna sa Hong Kong para hindi siya makita ni Charlie.Ito rin ang dahilan kung bakit nagsuot ng isang facemask at isang pares ng salamin si Marianne sa buong flight.Makalipas ang sampung minuto, lumabas na si Marianne sa airport at naghandang sumakay sa taxi papunta sa Aurous University. Kahit na naka-set sa hapon ang interview, gustong samanatalhin ni Marianne ang natitirang oras pa
Gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang marinig ang mga sinabi ni Shawn.Hindi niya mapigilang sabihin, “Pa, bakit hindi mo sinabi sa akin nang maaga na nandito sina Mr. at Mrs. Carrick? Kung gano’n, nakapaghanda ako ng ilang regalo para sa kanila. Hindi angkop para sa akin na bisitahin sila nang walang dala ngayon…”Ngumiti si Shawn at sinabi, “Sa ugali mo, kung sinabi ko ito sayo, siguradong hindi mo gugustuhin na pumunta. Siguradong sasabihin mo na pupunta ka lang para sa interview at mas mabuti na huwag abalahin ang iba. Uutusan mo rin ako na huwag sabihin sa kahit sino ang tungkol dito. Ako ang iyong ama, kaya hindi ba’t kilala nakita?”Walang masabi si Marianne nang ilang sandali. Pakiramdam niya na makatwiran ang sinabi ng kanyang ama. Mahirap para sa kanya na makasundo ang kanyang ama dahil sa ugali niya, kaya kung ito sa kanya ng kanyang ama, marahil ay nagtalo pa sila.Kaya, sinabi niya, ‘Okay, bibisitahin ko muna sina Mr. at Mrs. Carrick, kung gano’n.”Sinabi ni Shawn na
Pero, palaging ginagawa ni Marianne ang napagpasyahan na niya bago ito pag-usapan. Hindi niya istilo na pag-usapan ito nang hindi ginagawa.Pero, nag-aatubili pa rin si Marianne na sabihin ang totoo, kaya sinabi niya kay Madam Marilyn, “Medyo matagal na akong nanatili sa Hong Kong. Medyo mabilis ang mga first-tier city sa Oskia, kaya pinili ko ang Aurous Hill dahil gusto kong maghanda ng medyo komportableng siyudad.”Tumango si Madam Marilyn sa pagsang-ayon at sinabi nang nakangiti, “Ang bilis ng buhay sa Aurous Hill ay mas mabagal nga kumpara sa mga first-tier city, at medyo komportable rin ang kapaligiran dito. Maraming taon na ako dito, at mas nagugustuhan ko pa ito. Naniniwala ako na mararamdaman mo rin ito kapag nanatili ka dito nang matagal.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Madam Marilyn, “Kung nagpasya kang manatili sa Aurous Hill para magpaunlad sa hinaharap, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung kailangan mo ng tulong sa kahit ano.”Pagkasabi nito, ibinig
Sinabi nang mapagpakumbaba ni Madam Marilyn, “Tsismis lang ang alam ko. Kung gusto talaga itong malaman ng ordinaryong tao, kailangan lang nilang magbigay atensyon. Huli talaga ako kumpara sa mga academic elite na tulad mo…”Pagkasabi nito, idinagdag ni Madam Marilyn, “Kung kukunin ka ng Aurous University, bilang isang estudyante na may doctorate mula sa Hong Kong University, marahil ay direka o hindi direkta mong madadala ang ilang student resources sa Aurous University mula sa Hong Kong sa hinaharap, ang pinaka pinapahalagahan ng Aurous University. Ayon sa kombinasyon ng mga rason na ito, kaya kong sabihin na siguradong mapapasa mo ang interview na ito.”May napagtanto si Marianne at tumango siya nang marinig ito.Kahit kailan ay hindi siya lumayo masyado sa Hong Kong, at wala siyang masyadong pakialam sa mga bagay-bagay na walang kinalaman sa kanya, kaya kahit kailan ay hindi nagkaroon ng masyadong pang-unawa si Marianne sa tinutukoy ni Madam Marilyn.Biglang nagkaroon ng mas ma
Inayos niya muna ang upuan na gawa sa kawayan at pagkatapos ay umupo sa harap ni Vera habang sinabi nang magalang, “Miss, ganito kasi. May… May apong babae ako na nagkataon na pupunta sa Aurous Hill para pumunta sa isang job interview, kaya inimbita ko siyang maging bisita sa manor para makakain siya kasama natin dito. Kaninang umaga ko lang ito nalaman, kaya hindi ko ito inulat sayo nang maaga. Huwag ka sanang magalit sa akin.”Kumuha si Vera ng isang bagong tasa, hinugasan ito gamit ang tubig, at sinabi nang nakangiti, “Manor mo ito, at ikaw ang host. Bakit kailangan mong iulat sa akin ang kahit ano kung gusto mong magdaos ng isang handaan? Isa lang ako sa mga bisita mo.”Sinabi ni Logan nang walang pag-aatubili, “Miss, ito ang pangalawang bagay na gusto kong sabihin sayo. Bihira na gusto mo ang lugar na ito, at tumatanda na rin ako, kaya natatakot ako na hindi na ulit ako makakapunta dito pagkatapos ng pagbisita na ito. Kaya, gusto kong ibigay ang Scarlet Pinnacle Manor na ito say
Tuwang-tuwa si Logan nang marinig niya na handang makilala ni Vera si Marianne.Sinabi niya nang nagmamadali kay Vera, “Miss, darating sila makalipas ang dalawampung minuto, kaya pwede kang bumaba pagdating nila.”Tumango si Vera at sinabi nang nakangiti, “Huwag mong kalimutan ang bago kong pagkakakilanlan sa harap ng iba.”Sinabi ni Logan nang walang pag-aatubili, “Syempre! Huwag kang mag-alala, Miss.”Pagkatapos nito, tumayo siya nang mabagal at sinabi, “Miss, mangyaring i-enjoy mo lang ang tsaa mo. Hindi na kita aabalahin pa.”Sinabi ni Vera, “Humanap ka ng katulong para tulungan kang bumaba, baka mapagod ka.”Naantig si Logan at sinabi, “Salamat sa pag-aalala mo, Miss. Wala akong problema sa pagbaba nang mag-isa. Mas madali naman bumaba.”Nang makita ni Vera ang pagpupumilit niya, wala na siyang sinabi dito, tumango, at sinabi, “Kung gano’n, bumaba ka na. Bababa ako pagdating ng kotse.”“Okay, Mikss. Kung gano’n, aalis na ako.”Pagkatapos magsalita ni Logan, pinagdaup niya