Tuwang-tuwa si Logan nang marinig niya na handang makilala ni Vera si Marianne.Sinabi niya nang nagmamadali kay Vera, “Miss, darating sila makalipas ang dalawampung minuto, kaya pwede kang bumaba pagdating nila.”Tumango si Vera at sinabi nang nakangiti, “Huwag mong kalimutan ang bago kong pagkakakilanlan sa harap ng iba.”Sinabi ni Logan nang walang pag-aatubili, “Syempre! Huwag kang mag-alala, Miss.”Pagkatapos nito, tumayo siya nang mabagal at sinabi, “Miss, mangyaring i-enjoy mo lang ang tsaa mo. Hindi na kita aabalahin pa.”Sinabi ni Vera, “Humanap ka ng katulong para tulungan kang bumaba, baka mapagod ka.”Naantig si Logan at sinabi, “Salamat sa pag-aalala mo, Miss. Wala akong problema sa pagbaba nang mag-isa. Mas madali naman bumaba.”Nang makita ni Vera ang pagpupumilit niya, wala na siyang sinabi dito, tumango, at sinabi, “Kung gano’n, bumaba ka na. Bababa ako pagdating ng kotse.”“Okay, Mikss. Kung gano’n, aalis na ako.”Pagkatapos magsalita ni Logan, pinagdaup niya
Kadarating lang ni Marianne sa main entrance ng Scarlet Pinnacle Manor.Hinding-hindi niya inaakala na may napakagandang manor ni Logan sa ganitong uri ng lugar.Kahit na maraming mansyon din ng mayamang tao ang itinayo sa mga bundok ng Hong Kong, walang kayang bilhin ang buong bundok. Ang mga villa sa Steerlain Island ay wala kumpara sa exclusive villa niya.Nagmaneho ang kotse papasok sa manor at tumigil sa labas ng grand entrance ng main building ng one-story compound.Parang hotel ang lugar na ito, dinisenya ng may isang malawak na beranda para iparada ang tatlong kotse ng magkakatabi. Magkahawak-kamay si Logan at ang asawa niya habang lumaba sila sa main hall para batiin siya.Sa sandaling lumabas si Marianne sa kotse, nakita niya ang matandang mag-asawa na nakangiti nang masaya habang lumalabas sila. Nagmamadali siyang pumunta sa kanila para batiin sila at sinabi nang magalang, “Lolo, Lola, matagal na tayong hindi nagkita, pero maganda pa rin ang kalusugan niyo!”Ngumiti si
Naglakad si Vera mula sa main hall nang magaan.May isang naisip lang si Marianne nang makita niya si Vera. ‘Paano nagkaroon ng ganito kagandang babae?’Hindi naman sa minamalabis ito ni Marianne.Sa totoo lang, nakakita na si Marianne ng maraming magagandang dalaga dahil sa malanding ugali ng kanyang ama.Ang Hong Kong,, pati na rin ang mahigit kalahati ng entertainment circle ng Asia ay ang hunting ground ng kanyang ama dati. Sinong babaeng artista na nahuli sa mga iskandalo at media report ang hindi maganda?Bukod dito, noon pa man ay ang Hong Kong na ang fashion at financial center ng Aisa sa nakaraang ilang dekada. Maraming gwapo at magagandang babae mula sa buong mundo ang nagtipon-tipon sa maliit at siksikan na sulko ng siyudad na iyon, kaya matagal nang pagod at manhid ang aesthetics ni Marianne.Pero kahit gano’n, nagulat pa rin siya nang una niyang makita si Vera.Si Vera ay ang uri ng magandang babae na hindi niya pa nakikita dati.Hindi na ito sa pagiging perpekto s
Tumango si Vera sa pagsang-ayon pagkatapos itong marinig pero hindi siya sang-ayon talaga kay Marianne.Pakiramdam niya na mukhang normal ang mga sinabi ni Marianne sa unang tingin. Ang Hong Kong nga ay isang first-tier international city at mabilis ito. Puno rin ito ng tao na may kaunting lupain. Maraming tao ang nagsisikap sa buong buhay nila pero hindi man lang kayang bumili ng isang maliit na bahay na nasa 30 o 40 square meters, kaya napakaraming batang tao mula sa Hong Kong ang pumupunta sa Oskia para magpaunlad, lalo na ang specilan zone na katabi ng Hong Kong na umaakit sa napakaraming batang tao mula sa Hong Kong.Pero, alam ni vera na ang Hong Kong ay isang lugar kung saan magkasamang umiral ang paraiso at impyerno.Hindi karaniwan para sa isang mahirap pamilya na may anim o pitong miyembro na magsisikan sa isang kwarto na nasa 10 square meters lang, at may ilang tao pa na nakatira sa mga lugar kung saan hindi man lang kasya ang isang kama.Pero, may mga top tycoon din na
Sa sandaling naisip ito ni Vera, tumingin ulit siya kay Marianne, at bigla siyang ngumiti habang inasar, “Marianne, sa tingin ko ay hindi ka pumunta dito pagkatapos pumunta sa Aurous Hill mula sa Hong Kong!”Tinanong ni Marianne sa sorpresa, “Bakit mo iyan sinabi?”Tumawa si Vera at sinabi, “Parang pumunta ka para habulin ang nobyo mo sa kabila ng lahat ng pagsubok.”Mukhang tumama sa kailaliman ng puso ni MArianne ang mga parang nanunuksong salita ni Vera. Agad siyang nabalisa at nagmamadaling sinubukan na pagtakpan ito habang sinabi, “Paano… Paano nangyari iyon? Hindi pa ako nakakapunta sa Aurous Hill, at wala akong kakilala dito, lalo na ang nobyo.”Kahit na nagmamadali si Marianne na itago ang mga tunay na nararamdaman niya, nahuli na ni Vera ang pagkataranta sa ekspresyon niya.Mas lalong naging sigurado si Vera na totoo ang kanyang hula dahil sa kaunting pagbabago na ito.Kasama na ang pagkakakilanlan ni Marianne, sino pa bukod kay Charlike ang kayang ipasantabi sa isang ma
Sinabi nang nagmamadali ni Marianne, “Hindi na, Lady Carrick. Sa tingin ko ay dapat unti-unting matagpuan ng isang tao ang ganitong uri ng bagay. Kung hindi mo ito matatagpuan, ang ibig sabihin ay wala dito ang tadhana mo at palaging may tao para sayo kung maghihintay ka lang nang kaunti.”Nang mapansin ni Lady Carrick ang matatag na saloobin niya, bumuntong hininga siya nang mahina at tumango nang bahagya.Pagkatapos kumain, nagpahinga si Marianne sa Scarlet Pinnacle Manor nang ilang sandali bago siya sinamahan ni Madam Marilyn habang pumunta siya sa Aurous University para sa interview.Ngumiti nang maliwanag si Vera habang hinatid niya si Marianne sa kotse. Pagkatapos umalis ng kotse sa Scarlet Pinnacle Manor, agad nawala ang inosente at kaaya-aya na ngiti ni Vera habang tumalikod siya, at napalitan ito ng kanyang karaniwang kalmadong hitsura.Sumunod sa likod si Logan at sinabi nang magalang, “Miss, maaari ba kitang tanungin?”Nalito si Logan dahil nakikita niya na pinapangunah
Hindi nasorpresa si Vera nang puno ng pagduduad si Logan at inulat ang impormasyon kay Vera.Ngumisi lang siya at sinabi, “Malinaw na kasal si Charlie, pero inaakit niya pa rin ang mga babae kung saan-saan. Kaya niyang papuntahin si Marianne sa Aurous Hill para sa kanya pagkatapos lang ng isang pagpunta sa Hong Kong, kaya siguro ay maaakit niya rin ang ibang babae kung pupunta siya sa ibang lugar. Kung kaya mong alamin ang mga pinuntahan ni Charlie sa mga nakaraang taon, marahil ay mahahanap mo ang maraming babae na may gusto sa kanya.”Ngumiti nang nahihiya si Logan at bumuntong hininga, “Masasabi ko lang na may pambihirang karisma ang batang ito. Pero, natatakot ako na hindi magkakaroon ng positibong resulta si Marianne kung nahulog siya sa isang kasal na lalaki tulad niya.”Ngumiti nang kaunti si Vera, may naisip, at tinanong si Logan, “Kaya mo bang hanapin kung anong pagkakakilanlan ang ginamit ni Charlie at bakit siya pumunta sa Hong Kong para makipagkita kay Shawn.”“Madali i
Ipinaliwanag ni Emmett, “Ang pamilya Schulz at pamilya Wade ay naglalaban nang bukas at patago sa napakaraming taon. Mayroon pa silang sobrang pangit na relasyon sa mga unang taon. Nanguna ang pamilya Schulz sa paggawa ng Anti-Wade Alliance sa Eastcliff dati para lang labanan ang pamilya Wade. Pagkatapos, nang pumanaw nang hindi inaasahan si Curtis wade at ang asawa niya, naapektuhan nang sobra ang pamilya Wade, at ang pamilya Schulz ang naging pinakamalakas na pamilya sa Oskia at palaging nilalamangan ang pamilya Wade. Masasabi na may malaking galit sa isa’t isa ang dalawang pamilya, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagtatrabaho si Charlie para sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group…”Umiling si Vera at sinabi, “Mali ang pag-iisip mo. Hindi ito sa kung bakit nagtatrabaho si Charlie para sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group, ngunit kung nagtatrabaho ba ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group para kay Charlie.”Hindi naiintindihan nina Logan at Emmett ang kahalagahan ng mastery ni Charlie
“Ano bang alam mo?!” Tumingin nang mapanghamak si Jacob sa kanya, pagkatapos ay sinabi kay Charlie, “Siya nga pala, Charlie, malapit nang magsagawa ng isang ancient calligraphy and painting exhibition ang Calligraphy and Painting Association. Sobrang taas ng mga pamantayan ng ancient calligraphy and painting exhibition na ito. Sobrang suportado rin ang siyudad dito, kaya malaking kilos siguro ito para sa bansa natin! Marahil ay imbitahin pa namin ang Central Oskia Media para magbigay ng kumpletong ulat sa buong event!”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Sobrang laking event nito? Hindi maituturing na base ang Aurous Hill para sa calligraphy at painting, kaya hindi ba’t masyadong puwersahan na gawin ang napakalaking event dito?”Sinabi ni Jacob, “Hindi mahalaga kung hindi ang Aurous Hill ang base para sa calligraphy at painting. Ayos lang ito basta’t kayang ipakita ng Aurous Hill ang mga magagandang calligraphy at painting, kaya nangongolekta kami ngayon ng mga likha ng mga sikat na a
Samantala, gabi na sa Aurous Hill.Naghanda na ng hapunan si Elaine at inimbita sina Charlie at Claire sa lamesa. Sa parehong oras, hindi niya mapigilang magreklamo, “Alas otso na, kaya bakit wala pa rin sa bahay ang g*gong iyon, si Jacob? Nasaan na kaya siya ngayon!”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Ma, si Papa na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, kaya siguradong abala siya. Sana ay maging maunawain ka.”Sinabi nang mapanghamak ni Elaine, “Bakit ako magiging maunawain sa kanya? Sa tingin mo ba ay wala akong alam sa abilidad niya? Sa tingin ko ay bulag ang taong namamahala sa Calligraphy and Painting Association para hayaan siyang maging vice president!”Habang nagsasalita siya, binuksan ni Jacob ang pinto at pumasok.Mabilis siyang binati ni Claire at sinabi, “Pa, maghugas ka na ng kamay at maghapunan tayo!”Tinanong nang kaswal ni Jacob, “Anong klaseng mga pagkain ang mayroon? May karne ba?”Nanumpa si Elaine at sinabi, “May takip, gusto mo bang nguyai
Sa gabing iyon, umupo si Mr. Chardon sa sahig ng kanyang pansamantalang bahay habang naka-krus ang mga paa. Mukhang nagme-meditate siya habang nakapikit ang mga mata, pero sa totoo lang, kinakalkula niya kung kailan siya aalis para pumunta sa Aurous Hill.Bigla siyang nakatanggap ng isang notification sa kanyang cellphone, at ang British Lord pala ang gustong kumausap sa kanya.Binuksan niya agad ang cellphone niya, pumasok sa espesyal na software, at kumonekta sa British Lord.Narinig ang malamig na boses ng British Lord sa cellphone, “Mr. Chardon, sinabihan kita na pumunta sa Aurous Hill para hanapin ang anak ni Curtis Wade. Bakit hindi ka pa pumupunta?”Mabilis na nagpaliwanag si Mr. Chardon, “British Lord, may ilang ideya ako, at gusto kong i-report ang mga ito sayo!”Sinabi nang malamig ng British Lord, “Sabihin mo!”Sinabi nang magalang ni Mr. Chardon, “British Lord, noon pa man ay pakiramdam ko na marahil ay nasa Eastcliff si Vera, kaya naghahanap ako ng mga bakas tungkol
Tumingin si Mr. Chardon kay Samadius, na umabante agad at sinabi sa hindi matitinag na tono, “Ferris, may mahalagang gawain si Mr. Chardon na kailangan niyang gawin, kaya walang pwedeng pumigil o antalain siya! Sinabi na sa akin ni Mr. Chardon ang gusto niyong malaman, at sasabihin ko sa inyo ang bawat salita mamaya!”Pagkatapos itong sabihin, “Hayaan mong sabihin ko ito nang maaga. Kung may kahit sinong mag-aantala sa mahalagang gawin ni Mr. Chardon, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang taong iyon na malaman ang paraan para sa pagpapahaba ng buhay!”Mayroong takot na ekspresyon ang lahat sa kanilang mukha, at wala nang naglakas-loob na magtanong.Si Ferris, na tinawag sa pangalan, ay nabalisa rin at sinabi, “Maging ligtas sana ang biyahe mo, Mr. Chardon!”Kumilos agad ang lahat at sinabi nang sabay-sabay, “Paalam, Mr. Chardon!”Hinimas ni Mr. Chardon ang mahabang balbas niya at naglakad palayo nang mahinhin. Nang ihahatid na siya palabas ng lahat, sinabi ni Mr. Chardon nang hindi
Pagkatapos itong sabihin, nagtanong ulit si Samadius, “Master Coldie, may karaniwang bakas ka ba tungkol sa babaeng ito? Halimbawa, saan siya maaaring magtago?”Umiling si Mr. Chardon at sinabi, “Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na nasa Oskia siya. Kaya, mas mabuti kung makakagawa ka ng isang grupo ng mga disipulo mo at hayaan silang maglakbay sa buong bansa para hanapin siya!”Tumango si Samadius at sinabi, “Walang problema, aayusin ko na ang lahat ngayon din!”Tumango nang bahagya si Mr. Chardon at sinabi, “Okay, kung gano’n, iiwan ko na sayo ang bagay na ito. Tandaan mo na ipaalam mo agad sa akin kung may nadiskubre kang kahit anong bakas.”“Opo, Master Coldie!” Sumang-ayon nang mabilis si Samadius. Pagkatapos ay tinanong niya si Mr. Chardon, “Siya nga pala, Master Coldie, mga junior ko ang mga taong naghihintay sa labas. Kung matuturo mo sa akin sa hinaharap ang paraan para humaba ang buhay, maaari ko rin ba itong ibahagi sa kanila? Mg
Nang marinig ni Mr. Chardon ang sabik na pagpapahayag ng katapatan ni Samadius, tumango siya at ngumiti nang kuntento. Ang lahat ay nangyayari ayon sa planong direksyon niya.Para kay Mr. Chardon, kailanman ay hindi siya naging isang mabuting tao. Bukod sa pagsisikap nang walang reklamo sa harap ng British Lord, kahit kailan ay hindi niya naabot ang pinakapangunahing kabutihang-asal ng ‘pagtupad ng pangako niya’ pagdating sa iba.Sa totoo lang, naisip niyang gamitin ang mga koneksyon at resources ng Cohmer Temple para hanapin si Vera noong una siyang dumating sa Eastcliff, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naramdaman niya na hindi sulit na ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan para lang pagsamantalahan ang Cohmer Temple.Kahit hindi na banggitin kung matutulungan ba siya ng Cohmer Temple na makahanap ng mga bakas tungkol kay Vera, pero kung ang balita na buhay pa rin ang isang Taoist priest na ipinanganak sa 19th century at nag-ensayo ng Taoism sa Cohmer Temple ng dek
Tumango si Mr. Chardon, bumuntong hininga, at sinabi, “156 years old na ako ngayong taon.”“156 years old?” Sinabi ni Samadius habang may mapaghangad na tingin sa kanyang mukha, “Hindi ka man lang mukhang 156 years old…”Sinabi nang kalmado ni Mr. Chardon, “Ito ang mga benepisyo pagkatapos ma-master ang Reiki. Tatlong siglo na akong nabubuhay; ang 19th, 20th, at 21st century. Hindi na ako magkakaroon ng pagsisisi sa buhay kung aabot ako ng 22nd century.”Nabigla si Samadius. Lumuhod ulit siya at yumuko sa harap ni Mr. Chardon habang nagmakaawa, “Master Coldie, pakiusap at ituro mo sana sa ako ang paraan ng pagpapahaba ng buhay! Kung papayag ka, handa akong sundan ka sa buong buhay ko para magamit mo! Susundin ko ang lahat ng hiling mo nang walang pag-aatubili!”Mahigit pitumpung taon na simula noong pumasok si Samadius sa Taoist Sect, at sa sandaling ito, nasa parehong estado siya ni Mr. Chardon noong unang umalis siya sa Cohmer Temple.Buong araw siyang nag-eensayo ng Taoism at g
Sa mga nagdaang taon, bumalik siya nang ilang beses sa Oskia gamit ang iba’t ibang pagkakakilanlan, pero kahit kailan ay hindi siya bumalik sa Cohmer Temple.Ito ay dahil ayaw niyang malaman ng mga disipulo niya sa Cohmer Temple na nadiskubre na niya ang paraan ng mahabang buhay.Sa opinyon niya, dumaan siya sa lahat ng uri ng paghihirap bago siya sa wakas nakapasok sa landas ng Taoism, kaya hindi dapat malaman ng kahit sinong nakakakilala sa kanya ang sikreto na ito, kasama na ang mga tao sa Cohmer Temple.Pinili niyang pumunta sa Cohmer Temple ngayong araw dahil wala siyang mahanap na kahit anong bakas tungkol sa kinaroroonan ni Vera pagkatapos ng mahabang panahon.Patuloy siyang inuudyok ng British Lord na pumunta sa Aurous Hill. Kaya niyang antalain ito ng tatlo hanggang limang araw pero hindi tatlo hanggang limang buwan. Ayon sa ugali ng British Lord, siguradong bibigyan niya siya ng dalawa o tatlong araw na lang, kaya walang nagawa si Mr. Chardon kundi humanap ng mga katulong
Sinundan ni Mr. Chardon ang binatang Taoist priest sa reception hall sa middle yard ng Cohmer Temple. Ito ang reception room sa Cohmer Temple na ginagamit para aliwin ang mga abbot at overseer mula sa ibang Taoist temple o peregrino na may malaking ambag sa Taoist temple.Pagkatapos sabihan si Mr. Chardon na maghintay dito, nagmamadaling tumakbo ang binatang Taoist priest para i-report ito sa kanyang master.Sa Cohmer Temple, karamihan ng tao na nananatili sa front yard nang matagal ay ang mga junior Taoist priest na may medyo mababang kwalipikasyon, kaya naatasan sila na panatilihin ang kaayusan ng mga turista at mga mananampalataya sa yard habang naglilinis, inaayos ang mga istatwa ng templo, at inaayos ang mga alay.Kaya, kung gustong i-report ng binatang Taoist priest ang balita sa overseer, kailangan patong-patong ang daan ng mensahe, at ang dami ng antas ng paglilipat ay higit sa inaasahan ng binatang Taoist priest.Makalipas ang dalawampung minuto, isang matandang lalaki na