Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 5221 - Kabanata 5230

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 5221 - Kabanata 5230

5603 Kabanata

Kabanata 5221

Tuwang-tuwa si Logan nang marinig niya na handang makilala ni Vera si Marianne.Sinabi niya nang nagmamadali kay Vera, “Miss, darating sila makalipas ang dalawampung minuto, kaya pwede kang bumaba pagdating nila.”Tumango si Vera at sinabi nang nakangiti, “Huwag mong kalimutan ang bago kong pagkakakilanlan sa harap ng iba.”Sinabi ni Logan nang walang pag-aatubili, “Syempre! Huwag kang mag-alala, Miss.”Pagkatapos nito, tumayo siya nang mabagal at sinabi, “Miss, mangyaring i-enjoy mo lang ang tsaa mo. Hindi na kita aabalahin pa.”Sinabi ni Vera, “Humanap ka ng katulong para tulungan kang bumaba, baka mapagod ka.”Naantig si Logan at sinabi, “Salamat sa pag-aalala mo, Miss. Wala akong problema sa pagbaba nang mag-isa. Mas madali naman bumaba.”Nang makita ni Vera ang pagpupumilit niya, wala na siyang sinabi dito, tumango, at sinabi, “Kung gano’n, bumaba ka na. Bababa ako pagdating ng kotse.”“Okay, Mikss. Kung gano’n, aalis na ako.”Pagkatapos magsalita ni Logan, pinagdaup niya
last updateHuling Na-update : 2024-08-27
Magbasa pa

Kabanata 5222

Kadarating lang ni Marianne sa main entrance ng Scarlet Pinnacle Manor.Hinding-hindi niya inaakala na may napakagandang manor ni Logan sa ganitong uri ng lugar.Kahit na maraming mansyon din ng mayamang tao ang itinayo sa mga bundok ng Hong Kong, walang kayang bilhin ang buong bundok. Ang mga villa sa Steerlain Island ay wala kumpara sa exclusive villa niya.Nagmaneho ang kotse papasok sa manor at tumigil sa labas ng grand entrance ng main building ng one-story compound.Parang hotel ang lugar na ito, dinisenya ng may isang malawak na beranda para iparada ang tatlong kotse ng magkakatabi. Magkahawak-kamay si Logan at ang asawa niya habang lumaba sila sa main hall para batiin siya.Sa sandaling lumabas si Marianne sa kotse, nakita niya ang matandang mag-asawa na nakangiti nang masaya habang lumalabas sila. Nagmamadali siyang pumunta sa kanila para batiin sila at sinabi nang magalang, “Lolo, Lola, matagal na tayong hindi nagkita, pero maganda pa rin ang kalusugan niyo!”Ngumiti si
last updateHuling Na-update : 2024-08-28
Magbasa pa

Kabanata 5223

Naglakad si Vera mula sa main hall nang magaan.May isang naisip lang si Marianne nang makita niya si Vera. ‘Paano nagkaroon ng ganito kagandang babae?’Hindi naman sa minamalabis ito ni Marianne.Sa totoo lang, nakakita na si Marianne ng maraming magagandang dalaga dahil sa malanding ugali ng kanyang ama.Ang Hong Kong,, pati na rin ang mahigit kalahati ng entertainment circle ng Asia ay ang hunting ground ng kanyang ama dati. Sinong babaeng artista na nahuli sa mga iskandalo at media report ang hindi maganda?Bukod dito, noon pa man ay ang Hong Kong na ang fashion at financial center ng Aisa sa nakaraang ilang dekada. Maraming gwapo at magagandang babae mula sa buong mundo ang nagtipon-tipon sa maliit at siksikan na sulko ng siyudad na iyon, kaya matagal nang pagod at manhid ang aesthetics ni Marianne.Pero kahit gano’n, nagulat pa rin siya nang una niyang makita si Vera.Si Vera ay ang uri ng magandang babae na hindi niya pa nakikita dati.Hindi na ito sa pagiging perpekto s
last updateHuling Na-update : 2024-08-28
Magbasa pa

Kabanata 5224

Tumango si Vera sa pagsang-ayon pagkatapos itong marinig pero hindi siya sang-ayon talaga kay Marianne.Pakiramdam niya na mukhang normal ang mga sinabi ni Marianne sa unang tingin. Ang Hong Kong nga ay isang first-tier international city at mabilis ito. Puno rin ito ng tao na may kaunting lupain. Maraming tao ang nagsisikap sa buong buhay nila pero hindi man lang kayang bumili ng isang maliit na bahay na nasa 30 o 40 square meters, kaya napakaraming batang tao mula sa Hong Kong ang pumupunta sa Oskia para magpaunlad, lalo na ang specilan zone na katabi ng Hong Kong na umaakit sa napakaraming batang tao mula sa Hong Kong.Pero, alam ni vera na ang Hong Kong ay isang lugar kung saan magkasamang umiral ang paraiso at impyerno.Hindi karaniwan para sa isang mahirap pamilya na may anim o pitong miyembro na magsisikan sa isang kwarto na nasa 10 square meters lang, at may ilang tao pa na nakatira sa mga lugar kung saan hindi man lang kasya ang isang kama.Pero, may mga top tycoon din na
last updateHuling Na-update : 2024-08-29
Magbasa pa

Kabanata 5225

Sa sandaling naisip ito ni Vera, tumingin ulit siya kay Marianne, at bigla siyang ngumiti habang inasar, “Marianne, sa tingin ko ay hindi ka pumunta dito pagkatapos pumunta sa Aurous Hill mula sa Hong Kong!”Tinanong ni Marianne sa sorpresa, “Bakit mo iyan sinabi?”Tumawa si Vera at sinabi, “Parang pumunta ka para habulin ang nobyo mo sa kabila ng lahat ng pagsubok.”Mukhang tumama sa kailaliman ng puso ni MArianne ang mga parang nanunuksong salita ni Vera. Agad siyang nabalisa at nagmamadaling sinubukan na pagtakpan ito habang sinabi, “Paano… Paano nangyari iyon? Hindi pa ako nakakapunta sa Aurous Hill, at wala akong kakilala dito, lalo na ang nobyo.”Kahit na nagmamadali si Marianne na itago ang mga tunay na nararamdaman niya, nahuli na ni Vera ang pagkataranta sa ekspresyon niya.Mas lalong naging sigurado si Vera na totoo ang kanyang hula dahil sa kaunting pagbabago na ito.Kasama na ang pagkakakilanlan ni Marianne, sino pa bukod kay Charlike ang kayang ipasantabi sa isang ma
last updateHuling Na-update : 2024-08-29
Magbasa pa

Kabanata 5226

Sinabi nang nagmamadali ni Marianne, “Hindi na, Lady Carrick. Sa tingin ko ay dapat unti-unting matagpuan ng isang tao ang ganitong uri ng bagay. Kung hindi mo ito matatagpuan, ang ibig sabihin ay wala dito ang tadhana mo at palaging may tao para sayo kung maghihintay ka lang nang kaunti.”Nang mapansin ni Lady Carrick ang matatag na saloobin niya, bumuntong hininga siya nang mahina at tumango nang bahagya.Pagkatapos kumain, nagpahinga si Marianne sa Scarlet Pinnacle Manor nang ilang sandali bago siya sinamahan ni Madam Marilyn habang pumunta siya sa Aurous University para sa interview.Ngumiti nang maliwanag si Vera habang hinatid niya si Marianne sa kotse. Pagkatapos umalis ng kotse sa Scarlet Pinnacle Manor, agad nawala ang inosente at kaaya-aya na ngiti ni Vera habang tumalikod siya, at napalitan ito ng kanyang karaniwang kalmadong hitsura.Sumunod sa likod si Logan at sinabi nang magalang, “Miss, maaari ba kitang tanungin?”Nalito si Logan dahil nakikita niya na pinapangunah
last updateHuling Na-update : 2024-08-30
Magbasa pa

Kabanata 5227

Hindi nasorpresa si Vera nang puno ng pagduduad si Logan at inulat ang impormasyon kay Vera.Ngumisi lang siya at sinabi, “Malinaw na kasal si Charlie, pero inaakit niya pa rin ang mga babae kung saan-saan. Kaya niyang papuntahin si Marianne sa Aurous Hill para sa kanya pagkatapos lang ng isang pagpunta sa Hong Kong, kaya siguro ay maaakit niya rin ang ibang babae kung pupunta siya sa ibang lugar. Kung kaya mong alamin ang mga pinuntahan ni Charlie sa mga nakaraang taon, marahil ay mahahanap mo ang maraming babae na may gusto sa kanya.”Ngumiti nang nahihiya si Logan at bumuntong hininga, “Masasabi ko lang na may pambihirang karisma ang batang ito. Pero, natatakot ako na hindi magkakaroon ng positibong resulta si Marianne kung nahulog siya sa isang kasal na lalaki tulad niya.”Ngumiti nang kaunti si Vera, may naisip, at tinanong si Logan, “Kaya mo bang hanapin kung anong pagkakakilanlan ang ginamit ni Charlie at bakit siya pumunta sa Hong Kong para makipagkita kay Shawn.”“Madali i
last updateHuling Na-update : 2024-08-30
Magbasa pa

Kabanata 5228

Ipinaliwanag ni Emmett, “Ang pamilya Schulz at pamilya Wade ay naglalaban nang bukas at patago sa napakaraming taon. Mayroon pa silang sobrang pangit na relasyon sa mga unang taon. Nanguna ang pamilya Schulz sa paggawa ng Anti-Wade Alliance sa Eastcliff dati para lang labanan ang pamilya Wade. Pagkatapos, nang pumanaw nang hindi inaasahan si Curtis wade at ang asawa niya, naapektuhan nang sobra ang pamilya Wade, at ang pamilya Schulz ang naging pinakamalakas na pamilya sa Oskia at palaging nilalamangan ang pamilya Wade. Masasabi na may malaking galit sa isa’t isa ang dalawang pamilya, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagtatrabaho si Charlie para sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group…”Umiling si Vera at sinabi, “Mali ang pag-iisip mo. Hindi ito sa kung bakit nagtatrabaho si Charlie para sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group, ngunit kung nagtatrabaho ba ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group para kay Charlie.”Hindi naiintindihan nina Logan at Emmett ang kahalagahan ng mastery ni Charlie
last updateHuling Na-update : 2024-08-31
Magbasa pa

Kabanata 5229

“Nasakop ni Charlie ang pamilya Schulz at Ten Thousand Armies?!”Natakot si Emmett nang marinig niya ito at sinabi, “Miss, ito… medyo pagmamalabis na ito, hindi ba? Mas malakas ang pamilya Schulz kumpara sa pamilya Wade, at ang lakas ng Ten Thousand Armies ay hindi masusukat ng pera. May sampu-sampung libong mercenary sila, at sinasabi na nag-invest na sila at ginawa ang sarili nilang permanenteng base sa Middle East ngayon. Paano masasakop ni Charlie ang ganitong uri ng organisasyon?!”Sinabi nang mahina ni Vera, “Ang lakas ni Charlie ay malayo sa kayang tapatan ng Ten Thousand Armies. Kung hindi, imposible para kay Charlie na mabuhay kapag inatake ng pamilya Schulz at Ten Thousand Armies ang Mount Wintry. Kahit na hindi natin alam kung ano talaga ang nangyari sa Mount Wintry sa araw na iyon, makikita natin sa mga resulta na hindi naapektuhan si Charlie sa kahit anong paraan, na sapat na para patunayan na nabigo ang pamilya Schulz at Ten Thousand Armies sa Mount Wintry sa araw na iy
last updateHuling Na-update : 2024-08-31
Magbasa pa

Kabanata 5230

“Kakaiba iyon…” Kumunot ang noo ni Vera. “Bakit niya ipapasa ang posisyon bilang head ng pamilya sa kanyang apong babae kung may limang anak na lalaki siya? Lalo na at babae ang apo niya, pero direkta niya pang nilampasan ang henerasyon ng mga anak niya at pinili ang apong babae niya para palitan siya. Hindi ba’t madali itong gagawa ng sama ng loob sa limang anak na lalaki niya? Kahit ang ama ni Sophie ay hinding-hindi magiging handa na tanggapin ang katotohanan na direkta siyang nilampasan.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Vera, “Kahit na pinapahalagahan ni Cadfan si Sophie at mataas ang tingin niya sa kanya, dapat ay ipasa niya rin muna ang posisyon bilang head ng pamilya sa ama ni Sophie bago ipasa ng kanyang ama ang posisyon sa kanya. Sa ganitong paraan, magiging solido rin ang posisyon ni Sophie. Kung hindi, paano makokontrol ni Sophie ang kanyang ama, apat na tito, at dalawang tito pagkatapos direktang umangat sa tuktok? Kahit na may suporta siya ni Cadfan, mahihirapan si Sophie na
last updateHuling Na-update : 2024-09-01
Magbasa pa
PREV
1
...
521522523524525
...
561
DMCA.com Protection Status