Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4481 - Kabanata 4490

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4481 - Kabanata 4490

5756 Kabanata

Kabanata 4481

Kaya, magiging mayaman sila sa isang gabi kung magtutulungan silang lahat!Sa sandaling ito, ang lalaking sumugod sa harap ay tumalon at direktang sumipa sa mukha ni Charlie!Ayon sa akala niya, siguradong masisipa niya si Charlie at babagsak siya sa sipang ito. Basta’t makakasugod ang mga natitirang kasama niya sa oras at sisipain si Charlie para hindi siya makalaban, sapat na iyon para bugbugin si Charlie hanggang sa malapit na siyang mamatay.Pero, hindi umatras o umiwas si Charlie. Sa halip, bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at sinunggaban ang binti ng lalaki gamit ang dalawa niyang kamay!Pagkatapos nito, naramdaman agad ng lalaki na biglang huminto sa ere ang buong katawan niya, at parang nawala ang puwersa ng pagsugod at pagtalon niya, salungat talaga ito sa common sense!Habang nakahinto siya sa ere at hindi niya alam ang gagawin niya, tumingin si Charlie sa kanya, ngumisi, at sinabi, “Saan ka galing? T*ng ka!”Pagkatapos nito, malakas na iwinasiwas ni Charlie ang mg
Magbasa pa

Kabanata 4482

Natakot si Dillion nang sobra kay Charlie nang ilang sandali, at hindi siya naglakas-loob na magsalita.Alam niya na kapag hindi napigilan ng pamilya Brown at ng Order of the Star si Charlie, wala na siyang ibang alas na magagamit.Kaya, hindi siya naglakas-loob na patuloy na subukan ang kayang gawin ni Charlie.Gayunpaman, hinding-hindi siya pagbibigyan nang madali ni Charlie. Kaya, tinaas niya ang kanyang kamay, sinampal ulit si Dillion, at tinanong, “Magsalita ka! Tanga ka ba?!”Namamaga na ang bibig ni Dillion sa sandaling ito, tila ba may dalawampung itlog ng pugo na na nakalagay sa kanyang bibig. Kaya, tiniis niya na lang ang sakit at umungot, “Ma… Mali ako. Pakawalan mo sana ako, Sir. Pakawalan mo sana ako…”Sinampal ulit siya ni Charlie at sinabi nang malamig, “Tinatanong kita kung ikaw ba ang nagsabi ng mga salitang iyon kanina lang! Pupunitin ko ang bibig mo kung may sasabihin ka pang kalokohan!”Umiyak si Dillion at umungol nang miserable habang sinabi, “Ako iyon… Ako
Magbasa pa

Kabanata 4483

Nagulat si Marianne at nabalisa habang nagsalita siya nang tapat at nag-aalala, “Charlie, nagmamakaawa ako sayo na makinig ka sakin. Siguradong hindi ka pagbibigyan ng pamilya niya pagkatapos mo siyang bugbugin nang sobra! Paano mo maaayos ang mga bagay, kung gano’n?! Kahit ang ama ko ay hindi ka mapoprotektahan…”“Ang ama mo?” Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kahanga-hanga na nang sobra kung mapoprotektahan niya ang sarili niya.”Pagkasabi nito, hindi na ipinagpatuloy ni Charlie ang paksa kay Shawn, at sinabi niya kay Marianne, “At saka, hindi ito tanong kung pagbibigyan ba ako ng pamilya niya o hindi, ngunit kung pagbibigyan ko ba sila o hindi. Kung hindi niya matitiis ang isang daang sampal, kailangan itong tiisin ng kanyang ama o ninong para sa kanya. Masisisi lang ng kanyang ama ang sarili niya dahil nabigo siyang pangaralan nang mabuti ang kanyang anak, at masisisi lang ng kanyang ninong ang sarili niya dahil ginamit niya siya sa mga krimen niya.”Nagulat si Marianne at walang m
Magbasa pa

Kabanata 4484

Agad nagkaroon ng emotional breakdown si Wester dahil sa mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling nanghina ang mga binti niya, bumagsak siya habang umiyak at nagmakaawa, “Sir… Tauhan lang ako sa Order of the Star. Maawa ka sana sa akin at pakawalan ako dahil nawalan na ako ng isang braso…”Sumimangot si Charlie at sinabi, “Hindi ko talaga maintindihan ang mga miyembro ng gang tulad mo. Karaniwan ay kayo ang mga pinakamalupit na tao, pero kayo rin ang pinaka duwag kapag may problema. Hindi ba pwede na maging mas matatag kayo nang kaunti?”Umiyak si Wester at sinabi, “Sir, hindi na ako makakapag trabaho sa underground sa hinaharap kung babaliin mo rin ang binti ko…”Tinanong siya ni Charlie, “Iniisip mo ba na pagalingin ang mga injury mo para patuloy kang maging isa sa Double Pride sa Order of the Star?”Umiling nang nagmamadali si Wester at sinabi, “Hindi… Hindi ito ang ibig kong sabihin.”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Sapat na ang kikitain mo kung magtatrabaho ka nang tapat gamit ang
Magbasa pa

Kabanata 4485

Patuloy na tinanong ni Marianne, “Kung gano’n, sadya mo silang inakit dito para talunin sila?”“Tama.” Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Dapat tingnan mo ang boss ng isang tao bago sila parusahan, pero kailangan mo rin pumili ng isang angkop na lugar para kumilos. Hindi ko kayang pumili ng isang lokasyon kung saan makakatakas sila o makakagawa ng gulo sa lugar na maraming tao sa sandaling ginalaw ko sila.”Tiningnan ni Marianne ang magaan na ekspresyon sa mukha ni Charlie, at nang maisip niya kung ano ang ginawa niya kanina lang, hindi niya mapigilan na sabihin, “Isa kang demonyo!”“Demonyo?” Kumunot ang noo ni Charlie at sinabi, “Ako, ang demonyo, ay hindi naisip na dahasin ka, pero ang lalaking iyon na nasa car trunk ay hindi lang naisip na dahasin ka, ngunit gusto niya rin na dahasin ka ng gang niya ng mga malalakas at matipunong lalaki. Kaya, sino sa tingin mo ang tama, at sino ang may kasalanan?”Namula si Marianne bago namutla ang kanyasng mukha. Makalipas ang matagal na
Magbasa pa

Kabanata 4486

Nang makita ni Charlie ang malungkot na ekspresyon ni Marianne, bigla siyang nakaramdam ng awa para sa eldest young lady ng mayamang pamilya sa Hong Kong.Kahit na mayaman si Shawn, hindi pa rin nagkaroon ng kumpletong kabataan si Marianne.Ang pagtataksil ng kanyang ama at ang maagang pagkamatay ng kanyang ina ay sinira nang tuluyan ang kabataan niya.Medyo pareho ang mga karanasan nina Charlie at Marianne sa bagay na ito.Kahit na may magandang relasyon ang mga magulang ni Charlie, nasira nang tuluyan ang kabataan ni Charlie pagkatapos pumanaw ng mga magulang niya.Simula noong, tumira si Charlie sa bahay ampunan ng sampung taon. Kahit na inalagaan siya ni Mrs. Lewis, masakit na dekada pa rin ito para kay Charlie.Ito ay dahil kailangan niyang tanggapin ulit ang realidad ng pagkamatay ng mga magulang niya araw-araw sa unang limang taon, at kailangan niyang labanan ang lungkot dahil nimimiiss niya araw-araw ang mga magulang niya sa sumunod na limang taon.Ang nakapagpagaling ta
Magbasa pa

Kabanata 4487

Kumurap si Marianne at ginamit ang kanyang maputing kamay para sumenyas sa direksyon ng simula at dulo ng food street habang sinabi niya nang nakangiti, “Sa akin ang buong kalye!”“Wow!” Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga sa paghanga habang sinabi, “Sobrang mapagbigay ng boss na ito!”Ngumiti si Marianne at sinabi, “Kailangan mong magbayad ng ilang uri ng presyo kung gusto mong mapanatili ang mga tao at mga bagay.”Pagkasabi nito, ilang street vendor sa gilid ng kalsada ang nakakita kay Marianne at binati siya nang magalang.“Hello, Miss Marianne!”“Miss Marianne, nandito ka!”“Ano ang gusto mong kainin ngayong gabi, Miss Marianne?”Isa-isa silang binati ni Marianne, at tinatawag niya pa sila sa pangalan nila.Pagkatapos niyang batitin ang mga tao, sinabi niya kay Charlie, “Umuunlad nang mabilis ang ekonomiya ng Hong Kong sa nakaraang ilang taon, at nabili na at handa nang paunlarin ang ganitong lugar. Sa sandaling iyon, tinaasan ng ilang beses ng may-ari ng kalye
Magbasa pa

Kabanata 4488

Wala nang magawa si Marianne kay Charlie.Kahit na alam niya na sobrang lakas ni Charlie, wala pa rin siyang kumpiyansa na madadaig ni Charlie ang pamilya Brown at ang Order of the Star.Pero, may plano na siya sa kanyang isipan.Kung magiging sobrang sama na talaga ito sa punto na hindi ito matatapos, pupunta siya at magmamakaawa sa kanyang ama para pumagitna.Kung hindi malulutas ng kanyang ama ang problema, didiretso siya sa pulis.Dahil, pinangunahan ni Dillion ang mga tao para sundan sila ngayong araw, at balak pa nilang patayin si Charlie. Masasabi na self-defense ang ginawa ni Charlie.Sa sandaling iyon, kayang magtulungan ng pulis at ng kanyang ama para i-pressure ang pamilya Brown at ang Order of the Star, at marahil ay may pagkakataon na mangialam!Pagkatapos nito, dinala ni Marianne si Charlie sa isang sobrang abala na wonton noodles stall.Nang makita niya na puno na ang mga maliliit na lamesa sa harap ng stall, ngumiti siya at sinabi sa boss, “Mr. Callen, maganda a
Magbasa pa

Kabanata 4489

Pagkasabi nito, sinabi ni Marianne nang medyo malungkot, “Ang lahat ng nandito ay katulad ng dati bukod sa katotohanan na matanda na sila ngayon, lumaki na ako, at wala na ang ina ko dito.”Nang makita ni Charlie na medyo malungkot si Marianne, nagpanggap siyang relax habang sinabi sa magaan na paraan, “Maagang pumanaw ang mga magulang ko. Pagkatapos nilang mawala, naging ulila ako, at tumira ako sa bahay ampunan ng sampung taon. Kung ikukumpara, mas maganda at mas masaya ang sitwasyon mo.”“Ulila ka?!” Tumingin si Marianne kay Charlie sa sorpresa habang may hindi makapaniwalang tingin.Tumango si Charlie at sinabi, “Marahil ay ako ang pinakamasayang bata sa buong mundo bago ako maging walong taong gulang. Nahulog ako mula sa pinakamataas papunta sa pinakamababang punto ng buhay ko sa isang gabi. Pagkatapos nito, naghirap ako sa daan hanggang ngayon.”Sinabi ni Marianne, “Sobrang bata mo pa, pero may mahalagang posisyon ka na sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group… Pinapatunayan nito n
Magbasa pa

Kabanata 4490

Nang naghiwa-hiwalay ang mga tao, iniwan nila ang isang cake at isang lamesa na puno ng mga pagkain at meryenda.Namumula pa rin ang mga mata ni Marianne, at naliligaw siya sa mga iniisip niya habang nakatingin siya sa lamesa na puno ng mga pagkain.Tumingin si Charlie sa kanya at tinanong nang malambot, “Miss mo ang iyong ina?”Natauhan si Marianne at tumango nang marahan. Isang maliit na luha ang dumaloy sa kanyang pisngi, at mabilis niyang pinunasan ang luha habang sinabi, “Namimiss ko siya nang sobra sa tuwing kaarawan ko…”Pagkasabi nito, ngumiti siya nang mabilis, tumingin kay Charlie, itinaas ang kanyang kamay, at sinabi sa mapaglarong tono, “Bigyan mo ako ng regalo! Ayos lang ang kahit ano.”Sinabi nang nahihiya ni Charlie, “Tingnan mo ang sorpresa na ito. Hindi ko nga alam na kaarawan mo ngayon, kaya hindi ako nakapaghanda nang maaga…”Ngumiti si Marianne at sinabi, “Hindi ito mahalaga. Ayos lang ang kahit ano. Ayos lang din kung bibigyan mo ako ng isang barya.”Nag-isi
Magbasa pa
PREV
1
...
447448449450451
...
576
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status