Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4501 - Kabanata 4510

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4501 - Kabanata 4510

5759 Kabanata

Kabanata 4501

Ngumisi si Charlie. “Hindi ka karapat-dapat na tanungin ako sa pinagmulan ko. Hindi ba’t nandito ka para lutasin ang problema? Bibigyan kita ng solusyon sa problema ngayon. Bilang leader ng Order of the Star, pinahintulutan mo ang mga kilos ng tauhan mo at tinulungan ang mga masasamang tao. Iisipin ko ang matandang edad mo at hindi ko na ito hahabulin kung yuyuko ka at hihingi ng tawad sa akin dito ngayong araw.”Pagkatapos nito, tinuro niya si Rudy, na nasa tabi ni Solomon, at sinabi nang malamig, “Ikaw ang ama ni Dillion, tama? Pinagbalakan ng anak mo si Miss Marianne ngayong araw. Bilang isang ama, hindi mo tinuruan nang mabuti ang anak mo, kaya, hindi mo maiiwasan ang responsibilidad na ito. Hindi kita sisisihin kung luluhod ka at yuyuko nang tatlong beses sa harap ni Miss Marianne ngayon din.”Nagalit nang sobra sina Solomon at Rudy sa mga sinabi ni Charlie.Lalo na si Solomon. Nasa underground world siya sa halos lahat ng buhay niya, pero hindi pa siya nakakakilala ng isang ta
Magbasa pa

Kabanata 4502

Sa sandaling ito, si Shawn, na katatapos lang maghapunan sa mansyon niya, ay nagpapahinga sa pool habang may bathrobe na suot at tabako sa kanyang bibig.Si Jenna, na may magandang katawan pa rin, ay may suot na bikini habang sinasamahan siya.Si Jenna, na matagal nang hindi nagsusuot ng bikini, ay medyo hindi naging komportable at sinabi, “Shawn, may bisita tayo sa bahay. Hindi ba’t hindi angkop kung makikita niya ako na ganito ang suot?”Ngumisi si Shawn at sinabi, “Anong kinatatakutan mo? Naghahapunan si Charlie kasama si Marianne, kaya hindi siya babalik nang sobrang aga.”Walang nagawa si Jenna at tinanong siya, “Bakit gusto mong lumangoy sa gabi? Bakit sobrang ganda ng mood mo?”Nakaumbok ang tiyan ni Shawn habang hinihithit ang tabako niya, at ngumiti siya at sinabi kay Jenna, “Narinig ko na malapit nang pabalikin ng United States si Jenna. Kung mabilis ito, marahil ay dumating siya sa makalawa!”Namutla agad ang ekspresyon ni Jenna habang sinabi, “Shawn, hindi mo talaga s
Magbasa pa

Kabanata 4503

Tinabi ni Shawn ang bathrobe niya at sinabi nang magaan, “Okay, sige. Maghintay ka lang sa bahay. Pupunta ako at titingnan kung ano ang nangyayari.”Tinanong siya ni Jenna, “Gusto mo bang sumama ako sayo?”“Hindi na.” Kumaway si Shawn at sinabi, “Mas magulo kung pupunta ka.”***Hindi matagal, isang convoy ng tatlong Rolls-Royce ang lumabas sa mansyon ni Shawn sa Steerlain Island.Mabilis na pumunta ang convoy sa Lan Kwai Fong sa sandaling lumabas ito.Samantala, sa ClubWaves, nakaupo si Solomon sa harap nina Charlie at Marianne habang may ngiti sa kanyang mukha.Tumingin si Solomon kay Charlie at ngumiti habang sinabi, “Bata, swerte ka talaga. Gumawa ka ng maraming problema, pero may isang magandang babae tulad ni Miss Long na handa kang ipagtanggol kahit anong mangyari. Swerte ka talaga. Kailangan mong pasalamatan si Miss Long kung makakalabas ka nang buhay sa lugar na ito ngayong gabi.”Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Ikaw dapat ang magpasalamat sa kanya. Kung hindi n
Magbasa pa

Kabanata 4504

Nang makita ni Shawn na kumikilos na na parang mambubutang si Solomon, alam niya na imposible na para sa kanya na mangatwiran sa kabila tungkol dito.Kaya, unti-unting kumalma ang ekspresyon niya habang tinanong, “Mr. Star, paano mo gustong lutasin ang bagay na ito? Sabihin mo lang ito nang direkta sa akin.”Tumingin si Solomon kay Shawn at pagkatapos ay kay Marianne, at suminghal siya nang malamig habagn sinabi, “Mr. Long, huwag mong sabihin na hindi ako palakaibigan o walang katwiran. Alam ko na hindi kumilos ang anak mo para saktan ang mga miyembro ng Order of the Star, at alam ko na wala siyang ginawa para saktan ang god-grandson ko, si Dillion. Kaya, kailangan mo lang maglabas ng 10 million US dollars para kunin siya.”“10 million US dollars?!” Sinabi ni Shawn na tila ba may tumapak sa buntot niya. “Mr. Star, nagkamali ka ba? Ikaw ang nagsabi na walang ginawa ang anak ko. Hindi ba’t sobra naman ang hinihingi mo kung gusto mong makakuha ng 10 million US dollars para sa wala?!”
Magbasa pa

Kabanata 4505

Kaya, lumambot nang kaunti ang ekspresyon niya, at ngumiti siya habang sinabi, “Mr. Long, matapang ka talaga! Pinapahalagahan ko ito!”Suminghal si Shawn at sinabi, “Mr. Star, bakit hindi mo sabihin nang direkta sa akin ang huling alok mo, kung gano’n?”Tumango si Solomon at sinabi, “Mr. Long, hindi ako magsasalita nang paligoy-ligoy. Aayusin ko ang bagay na ito para sa five million US dollars.”Kumunot ang noo ni Shawn at tinuro sina Marianne at Charlie habang sinabi nang malakas, “Kaya kitang bigyan ng five million US dollars, pero kailangan kong kunin silang dalawa.”Tumawa nang malakas si Solomon. “Haha! Mr. Long, marahil ay hindi mo naiintindihan ang sitwasyon, pero ang dahilan kung bakit ka nandito ay para lutasin ang problema ng anak mo. Ang dahilan kung bakit ang problema ng anak mo ang nilulutas ay dahil hindi ang anak mo ang pangunahing salartin sa bagay na ito. Kaya, nagpasya ako na bigyan ka ng pagkakataon para lutasin ang alitan na ito para sayo.”Pagkasabi nito, tinu
Magbasa pa

Kabanata 4506

Nagulantang si Shawn nang marinig niya ang mga sinabi ni Marianne.Tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Baliw ka ba?! Hindi mo ba alam na mamamatay ka lang kung mananatili ka dito?!”“Wala akong pakialam.” Sinabi ni Marianne habang may matatag na ekspresyon, “Gusto kong manatili sa tabi ni Charlie kahit na manatili o umalis ako, mamatay o mabuhay!”Nabalisa si Shawn, at sinabi niya, “Marianne! Hindi ito ang oras para maging loyal ka! Basta’t makakaalis ang isang tao ngayon, mas mabuti ito kaysa sa dalawang tao ang mamatay nang magkasama!”Gayunpaman, matatag ang mga mata ni Marianne habang sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Hindi mo ako kailangan hikayatin. Pwede kang umalis nang mag-isa.”Galit na pinadyak ni Shawn ang kanyang paa. “Baliw ka ba?! Wala kang magagawa sa pananatili dito!”Sinabi nang malamig ni Marianne, “Sinabi ko na na wala akong pakialam! Gusto ko lang manatili kasama si Charlie!”“P*ta!” Nagngalit si Shawn. Pagkatapos ay nilabas niya ang kanyang checkbook
Magbasa pa

Kabanata 4507

Para sa cultivation ng martial arts, ang mga taong nasa rurok ang nakakakita ng mga cultivation level ng mga nasa ibaba, habang ang mga nasa ibaba ay hindi nakikita ang cultivation ng nasa itaas.Nakikita ni Charlie na isa siyang martial artist sa unang tingin, pero hindi niya makita ang cultivation level ni Charlie. Ang ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na mas malakas si Charlie sa kanya!Kung isang four-star martial artist si Charlie, may abilidad siya na kumilos nang mabangis.Kung isang five-star martial artist si Charlie, marahil ay madali niya siyang matatalo gamit lang ang isang atake!Nang makita ni Charlie na nabalisa si Mr. Lanyon, sinabi niya nang sadya, “Wala akong nakikita, pero narinig kong pinag-uusapan ka ng iba. Sinasabi nilang lahat na isa kang three-star martial artist.”Sa totoo lang, gawa-gawa lang ito ni Charlie. Kahit kailan ay wala siyang narinig na pinag-usapan ang taong ito o ang cultivation level niya.Bukod dito, sinabi niya ito dahil ayaw niyang
Magbasa pa

Kabanata 4508

“Tumawag ng tao dito?” Suminghal nang malamig si Mr. Lanyon sa panghahamak, “Bakit? Gusto mo pa rin tumawag para humingi ng tulong?!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi ito katulong. Ayaw mo bang malaman kung nasaan si Dillion? Kaya kong tumawag ngayon ng tao para dalhin siya dito.”Ngumisi si Solomon at sinabi, “Bata, iniimbita mo talaga ang kamatayan mo. Sa tingin mo ba ay makakalabas ka nang ligtas kung tatawag ka at dadalhin mo ang mga katulong mo dito? Sasabihin ko sayo na walang kayang kumuha sayo, kahit ang Diyos, palabas sa teritoryo ko!”Ngumiti si Charlie, “Hindi ko kailangan ng tao para ilabas ako. Aalis ako sa lugar nang mag-isa pagkatapos kitang parusahan. Luluhod ka sa sahig habang tumatahol at gumagapang na parang aso sa oras na iyon.”“T*ng ina mo!” Nagalit si Solomon. Tinuro niya si Charlie at sinigaw kay Mr. Lanyon, “Patayin mo siya! Ngayon din! Agad-agad!” Si Rudy, na nasa gilid, ay nataranta, at sinabi nang nagmamadali kay Solomon, “Ninong, hindi ka pwedeng k
Magbasa pa

Kabanata 4509

Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at tumakbo papasok, at natataranta siya habang sinigaw, “Leader! May tatlong tao sa labas… Ah hindi, apat na tao, at isa sa kanila ay may dala-dalang isang tao sa balikat niya…”Kumunot ang noo ni Solomon, at nahulaan niya agad na ang dala ng kabila ay ang god-grandson niya, si Dillion. Kaya, sinabi niya, “Tatlong tao? Nangahas talaga na pumunta ang tatlong tao para guluhin ako? Hindi ba nila alam na may isang daang tao ako dito?! Papasukin mo sila!”Nagmamadaling tumakbo ang tauhan pabalik sa pinto at sinabi kay Porter, “Mangyaring pumasok kayo.”Hindi na nagsalita si Porter at pumasok kasama ang dalawang War King, sina Hunter at Zayne.Sa sandaling ito, may nagiti si Solomon sa kanyang mukha, tila ba nakamit niya na ang tagumpay.Naramdaman niya na hindi lang baliw si Charlie, ngunit sobrang tanga niya rin.Kaya, tumingin siya kay Charlie habang may mapaglarong ekspresyon at ngumiti habang sinabi, “Bata, hindi ka pwedeng magpanggap na
Magbasa pa

Kabanata 4510

Nang biglang lumuhod si Mr. Lanyon sa sahig, ang lahat ng nandoon, bukod kay Charlie at sa mga tao mula sa Ten Thousand Armies, ay natulala, tila ba tinamaan sila ng kidlat!Dahil, si Mr. Lanyon ay isang kakaiba at ang nasa rurok sa Hong Kong.Hindi malaki ang siyudad ng Hong Kong, at ang lugar na iyon ay may napakaraming underground gang at lipunan. Pero, sa maraming martial artist, hindi ito isang angkop na lugar para tirahan.Halimbawa, ang mga gang member sa Hong Kong ay malayo sa pagiging kamangha-mangha tulad sa mga pelikula. Pagdating sa mga totoong gang sa Hong Kong, mga mambubuntang lang sila.Kapag gumawa ng krimen ang mga gang member, kaya nilang sumakay sa isang bangka ng isang oras, at maituturing na nakatakas na sila. Kung lalabas ito sa publiko, siguradong pagtatawanan sila ng mga tao.Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming Oskian gang ay pumunta sa Japan at sa North America para magpaunlad. Ang isa sa mga dahilan ay wala talagang lugar para umunlad dito.Dahl
Magbasa pa
PREV
1
...
449450451452453
...
576
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status