Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4491 - Chapter 4500

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4491 - Chapter 4500

5759 Chapters

Kabanata 4491

Pero, buong hapon nasa labas si Dillion, at hindi pa siya bumabalik kahit gabi na. Hindi niya rin matawagan ang cellphone ni Dillion, kaya nabalisa siya nang sobra.Sa mga nagdaang taon, habang palaki nang palaki ang negosyo ni Rudy, gusto niyang lumayo sa Order of the Star hangga’t maaari. Pero, matalino rin si Solomon at marami siyang karanasan, at ayaw niyang itapon siya ni Rudy pagkatapos niya siyang gamitin sa sarili niyang kapakinabangan.Napagtanto rin ni Rudy na tinatrato siya ni Solomon na parang isang bangkjo, tulad kung paano niya tinrato si Solomon bilang kanyang backer para suportahan siya, at ayaw siyang pakawalan ni Solomon kahit anong mangyari.Kaya, sinusubukan na lang ni Rudy ang lahat ng makakaya niya para humanap ng paraan para maging matatag si Solomon.Kailan lang ay kumita ng marami si Solomon sa negosyo ng pagpupuslit ng mga frozen meat. Gayunpaman, dahil sa kakulangan nito sa laki, umaasa siya na aabante si Rudy para makapag-rehistro ng isang ocean shipping
Read more

Kabanata 4492

Habang malapit nang matapos kumain sina Charlie at Marianne at hinihiwa na nila ang cake, isang grupo ng mga tauhan mula sa Order of the Star ay nakita na ang Rolls-Royce ni Dillion sa underground parking lot sa Tsim Tsa Tsui.Sa sandaling iyon, noong sinusundan ni Dillion, Wester, at ng iba sina Charlie at Marianne, akala ni Dillion na matalino siya dahil hindi niya ginamit ang Rolls-Royce niya. Dahil, masyadong kapansin-pansin ang Rolls-Royce niya sa target. Natatakot siya na madidiskubre agad sila ni Charlie.Pero, sa sandaling ito, si Dillion, na nakahiga sa car trunk ni Marianne, ay hinding-hindi aakalain na matagal na silang napansin ni Charlie bago pa sila umalis.Nang mahanap ng mga tauhan ng Order of the Star ang Rolls-Royce ni Dillion, nakuha nila ang surveillance camera footage mula sa underground parking lot habang inulat ang bagay na ito kay Solomon dahil balak nilang maghanap ng mga clue pagkatapos umalis ni Dillion.Sa sandaling ito, isng balisang Rudy ang pumunta sa
Read more

Kabanata 4493

Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa kanilang dalawa, “Mr. Star, Mr. Brown, mauuna na akong umalis. Siguradong ipapaalam ko sa inyong dalawa sa sandaling may kahit anong balita!”Tumalikod si Mr. Lanyon at umalis. Nang makita ni Solomon ang nababalisang ekspresyon ni Rudy, pinagaan niya ang kalooban niya at sinabi, “Rudy, huwag kang masyadong mag-alala. Naniniwala ako na walang kahit sino sa Hong Kong ang maglalakas-loob na galawin sila.”Sinabi ni Rudy habang may nakangiwi na ekspresyon, “Ninong, sa totoo lang, kahit na inosente si Wester, natatakot ako na may ibang tao na desperado at mas gugustuhin ang pera kaysa sa buhay nila na dudukot kay Dillion para sa ransom!”Kumaway si Solomon at sinabi, “Rudy, hindi mahalaga kung nadukot si Dillion ng mga tao sa labas. Si Mr. Lanyon ay isang three-star martial artist na kinuha ko gamit ang maraming pera. Dahil nandito siya, kung may mangangahas na saktan si Dillion, sisiguraduhin ko na hindi siya mamamatay nang payapa!”Nasorpresa s
Read more

Kabanata 4494

Alam ni Rudy na siguradong maglalabas siya ng malaking pera ulit ngayon.Pero, nawawala ang anak niya ngayon, at kailangan niya pa rin umasa sa tulong ni Solomon. Kaya, tinanong niya na lang nang magalang, “Ninong, sabihin mo lang kung anong uri ng tulong ang kailangan mo mula sa akin. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makatulong.”Tumango nang kuntento si Solomon at bumuntong hininga habang sinabi, “Rudy, ikaw talaga ang pinakamagaling sa pagbayad ng kabutihan!”Pagkasabi nito, bumuntong hininga ulit siya at sinabi, “Oh! Kailan lang, may kaunting pag-unlad sa negosyo ko ng pagpupuslit ng frozen meat. Pero, hindi kasing dali tulad ng inaasahan ko ang negosyo na ito. Lalo na dahil masyadong malaki ang pagkalugi sa frozen meat sa pagdating nito. Binabantayan nang mabuti ng anti-smuggling department ang larangan na ito, at nawalan kami ng maraming produkto. Kaya, gusto kong tulungan mo ako na magrehistro ng isang ocean shipping company. Sa reputasyon mo, siguradong m
Read more

Kabanata 4495

Hindi pumayag si Rudy dito, at naglabas ng mensahe si Bryce para turuan siya ng leksyon.Pero, sa oras na iyon, hindi siya gustong patayin ni Bryce. Gusto niya lang na kumuha ng isang braso mula sa kanya.Sa sandaling iyon, nang humingi ng tulong si Rudy kay Solomon, ayaw niyang patayin ni Solomon si Bryce. Gusto niya lang na pumagitna si Solomon para tulungan siyang ayusin ang mga bagay para lumayo si Bryce sa kanya.Pero, gumawa ng sariling desisyon si Solomon para direktang patayin si Bryce. Pagkatapos nito, tinapon ni Solomon ang katawan ni Bryce sa pundasyon ng overpass construction site.Simula noon, palaging sasabihin ni Solomon ang kamatayan ni Bryce sa tuwing kailangan niya ang tulong ni Rudy. Ang palihim na mensahe ay isang babala kay Rudy na may ganitong siyang impormasyon na magagamit laban kay Rudy.Hindi natatakot si Rudy sa smula. Dahil, si Solomon ang pumatay kay Bryce, habang hindi niya sinabi na gusto niyang patayin ni Solomon si Bryce.Pero, mapanlinlang na mat
Read more

Kabanata 4496

Habang pinapangunahan ni Mr. Lanyon ang isang grupo papunta sa Saffron Ridge, minamaneho ni Marianne ang kanyang Tesla at dinala si Charlie sa Lan Kwai Fong.Pagkatapos iparada ang kotse sa harap ng ClubWaves, tinanong ulit ni Charlie, “Sigurado ka ba na gusto mong pumasok?”Tumango si Charlie at sinabi, “Nandito na tayo, kaya kahit ano pa, kailangan kong pumasok at umupo.”Pagkasabi nito, naghanda si Charlie na buksan ang pinto ng kotse at lumabas sa kotse.Nagmamadaling hinawakan ni Marianne ang kamay ni Charlie at sinabi nang kinakabahan, “Charlie, pag-isipan mo ulit ito. Siguradong hinahanap ng pamilya Brown at ng Order of the Star si Dillion at ang mga kasamahan niya sa sandaling ito. Basta’t maghahanap sila sa Saffron Ridge, malalaman nila na tayo ang kumuha kay Dillion. Sa sandaling iyon, siguradong hahanapin nila tayo sa buong Hong Kong. May oras pa tayo kung tatakas tayo ngayon, pero kung papasok tayo, mahihirapan tayong makalabas.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinab
Read more

Kabanata 4497

Kaya, mas lalo siyang naging mausisa tungkol sa totoong pagkakakilanlan ni Charlie.Hindi matagal ay lumapit nang masunurin ang waitress dala-dala ang POS machine. Pagkatapos tulungan si Charlie na gamitin ang card niya, agad siyang nag-ulat ng tatlong malaking balita sa manager niya.Ang unang balita ay pumunta ang sikat na si Marianne sa shop nila.Ang pangalawang balita ay ang lalaking kasama niya ay may hawak na black gold card.At ang pangatlong balita ay mukhang may relasyon si Marianne sa lalaking iyon.Nang marinig ito ng manager, inutusan niya ang waitress na pagsilbihan nang mabuti si Charlie. Sa parehong oras, tumingin din siya nang hindi nag-iisip sa cellphone niya at naghandang tawagan si Dillion, ang young master ng pamilya Brown.Alam ng lahat na matagal nang nililigawan ni Dillion si Marianne, pero ngayon, mukhang may boyfriend na si Marianne.Kaya, balak niyang sabihin ang balitang ito kay Dillion sa lalong madaling panahon.Pero, nang tinawagan niya si Dillion
Read more

Kabanata 4498

Sa isang iglap, nakatanggap ng mensahe ang lahat ng miyembro ng Order of the Star na hanapin dapat nila si Marianne, ang eldest young lady ng pamilya Long.Pero, karamihan ng tao ay hindi naisip na nakaupo si Marianne sa isang nightclub na pinamamahalaan ng Order of the Star sa sandaling ito.Dinala ng waitress ang set menu at ang mga inumin na inorder ni Charlie, at lumapit ang manager ng nightclub at sinabi nang magalang, “Ang pinaka marangal na bisita namin, ako si Waltor, ang manager dito. Maaari niyong sabihin sa akin kung may kahit anong kailangan kayo o hiling.”Kumaway si Charlie sa kanya at sinabi, “Okay. Sige na at maging abala ka na.”Nagmamadaling tumango ang manager ng nightclub at sinabi, “Okay, Sir. Iiwan kita nang mag-isa, kung gano’n.”Pagkasabi nito, tumalikod siya at bumalik sa bar. Bigla siyang nakatanggap ng isang text message mula sa Order of the Star sa kanyang cellphone.Nang makita niya si Solomon, ang leader ng Order of the Star, na hinihiling sa lahat n
Read more

Kabanata 4499

Samantala, sa ClubWaves sa Lan Kwai Fong.Pinigilan ng ClubWaves ang kahit sinong ibang kaswal na customer na pumasok dahil sa natanggap nilang balita.Maraming miyembro ng Order of the Star na nasa malapit ang mabilis na sumugod doon para magbigay ng suporta.Sinimulan nilang bantayan ang lahat ng pasukan at labasan ng buong nightclub kung sakaling tatakas sina Charlie at Marianne.Dinala rin ni Mr. Lanyon ang mga tauhan niya habang mabili silang pumunta doon mula sa Saffron Ridge.Nakaupo si Charlie sa booth sa nightclub sa sandaling ito. Pinulot niya ang isang bote ng Ace of Spades wine at tinanong si Marianne, “Miss Marianne, gusto mo bang uminom?”Umiling nang kinakabahan si Marianne. “Hindi ako umiinom.”Tumingin si Charlie sa kanya at ngumiti habang tinanong, “Natatakot ka ba?”Tumango si Marianne. “Kaunti…”Pagkasabi nito, tinanong ni Marianne si Charlie, “Dapat ko bang papuntahin ang papa ko?”“Hindi.” Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong may tatawag sa kanya ma
Read more

Kabanata 4500

Hindi matagal ay nadiskubre ni Marianne ang kakaibang pangyayari. Mukhang binubulungan ng mga waitress sa buong nightclub ang mga bisita sa ibang lamesa.Hindi matagal pagkatapos nito, ang mga bisita na kinausap ng mga waitress ay tumatayo at umaalis agad.Hindi niya mapigilan na kabahan nang kaunti, at binulong niya kay Charlie, “Nandito na ba sila? Sa tingin ko ay may mali sa mga waitress na ito.”Ngumiti nang bahagya si Charlie, “Huwag kang kabahan. Magsisimula pa lang ang magandang palabas.”Pagkasabi nito, naglagay ulit si Charlie ng isang baso ng wine at sumipsip dito.Hindi matagal pagkatapos nito, wala na ang ibang bisita sa nightclub, naiwan na lang sina Charlie at Marianne sa booth nila.Pagkatapos, agad bumukas ang mga ilaw sa kisame, lumiwanag ang madilim ng nightclub, kasing liwanag ng umaga.Bigla rin tumigil ang malakas na musika, at mabilis na umalis ang DJ at ang mga waitress sa staff passageway.Pagkatapos, maraming tao ng mga binatang gangster na may mga mach
Read more
PREV
1
...
448449450451452
...
576
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status