Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4461 - Chapter 4470

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4461 - Chapter 4470

5756 Chapters

Kabanata 4461

Pagkatapos pumasok ng convoy, lumabas muna ang mga bodyguard sa kotse at binuksan ang pinto para kila Charlie, Shawn, at Jenna, na nasa ibang kotse.Binati ng mga kasambahay sina Shawn at Jenna na “Sir, Madam” nang sabay-sabay, pero direktang tinuro ni Shawn si Charlie at sinabi sa lahat, “Halika, batiin niyo si Mr. Wade!”Kaya, nagmamadaling yumuko ang mga tao kay Charli at binati siya ulit.Pagkatapos ay sinabi ni Shawn sa mga tao, “Mananatili si Mr. Wade sa bahay natin sa susunod na ilang araw. Kailangan niyong pagsilbihan nang mabuti si Mr. Wade at huwag niyong hayaan na makaramdam siya ng pagkayamot. Naiintindihan niyo ba ako?”Sumang-ayon nang sunod-sunod ang mga tao, at hindi sila nangahas na maging pabaya.Pagkatapos nito, sinabi ni Shawn kay Charlie, “Mr. Wade, pinalinis ko na sa mga kasambahay ang guest room bago ka pumunta. Mananatili ka dito kasama ako basta’t nasa Hong Kong ka. Hindi mo kailangan na maging magalang sa akin!”Sobrang saya rin ni Charlie na sumunod, ka
Read more

Kabanata 4462

Habang nakatingin si Charlie kay Marianne sa unang pagkakataon, naramdaman niya na mas maganda ang babaeng ito kumpara sa mga litrato niya.Ang nakita ni Charlie sa mga dokumento ay ang mga litrato ng babae sa ID. May suot na salamin si Marianne sa mga ID niya, at hindi siya nakangiti. Mukhang medyo mas maselan at maganda siya, pero malayo siya sa pagiging kamangha-mangha.Pero, sa sandaling ito, si Marianne, na nasa harap niya, ay payat at matangkad na may maputi at mapulang balat. Ang katangian ng mukha niya na walang makeup ay mayroong alindog ng isang klasikong kagandahan sa Oskia. Mayroon siyang mahabang ponytail, at mukhang isa siyang anghel na nahulog sa kapitbahayan na ito at ang top version ng babaeng kapitbahay.Sobrang simple lang ng suot ni Marianne. Mayroon siyang ordinaryong dres na may simpleng pares ng itim na sandal habang may suot na shoulder bag na walang brand. Mas lalong tumaas ang pambihirang aura niya dahil sa kaswal na pananamit.Hindi talaga inaasahan ni Ch
Read more

Kabanata 4463

Ang tao na pinaka kinamumuhian ni Marianne sa buong buhay niya ay si Jenna.Sa alaala niya, palaging umiiyak ang kanyang ina araw-araw sa bahay. Bihira lang umuwi ang kanyang ama, at sa panahon na iyon, sinabi sa kanya ng kanyang ina na nakikipagkita ang kanyang ama sa isang ahas sa labas. Kaya, iyon ang dahilan kung bakit wala siyang pakialam sa kanila.Ang ahas na tinutukoy ng kanyang ina ay si Jenna, na tinatago ni Shawn sa mansyon na ito sa Steerlain Island.Sa panahon na iyon, buntis pa rin ang ina ni Marianne at dinadala niya ang kanyang kapatid na babae, at ito ang dahil buntis siya, hindi niya pinansin regular na medical checkup at nabigo siyang makita at maiwasan ang initial stage ng cancer sa oras.Pagkatapos mabuntis ng sampung buwan, pinainom ng gatas ng kanyang ina ang kanyang kapatid ng kalahating taon pagkatapos niyang manganak. Sa panahon na ito, ayaw uminom ng kahit isang pill ng kanyang ina kahit may sakit siya para siguraduhin na malusog ang gatas niya. Kaya, mas
Read more

Kabanata 4464

Nagbago ang ekspresyon nina Shawn at Jenna sa sandaling binanggit ni Charlie ang roast goose.Bilang isang lokal na mamamayan sa Hong Kong, dati ay mahilig kumain ng roast goose si Shawn.Pero, simula noong nalaman niya na si Janus, na isang talentadong negosyante, ay nagbebenta ng roast goose ng dalawampung taon sa Oskaitown sa United States, kinamuhian niya nang sobra ang roast goose.Ito ay dahil naiisip niya si Janus sa tuwing naiisip niya ang roast goose.Basta’t naiisip niya si Janus, naiisip niya kung paano nakipag tanan si Jenna kay Janus at kung paano nalaman ng lahat ng tao sa Hong Kong ang tungkol dito.Bukod dito, mas lalo pa siyang nalungkot sa katotohanan na ang isang babae na katulad ni Jenna, na pinalaki niya sa layaw, ay handa talagang sundan si Janus para magbenta ng roast goose sa Oskiatown ng ilang taon. Mas lalo siyang nasaktan sa puso niya dahil dito.Pero, para sa kahit sinong nasugatan, kahit gaano kalakas pa sila sa labas, palaging may mahinang bahagi sa
Read more

Kabanata 4465

Nang marinig ni Shawn ang mga sinabi ni Charlie, parang gusto niya na talaga sampalin ang sarili niya, at hindi niya mapigilan na sumpain ang sarili niya, ‘Wow! Talagang hinihiling ko ito! Bakit ko siya tinanong kung ano ang pangalan ng restaurant?!’May mas nahihiyang ekspresyon si Jenna, at nataranta rin siya nang kaunti sa oras na ito.Masama na nga na binanggit ni Charlie ang roast goose, pero binanggit niya pa nang direkta ang Campbell Roast! Hindi ba’t direktang sampal ito sa mukha niya at ni Shawn?!Nang makita ni Marianne, na nakaupo sa harap ni Charlie, ang natulalang ekspresyon sa mga mukha nina Shawn at Jenna, biglang hindi niya napigilan ang tawa niya, at tumawa siya nang malakas.Lumingon si Shawn at tumingin agad nang masama kay Marianne at tinanong nang galit, “Anong nakakatawa?!”Nagkibit balikat si Marianne at sinabi, “Hindi ito nakakatawa sa una, pero nakakatawa talaga ang reaksyon niyong dalawa. Gusto lang kumain ng roast goose ni Mr. Wade, kaya bakit sobrang la
Read more

Kabanata 4466

Nagkaroon ng nagulat at galit na hitsura sina Shawn at Jenna sa parehong oras dahil sa biglaang pagtawa ni Charlie.Doon lang nila naintindihan na ang dahilan kung bakit patuloy na binabanggit ni Charlie ang roast goose ay hindi dahil namiss niya ang lasa ng roast goose tulad ng sinabi niya, ngunit ito ay dahil sadya niya silang inaasar!Pero, hindi nasorpresa si Marianne. Sa halip, naaliw siya sa biglaang pagbabago ni Charlie, at tumawa sila nang masaya habang kaharap ang isa’t isa.Pumangit din ang ekspresyon sa mukha ni Shawn dahil sa tawanan nila.Makalipas ang ilang sandali, hinampas niya nang marahas ang lamesa, tumingin kay Charlie, at sumigaw nang galit, “Mr. Wade! Tinrato kita nang magalang, at itinuring kita bilang marangal na bisita namin sa sandaling nagkita tayo, kaya bakit mo ako sadyang pinapahiya?!”Hindi kinabahan si Charlie, at tumawa siya nang magaan habang sinabi, “Pinahiya kita? Anong ibig mong sabihin dito, Mr. Long? Hindi mo ako pwedeng pigilan na tumawa kah
Read more

Kabanata 4467

Kaya, hindi na siya nangahas na patuloy na makipagtalo kay Charlie sa bagay na ito.Dahil, balak niya pang mahuli ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group, na isang malaking isda para sa kanya. Kaya, mas mabuti para sa kanya na huwag labanan si Charlie. Kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang tungkol dito basta’t hindi nililinaw ni Charlie na tinatawanan niya siya dahil niloko siya.Kaya, mabilis na nagbago ang ekspresyon niya at tumawa habang sinabi, “Gano’n pala, Mr. Wde. Mukhang mali ang pagkakaintindi ko sayo. Iinom ako ng isang baso ng wine, kung gano’n!”Pagkasabi nito, pinulo niya ang baso ng wine at ininom ang wine sa isang inuman.Tumango si Charlie nang nakangiti at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na hindi masisiyahan si Mr. Long dahil lang sa roast goose. Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumain ng roast goose ngayong gabi.”Hindi inaasahan ni Shawn na babanggitin pa rin ni Charlie ang roast goose sa sandaling ito. Kaya, pinilit niya na lang na ngumiti at s
Read more

Kabanata 4468

Sa wakas ay naluwagan na si Shawn at nag-relax nang makita niya na mukhang nagustuhan ni Charlie ang kanyang anak.Binuksan na ng isda ang bibig nito, at nakadepende na ang lahat sa kung kailan niya kakagatin ang pain.Pagkatapos ng masarap na pagkain, sinabi ni Shawn, “Mr. Wade, may kailangan pa akong gawin sa kumpanya sa hapon, kaya hindi na kita masasamahan. Hayaan mong samahan ka ni Marianne para magsaya at maglibot sa Hong Kong.”Tumango si Charlie at sinabi nang kaswal, “Mr. Long, malaya ka na maging abala kung may kailangan kang gawin. Sapat na para sa akin na samahan ako ni Miss Long.”Tumango nang kuntento si Shawn at inutusan ang kanyang anak, “Marianne, siguraduhin mo na maging mabuting host at aliwin si Mr. Wade para sa akin.”Direkta rin si Marianne habang tinanong niya malinaw, “Kailan mo ipapadala ang donasyon na 50 million Hong Kong dollars na pinangako mo sakin?”Kaswal na sumagot si Shawn, “Sasabihan ko ang finance department na ipadala sa bank account ng founda
Read more

Kabanata 4469

Kaswal na kinuha ni Charlie ang kahon, binuhat ito, at umalis sa villa kasama si Marianne.Pagkatapos dumating sa bakuran, direktang naglakad si Marianne papunta sa isang normal na version ng Tesla Model 3.Ito ang pinakamura na entry-level sedan ng Tesla na mukhang wala sa lugar sa bakuran na puno ng mga Rolls-Royce at Maybach.Hindi inaasahan ni Charlie na gamit talaga ni Marianne ang isang electric car na mahigit 200 thousand Oskian dollars lang. Kaya, hindi niya mapigilan na masorpresa nang kaunti.Nakikita rin ni Marianne ang nasorpresang tingin sa mga mata ni Charlie. Kaya, sinabi niya, “Mr. Wade, medyo simple ang kotse ko. Sana ay ayos lang ito sayo.”“Hindi.” Kumaway si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Hindi ako partikular sa mga kotse. Ayos lang ako sa mga electric car na may apat na gulong, at ayos lang din kahit electric na sasakyan ito na may dalawang gulong.”Tumango si Marianne at sinabi nang medyo malamig, “Mabuti naman. Pakitulungan akong ilagay ang mga bagay sa
Read more

Kabanata 4470

Ang Tsim Sha Shui ay isa sa mga pinaka abala at pinaka maunlad na commercial center at shopping paradise sa Hong Kong.Ayon kay Marianne, nagsasagawa siya at ang mga kaklase niya ng isang charity sale para mag-ipon ng pondo sa gitnang bahagi ng Tsim Sha Shui commercial center sa nakaraang ilang araw.Ayon sa orihinal na paghahati ng gawain ng lahat, bukas dapat siya babalik. Nagkataon na tinawagan siya ni Shawn na umuwi mula sa school sa tanghali, at dahil pumayag siya na ilibot si Charlie sa hapon, dinala niya na rin ang mga bagay na inihanda niya sa charity sale para ipadala sa daan.Bukod dito, hindi talaga alam ni Marianne kung saan dadalhin si Charlie. Madalas niyang ginugugol ang oras niya sa bahay at school, at wala siyang ibang gawain bukod sa ilang charity. Kaya, hindi niya alam ang gagawin ngayong siya na ang naging tour guide ni Charlie. Kaya, nagpasya siya na maging abala muna sa mga gawain niya, at sinama niya na lang si Charlie.Pumunta na dito si Charlie nang ilang b
Read more
PREV
1
...
445446447448449
...
576
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status