Semua Bab Ang Maalindog na Charlie Wade: Bab 4441 - Bab 4450

5756 Bab

Kabanata 4441

Tumingin si Charlie sa oras. Katatapos lang ng alas tres ng umaga. Kaya, kumaway siya at sinabi, “Hindi na. Aalis ako nang mag-isa.”Sinabi ni Porter, “Kung gano’n, ihahatid kita palabas!”Nang lumabas si Charlie sa villa, tahimik ang buong Long Island.Dahil pasado alas tres na ng madaling araw, at karaniwan ay natutulog na ang mga mayayaman na tao na nakatira dito at pumapasok na sa mga panaginip nila na puno ng pera at pagnanasa.May mga halong pakiramdam si Charlie habang naglalakad siya sa kalye nang mag-isa.Hindi niya maisip kung gaano kalaki ang misteryosong organisasyon na ito. Tinanong niya ng mahigit isang oras si 547 at hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng misteryosong organisasyon na ito.Sa sandaling ito, lumitaw sa isipan niya ang mga boses at ngiti ng mga magulang niya. Sa memorya niya, hinding-hindi sisimangot ang kanyang ama at ina sa kahit anong bagay. Kahit noong umalis sila sa Eastcliff at pumunta sa Aurous Hill para tumira sa isang lumang mansyon, pal
Baca selengkapnya

Kabanata 4442

“Hello, Chairman!”Puno ng pananabik ang boses ni Doris, pero hindi ito napansin ni Charlie.Dumiretos siya sa punto at tinanong, “Doris, gaano karami ang kaalaman mo tungkol kay Shawn Long mula sa Hong Kong?”“Shawn Long?” Natulala saglit si Doris bago niya sinabi, “Sobrang sikat at mayamang tao si Shawn Long sa Hong Kong, at sobrang landi niya. Bakit mo tinatanong ang tungkol sa kanya?”Sinabi ni Charlie, “Hahanapin ko siya para kausapin, pero ayokong gamitin ang totoong pagkakakilanlan ko. Kaya, gusto kitang tanungin kung may magandang pagkakataon para makipagkita ako sa kanya nang normal pagkatapos kong pumunta sa Hong Kong?”Sinabi ni Doris, “Chairman, walang kahit anong negosyo ang Emgrand Group na kaugnay siya, pero naaalala ko na malaking bahagi ng pangunahing negosyo niya ang ocean shipping. Bakit hindi mo tawagan si Autumn at tanungin siya tungkol dito? Wala sigurong problema kung pupunta ka sa ngalan ng Ito-Schulz Ocean Shipping Group.”“Naiintindihan ko.” Ngumiti si C
Baca selengkapnya

Kabanata 4443

Tinanong siya ni Charlie, “Kung gano’n, nakausap mo na ba si Shawn Long?”“Hindi.” Sinabi ni Autumn, “Sa totoo lang, kung makikipagtulungan tayo sa kanila, ililipat lang natin ang mga hindi napapanatiling bahagi sa kanila para kolektahin ang ilang interlocutory fee na hindi mahalaga para sa atin. At saka, hinihingi niya ang tulong natin ngayon. Gusto ko siyang pag hintayin pa nang kaunti at bumigay para bawasan ang mga sikolohikal na inaasahan niya. Sa ganitong paraan, makakakuha tayo ng mas malaking interlocutory fee kapag nagsimula na talaga ang mga negosasyon.”“Naiintindihan ko.” Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pwede mo siyang tawagan at sabihin sa kanya na pwede mong pag-isipan ang kolaborasyon. Sabihin mo sa kanya na ipapadala mo ang assistant mo sa Hong Kong para bumisita at sabihan mo siya na tanggapin ang assistant mo sa sandaling iyon.”Si Autumn, na matalino, ay naintindihan agad ang pahiwatig, at tinanong niya nang nagmamadali, “Mr. Wade, magpapanggap ka ba n
Baca selengkapnya

Kabanata 4444

Sobrang saya ng pakiramdam ni Shawn dahil alam niya na malapit nang bumalik si Janus.Sa nakaraang dalawampung taon, palagi niyang nararamdaman na niloko siya, at ngayon, sa wakas ay may pagkakataon na siyang ipaghiganti ang kahihiyan niya dati.Kaya, binibilang niya ang mga segundo simula kahapon dahil nagmamadali siyang bumalik si Janus.Basta’t babalik si Janus, maraming tao sa Hong Kong ang desperadong susubukan ang lahat ng makakaya nila para patayin si Janus para sa sarili nilang interes.Basta’t mamamatay si Janus, mawawala ang pakiramdam niya na niloko siya.Sa sandaling ito, biglang tumunog ang cellphone niya.Kaya, nilabas niya ang kanyang cellphone, at mayroon siyang malaking ngisi sa kanyang mukha habang sinabi, “Hello, sino ito?”Si Autumn, na nasa kabilang linya, ay sinabi sa maligamgam na paraan, “Hello! Ikaw si Mr. Long, tama? Ako si Autumn Hart mula sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group.”Natuwa agad si Shawn, at hawak-hawak niya ang isang tabako sa isang kamay at
Baca selengkapnya

Kabanata 4445

Hindi matagal ay binaba ni Shawn ang tawag habang may ngiti sa kanyang mukha pagkatapos makipag palitan ng ilang pakikutong kay Autumn.Sa sandaling binaba niya ang tawag, tumawa siya nang malakas at sinabi nang sabik, “Dalawang kasiyahan talaga ito! Dalawang kasiyahan talaga ito ngayon! Ipapadala ni Autumn Hart ng Ito-Schulz Ocean Shipping Group ang personal na assistant niya sa Hong Kong para sa inspeksyon. Ngayon, kailangan nating makuha ang kolaborasyon na ito kahit anong mangyari!”Sinabi ng assistant sa sorpresa, “Mr. Long, magaling talaga at intereso ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group sa pakikipagtulungan s atin! Nasa kamay na nila ang lahat ng magandang ruta natin, at ngayon ay nasa kamay na rin nila ang mga high-quality ports at mga customer. Siguradong ganap na magagamit ang kapasidad natin kung makikipagtulungan tayo sa kanila!”Humithit si Shawn sa tabako niya at ngumiti habang sinabi, “Sa mga taong namamahala sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group, nandoon si Ito Nanako mu
Baca selengkapnya

Kabanata 4446

Si Jenna ang unang mahal ni Janus.Noong bata pa siya, kilala siya bilang diyosa ng Hong Kong, at maraming tycoon at elites ang ganap na nahumaling sa kanya.Noong pumunta si Janus sa United States para mag-aral, nahiwalay siya sa kanya. Pagkatapos nito, si Shawn, na may aura ng isang top tycoon at sobrang mapagbigay sa pera, ay agad na ginawa siyang mistress at inalagaan sa mansyon niya sa Steerlain Island.Sa sandaling iyon, parang pagmamay-ari na ni Jenna ang mundo pagdating sa mga materyal na bagay.Kaya niyang sumakay sa isang luxury private jet para pakainin ang mga kalapit sa London’s square sa umaga, gamitin ang parehong private jet papunta sa romantikong Aegean Sea sa hapon, at paggising niya, pwede siyang pumunta sa mga marangyang mall sa New York o Tokyo para mag-shopping.Kung hindi siya nagmamadali, pwede niyang gamitin ang private cruise ni Shan sa Hong Kong at pumunta sa Maldives sa Indian Ocean, o kahit sa Tahiti sa South Pacific.Sa madaling salita, abot niya ang
Baca selengkapnya

Kabanata 4447

Pero, napasobra ang akala niya sa posisyon niya sa puso ni Shawn.Minaliit niya rin ang poot na nararamdaman ni Shawn para kay Janus sa puso niya.Nataranta siya at natakot nang ilang sandali dahil sa sampal sa mukha niya.Ito ay dahil natatakot siya na mawawala ulit ang lahat sa paligid niya.Kaya, nagmamadali siyang nagpaliwanag kay Shawn, “Shawn, huwag mo akong pagkamalan… Hindi ito ang ibig kong sabihin… Gusto ko lang…”Sinabi nang malamig ni Shawn, “Huwag ka nang magsalita! Ayokong marinig kung ano talaga ang ibig mong sabihin! Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi ka na pwedeng bumanggit ng kahit anong may kaugnayan kay Janus sa harap ko sa hinaharap. Kung hindi, lumayo ka na hangga’t maaari sa akin!”Natakot si Jenna.Alam niya na kahit na gusto siya ni Shawn at may malakas na mapang-akin na pagnanasa siya sa kanya, noon pa man ay maingat na siya sa kanya.Kahit na kasal siya sa kanya, palagi siyang hinihiwalay sa kanya pagdating sa mga asset niya.Bago siya pakasalan ni
Baca selengkapnya

Kabanata 4448

Sa kabilang dako, maingat na tinapon ni Elaine ang eye drops para hindi makita sa video habang umiyak siya sa harap ng camera.Si Claire, na nasa kabilang dulo ng video, ay sumakit din ang puso at nabalisa nang makita niyang umiiyak ang kanyang ina dahil malungkot siya. Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Ma, bakit hindi ka muna magbakasyon? Hindi ba’t binigyan ka ni Charlie ng 500 thousand dollars? Bakit hindi ka sumali sa isang high-end tour at lumabas at magsaya muna? Babalik na rin kami kapag nakapagsaya ka na.”Nang marinig ito ni Elaine, naisip niya, ‘Medyo maganda talaga ang ideya ng anak ko. Ang pangunahing punto ay wala na akong pera para lumabas at gumala…’Nang maisip niya ito, pinunasan niya ang mga luha niya at sinabi nang nabubulunan, “Claire, ayokong lumabas at maglaro ngayon… Namimiss lang kita…”Sinabi nang walang magawa ni Claire, “Ma, may dalawampung araw pa akong natitira sa kurso ko. Kaya, medyo matagal bago ako makabalik…”Sa totoo lang, hindi naman sa hindi n
Baca selengkapnya

Kabanata 4449

Pagkatapos ibaba ang tawag, tinanong nang nagmamadali ni Claire si Charlie, “Honey, hindi ka gagawan ng problema ni Mama kung pupunta siya sa United States, tama? Madalas siyang gumagawa ng maraming problema, kaya natatakot ako na maaapektuhan ang mood mo.”“Hindi naman.” Ngumiti si Charlie at sinabi, “Maganda rin na pumunta si Mama sa United States para magsaya at samahan ka. Matagal ka nang wala sa bahay, kaya siguradong miss mo na rin siya.”Tumango nang kaunti si Claire at sinabi, “Hindi pa ako lumalayo nang sobra nang napakatagal sa bahay sa buong buhay ko, kaya miss ko na nga siya nang kaunti.”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Malaki ang hotel room natin sa Providence, at masyado itong malawak para tirahan ng dalawang tao. Magiging mas masigla rin kapag pumunta si Mama.”Nang makita ni Claire na mukhang ayos lang ito kay Charlie, gumaan ang pakiramdam niya at sinabi niya nang malambot, “Salamat, Honey!”***Sa sumunod na umaga, nakuha na ni Elaine ang United Stat
Baca selengkapnya

Kabanata 4450

May palaaway na ugali si Elaine, pero ang esensya ng palaaway na ugali niya ay galing sa pagiging malakas niya.Nabuhay siya ng limampung taon at madalas siyang minamaliit sa panahon na ito, lalo na noong kinasal siya sa pamilya Wilson. Ang panghahamak mula sa pamilya ng kanyang asawa at ang kaduwagan ng sarili niyang asawa ay ang naging sanhi para tapakan ng mga tao ang pagpapahalaga niya sa sarili, at hindi lang naging mas palaaway ang ugali niya dahil dito, ngunit pinalala rin nito ang pagnanasa niya para pataasin ang reputasyon niya.Ngayon, sa wakas ay nakasakay na siya sa isang private jet, kaya gusto niyang ma-enjoy at magkaroon ng alaala sa ganito kataas na pakiramdam.Ang pinakamahalaga, gusto niyang magpasikat sa mga kaibigan niya.Sobrang matulungin ang mga crew member. Dahil, ito ang flight nila, at ang bayad para pagsilbihan si Elaine mag-isa ay ilang beses na mas mataas kumpara sa pagsisilbi sa daan-daang tao sa isang buong civil airliner. Kaya, kailangan nilang gaw
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
443444445446447
...
576
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status