Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4221 - Kabanata 4230

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4221 - Kabanata 4230

5747 Kabanata

Kabanata 4221

Tinanong nang nagmamadali ni Xavion, “Pa, anong ibig mong sabihin?”Pinagtampal ni Spencer ang mga labi niya at sinabi, “Hindi nakapagtataka na nagsikap nang sobra si Homer para aliwin siya at gumawa pa ng isang charity dinner para sa kanya…”Habang sinasabi niya ito, biglang lumitaw sa isipan niya ang sinabi ni Merlin.May napagtanto agad siya at sinabi, “P*ta! Homer, ang g*gong ito! May balak ba siyang gawin kay Quinn?!”Sumagot nang hindi akma si Xavion nang nakangiti, “Pa, ang kahit sinong lalaki ay mamahalin ang isang magandang babae. Hindi ba’t normal lang para kay Homer na may gawin? Anong mali dito?”Sinabi nang malamig ni Spencer, “Iba ang sinasabi ko sa iniisip mo! Marahil ay inaaliw niya siya at may layunin na palipasin ang isang gabi kasama siya. Pero, marahil ay balak niya rin na g*hasain muna siya at patayin siya bago sirain ang ebidensya at ang bangkay!”Nanlamig ang mukha ni Xavion, at sinabi niya, “Pa… Sumasang-ayon ako na kakaiba ang kilos ni Homer sa sandaling
Magbasa pa

Kabanata 4222

Hindi na nagmamadali si Charlie na pumunta sa New York. Dahil nahuli na ng Ten Thousand Armies si Finley.Ayon sa plano niya, gusto niyang putulin ni Kazuo ang mga tainga ni Finley. Pagkatapos, ikukulong niya siya kasama si Homer. Gusto niyang palipasin nila ang gabi sa takot. Pagkatapos, dudurugin niya sila pagdating niya sa New York.Maalam si Quinn, at hindi siya naapektuhan sa nangyari kay Homer.Kinabukasan pagkatapos ipadukot ni Charlie kay Kazuo si Homer, nakalimutan na niya ang tungkol dito at nag-focus sa paghahanda sa susunod na concert niya.Abala buong araw si Quinn sa paghahanda para sa concert niya. Para mas maging maayos ang team, nag-renta ng isang dance studio ang agency company niya sa New York para makapag-rehease si Quinn at magawa ang choreography kasama ang mga dancer.Sa gabi, sa wakas ay nakabalik na si Quinn sa hotel para magpahinga. Pagkatapos niyang maligo at nang magpapahinga na siya, kumatok ang assistant niyang si Dorothy sa pinto.Sinabi ni Dorothy
Magbasa pa

Kabanata 4223

Kumaway si Spencer at tinanong sa nananakot na boses, “Hindi ba’t pumunta siya sa New York para sa concert?”Inutos ni Spencer, “Kumuha ka ng tao para bilhin ang venue at sabihin sa team niya na papagandahin ang venue at sumailalim ito sa construction. Walang katiyakan na ipagpapaliban muna ang concert niya. Babayaran natin siya ayon sa rental contract niya, at titingnan ko kung anong gagawin niya pagdating ng oras.”***Gumising nang maaga si Quinn sa sumunod na araw. Pagkatapos niyang maglinis at ihanda ang sarili niya, handa na siyang pumunta sa dance studio para patuloy na mag-rehearse.Medyo nag-aalala siya dahil hindi pumunta sa New York si Charlie kahapon. Kaya, nagkusa siyang magpadala ng mensahe kay Charlie, tinatanong niya kung balak niyang pumunta sa New York ngayong araw.Balak nga ni Charlie na pumunta doon ngayong araw. Kailangan niyang maghanap ng paraan para magsalita sina Homer at Finley dahil gusto niyang umamin ang dalawa sa lahat ng masasamang bagay na ginawa n
Magbasa pa

Kabanata 4224

Kuminang ang mga mata ni Dorothy sa sandaling binanggit ni Quinn si Charlie.Sumang-ayon siya at sinabi niya, “Tama! Humingi ka ng tulong ky Charlie! Kung maglalakas-loob ang pamilya Fox na saktan ka, sabihan mo si Charlie na suntukin sila nang sobra!”Nahiya si Quinn sa mga sinabi ni Dorothy, at sinabi niya nang hindi akma, “Pwede ka bang maging mas mahinhin pa?”Kumibot ang mga labi ni Dorothy. “Karaniwan ay sobrang hinhin ko hanggang sa may manggulo sa atin. Kapag galit ako, wala akong pakialam sa pagiging mahinhin. Kung kayang sipain ni Charlie si Xavion sa sahit, siguradong sasali ako at sisipain ko rin siya!”Umiling nang walang magawa si Quinn. “Wala na talaga akong magagawa sa iyo.”Pagkatapos, tumingin siya sa oras at sinabi, “Pumunta muna tayo sa dance studio para mag-rehearse.”Tinanong nang nagmamadali ni Dorothy, “Teka, anong gagawin natin sa pamilya Fox? Kung hindi ito gagana, makakansela ang show…”“Magiging maayos ito.” Kumaway si Quinn at sinabi, “Ang layunin ng
Magbasa pa

Kabanata 4225

Sa alas nuwebe ng umaga, dumating si Charlie sa Long Beach, New York, gamit ang helicopter.Direkta siyang bumaba sa luxury villa na nirentahan ni Porter. Sila Porter, Hanzo, at Kazuo ay lumabas para batiin siya sa sandaling dumating siya.Kinabahan nang sobra si Hanzo habang binati niya si Charlie sa personal. Nagmamadali siyang yumuko nang magalang at ipinakilala ang sarili niya, “Master Wade… Ako si Hanzo Hattori, ang head ng mga Iga ninja. Pasensya na talaga sa kabastusan ng anak ko sa iyo sa New York. Patawarin mo sana kami!”Tumango si Charlie at sinabi nang walang bahala, “Hahayaan ko ito dahil pumunta ka sa Mount Wintry para tulungan ako kasama si Miss Ito. Pero, simula ngayon, kailangan sundin ng mga Iga ninja ang mga utos ko. Hahanapan ko kayo ng magandang tahanan sa United States, at hindi na kayo babalik sa Japan.”“Opo, opo, opo…” Tumango nang may paggalang si Hanzo.Simula noong ginawa niya ang video kung saan umamin siya sa terrorist attack, alam niya na imposible n
Magbasa pa

Kabanata 4226

Natatakot si Finley na magiging kapareho ang kapalaran niya sa kanyang nakababatang kapatid, at iyon ang dahilan kung bakit siya pumunta sa New York at nagtago sa pamilya Fox.Pero, hindi niya inaasahan na ito ang magiging kapalaran niya. Hindi niya matakasan ang mastermind kahit na nagtago siya sa pamilya Fox! Parehong tao pala ang kidnapper ni Homer at ang pumatay kay Franco.Naisip ni Finley ang pagkamatay ng nakababatang kapatid niya at natakot siya. Tinanong niya nang hindi nag-iisip kay Charlie, “Anong galit mo sa amin ng kapatid ko?! Bakit mo ito ginagawa sa amin?!”Ngumisi si Charlie, “Sobrang hina ng isipan mo. May itatanong ako. Kilala mo ba si Stephanie Lewis? Alam mo ba ang koneksyon niya sa akin?”Natakot si Finley nang marinig ang pangalan ni Stephanie. Kahit si Homer, na nasa tabi niya, ay nanginig sa takot.Paano hindi makikilala ni Finley si Stephanie? Namatay ang nakababatang kapatid niya nang pumunta siya para sunduin si Stephanie sa dagat. Bukod dito, sinabi ni
Magbasa pa

Kabanata 4227

Umiyak si Finley at sinigaw, “A… Alam ko na mali ako… Mr. Wade, tapusin na sana natin ito ngayon…”“Gusto mong tapusin na ito ngayon?” Suminghal si Charlie, “Hindi, maliban kung ilalabas mo ang lahat ng impormasyon na mayroon ka. Kung hindi, pananatilihin kitang buhay at ipaparanas ko ang sakit na ito sa iyo araw-araw.”Pagkatapos, humarap si Charlie kay Kazuo at inutos, “Kazuo, tanggalin mo ang sinturon mo at hampasin mo siya gamit ang buong lakas mo!”Hindi nangahas si Kazuo na suwayin ang utos ni Charlie, kaya tinanggal niya agad ang kanyang sinturong at sumugod kay Finley. Pagkatapos, hinampas niya ang sinturon kay Finley na parang baliw.Isang pares lang ng shorts ang suot ni Finley at wala nang iba. Binugbog siya ni Kazuo nang sobra, sinugatan siya.Sa tuwing hinahampas siya ni Kazuo, tila ba may paulit-ulit na humihiwa sa kanyang balat at laman. Isang malaking sakit ang dumaloy sa buong katawan niya na parang isang pagsabog habang mas lumalala nang sobra ang sakit.Ilang b
Magbasa pa

Kabanata 4228

Natakot sina Finley at Homer sa mga sinabi ni Charlie.Umiiyak at nagmamakaawa nang sabay ang dalawa, pero nagbingi-bingihan si Charlie sa mga pagmamakaawa nila.Bumagsak si Finley sa takot, at sa sandaling ito, tumaas na ng isang daang beses ang pakiramdam niya ng sakit. Iniisip niya kung gaano kasakit ang magiging special session para sa kanila.Sumigaw siya nang mabilis, “Bakit mo ito ginagawa sa amin! Kahit na nilabag namin ang batas, hayaan mo na ang batas ang humatol sa amin! Ayon sa batas ng United States, ikukulong kami habang buhay, sa pinakamalala! Bakit sobrang hindi ka makatao?!”“Hindi makatao?” Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ano? Noong pinahirapan mo ang mga inosenteng babae na iyon, bakit hindi mo binanggit ang hindi mo pagiging makatao sa kanila? Ngayong ikaw na ang maghihirap, babanggitin mo ang pagiging makatao? Ano? Ikaw ba mismo ay makatao?”Umiyak si finley, “Hindi ako ang pumatay sa mga babaeng iyon! Ako lang ang nag-ayos. Si Homer at ang iba ang pumatay
Magbasa pa

Kabanata 4229

Kumalma na kanina si Finley, pero nang makita niyang pumasok si Charlie, bigla siyang naluha at umiyak nang malakas.Nahihirapan niyang sinubukan na gumapang papunta kay Charlie. Pero, wala siyang lakas na natira pagkatapos ng matinding sakit, at namilipit lang siya sa sahig na parang isang uod at humagulgol nang nakakaawa, “Mr. Wade… Sasabihin ko sayo ang lahat! Sasabihin ko ang kahit ano… kaya pakiusap at tapusin mo na ito para sa akin…”Tinanong ni Charlie, “Ano? Alam mo na ba ang kasalanan mo?”“Alam ko na… Naiintindihan ko…” Iniyak ni Finley, “Makasalanan ako at nararapat na mamatay ako… Patawad sa lahat ng mga inosenteng babae na namatay dahil sa akin… Ayoko na ng kahit ano… Gusto ko na lang ng pagkakataon na pagbayaran ang mga kasalanan ko… Nagmamakaawa ako, pakiusap…”Ang nakaraang dalawang oras ng pagpapahirap ay sampung libong beses na mas nakakatakot kaysa sa impyerno para kay Finley.Hindi niya maisip na mabuhay nang may ganitong sakit sa buong buhay niya. Hindi niya k
Magbasa pa

Kabanata 4230

Pinag-aralan ni Charlie ang video habang may mga nakamamatay na tingin. Kahit kailan ay hindi niya inaasahan na makita ang ganito kalupit na bagay sa payapang panahon!Ang pinakamalala, ang mga halimaw na ito na may suot na suit na nilalasap ang sobrang kalupitan ay ang mga tinatawag na social elite at mga high-class na tao sa West. Kahit ano pa nang katayuan nila, sobrang brutal nila at walang awa!Hindi mailalarawan ang mga brutal na pamamaraan nila, at tumaas ang blood pressure ni Charlie pagkatapos panoorin ang ilang video.Humarap siya kay Porter at sinabi sa malamig na boses, “Porter, may misyon ako para sayo!”Sumagot si Porter nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, mangyaring sabihin mo ito!”Sinabi ni Charlie, “Mag-ayos ka agad ng tao para suriin ang mga video na ito at mga file. Siguraduhin mo na malalaman mo kung sino sila at kung gaano karaming tao ang nandito. At saka, alamin mo kung gaano karaming babae ang pinatay. Imbestigahan mo ang pagkakakilanlan ng lahat para sa
Magbasa pa
PREV
1
...
421422423424425
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status