Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4211 - Chapter 4220

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4211 - Chapter 4220

5747 Chapters

Kabanata 4211

Bukod dito, hindi nilantad ni Hanzo ang totoong pagkakakilanlan ng dayuhan na puwersa sa video, ito ay dahil inutusan din siya ni Charlie na huwag itong gawin.Kahit na balak ni Charlie na kamuhian ng lahat si Homer at maliitin siya, hindi siya handa na sirain ang pangalan ng buong pamilya Fox.Dahil, sa plano niya, kailangan niya pa rin ibigay ang pamilya Fox kay Jordan para patuloy niya itong pamahalaan. Kung masisira ang pangalan ng buong pamilya Fox, magiging sobrang gulo ng buong pamilya Fox kapag pinamahalaan ito ni Lord Fox sa hinaharap.Sa hinaharap, malaki ang posibilidad na gumastos si Lord Fox ng 200 billion US dollars para bumili ng Rejuvenating Pill, kaya kailangan gawin ni Charlie ang lahat ng makakaya niya panatilihing buhay ang posibleng customer na ito.Basta’t si Homer, ang ama niya, at ang lolo niya ay masisira sa sandaling ito at lalabas ang katotohanan kung paano nila pinuwersang paalisin si Jordan sa pamilya Fox, mababalik ni Jordan nang makatwiran ang kontrol
Read more

Kabanata 4212

Mas lalong nag-alala si Spencer dahil sa sinabi ni Xavion na nauubos na ang oras.Hindi niya mapigilan na tanungin si Xavion, “Napakaraming tao na ang ipinadala natin at nag-alok na tayo ng napakalaking pera, pero wala pa rin tayong nahahanap na kahit anong bakas?”“Wala…” Nagsalita si Xavion at sinabi, “Ang mga tao natin, pati na rin ang mga gang mula sa New York, ay naghahanap na sa buong New York, pero wala talagang kahit anong bakas…”Galit na sumagot si Spencer, “Mga walang kwentang tao sila lahat! Lalo na ang mga intelligence personnel na iyon. Napakalaking pera na ang ginastos natin para suportahan sila para lang magkaroon sila ng mahalagang papel sa mga kritikal na sandali, pero kapag mas kritikal ang sandali, mas walang kwenta sila!”Sinabi nang walang magawa ni Xavion, “Pa, hindi natin masisisi ang intelligence personnel natin ngayon dahil masyadong matalino talaga ang mga kidnapper. Hindi talaga sila nag-iwan ng kahit anong bakas, at ang kailangan ay dapat may isang baka
Read more

Kabanata 4213

Tumakbo nang mabilis papasok ang butler at sinabi, “Master, nandito si Chief Lammy!”“Merlin Lammy?!” Tinanong siya ni Spencer habang nakakunot ang noo, “Bakit nandito siya?”Ipinaliwanag ng butler, “Gusto ka niyang kausapin nang harapan. Tungkol dito sa young master.”Tumango si Spencer at sinabi sa malamig na boses, “Okay! Hinahanap ko rin naman siya. Ngayong nandito na siya, papasukin mo siya!”Dagli, pumasok si Merlin sa study room ni Spencer nang mag-isa.Ngumiti si Merlin at binati si Spencer, “Mr. Fox.”Tumango nang walang interes si Spencer at tinanong siya, “Chief Lammy, mahigit isang araw nang nadukot ang apo ko. May mga nahanap na bakas na ba ang mga pulis?”“Wala pa,” sumagot nang prangka si Merlin, “Naniniwala ako na iniimbestigahan din ito ni Mr. Fox. Tulad ng nalalaman mo, binura nang napakagaling ng kabila ang mga bakas nila. Tila ba naglaho si Homer sa hangin. Natatakot ako na mahihirapan tayong makahanap ng kahit anong bakas sa loob ng isang araw kahit na dalhi
Read more

Kabanata 4214

Habang nag-uusap sina Merlin at Christian, sinuri nila ang sitwasyon ng pamilya Fox at nakagawa sila ng isang pagbabaka-sakali.Hinala nila na dinukot nga ng misteryosong tao si Homer, pero hindi para sa pera. Isa itong tulak sa pamilya Fox na lumabas sa publiko at patayin sila sa publiko mamaya.Pero, binigyang atensyon lang nina Spencer at Xavion ang pandurukot, hindi nila ito napagtanto. Kaya, hindi sila makapaniwala nang marinig ang mga sinabi ni Merlin.Partikular na nagdududa si Spencer tungkol dito. Medyo nakonsensya siya dahil sa nakakahiyang kilos niya sa pagkuha ng posisyon bilang head ng pamilya at ang kasalukuyang paghahanap sa kanyang ama, kay Jordan.Nang marinig ni Spencer ang komento ni Merlin, sinabi niya agad nang galit, “Anong biro! Matuwid at marangal ang pamilya namin! Wala kaming kahit anong iskandalo na magagamit ng kidnapper!”“Ikaw dapat ang pinakamagaling na Oskian inspection, pero pinuntahan mo ako para pag-usapan ang walang kabuluhan na bagay kaysa mags
Read more

Kabanata 4215

Pagkasabi nito, nilabas ni Merlin ang kanyang name card at ibinigay ito kay Xavion.Sinabi nang walang bahala ni Merlin, “Pag-isipan mo ito nang mabuti. Kung magpapasya kang makipagtulungan, pakitawagan agad ako. Wala na tayong masyadong oras na natitira. Sigurado ako na ayaw mong kolektahan ang bangkay ng anak mo pagkatapos ng 48 na oras na deadline. At saka, malapit na rin akong mag-retiro. Ayokong mag-iwan ng hindi nalutas na kaso bago ako mag-retiro.”Mukhang nagulat at natakot si Xavion, at tinanggap niya nang hindi nag-iisip ang name card ni Merlin at mukhang may gusto siyang sabihin.Pero, bago pa magawa ni Xavion ang pangungusap niya, nagpaalam nang walang pakialam si Merlin at tumalikod na para umalis.“Paalam!”Pagkatapos umalis ni Merlin, sinabi nang hindi mapakali ni Xavion sa kanyang ama, kay Spencer, “Pa… tama si Merlin! Sobrang kakaiba nito!”Pangit ang ekspresyon ni Spencer at medyo natataranta habang tinanog, “Anong ibig sabihin niyang malaking iskandalo? Tungkol
Read more

Kabanata 4216

“Peyron Sate?”Nasorpresa nang kaunti si Spencer, at tinanong niya, “Sino si Peyton Sate?”Ipinaliwanag nang nagmamadali ng butler, “Si Peyton Sate ay isang director ng business team natin. Kahapon, sinabi mo na gusto mong bumili ng isang Concorde. Isa siya sa mga tao na namamahala dito.”Kumulot ang kilay ni Spencer at tinanong, “Anong kailangan niyang i-ulat sa akin? Kung nasigurado niya ang Concorde airline, hayaan niya ang tao na makipagnegosasyon sa presyo. Hindi niya kailangan mag-ulat sa akin sa personal.”Umiling ang butler at ipinaliwanag, “Master, sinabi ni Peyton na may clue siya na kaugnay kay Mr. Homer!”“Oh?” Tumaas agad ang kilay ni Spencer nang marinig ito, at sinabi niya nang mabilis, “Nasaan siya? Sabihan mo siya na pumunta dito ngayon din!”Sinabi nang nagmamadali ng butler, “Nasa pinto siya. Dadalhin ko na siya ngayon!”Makalipas ang ilang sandali, naglakad papasok si Peyton sa study room.Nang makita niya sina Spencer at Xavion, yumuko agad siya at binati s
Read more

Kabanata 4217

Habang nalulunod siya sa mga iniisip niya, pinangunahan ng butler ang ang head maid at ang ilang matipunong bodyguard at sumugod papasok.Sinabi ng butler sa asawa ni Xavion, “Madam, kailangan kong kausapin ang kasambahay mo. Sana ay maintindihan mo.”Alam ng asawa ni Xavion na may malakas na kapangyarihan sa pamilya Fox ang butler. Siguradong hinahanap niya ang kasambahay niya para sa isang mahalagang bagay, kaya tumango siya at inabi, “Gawin mo ang gusto mo.”Pinasalamatan siya ng butler, at pagkatapos nito, tinuro ng head maid si Lola at sinabi, “Siya iyon! Siya si Lola!”Nanginig nang kinakabahan ang ibang kasambahay sa kwarto. Nang makita nila na sobrang agresibo ng butler, alam nila na mayroong problema.Pero, iba ang naisip ni Lola. Akala niya pa ang siguradong pumunta ang Prince Charming niya para iligtas siya!Pagkatapos lumabas sa kwarto, marahil ay malapit na siyang maging asawa ni Finley!Babalik siya sa pamilya Fox bilang Mrs. George sa susunod, at kapag nangyari iy
Read more

Kabanata 4218

Dala-dala palagi ni Lola ang relo dahil pinapahalagahan niya nang sobra ang relo.Isang kasambahay lang siya, kaya hindi siya nangahas na isuot ang Richard Mille sa kanyang kamay. Pero, hindi niya inaasahan na mahuhulog ang relo sa kanyang bulsa nang bumagsak siya.Dahil nadiskubre na ito ni Xavion, mabilis siyang gumawa ng isang palusot, “Ito… Iniwan ito ng isang kaibigan para alagaan ko…”“Isang kaibigan?” Tinanong nang malamig ni Xavion, “Anong kaibigan? Anong pangalan niya?”Sumagot nang kinakabahan si Lola, “H-Hi… Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan niya…”Pagkatapos nito, idinagdag niya nang nagmamadali, “Personal na bagay ito sa pagitan nain. Wala itong kinalaman sa iba…”Gusto pa rin siyang tanungin ni Xavion, pero naubusan na ng pasensya si Spencer. Sinabi niya nang malamig, “Bakit ka nagsasayang ng oras sa kanya? Dahil hindi niya sinasabi ang katotohanan, putulin na lang natin ang mga tainga niya!”Naisip agad ni Xavion ang kanyang anak nang binanggit ito ni Spencer.
Read more

Kabanata 4219

Nagmamadaling tumingin si Xavion kay Spencer at sinabi niya, “Pa! Si Finley ba ang gumawa nito?!”Sumimangot si Spencer. Naglakad siya nang pabalik-balik habang nakayuko, pero nanatili siyang tahimik nang matagal.Naiinip na si Xavion, kaya inudyok niya nang nagmamadali, “Pa, magsalita ka!”Sinabi na ni Spencer, “Hindi ko kilala si Finley, pero, naaalala ko ang financial report ng Seattle George Group sa pamilya Fox, ilang taon na ang nakalipas. Tumaas nang sobra ang kooperasyon ng Fox Group sa George Group mula sa one billion at naging ilang bilyon. Sa panahon na ito, halos tumaas nang sampung beses ang share price ng George Group dahil sa malapit na relasyon sa atin…”Sinigaw ni Xavion, “Isang walang utang na loob na g*go ba si Finley?!”Kumaway si Spencer, “Sa tingin ko ay hindi siya ang gumawa nito.”Tinanong ni Xavion sa sorpresa, “Pa, nakaturo sa kanya ang lahat ng bakas. Sino pa kaya ito?”Umiling si Spencer. “Sa tingin mo ba ay ang kahit sinong may daang-daang bilyon ay
Read more

Kabanata 4220

“May kinatatakutan?!”Nasorpresa si Xavion sa palagay ni Spencer.“Pa, sinasabi mo ba na kilala ni Filey ang umatake kay Homer? Natatakot din siya na marahil ay saktan din nila siya?”“Posible!” Tumango nang seryoso si Spencer at idinagdag, “Ngayon, kung iisipin ang sinabi ni Merlin kanina lang, biglang may naramdaman ako…”Hindi kasing talas ng kanyang ama si Xavion, kaya tinanong niya, “Pa, may nalaman ka?”Hindi sinagot ni Spencer ang tanong niya. Sa halip, inutusan niya ang butler na dalhin si Lola at ang mga bodyguard sa labas.Sa sandaling umalis na ang lahat sa kwarto, sina Spencer at Xavion na lang ang natira. Sa wakas, humarap si Spencer kay Xavion habang may mahigpit na ekspresyon at sinabi, “Hindi natin maintindihan ang sinasabi ni Merlin kanina nang binanggit niya ang iskandalo. Ngayon, sa tingin ko ay posible na may kaugnay kina Homer at Finley ang iskandalo na ito.”Pagkatapos nito, tumingin si Spencer kay Xavion at sinabi, “Sa tingin ko ay may ginagawang kalunos-l
Read more
PREV
1
...
420421422423424
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status