Makalipas ang halos dalawampung minuto, sila Jordan, Kathleen, at Jarvis ay pumunta sa deck dala-dala ang mga bagahe nila.Lumulubog na ang araw, nag-iwan na lang ng isang bakas ng madilim na ilaw ng araw sa abot-tanaw na karagatan sa kanluran.Sampung minuto nang naghihintay si Rosalie sa deck sa oras na dumating sila.Nakita ni Jordan si Rosalie at sinabi nang magalang, “Ms. Schulz, pasensya na sa pag-abala sa iyo para sumama ulit sa amin…”Sumagot si Rosalie habagn may malambot na ngiti, “Lord Fox, huwag kang mag-alala dito. Ito ang utos ni Mr. Wade, kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ang mga utos niya.”Pagkatapos, sinuri niya ang oras at sinabi, “Lord Fox, malapit nang dumating ang helicopter. Nasa 200 kilometers ang layo natin mula sa Colombo. Aabot ng mga isang oras ang biyahe.”Tumango nang marahan si Jordan, at naakit siyang itanong ang rason sa likod ng biglaang pagsasaayos ni Charlie. Inisip niya kung bakit biglang lumiko sila sa Colombo at kung ano an
Read more