Share

Kabanata 4231

Author: Lord Leaf
Kinabahan nang kaunti si Kathleen at nagtanong pa kay Rosalie.

“Nagbago ba ang isip ni Mr. Wade? Hindi… Imposible… Hindi gano’n si Mr. Wade. Saan niya kami gustong pumunta?”

Sinabi ni Rosalie nang nakangiti, “Sinabi ni Mr. Wade na sikreto muna ang destinasyon. Kahit ako ay hindi alam kung saan tayo pupunta. Ang alam ko lang ay may kalahating oras tayo para maghanda. Sa sandaling dumating ang helicopter, dadalhin niya tayo sa… Colombo, ang kabisera ng Sri Lanka.”

“Sri Lanka…” Binulong ni Kathleen at tumalikod para makita ang lupain sa malayo.

Binulong niya sa sarili niya, “Hindi nakapagtataka na sobrang bagal ng cargo ship. Balak niyang pababain tayo dito…”

Pagkatapos, tumingin siya kay Rosalie at tinanong, “Rosalie, pupunta ka rin ba sa Colombo kasama kami?”

“Oo,” sumagot si Rosalie nang nakangiti. “Inutusan ako ni Mr. Wade na ihatid ka nang ligtas sa destinasyon.”

Tumango nang malambot si Kathleen at tinanong ulit, “Alam ba ng lolo ko ang mga pagbabago?”

Sinabi ni Rosalie, “Pu
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4232

    Makalipas ang halos dalawampung minuto, sila Jordan, Kathleen, at Jarvis ay pumunta sa deck dala-dala ang mga bagahe nila.Lumulubog na ang araw, nag-iwan na lang ng isang bakas ng madilim na ilaw ng araw sa abot-tanaw na karagatan sa kanluran.Sampung minuto nang naghihintay si Rosalie sa deck sa oras na dumating sila.Nakita ni Jordan si Rosalie at sinabi nang magalang, “Ms. Schulz, pasensya na sa pag-abala sa iyo para sumama ulit sa amin…”Sumagot si Rosalie habagn may malambot na ngiti, “Lord Fox, huwag kang mag-alala dito. Ito ang utos ni Mr. Wade, kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ang mga utos niya.”Pagkatapos, sinuri niya ang oras at sinabi, “Lord Fox, malapit nang dumating ang helicopter. Nasa 200 kilometers ang layo natin mula sa Colombo. Aabot ng mga isang oras ang biyahe.”Tumango nang marahan si Jordan, at naakit siyang itanong ang rason sa likod ng biglaang pagsasaayos ni Charlie. Inisip niya kung bakit biglang lumiko sila sa Colombo at kung ano an

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4233

    “Tama!” Galit na galit din si Quinn.“Pinagbabantaan nila ako gamit ito ngayon! Kung hindi ako pupunta, natatakot ako na kailangan ipagpaliban ang concert! Napakarami kong concert na kasunod pagkatapos nito, kaya kung ipagpapaliban ang concert na ito, Tinanong siya ni Charlie, “Anong balak mong gawin?”Sinabi nang medyo mahihiya ni Quinn, “Charlie, kailangan ko ang tulong mo. Gusto kitang abalahin na samahan ako sa pamilya Fox. Hindi ko alam kung ayos lang ba ito sa iyo…”“Kung hindi, kalimutan mo na. Direkta kong i-aanunsyo na may ilang problema kami sa venue at ipagpapaliban muna ang concert. Pupunta kami sa mga natitirang tour at babalik sa New York para baguhin ang show sa susunod.”Tinanong ni Charlie nang nakangiti, “Hindi ba’t mabibigo ang mga tagahanga mo sa New York?”Sumagot nang walang magawa si Quinn, “Pero walang ibang paraan dito! Naniniwala ako na maiintindihan nila ako…”Sinabi ni Charlie, “Ayos lang. Hindi mo dapat biguin ang mga tagahanga mo. Hindi ba’t kakain

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4234

    Dumating si quinn sa villa ni Charlie gamit ang isang kotse. Pagkatapos sunduin si Charlie sa gate, nagmaneho ang convoy papunta sa manor ng pamilya Fox sa malapit.Nang dumating ang convoy sa harap ng gate ng manor, pumunta si Xavion sa gate at mapagpanggap na tinanggap sila.Nawawala pa rin ang anak niya, pero naglabas siya ng isang pekeng ngiti bilang pagkukunwari. Pero, pumangit ang mukha niya nang makita niyang lumabas nang magkasama sina Charlie at Quinn.Isang beses niya pa lang nakikita si Charlie, pero nag-iwan ng malalim na impresyon si Charlie sa kanya.Naghirap siya sa kayabangan ni Charlie sa gabing nawala ang anak niya, at ito ang unang pagkakataon na napahiya nang sobra si Xavion. Ang pinakamalala, pinahiya siya ng isang lalaki na kasing bata ni Charlie.Nagtanim siya ng galit at patuloy itong inalala, kaya, sumama nang sobra ang kalooban niya nang makita niya si Charlie.Sumimangot siya at tinanong si Charlie, “Si Miss Golding lang ang inimbita ko. Bakit nandito k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4235

    Sinabi ni Charlie na pupunta siya sa gabi dahil sa ibang rason. Darating sina Jordan at Kathleen sa New York sa gabi, kaya, balak ni Charlie na dalhin silang dalawa sa pamilya Fox para tapusin ang bagay na ito.Hinding-hindi maiintindihan ni Xavion ang malalim na kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi na rin siya nag-abala na pag-isipan ito.Ang nasa isip niya na lang ay kung paano sila pipilitin na manatili. Hindi niya sila pwedeng paalisin, kung hindi, mababalewala ang lahat ng pagsisikap nila.At saka, kaunti na lang ang natitira sa oras na binigay sa kanila ng mga kidnapper, at umaandar pa ang oras.Nang maisip niya ito, nilunok niya na lang ang pride niya at humingi ng tawad, “Huwag ka sanang magalit. Sana ay mapatawad mo ang kabastusan ko kanina.”Pagkatapos, humarap siya kay Charlie at sinabi nang taliwas sa kalooban niya, “Mr. Wade, pasensya na’t ginalit kita kanina. Huwag mo sana akong pansinin!”Kinutya ni Charlie, “Hindi ko talaga inaasahan na ang isan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4236

    Dumilim agad ang ekspresyon ni Spencer nang marinig ang sinabi ni Charlie.Tumingin siya nang masama kay Charlie at tinanong, “Ikaw ba ang dumukot sa apo ko, kay Homer?!”Hindi siya sinagot ni Charlie. Sa halip, tinulak niya ang upuan sa likod niya at umupo nang naka de kwatro.Pagkatapos, tumingin siya sa walang laman na lamesa at tinanong, “Hindi ba’t inimbita mo kami para kumain? Bakit walang kahit ano sa lamesa? Wala man lang kahit isang pampaganang pagkain. Ganito ba tratuhin ng pamilya Fox ang mga bisita nila?”Hindi inaasahan ni Spencer na tatrauhin siya nang magaan ni Charlie, at hinampas niya ang kanyang kamao sa lamesa sa galit.“Bata! Ito ang pamilya Fox! Maging tapat ka sa akin! Nasaan ang apo ko?! Kung hindi mo sasabihin sa akin, hindi ka makakalabas nang buhay sa pintong ito!”Nagalit din si Xavion. Ilang beses siyang pinagalitan ni Charlie sa Palace Hotel, kaya may galit siya sa kanya at hindi niya ito kinalimutan.Hindi niya inaasahan na pupunta si Charli sa baha

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4237

    Bago pa siya matauhan sa gulat, biglang tumama ang isang sampal sa kanyang mukha, gumawa ito ng isang malutong na tunog.“Pak!”Hindi lang si Cason ang nagulat. Kahit sina Spencer at Xavion ay nanigas sa pagbaliktad ng pangyayari.Sinong mag-aakala na ang pinakamalakas na martial artist ng pamilya Fox ay madaling matatalo? Hindi lamang iyon, ngunit sinampal siya ng kalaban bilang ganti.Pagkatapos, isang hindi kapani-paniwala na eksena ang nangyari sa harap nila.Pagkatapos sampalin si Cason, inatras ni Charlie ang kanyang kamay at ginamit ang likod ng kanyang kanang kamay para sampalin ulit si Cason.Nakatayo lang si Cason at tulala siya. Pero, hindi niya makontrol ang pagdaloy ng mga luha niya sa kanyang pisngi.Walang makakaintindi kung paano siya sinaktan nang emosyonal ng dalawang sampal. Malaki ang epekto nito sa kanyang mentalidad!Habang nakatulala si Cason, gumamit si Charlie ng ilang aura ng Reiki para ikulong ang kapangyarihan ni Cason, at inutusan niya nang malamig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4238

    “Huwag magalit?”Naaliw din si Charlie, at tinawanan niya ang mga sinabi ni Spencer.Tumingin siya kay Spencer at tinuro ang lugar kung saan nakaupo si Spencer kanina. Sinabi niya nang malamig, “Simula nang pumasok ako, nakaupo ka diyan na parang isang agila. Binantaan mo ako na hindi ako makakaalis nang buhay sa lugar na ito, at binanta mo na papatayin mo ang pamilya ko. Sobrang bangis mo! Ngayon, iwinawagayway mo ang buntot mo na parang isang aso at nagmamakaawa sa akin. Spencer, hindi ko talaga maintindihan. Sino ang totoong ikaw”Hindi inaasahan ni Spencer na sobrang prangka ni Charlie. Sobrang bastos sa kanya ang mga matatalas na salita ni Charlie. Galit siya, pero wala siyang magawa dito.“Patawad… Pasensya na at kinalaban kita kanina… Patawarin mo sana ako…”Suminghal si Charlie, “Pinagbantaan mo ang kaligtasan ko, at kaya ko pa rin itong tiisin. Pero, nangahas kang pagbantaan ako sa kaligtasan ng pamilya ko? Hindi ko ito matatanggap!”Puno ng takot ang ekspresyon ni Spenc

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4239

    Sa opinyon ni Spencer, kung nakinig si Xavion sa utos ni Charlie kanina at sinampal ang sarili niya, hindi siya bubugbugin ni Charlie.Nasa 70s na si Spencer, at nakakahiya ang sampal, sinaktan siya nang pisikal at sikolohikal.Nakita ni Xavion na galit talaga ang kanyang ama, kaya mabilis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya at sinabi nang nahihiya, “Masyado akong maraming sinabi! Masyado talaga akong maraming sinabi!”Nalugod si Charlie at tumango. Pagkatapos, tinuro niya ang lamesa at sinabi, “Halika. Hindi ba’t niyaya niyo ang mga bisita niyo para kumain? Umupo tayong lahat.”Alam ni Spencer na nagkamali siya nang sobra. Madaling imbitahin si Charlie, pero mahirap siyang paalisin. Wala siyang nagawa kundi tumayo mula sa sahig.Sinubukan ni Xavion na tumulong, pero nagagalit si Spencer sa tuwing tumitingin sa kanya. Sinampal ni Spencer si Xavion at pinagalitan, “G*go ka! Hindi ko kailangan ng tulong mo! Bilisan mo at sabihan mo ang kusina na ihain ang pagkain!”

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status