Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4191 - Chapter 4200

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4191 - Chapter 4200

5747 Chapters

Kabanata 4191

Alam ni Finley na sa sandaling inimbestigahan ng pamilya Fox ang mga Japanese ninja, madali silang makakahanap ng mga bakas tungkol sa mga Iga ninja.Hindi niya mapigilan na ibulong sa sarili niya, “Paano matatapatan ng mga Iga ninja ang pamilya Fox? Kapag kaharap nila ang pamilya Fox, siguradong aaminin nila ang lahat nang walang pag-aatubili…”“Pagdating ng oras, susundan ng pamilya Fox ang bakas ng mga Iga ninja at hindi sila matatagalan na iugnay ito sa akin…”“Kahit na gumamit ako ng isang pekeng pagkakakilanlan nang tinawagan ko ang mga Iga ninja, hindi pekeng pera ang 40 million US dollars na pinadala ko sa mga Iga ninja…”“Sa sandaling sinuri ng pamilya Fox ang pinagmulan ng pera at inimbestigahan ito nang kaunti, siguradong mapupunta ito sa akin…”“Paano ko ito ipapaliwanag sa pamilya Fox sa oras na iyon?”“Sabihin ko ba na inosente ako? Maniniwala ba sila sa akin? Siguradong hindi…”“Kung gano’n, wala akong magagawa kundi sabihin sa kanila nang tapat na tinutulungan ko
Read more

Kabanata 4192

Nasa border ng Texas ang Mexico, kaya balak niyang humanap ng paraan para ipuslit ang sarili niya sa Mexico pagdating sa Texas.Maraming taon nang nagbebenta ng tao si Finley at may malakas na network ng koneksyon siya sa Canada, United States, at Mexico. Ngayon, hindi na siya naglakas-loob na bumalik sa Canada at hindi na siya pwedeng manatili sa United States. Kaya, ang nag-iisang pagpipiliian niya na lang ay pumunta muna sa Mexico.Ito ay dahil maraming malaking drug lord sa Mexico at mas magulong panahon ng mga warlord doon, kaya madali sa kanya na itago ang pagkakakilanlan niya at magtago. Sa sandaling narating niya ang teritoryo ng mga malalaking drug lord na iyon, kahit ang pamilya Fox ay mahihirapan na hanapin siya.Sa sandaling ito, tumingin ang driver sa kanya gamit ang rearview mirror at ngumiti habang sinabi, “Okay, sir. Mangyaring ikabit mo ang seatbelt mo.”Sinabi nang naiinip ni Finley, “Ikabit ang seat belt ko, kalokohan! Bilisan mo na at magmaneho ka!”Sinabi nang
Read more

Kabanata 4193

Nang nakatakas si Finley sa pamilya Fox, akala niya na siguradong makakagawa siya ng isang magaling na bagay at makakatas nang walang sugat sa pambihirang hula niya.Pero, hinding hindi niya inaakala na magiging bilanggo siya sa tabi ng villa ng pamilya Fox sa loob ng limang minuto pagkatapos niyang tumakas sa villa.Takot na takot siya at kinain siya ng lahat ng uri ng mga magugulong kaisipan.Kahit na hindi niya alam kung sino ang mga tao na dumukot sa kanya dito, may sagot na siya sa isipan niya.Naramdaman niya na ang mga tao siguro na ito ang mastermind sa likod ng pagpatay sa nakababatang kapatid niya, at sa paglaho ng buong Italian gang.Dagli, kinaladkad siya papasok sa basement. Pagkatapos buksan ang pinto ng basement, natakot siya nnag makita niya ang isang nakahubad na lalaki na nakasabit sa kwarto, may suot lang na briefs tulad niya. Ang nakahubad na lalaking ito ay walang iba kundi si Homer.Sa sandaling ito, wala na ang istilo ni Homer ng isang young master ng pamil
Read more

Kabanata 4194

Tumawa ang sundalo at sinabi, “Young Master George, paano mo nagawang maging sobrang bilis na magmakaawa? Ilang sampal pa lang ang natatanggap mo at nagsisimula pa lang ang palabas pero nagmamakaawa ka agad. Anong magagawa mo mamaya, kung gano’n?”Sa sandaling narinig ni Finley ang mga salitang ito, alam niya na siguradong hindi padadaliin ng kabila ang mga bagay-bagay para sa kanya at marahil ay handa pa siyang pahirapan hanggang sa mamatay siya. Kaya, umiyak siya at nagmakaawa, “Brother… Walang hinaing sa pagitan natin kaya bakit mo ako gustong atakihin?”Nang makita ni Homer na umiiyak si Finley at nagmamakaawa nang desperado, isang ideya ang bilang lumitaw sa isipan niya at agad tumingala sa monitor sa taas ng ulo niya habang sinigaw, “Lord Waldron! Lord Waldron, nandiyan ka ba? Ideya ni Finley George ang pandurukot kay Miss Golding! Siya ang nagplano ng lahat ng detalye at siya ang mastermind! Lord Waldron, pakiusap at tulungan mo akong ipasa ang mensahe kay Mr. Wade at tulungan
Read more

Kabanata 4195

Nang sumugod si Kazuo sa kwarto sa basement nang galit habang may patalim sa kanyang kamay, nakatali na ang mga kamay ni Finley at sinabit na ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies.At nagmumurahan pa rin sina Finley at Homer. Kinamumuhian nila ang isa’t isa, at sa parehong oras, hindi nila nakalimutan na ilipat ang sisi sa kabila.Nang makita nila na pumasok si Kazuo pagkatapos buksan ang pinto, tinigil nila ang pagmumura at nanginig nang kinakabahan.Natatakot si Homer na gagamitin ni Kazuo ang patalim para putulin ang isang bagay sa katawan niya.Sa kabilang dako, natatakot si Finley na puputulin ang mga tainga niya, tulad ni Homer.Sa sandaling pumasok si Kazuo sa pinto, nakita niya na nakasabit na si Finley.Biglang nagalit nang sobra at bumangis ang ekspresyon sa kanyang mukha. Umabante siya at sinipa si Finley sa tiyan, tila ba isa siyang sandbag.Sa parehong oras, nagmura nang galit si Kazuo, “G*go ka! Niloko mo akong pumunta sa United States at halos gumawa na ako n
Read more

Kabanata 4196

Kinabahan agad si Kazuo.Alam niya ang lakas ng pamilya Fox at kung nagpadala talaga ng mga tao ang pamilya Fox sa Japan, sandali lang bago nila maugnay ang bagay na ito sa mga Iga ninja.Marahil, nalaman na ng mga intelligence officer ng pamilya Fox na ang mga Iga ninja ito bago pa dumating ang mga martial arts expert sa Japan.Kaya, naiintindihan din ni Kazuo na malaki ang posibilidad na ang pamilya Iga, na humihina na, ay magiging sobrang hina sa harap ng mga martial arts expert ng pamilya Fox.At ngayon, sisisihin ng pamilya Fox ang pandurukot kay Homer at pagputol sa mga tainga ni Homer sa mga Iga ninja. Hinding-hindi nila sila pakakawalan…Marahil ay maubos ang mga Iga ninja dahil dito!Nang maisip ito, nataranta si Kazuo at ginusto pa niya na tawagan agad ang kanyang ama at sabihin sa kanya na magmadali at pangunahan ang pamilya Iga na magtago para hindi sila maubos ng mga martial arts expert ng pamilya Fox.Pero, kahit na mukhang iniwan siyang walang bantay sa villa na i
Read more

Kabanata 4197

Hindi inaasahan ni Kazuo na maagang inisip ni Charlie ang kaligtasan ng sarili niyang pamilya.Sa sandaling narinig niya na nagpadala ang pamilya Fox ng ilang tao sa Japan, kinabahan siya nang sobra pero hindi niya inaasahan na ginawa na ni Charlie ang lahat ng dapat ayusin.Dahil, nasa biyahe pa rin ang mga martial arts expert mula sa pamilya Fox at basta’t makakaalis ang sariling pamilya ni Kazuo bago dumating ang eroplano, hindi na sila mahahabol, kahit na malakas sila.Gumaan nang tuluyan ang pakiramdam ni Kazuo at nagmamadali niyang sinabi nang nagpapasalamat, “Salamat, Mr. Wade… Maraming salamat!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Samantalahin mo ang oras para tawagan ang ama mo at siguraduhin mo na makakasakay ang lahat sa eroplano sa loob ng limang oras. Pagkatapos nilang dumating sa New York, aayusin ng Ten Thousand Armies na bababa sila sa Long Beach at mapoprotektahan ang kaligtasan nila habang nagpapahinga sila at hinihintay ang utos ko.”Alam ni Kazuo na hand
Read more

Kabanata 4198

“Kazuo?!” Biglang nanabik nang sobra si Hanzo at nagmamadaling tinanong, “Kazuo, nasaan ka ngayon? Nakita ko ang balita at sinabi nila na dinukot mo ang eldest young master ng pamilya Fox. Ano ba ang nangyayari?!”Sinabi nang nagmamadali ni Kazuo, “Ama, mahabang kwento ito sa puntong ito. Niloko kami ng employer na iyon! Niloko niya kamin na pumunta sa New York at gusto niya talaga na dukutin namin ang babae ni Master Wade!”“Ano?!” Naramdaman ni Hanzo na dumilim ang lahat sa harap ng mga mata niya at nanginig siya habang tinanong, “Master Wade… Ito ba ang parehong Charlie Wade na nasa Mount Wintry sa Eastcliff sa araw na iyon at ginulat ang buong Ten Thousand Armies gamit ang lakas niya?”Sinabi n Kazuo, “Siya nga!”“Baka!” Desperadong minura ni Hanzo, “G*go ka! Ang lahat ng babae ni Master Wade ay nandoon sa Mount Wintry sa araw na iyon. Hindi mo ba sila nakilala?! Bilis at sabihin mo sa akin! Ginalit mo ba ang babae ni Master Wade?!”Sinabi nang nagmamadali ni Kazuo, “Hindi, Am
Read more

Kabanata 4199

Sa Iga ninja clan, daang-daang taon nang pinapatupad ng mga ninja at ng mga miyembro ng pamilya ang pamamahala ng militar, na may sobrang higpit na pamamahala mula sa itaas hanggang sa ibaba.Kaya, nang binigay ni Hanzo ang utos, sinimulan agad ng buong calan ang masinsinan na paghahanda.Tinigil agad ng lahat ng ninja ang mga ginagawa nila at nagmamadaling pumunta sa school para sunduin ang lahat ng bata na pumapasok sa school. Ang ilang nakakatanda pa na nasa hospital dahil may sakit sila ay dinala ng mga pamilya nila, basta’t wala sa panganib ang buhay nila.Ang lahat ng babaeng miyembro ng pamilya ay nagsimulang mag-impake nang mabilis sa bahay. Sinunod nang mahigpit ng lahat ang mga utos ni Hanzo at dinala lang nila ang mga kailangan nila at ang kaunting mahahalagang bagay, iniwan ang lahat sa bahay, kahit na alam nila na hindi na sila makakabalik dito sa buong buhay nila. Hindi sila pwedeng magdala ng maraming bagahe.Sa una, limang oras ang binigay para sa paglikas nila pero
Read more

Kabanata 4200

Sinabi nang malamig ni Spencer, “Siguraduhin mo na kontrolin ang head ng mga Iga ninja pati na rin ang ibang mahahalagang tao! Putulin mo muna ang lahat ng tainga nila sa akin pagdating ng oras!”Sinabi nang walang pag-aatubili ng taong namamahala, “Huwag kang mag-alala, Master! Siguradong kukumpletuhin namin ang gawain!”Pero, hinding-hindi inaakala ng taong namamahala na nilabas ni Porter sa isang hindi kilalang mensahe sa Japan Homeland Security Department ilang oras na ang nakalipas na isang puwersa sa ibang bansa na mahigit isang daang tao ang papasok sa Iga City sa gabing iyon at gagawa ng isang terrorist attack.Ayon sa orihinal na trabaho ng Japanese Homeland Security Department, susuriin muna nila ang katotohanan ng impormasyon sa isang sistematikong paraan, at kukumpirmahin muna ang katotohanan ng impormasyon bago sila kikilos ayon sa information intelligence.Pero, isang bagay lang ang sinabi ng misteryosong tao sa kanila kaya naging alerto nang mahigpit ang buong Homela
Read more
PREV
1
...
418419420421422
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status