Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4181 - Chapter 4190

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4181 - Chapter 4190

5747 Chapters

Kabanata 4181

Pagkatapos marinig ang sinabi ni Christian, tumawa nang nakangiwi si Merlin at sinabi, “Parehas ang iniisip ko. Sa New York, kaunti lang ang mga tao na kayang galawin ang pamilya Fox. Kung isasama ang pamilya Rothschild at pamilya Acker, nasa apat o limang pamilya lang ang may lakas na gawin ito, pero sa sandaling ito, ang istilo ng kilos ng mga taong ito ay hindi katulad ng sa inyo.”“Totoo.” Sumang-ayon si Christian at sinabi, “Hindi kayang gawin ng ilang malaking pamilya ang ganitong laro. Sobrang bangis nga at nakakasorpresa nito sa unang tingin.”“Sa tingin mo rin?” Bumuntong hininga si Merlin at sinabi, “Sa una ay akala ko na gawa ito ng isang bagong gang. Karaniwan, gustong gumawa ng nakakagulat at kakila-kilabot na bagay ng mga bagong gang para umangat pero kung iisipin ito nang mabuti, medyo hindi tama ito. Kung may kahit sinong gang na naglakas-loob na gawin ito, wala silang mapupuntahan at walang gang ang kayang labanan ang lakas ng pamilya Fox.”Tumango nang sumasang-ayo
Read more

Kabanata 4182

Bumuntong hininga si Merlin. “Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila gustong ilagay sa pamilya Fox ang atensyon. Lalabanan ba nila ang pamilya Fox sa harap ng buong mundo?! Masyadong mayabang ito at hindi sila papatawarin ng buong mundo para dito. Sa sandaling iyon, siguradong magiging kalaban sila ng lahat sa publiko!”Kumunot nang kaunti ang noo ni Christian at sinabi sa mahinang boses, “Maliban… Maliban kung sigurado sila na ganap nilang mababaliktad ang sitwasyon ngayon!”Pagkasabi nito, isang bihirang makitang takot na ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Christian habang sinabi niya, “Ahh, alam ko na! Isa siguro itong public execution!”“Public execution…” Binulong ni Merlin at inulit ang sinabi ni Christian. Pagkatapos nito, biglang kuminang ang mga mata niya at sinabi, “Alam ko na ngayon! Kung tama ang sinasabi mo, siguradong mayroong malaking iskandalo ang misteryosong tao na ito ng pamilya Fox. Sa sandaling nalantad ang iskandalo na ito, maaapektuhan nang sobra an
Read more

Kabanata 4183

Dumilim ang mukha ni Christian dahil sa biglaang sinabi ni Merlin.Pero, hindi siya nag react at tinaas niya lang nang bahagya ang isang baso niya ng wine at uminom nang marami bago pinagtampal ang mga labi at sinabi nang magaan, “Ako ang tanga na binanggit mo ngayon lang.”Natulala si Merlin habang tumingin siya kay Christian at sinabi, “P*ta! Ano ba! May nanloko ba sayo?”“Hindi.” Kumaway si Christian at tumawa nang mapanuya sa sarili niya sa ilalim ng impluwensya ng wine habang sinabi, “Walang nandaya sa akin. Ako ang nagbigay ng put*ng inang presyo na 370 billion US dollars, at lumuhod pa ako sa harap nila bero hindi nila ito binenta sa akin at pinalabas pa ako sa auction venue.”Naramdaman ni Merlin na ganap na nabaliktad ang pananaw niya at tinanong nang hindi nag-iisip, “Anong medisina ito… bakit ka nag-alok ng 370 billion US dollars para dito? Anong klaseng konsepto ang 300 billion US dollars? Kahit ang market value ng Alibaba ngayon ay 292.8 billion US dollars lang. Ang ib
Read more

Kabanata 4184

Sinabi nang emosyonal ni Christian, “Mahigit dalawang taon na siyang may sakit ngayon. Sa una, napagtanto ko na madali niyang nakakalimutan ang mga bagay-bagay at minsan, binababa niya ang isang bagay ay nakakalimutan niya ito sa susunod na sandali. Minsan, makakalimutan niya agad ito sa sandaling binanggit mo ito sa kanya, o maiintindihan niya ang sinabi mo sa kanya, pero pagkatapos nito, babalik siya at tatanungin ulit sayo ang tungkol dito.”“Sa sandaling iyon, tinawag na namin ang mga pinakamagaling na eksperto at dinalaa na namin siya sa isang sistematikong training para labanan ang sakit. Pero, ang sanhi ng ganitong sakit ay ang panghihina ng utak, kaya, walang epektibong treatment para dito. Pagkatapos nito, patuloy na lumala ang kondisyon niya.”Habang sinasabi ito ni Christian, ngumiti siya nang nakangiwi at sinabi, “Sabihin mo, hindi ba’t sobrang kakaiba ng sakit na ito? Kapag mas kamakailan ang isang bagay, mas hindi ito naaalala ng isang tao, pero kapag mas matagal na ang
Read more

Kabanata 4185

Nanahimik nang matagal si Merlin dahil sa mga sinabi ni Christian.Dati, narinig lang ni Merlin ang tungkol sa nangyari kay Ashley. Dahil sa propesyonal na pakiramdam niya, gusto niyang alamin ang sikreto sa likod nito pero sobrang kaunting tao lang ang nakakaalam sa pangyayaring iyon. Bukod dito, sobrang tinago nito, kaya, hindi na nag-imbita ng problema si Merlin para sa sarili niya.Pero, nang maisip niya si Ashley, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang sinabi, “Christian, ang nangyari sa ate mo… sobrang sayang talaga… Kung buhay pa siya, natatakot ako na ibang-iba na ngayon ang mundo ng mga mayayaman.”Tumango nang marahan si Christian.Bilang isang nakababatang kapatid na kaunti lang ang agwat ng edad kay Ashley, naiintindihan niya kung anong uri ng lakas ang mayroon ang ate niya.Masasabi na ang kalahati ng tagumpay na mayroon ngayon ang pamilya Acker ay nagmula sa mga ninuno ng pamilya Acker, habang ang kalahati ay nagmula kay Ashley.Nang maisip niya ito, hindi
Read more

Kabanata 4186

Pagkatapos itong sabihin, huminto siya saglit at idinagdag, “Sa taong nagkaroon ng aksidente ang ate ko, gumawa rin ang ama ko ng isang special trust fund sa JP Morgan Chase Bank at naglalagay siya ng one billion US dollars dito kada taon.”“Gagamitin ang perang ito para sa dalawang bagay—una, ay hanapin ang pamangkin ko, at ang pangalawa ay ibigay ang natitirang pera sa kanya pagkatapos siyang mahanap.”“Dalawampung taon na ang lumipas ngayon at ang na-invest na ay may kabuuan na 20 billion US dollars. Sa nakaraang dalawampung taon, kumuha kami ng maraming team para hanapin siya sa buong mundo at wala pa sa kalahati ang nagastos namin dito. Sa totoo lang, gumastos kami ng six o seven billion US dollars para hanapin siya.”Natulala si Merlin nang marinig niya ito at sinabi niya, “Gumastos kayo ng sobrang laki para lang hanapin ang isang tao?!”“Oo.” Ipinaliwanag ni Christian, “Sa information age, marahil ay mukhang madali lang na hanapin ang isang tao, pero sa realidad, sobrang lak
Read more

Kabanata 4187

Tuluyan na nabaliktad ang pananaw ni Merlin nang marinig ang mga sinabi ni Christian at bumuntong hininga siya habang siabi, “Mas malupit pa kayo kaysa sa labanan ng mga espiya… Anim na taon lang ang labanan sa buong World War II, mula 1930 hanggang 1945, pero tumagal talaga kayo ng labinlimang taon…”“Oo,” sinabi nang seryoso ni Christian. “Hindi ba’t ganito ang mga malalaking pamilya? Hindi kami natatakot na gumastos ng pera, sayangin ang oras namin, o magsayang ng enerhiya para lang hindi kami magkamali. Hindi mo maiisip ang natatagong engineering sa bagay na ito. Para ipadala ang lahat ng talento na pinalaki namin sa ilang malaking pamilya sa Oskia nang walang iniiwan na bakas, nakipagtulungan kami sa Oskia mahigit sampung taon na ang nakalipas para gumawa ng isang aktibidad na i-promote ang pag-unlad sa ibang bansa sa mga top graduate ng Oskia na bumabalik sa Oskia. Nagpadala kami ng nasa isang daang Oskian graduate sa ibang bansa na nagtapos sa mga major university sa United Sta
Read more

Kabanata 4188

Tumawa si Merlin at sinabi, “Sulit ang pagiging pamangkin mo. 100 billion US dollars ito. Ayon sa kasabihan ng mga mayayamang tao, hindi ko man lang magagastos ang interest kahit na gumastos ako hanggang sa mamatay ako…”Umiling si Christian, tumawa, at sinabi, “Hindi ko lang alam kung mahahanap namin ang pamangkin ko. Kung mahahanap siya, sa tingin ko ay siguradong naghirap siya nang kaunti sa mga nagdaang taon at sa ambag ng kanyang ina sa pamilya Acker, hindi na sobra ang 100 billion US dollars.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na sabihin nang nanghihinayang, “Sa kasamaang palad, may sakit ang matandang lalaki at marahil ay hindi niya makilala nag pamangkin ko kapag nakita niya siya. Kung makikita siya ngayon ng ama ko, marahil ay hindi siya maniwala na pamangkin ko ito. Kung matanda na at malusog ang ama ko, at nakita niya talaga ang pamangkin ko, natatakot ako na bibigyan niya pa siya ng mas maraming pera. Kahit na bihira niya lang ito sabihin sa mga nagdaang taon
Read more

Kabanata 4189

Sa parehong oras, ang butler ng pamilya Fox, pati na rin ang ilan sa mga tauhan niya, ay mabilis na tinatawagan ang mga pamilya na mayroong Concorde airliner sa buong mundo.Pagkatapos ng pangyayaring ito, hindi na makapaghintay si Spencer na bumili ng isang Concorde para lutasin ang mga posibleng emergency sa hinaharap.Ito ay dahil aabutin ng labintatlong oras nag pamilya Fox, na walang Concorde, para lumipad mula New York papunta sa Japan.Pero, aabutin lang sila ng lima’t kalahating oras kung may Concorde sila.Sa normal na panahon, balewala ang puwang na pito o walong oras, pero kung isa itong kritikal na sandali, sapat na ang oras na ito para gumawa ng napakaraming hindi inaasahan bagay.Ito ay dahil ang pagbili ng isang Concrode ay isang normal na demanda para sa pamilya Fox at hindi ito isang sikreto. Kaya, hindi iniwasan ng mga taong ito ang kahit sino at nagmamadali silang naghanap ng medyo tahimik na lugar at nagmamadaling tumawag gamit ang cellphone.Palihim ding naki
Read more

Kabanata 4190

Ngumiti si Peyton at sinabi, “Ganito dapat ito.”Pagkasabi nito, hininaan niya ang boses niya at sinabi sa kasambahay, “Sa ngayon ay may malaking deal ako at matatapos ko ang negosasyon sa susunod na dalawang araw. Sa sandaling iyon, siguradong makakatanggap ako ng malaking bonus. Dadalhin kita sa Las Vegas para mag-enjoy ng ilang araw pagkatapos kong makuha nag bonus!”Nakaramdam ng panghahamak ang kasambahay sa puso niya at tinanong niya nang mausisa, “Anong malaking deal ito? Sabihin mo sa akin. Hayaan mong marinig ko ito para mapawi ang pagkamausisa ko.”Tumaas ang mga kilay ni Peyton at tumawa habang sinabi, “Gustong bumili ng master ng isang Concorde. Nagkataon na may kilala akong pamilya sa France na may Concorde at gusto itong ibenta, kaya sinusubukan kong tawagan ang mga tao nila.”Tinanong nang nalilito ng kasambahay, “Ano ang Concorde?”Ipinaliwanag ni Peyton, “Isa itong supersonic na passenger plane na kayang lumipad ng mahigit 2,000 kilometers sa isang oras.”Tinanon
Read more
PREV
1
...
417418419420421
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status