Hindi nagtagal, napuno ulit ng luha ang mukha ni Jaime saka siya umiyak habang mapakla ang damdamin, “Benefactor… utang ko sa inyo ang walang silbi kong buhay, at may karapatan nga naman kayong tapusin ito… pero gusto ko talagang magmakaawa para sa kapakanan ng kapatid at nanay ko. Pakiusap, pakawalan niyo ako… pakiusap, Benefactor, nagmamakaawa ako…”Nang makita ni Charlie na lumuluha si Jaime at nagmamakaawa ito nang matindi sa kanyang harap, napangiti siya nang bahagya saka siya nagsalita, “Pinagbigyan ko nan ga ang papa mo at iniligtas ko ang buhay niya para sa kapakanan ng nanay mo at ng kapatid mo. Pero, inaasahan mo ring ililigtas ko ang buhay mo para sa kanila?”Napatanong si Jaime nang hindi niya namamalayan, “Benefactor, ang tatay ko… buhay pa ba ang tatay ko?!”Napangiti si Charlie nang walang emosyon, “Nasa Syria ang tatay mo ngayon. Kahit matagal siyang hindi makakauwi ng Oskia, sigurado akong hindi siya malalagutan ng hininga roon.”“Sa Syria?” Nagulantang si Jaime sa
Read more