Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3001 - Chapter 3010

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3001 - Chapter 3010

5693 Chapters

Kabanata 3001

Nang marinig ni Charlie na may bagong kliyente si Claire, hindi niya ito masyadong inisip.May dalawang business lines ang kumpanya ni Claire. Isa sa mga ito ang renovation design, samantalang renovation undertaking naman ang isa.Mula sa dalawang ito, renovation design ang main business ni Claire dahil magaling siya sa ganitong bagay.Para naman sa renovation undertaking, supervisor ang role ni Claire sa bahaging ito, at madalas siyang kumukuha ng ibang renovation company na pwedeng gumawa ng trabaho.Ngayong tapos na ang renovation design work niya para sa Emgrand Group at nagsisimula na rin ang renovation undertaking nito, ilan sa mga empleyado ni Claire ang wala nang ginagawa kaya kailangan nilang maghanap ng bagong projects.Pagkatapos kumain ng almusal, sabay na pumasok ng kotse ang mag-asawa. Hinatid ni Charlie si Claire sa old town.Pagkatapos magmaneho ng ilang distansya, kinausap ni Charlie si Claire, “Mahal, bakit hindi mo ako bigyan ng saktong address? Bubuksan ko ang
Read more

Kabanata 3002

Tumango si Helen at tinuro niya si Sophie na nasa tabi niya, saka niya kinausap si Claire, “Miss Wilson, gusto kong ipakilala sa inyo ang anak kong si Sophie.”Habang nagsasalita, kinausap rin ni Helen si Sophie, “Sophie, siya si Claire Wilson, ang boss ng design studio na sinasabi ko sa’yo.”Tumango nang bahagya si Sophie at magalang siyang bumati, “Hello, Miss Wilson!”Agad na tumugon si Claire, “Hindi mo ako kailangang tawaging Miss Wilson. Pwede mo akong tawagin na Claire na lang.”Habang nagsasalita, napansin ni Claire na pinakilala ni Helen ang anak niya sa kanya. Kaya, natural lang na ipakilala rin ni Claire ang asawa niya sa kanila bilang paggalang. Kaya, agad na nilingon ni Claire ang direksyon ni Charlie saka siya nagsalita, “Mahal, lumabas ka rin para batiin sila Aunt Dunn at Miss Schulz.”Sa totoo lang, habang nakaupo sa loob ng kotse, nakita na talaga ni Charlie si Helen at Sophie gamit ang rearview mirror.Habang nasa isip niyang umalis agad, hindi niya naman inaaka
Read more

Kabanata 3003

Biglang nakaramdam ng matinding hiya si Claire nang marinig ang mga sinabi ni Sophie.Hinawakan ni Claire ang buhok sa kanyang sentido at nag-alangan siyang magsalita, “Ito… Hindi ko masasabing arranged marriage ito…”Hindi mapigilang magsalita ni Sophie, “Pareho niyong hindi kilala o nauunawaan ang isa’t isa bago kayo ikasal. Natural lang na wala kayong emosyonal na pundasyon. Sa parehong pagkakataon, kinasal lang rin kayo dahil sa kagustuhan ng lolo mo. Hindi ba iyan ang tipikal na arranged marriage? Kagaya ito ng kasal ni Marie Antoinette kay Louis XVI sa ancient history. Pareho silang walang nararamdaman sa isa’t isa at kinasal lamang sila dahil sa kagustuhan ng nanay ni Louis XVI.”Nang mabanggit ito, tila ba may naalala si Sophie at nagsalita siya nang walang pigil, “Mukhang hindi talaga nagkaroon ng nararamdaman si Louis XVI at Marie Antoinette sa isa’t isa sa buong buhay nila. Hindi kaya pareho rin ang kasong ito sa inyong dalawa?!”Lalong hindi mapakali si Claire sa mga di
Read more

Kabanata 3004

Subalit, nakaramdam siya ng kumpiyansa nang madiskubre niya ang sitwasyon nila ni Claire.Dahil hindi pala isang malaking balakid ang iniisip niyang pinakamalaking hadlang para magkaroon siya ng tsansa kay Charlie.Para bang nakakita ng liwanag si Sophie sa dulo ng isang madilim na tunnel.Kaya, lumabas na lamang si Sophie para maglakad-lakad sa courtyard ng mansyon habang abala ang kanyang nanay na kausapin si Claire tungkol sa renovation plan. Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang cellphone para padalhan ng text si Charlie sa WhatsApp: [Mr. Wade, hindi ko naman inaakalang arranged marriage pala kayo ng asawa mo!]Samantala, kakaalis lamang ni Charlie ng old town at nagmamaneho na siya papunta ng airport.Iniisip pa rin ni Charlie ang sitwasyon kung saan nagkita si Helen, Sophie at Claire. Hindi niya mapigilang bumuntong hininga, ‘Mukhang maliit nga talaga ang Aurous Hill. Kung patuloy na magiging ganito ang takbo ng lahat, mas lalong tataas ang tsansa na makakasalubong ko ang ib
Read more

Kabanata 3005

Habang patungo ng airport si Charlie, nagkaroon ng impormasyon si Jaime kung kailan darating ang private jet ni Quinn gamit ang sarili niyang mga koneksyon.Nagkataong sinabi ng espiya niya sa venue na darating si Quinn ng 1:00 PM.Sakto ang oras ng paglipad ng business jet ng pamilya Golding sa oras na darating si Quinn para sa rehearsal kaya kampante siya na tama ang nakuha niyang impormasyon.Pakiramdam niya darating si Quinn pagkatapos ng 12:00 PM at malapit ng 1:00 PM kaya hindi niya kailangang magmadali at pumunta nang maaga sa airport.Ganoon din, inutusan niya ang mga tauhan niya na kumilos agad, pagdating ng 11:30 AM, aalis na sila para sunduin si Quinn.Subalit, hindi niya alam na nakasakay na si Quinn ng eroplano papunta ng Aurous Hill.Dumating si Charlie sa airport sa ganap na 9:30 AM. Ganoon din, naririyan na si Isaac para abangan siya.Nagmaneho si Charlie ng kanyang kotse papasok sa airport sa tulong ng direksyon na itinuro ni Isaac.Para maiwasang maihayag ang
Read more

Kabanata 3006

Pagkatapos ay binuksan ni Charlie ang pinto habang sinabi, “Tara na. Ihahatid kita sa Shangri-La.”“Okay!” Nagmamadaling pumasok si Quinn sa kotse dala-dala ang bouquet ng mga bulaklak sa kanyang kamay.Pagkatapos ay sumenyas si Charlie kay Isaac, na pumasok din sa kotse niya at magmaneho sa harap nila habang paalis sila sa airport.Sa daan, tinanong ni Charlie si Quinn, “Nana, anong oras pupunta dito sina Tito Golding at Tita Golding bukas?”Sinabi ni Quinn, “Pupunta sila siguro sa ganitong oras, o marahil ay mamaya pa.”Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Quinn, “Siya nga pala, Kuya Charlie, kung wala kang ibang gagawin bukas ng umaga, pwede tayong pumunta at sunduin sila sa airport!”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kumpirmahin mo ito kina Tito Golding at Tita Golding mamaya. Sa oras na iyon, pumunta tayo at sunduin natin sila.”Nilabas agad ni Quinn ang kanyang cellphone at sinabi, “Hindi na kailangan maghintay mamaya. Magpapadala na ako ng video call request sa ama
Read more

Kabanata 3007

Nang marinig ni Quinn na pupunta na sa meeting ang mga magulang niya, sinabi niya nang nagmamadali, “Pa, Ma, huwag kayong magmadaling ibaba ang tawag! Hindi ko pa napapakita ang bouquet ng bulaklak na binigay sa akin ni Kuya Charlie!”Pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadaling pinalitan ni Quinn ang camera view habang tinutok niya ang camera sa bouquet ng mga bulaklak na nasa kandungan niya.Si Rachel, na nasa kabilang dulo ng video, ay ngumiti at sinabi, “Oh! Sobrang laking bouquet ng rosas iyan. Talagang maalalahanin si Charlie! Napakaraming taon na kaming magkasama ng ama mo, pero mukhang hindi pa ako binigyan ng ama mo ng kahit anong bulaklak dati.”Sinabi nang hindi akma ni Yule, “Matandang mag-asawa na tayo. Kaya, bakit pa nating bibigyan atensyon ang mga ganitong bagay?”Tumingin nang masama si Rachel sa kanya bago sinabi, “Kaya, ito ang pagkakaiba niyo ni Charlie. Bakit hindi tingnan kung gaano ka romantiko si Charlie? Naghanda siya ng bouquet ng rosas kahit na sinundo ni
Read more

Kabanata 3008

Habang nagsasalita siya, tinanong ulit ni Quinn, “Siya nga pala, Kuya Charlie, babalik ka sa Eastcliff sa Tomb Sweeping Festival para sumali sa ancestor worship ceremony, tama?”Tumango si Charlie. “Tama. Bakit?”“Wala naman.” Sinabi ni Quinn, “Sa April ang Tomb Sweeping Festival, tama? Ang ibig sabihin ay makikita ulit kita sa Eastcliff.”Bahagyang ngumiti si Charlie. “Oo. Siguradong pupunta ako at bibisitahin kayo nila Tito Golding, at Tita Golding sa bahay niyo.”Sinabi ni Quinn, “Sakto ang timing mo dahil pupunta ako sa United States sa kalagitnaan ng April.”“Pupunta sa United States?” Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Bakit bigla kang pupunta sa United States?”“Hindi ito biglaan.” Sinabi ni Quinn, “Dahil aalis na ako sa entertainment industry pagkatapos ng concert tour ko, nagpasya ako na magdaos pa ng ilang concert. Maituturing din ito bilang pamamaraan ko ng pagbibigay ng paliwanag sa mga tagahanga. Marami rin akong tagahanga sa Europe, United States, Japan, at Korea. K
Read more

Kabanata 3009

Nagmaneho si Charlie papasok sa Shangri-La bago sumakay sa internal elevator kasama si Quinn papunta sa kwarto na nireserba na ng kanyang team.Sa sandaling pumasok siya sa kwarto, tumabo si Quinn sa sofa sa dalawa o tatlong hakbang bago umupo at yumuko sa sofa habang sinabi nang emosyonal, “Jusko. Nakakapagod talaga na gumising nang maaga para lang habulin ang flight.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Magpahinga ka muna kung pagod ka. Pwede tayong lumabas at kumain pagkatapos mong magpahinga.”Tinanong nang nagmamadali ni Quinn, “Kuya Charlie, saan mo ako balak dalhin para kumain?”Sinabi naman ni Charlie, “Ikaw ang bahala. Kung ayos lang sayo, ayos lang kung kakain tayo sa dining department sa Shangri-La. Kung ayos lang, pwede tayong pumunta at kumain sa restaurant ni Albert, sa Heaven Springs.”Kumaway nang nagmamadali si Quinn at sinabi, “Oh, kalimutan mo na ang Heaven Springs. Masyadong nakakapagod ito. Mapapagod din ako kung marami at mabigat ang kakainin natin. Bukod dito, kai
Read more

Kabanata 3010

“Okay.” Tumango si Jaime. Pagkatapos mahanap ang cellphone number ni Quinn, tinawagan niya ito.Pero, nakatanggap si Jaime ng prompt mula sa kabilang linya: “Sorry, but the number that you have dialed has already been turned off. Please try again later.”Mas lalong nalito si Jaime nang makita niya na pinatay talaga ni Quinn ang cellphone niya.Dahil, paano niya malalaman na matagal binuksan ni Quinn ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone niya. Kapag nasa ganitong mode ang cellphone niya, kaunting tao lang sa approved list niya ang matatawagan siya. Para naman sa ibang tao, kahit sino pa sila, kapag tumawag sila, makakatanggap lang sila ng prompt na nakapatay ang cellphone niya.Kaya, nagtanong nang nagmamadali si Jaime sa mga mahalagang impormasyon sa Aurous Airport, pero hindi niya mahanap ang entry registration information ni Quinn sa airport.Inakala niya na siguro ay hindi pa dumarating si Quinn sa Aurous Hill. Marahil ay naantala siya sa Eastcliff dahil sa isang aksidente, at
Read more
PREV
1
...
299300301302303
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status