Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3041 - Chapter 3050

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3041 - Chapter 3050

5696 Chapters

Kabanata 3041

Kinabukasan ng umaga.Pagkatapos mag-almusal nina Charlie at Claire, hinatid ni Charlie si Claire sa lumang mansyon sa old town, tulad ng ginawa niya kahapon.Narinig ni Charlie na sinabi ni Claire na nagsikap nang sobra si Helen na ayusin ang bahay na ito. Gusto niya pang maging perpekto ang mga maliliit na detalye kahit magkano pa ang gastusin niya.Sa kotse, emosyonal na sinabi ni Claire kay Charlie, “Ang client na nakita mo kahapon, si Aunt Dunn, sa una ay binigyan ko siya ng plano na may halagang two million dollars. Sa totoo lang, sobra na ito para ipaayos ang mansyon. Pero, patuloy niyang binago ang plano kahapon, at direktang tumaas ang budget ng ten million dollars…”Habang nagsasalita siya, idinagdag ni Claire, “Napagtanto ko na ginagawa nga ng mga mayamang tao ang mga bagay-bagay hindi kahit magkano pa ang gastusin nila. Ang aktwal na presyo ng bahay na ito ay wala pang one million dollars. Bukod dito, hindi hinahayaan ng gobyerno ang kahit anong major renovation at pagb
Read more

Kabanata 3042

Tumango nang nagmamadali si Helen at sinabi, “Pumunta ka muna sa trabaho mo kung may gagawin ka. Makasisiguro ka dahil nandito si Claire kasama ko.”Tumango si Charlie, pero hindi niya maiwasan na maguluhan nang kaunti. Mukhang tinawag ni Helen si Claire na ‘Miss Wilson’ noong nakita niya siya dati, pero ngayon, direkta na niyang tinatawag ang pangalan niya, si Claire. Kaya, mukhang mabilis na umuunlad ang relasyon sa pagitan nilang dalawa.Hindi pinagdudahan ni Charlie ang pagkatao ni Helen, pero nang maisip niya na mukhang sadyang nilalapitan ni Helen si Claire, hindi niya mapigilang mag-alala. Nag-aalala siya na may masasabi si Helen, kahit na sadya o hindi ito sadya.Pero, ayaw niyang paalalahanan nang direkta si Helen. Naniniwala siya na alam ni Helen ang limitasyon niya.Kaya, nagpaalam si Charlie sa kanilang dalawa bago siya nagmaneho direkta papunta sa Shangri-La para sunduin si Quinn. Pagkatapos, pupunta sila sa airport para sunduin si Yule at ang asawa niya, si Rachel.D
Read more

Kabanata 3043

Nang nagkasalubong sina Charlie at Dorothy at dahil mukhang nagulat at nanigas si Dorothy, sadyang umubo nang dalawang beses si Charlie, “Ehem, ehem. Hello, Miss Chan.”Sa wakas ay bumalik na si Dorothy sa diwa niya. Nang maisip niya kung paano niya tinitigan nang matagal ang gwapong mukha ni Charlie kanina lang, bigla siyang nahiya nang sobra, at tinanong niya nang kinakabahan, “Oh. Ikaw… Bakit nandito ka…”“Nandito ako para sunduin si Nana.” Nang makita ni Charlie ang natatarantang hitsura sa mukha ni Dorothy, hindi niya mapigilang itanong, “Bakit takot na takot ka? Hindi naman kita kakainin, tama?”Hinawakan ni Dorothy ang dibdib niya, at kumalma siya bago sadyang sinabi nang malakas kay Charlie, “Hindi mo ako kakainin, pero natatakot ako na baka may narinig kang mali sa akin. Kung gano’n, kakainin ako ng tigre sa loob ng kwarto!”Nang marinig ni Quinn ang mga sinabi ni Dorothy, tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Dorothy, sinong kausap mo? Sinong tinatawag mong tigre? Gusto mo
Read more

Kabanata 3044

Habang naglalakad pababa ang mag-asawa sa passenger boarding stairs, hindi napigilan ni Quinn na hawakan ang kamay ni Charlie habang mabilis silang umabante para batiin sila.Sinabi nang magalang ni Charlie, “Uncle Golding, Aunt Golding, siguradong nakakapagod at mahirap ang biyahe niyo mula sa malayo. Talagang medyo naaawa ako sa inyo!”Tumawa si Yule at sinabi, “Charlie, ikaw ang nagligtas sa buhay ko. Kaya, bakit kailangan mong maging sobrang galang sa akin sa maliit na bagay lang?”Si Rachel, na nasa tabi, ay ngumiti rin at sinabi, “Tama, Charlie. Sabik ang Uncle Golding mo na ipagdiwang ang kaarawan mo ngayong taon. Hindi ko man lang alam kung gaano katagal na niya ito sinasabi. Alam mo ba kung gaano siya kasabik sa pagpunta dito?”Tinanong nang nagmamadali ni Quinn, “Pa, dinala mo ba ang birthday cake na pinapadala ko sayo? Dinala mo ba iyon dito?”Ngumiti si Yule. “Syempre dinala ko iyon dito! Paano ko magagawang kalimutan ang isang bagay na ilang beses sa aking pinaalala n
Read more

Kabanata 3045

Hindi itinuturing ni Charlie na estranghero si Yule. Naramdaman niya lang na medyo sayang para kay Yule na bigla siyang bigyan ng isang private jet.Bukod dito, hindi ito isang ordinaryo at maliit na private jet na nasa sampu-sampung milyong dolyar o nasa one o two hundred million dollars lang. Isa itong private jet na binago mula sa isang Boeing 737 airliner.Ang presyo ng isang ordinaryong ex-factory Boeing 737 ay nasa 100 million US dollars, at para lang ito sa isang ordinaryong airliner. Para sa isang private jet, ang isang ordinaryong airliner ay katumbas ng isang bahay na kalahating tapos na. Ang gastos para sa pagbabago at renovation ng bahay na ito ay nasa kalahati ng buong halaga.Kung gagawin mo ang matematika, ang halaga ng eroplano na ito ay nasa one billion Oskian dollars.Medyo nahihiya talaga si Charlie na tanggapin ang sobrang mahal na regalo sa kaarawan niya.Nang makita ni Yule na medyo nag-aatubili si Charlie, umabante siya at hinawakan ang mga balikat niya haba
Read more

Kabanata 3046

Tumango si Charlie at sinabi, “Nagsumikap ka.”“Dapat lang!”Lumabas si Isaac sa kotse sa sandaling ito at sinabi kay Charlie, “Young Master, hihintayin kita sa entrance. Pwede mo akong utusan sa kahit anong oras kung may kailangan ka.”Sinabi ni Charlie, “Bakit kailangan mong maghintay sa entrance? Sabihan mo si Albert na mag-ayos ng private room para sa inyo at kumain kayo. Pupunta ako at sasama ako sa inuma ninyo mamaya.”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Okay, Master Wade. Aayusin ko na ito!”Nang marinig ni Isaac ang mga ito, naantig siya sa puso niya. Palaging iisipin ni Charlie siya, si Albert, at ang lahat ng tauhan nila sa kahit anong oras. Siguradong mas mabuti kumpara sa kahit sinong ordinaryo at mayaman na young master!Kaya, sinabi nang magalang ni Isaac, “Susundin ko ang lahat ng sinabi mo, Young Master!”Tumango si Charlie. Pagkatapos, sinabi ni Albert, “Master Wade, mangyaring sumama muna kayong apat sa akin!”Pagkatapos, sinundan nilang apat si Albert papunta
Read more

Kabanata 3047

Sa sandaling narinig ni Albert na sinabi ni Charlie na maghanda siya ng ilang simpleng tubig, sinabi niya agad, “Master Wade, gusto mo bang magtimpla na lang ako ng ilang Dragon Well tea at ipadala ito dito? Kapipitas lang ng mga tea leaves sa Sudbury noong nakaraang araw bago ito ipadala sa Aurous Hill. Medyo masarap ito.”Hindi alam ni Albert kung bakit siya inutusan ni Charlie na maghanda ng ilang simpleng tubig. Kaya, ngumiti lang si Charlie at kumaway habang sinabi, “Hindi mo na kailangan mag-abala. Maghanda ka lang ng simpeng tubig.”Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Charlie, “Oh, siya nga pala, tulungan mo rin akong maghanda ng kutsilyo na pamprutas.”Kahit na hindi alam ni Albert kung bakit, tumango agad siya habang sinabi, “Okay, Master Wade. Pupunta na ako at ihahanda ito at dadalhin ito dito!”Hindi rin maintindihan nila Yule, Rachel, at Quinn kung bakit gusto ni Charlie na maghanda si Albert ng simpleng tubig at kutsilyo, pero hindi na nila ito tinanong.Pagkatap
Read more

Kabanata 3048

May tatlong baso na puno ng tubig pati na rin isang kutsilyo na pamprutas sa tray.Maingat na nilagay ni Albert ang tray sa harap ni Charlie bago sinabi nang magalang, “Master Wade, nandito na ang tubig at kutsilyo na hiniling mo.”Tumango si Charlie at ngumiti nang kaunti. “Salamat sa pagsisikap mo.”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Walang anuman, Master Wade. Lalabas na ako kung wala ng iba.”“Okay.”Pagkatapos umalis ni Albert, tinanong ni Quinn si Charlie, “Kuya Charlie, bakit kailangan mo ng tubig at kutsilyo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Malalaman mo rin.”Habang nagsasalita siya, naglabas siya ng isang maganda at kulay pulang sandalwood box sa kanyang bulsa.Nang binuksan niya ang kahon, nakilala agad ni Yule ang pill na nasa loob nito.Alam niya na ito ang miracle pill na nagligtas sa buhay niya at ginawa siyang isang dosena o kahit dalawampung taon na mas bata.Nakita rin ng mag-ina, sina Rachel at Quinn, ang himala na iyon. Kaya, nag-iwan ng malalim na tatak s
Read more

Kabanata 3049

Nang marinig ni Rachel ang mga sinabi ni Charlie, hindi lang siya nanabik nang sobra, ngunit namula rin ang mga mata niya sa sandaling ito.Naantig talaga siya dahil kay Charlie.Kahit sa panaginip niya, hinding-hindi iisipin ni Rachel na maglalabas si Charlie ng isang Rejuvenating Pill dahil sa pagod niya. Lampas nang sobra ang kagandahang-loob niya sa normal na pang-unawa niya.Kahit na sobrang yaman ng pamilya Golding, hindi rin masama ang lakas ng pamilya ni Rachel.Pero, kapag mas mayaman siya, mas naiintindihan ni Rachel na hindi ang pera ng pinakamahalagang bagay sa mundong ito. Sa kabaliktaran, ang mga bagay na hindi mabibili ng pera ang mga pinakamahalagang bagay sa mundong ito.Para sa isang mahirap na tao na naghirap mabuhay araw-araw, kahit na alam niya na magsasanhi ng sakit ang trabahong ito sa katawan niya, handa siyang ipagpalit ang kalusugan niya para sa kabayaran upang suportahan ang pamilya niya.Pero, para sa mga mayamang tao na matagal ng nakamit ang kalayaan
Read more

Kabanata 3050

Nang marinig ito ni Charlie, umiling siya nang walang magawa at sinabi, “Uncle Golding, sinabihan mo ako na huwag kang tratuhin na parang estranghero kanina lang, pero sa isang iglap, ikaw ang nagtrato sa akin na parang isa akong estranghero. Sinabi ko na na para sa inyo nila Aunt Golding, at Nana ang Rejuvenating Pill na ito. Kahit na hindi ka naaawa para sa sarili mo at kahit na hindi mo iniisip ang sarili mo, dapat maawa ka kay Nana. Malapit na siyang magkaroon ng dose-dosenang concert sa buong mundo. Siguradong mapapagod siya kakatakbo kung saan-saan. Sa sandaling iyon, kung mapagod siya nang sobra, huli na ang lahat para magsisi tayo. Kaya, bakit sobrang galang mo pa sa akin?”Sinabi nang nagmamadali ni Quinn, “Kuya Charlie, ayos lang ako. Bata pa ako, kaya ayos lang na mapagod ako nang kaunti!”May tuwid na ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang sinabi, “Huwag mo akong lokohin dito. Nakalimutan mo na ba kung paano tayo nagkita? Kung hindi dahil sa problema mo sa tiyan, p
Read more
PREV
1
...
303304305306307
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status