Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3051 - Kabanata 3060

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3051 - Kabanata 3060

5696 Kabanata

Kabanata 3051

Dinampot ni Quinn ang baso at ininom niya ang lahat ng laman nitong tubig nang walang pag-aalangan.Hindi nagtagal, personal niyang naramdaman ang hindi maipaliwanag na mahika sa loob ng kanyang katawan.Para bang bumabalik ang kanyang katawan sa kondisyon nito ilang taon ang nakararaan.Hindi niya inaakalang mararanasan niya ang ganitong klase ng milagrosong pagbabago nang inumin niya ang isang baso ng tubig.Pakiramdam niya bumalik siya sa panahong 18 years old pa lang siya.Hindi niya mapigilang ipikit ang kanyang mga mata habang maingat niyang sinusuri ang nangyayari sa loob ng kanyang katawan. Napaisip siya sa kanyang sarili. ‘Kung hindi ko lang alam ang magical effect ng ininom ko, hindi sana ako maniniwalang babalik ang katawan ko sa dati nitong kondisyon, anim o pitong taon o nakararaan.’Pagkatapos, napatitig naman si Charlie kay Rachel at seryoso siyang nagsalita, “Aunt Golding, inumin niyo na rin iyan.”Tumango nang marahan si Rachel. Pagkatapos, dinampot niya ang bas
Magbasa pa

Kabanata 3052

Sa kasalukuyan, bumabalik si Rachel sa dati niyang kondisyon ilang taon ang nakararaan sa napakabilis na proseso. Hindi niya magulantang sa nangyayari.Ganoon din, nakatitig ang mag-amang si Yule at Quinn kay Rachel. Pinapanood nila ang pagbabago sa kondisyon nito.Hindi malinaw sa kanila kung anong klase ng malaking pagbabago ang nangyayari sa loob ng katawan ni Rachel, pero nakikita nilang mas nagiging masigla ang kulay ng balat nito.Ang pinaka-nakamamanghang bagay, unti-unting nawala ang kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Pati rin ang laugh lines niya nagsimulang maglaho. Pagkatapos ng ilang sandali, tila ba ilang taong mas bumata si Rachel.Sabik na sabik si Quinn at agad siyang humakbang para yakapin ang kanyang ina, nasamid siya habang nagsasalita, “Mama… bigla kang bumata ng ilang taon!”Hindi mapigilang mapabulalas ni Yule sa tuwa, “Rachel, bumata ka talaga ng ilang taon!”Inangat ni Rachel ang ulo niya para tignan ang coated privacy glass sa kwarto. Nang tignan niya
Magbasa pa

Kabanata 3053

Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na tuwa si Charlie sa loob ng kanyang puso nang makita niya na lima o anim na taong mas bata ang tatlong taong ito sa kanilang itsura at pananaw sa buhay.Matagal na siyang nag-iisa simula nang pumanaw ang kanyang mga magulang at hindi niya pa nararanasan na magkaroon ng tunay na pamilya.Kahit nagkaroon si Charlie ng pamilya pagkatapos pakasalan si Claire, dati tinuring siya ng pamilya Wilson na mas malala pa sa isang estranghero. Tanging si Claire lamang ang tumuturing sa kanya na isang miyembro ng pamilya. Pero kailan ba nangyaring pamilya talaga ang trato ng mga Wilsons sa kanya?Kahit maganda na ang pakikitungo ng mga biyenan niya sa kanya ngayon, alam ni Charlie sa loob ng kanyang puso na gumamit siya ng iba’t ibang pabor para makuha ang kanilang loob. Malaki ang pinagkaiba nito sa pamilya Golding. Matapos ang lahat, nanggagaling sa kaibuturan ng puso ang nararamdaman ng pamilya Golding para kay Charlie. Wala silang kahit anong interes o iban
Magbasa pa

Kabanata 3054

Pakiramdam ni Charlie nagkaroon siya ng déjà vu nang titigan niya ang dalawang maliliit na fondant dolls. Pero, hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.Sa pagkakataong ito, habang nasa tabi, napatitig si Quinn kay Charlie habang may ngiti sa mukha saka siya nagtanong, “Kuya Charlie, sa tingin mo ba pamilyar ang dalawang iyan sa’yo?”Tumango nang paulit-ulit si Charlie, “Oo, pamilyar silang dalawa sa akin. Kahit anong tingin ko, pamilyar talaga sila, pero hindi ko maalala kung saan ko sila eksaktong nakita.”Habang nasa tabi, masayang nagsalita si Rachel, “Ikaw talagang bata ka, hindi ba ikaw iyan at si Nana? Iyan kayo noong bata pa kayo. Higit sa lahat, ito ang 6th birthday mo!”Hindi mapigilang mapabulalas ni Charlie, “Talaga ba? Pakiramdam ko pamilyar nga sila, pero hindi ko maalala nang sakto kung saan at kailan.”Tumango si Rachel. Pagkatapos, inilabas niya ang isang photo album mula sa kanyang handbag.Sumunod, binuksan niya ang album at hinanap niya ang isang luma at
Magbasa pa

Kabanata 3055

Nang marinig ni Charlie na hindi nila dapat kainin ang fondant dolls, nakaramdam siya ng panatag. Kung hindi at kailangan niya talagang kainin ang mga fondant dolls nila ni Quinn noong bata pa sila, magkakaroon siya ng kakaibang pakiramdam sa kanyang tiyan.Habang nasa tabi, malambing na nakatitig si Quinn kay Charlie saka siya nagsalita nang marahan, “Kuya Charlie, kakantahan kita ng happy birthday song gaya nang ginawa ko sa kabataan natin! Pwede kang humiling ng kahit ano habang kumakanta ako, pwede mong hipan ang kandila kapag tapos na ako sa pag-awit.”Tumango si Charlie at napangiti siya nang bahagya, “Sige!”Inayos ni Quinn ang kanyang paghinga saka siya nagsimula sa pag-awit ng isang malambing na birthday song, “Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday dear Charlie~ Happy~ Birthday~ To~ You~”Sa puntong ito, pinagdaop ni Charlie ang dalawa niyang palad habang nakapikit ang kanyang mga mata at tahimik siyang nanalangin.Wala siyang ibang materyal na kagu
Magbasa pa

Kabanata 3056

Naantig si Charlie sa loob ng kanyang puso at napangiti na lamang siya, “Uncle Golding, bakit kaunting birthday celebrations lang? Dapat mga ilang dosena, hindi ba?”Napatawa si Yule, “Oo, tama ka! Ilang dosenang birthday celebrations ang gagawin natin para sa’yo!”Habang umiinom at nagkukuwentuhan, pareho nang nakainom ng tig-isang bote ng alak si Charlie at Yule.Kahit si Rachel na madaling malasing, hindi nagpakita ng kahit anong sintomas na nahihilo na siya pagkatapos uminom ng isang bote ng red wine nang mag-isa lang.Sa kasalungat, tuwang-tuwa si Rachel sa epekto ng alak sa kanya. Namumula ang kanyang mga pisngi at dahil kakainom niya lang ng Rejuvenating Pill, kulay rosas ang kulay ng kanyang balat. Sa madaling salita, nakakaakit siyang tignan sa ilalim ng ilaw.Napatitig si Yule sa kanyang asawa at hindi niya mapigilang magitla nang kaunti. Hindi niya mapigilang mapabulalas sa pagkamangha, “Mahal, tignan mo ang itsura mo ngayon, para akong nagkakaroon ng ilusyon na ito ang
Magbasa pa

Kabanata 3057

Nagitla si Charlie sa loob ng ilang sandali nang marinig niya ang tanong ni Rachel.Ito ang pangalawang pagkakataon na narinig ni Charlie na may nagtatanong sa kanya kung balak niya bang pumunta ng United States para makipagkita sa kanyang lolo at lola.Higit sa lahat, ang huling taong nagtanong nito sa kanya ay si Quinn.Kaya, sinabi ni Charlie kay Rachel ang parehong bagay na sinabi niya kay Quinn dati. Sinabi niya na wala siyang balak na istorbohin ang kanyang lolo at lola na dalawang dekada niya nang hindi nasisilayan at ilang beses niya lang nakita sa nakaraan.Nang marinig ni Rachel ang sagot na ito, kahit hindi niya maunawaan kung ano talaga ang nararamdaman ni Charlie sa loob ng kanyang puso, makikitang may awa sa ekspresyon sa kanyang mukha.Pagkatapos mag-alangan sa loob ng ilang sandali, seryosong nagsalita si Rachel, “Charlie, sa totoo lang, sa loob ng maraming taon, hindi lang ikaw ang taong sumusubok alamin kung bakit pumanaw ang mga magulang mo. Sinubukan rin namin
Magbasa pa

Kabanata 3058

Umaasa si Charlie na marating niya ang tuktok balang araw at maging mas nakamamangha ang kanyang paningin mula sa isang mataas na lugar sa hinaharap.Subalit, mas gusto niyang mag-isang akyatin ang patungo sa tuktok at gamit ang sarili niyang kakayahan kumpara sa umasa sa iba para magtagumpay.Naging maayos ang takbo ng tanghalian sa ilalim ng mainit na salo-salo ng magpamilya at si Charlie.Pagkatapos kumain, ginamit ni Charlie ang Reiki niya para alisin ang alak sa kanyang sistema, at nang makumpirma niyang hindi siya lasing, hinatid niya si Quinn sa performance venue saka niya inihatid si Yule at Rachel pabalik ng Shangri-La.Maraming gagawin ang mag-asawa. Magpapahinga lang nang saglit si Yule at Rachel sa tanghaling iyon saka sila lilipad pabalik ng Eastcliff pagkatapos panoorin ang concert ni Quinn mamayang gabi.Nang marinig ni Charlie ang plano nila, nagsalita siya, “Uncle Golding, Aunt Golding, bakit hindi muna kayo magpalipas ng gabi sa Shangri-La sa halip na umuwi agad?
Magbasa pa

Kabanata 3059

Pagkatapos ihatid si Yule at Rachel sa Shangri-La at ipagkatiwala sila kay Isaac, nagmaneho na si Charlie pabalik ng Thompson First Villa.Sa pagkakataong ito, alas dos pa lang ng tanghali. Naisip ni Charlie na hindi pa makakauwi ang asawa niyang si Claire hangga’t hindi pa alas tres o alas kwatro ng hapon. Kaya, naisip niyang umuwi muna saka niya susunduin si Claire.Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, pagdating ni Charlie sa bahay, abalang-abala na ang kanyang asawang si Claire, at ang mga biyenan niyang si Jacob at Elaine, sa kusina.Nang makita ni Charlie na nasa bahay si Claire, hindi niya mapigilang masorpresa, “Mahal, kailan ka pa umuwi? Bakit hindi mo ako sinabihan para masundo sana kita?”Napangiti si Claire, “Binilisan ko ang trabaho ko. Dumating ako sa bahay kani-kanina lang. Maaga akong umuwi dahil balak kong maghanda ng birthday dinner para sa’yo.”Sa pagkakataong ito, hawak ni Elaine ang isang malaking king crab gamit ang dalawa niyang kamay. Nang ilaagy niya i
Magbasa pa

Kabanata 3060

Tumango si Charlie. “Oo.”Inabot ng delivery man ang isang kahon na halos 50 sentimetro ang side length, “Ito ang cake na inorder ni Miss Wilson. Pakipirmahan na lang.”Tinanggap ni Charlie ang cake at nang pipirmahan niya na ang resibo, pinaalalahanan siya ng delivery man, “Buksan mo muna. Ibabalik ko sa cake shop kung may problema. Kung hindi, kapag napirmahan mo na ang resibo, hindi ka na pwedeng magreklamo. Sakaling may problema sa cake, baka kami pa ang sisihin niyo.”Hindi masyadong pinag-isipan ni Charlie ang lahat. Inalis niya ang pulang tali ng cake box. Pagkatapos alisin ang takip nito sa taas, isang marikit na double-layer cake ang sumalubong sa kanyang paningin.Hindi kasing elegante at kasing garbo ng custom-made five-layer cake ni Quinn ang nasilayan ni Charlie. Wala rin itong mga fondant dolls sa taas. Isa lamang itong simpleng cake, pero nang mabasa ni Charlie ang nakasulat na mga salita gamit ang chocolate icing, nakaramdam siya ng init sa kanyang puso.Ang nakasu
Magbasa pa
PREV
1
...
304305306307308
...
570
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status