Sa kasalukuyan, bumabalik si Rachel sa dati niyang kondisyon ilang taon ang nakararaan sa napakabilis na proseso. Hindi niya magulantang sa nangyayari.Ganoon din, nakatitig ang mag-amang si Yule at Quinn kay Rachel. Pinapanood nila ang pagbabago sa kondisyon nito.Hindi malinaw sa kanila kung anong klase ng malaking pagbabago ang nangyayari sa loob ng katawan ni Rachel, pero nakikita nilang mas nagiging masigla ang kulay ng balat nito.Ang pinaka-nakamamanghang bagay, unti-unting nawala ang kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Pati rin ang laugh lines niya nagsimulang maglaho. Pagkatapos ng ilang sandali, tila ba ilang taong mas bumata si Rachel.Sabik na sabik si Quinn at agad siyang humakbang para yakapin ang kanyang ina, nasamid siya habang nagsasalita, “Mama… bigla kang bumata ng ilang taon!”Hindi mapigilang mapabulalas ni Yule sa tuwa, “Rachel, bumata ka talaga ng ilang taon!”Inangat ni Rachel ang ulo niya para tignan ang coated privacy glass sa kwarto. Nang tignan niya
Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na tuwa si Charlie sa loob ng kanyang puso nang makita niya na lima o anim na taong mas bata ang tatlong taong ito sa kanilang itsura at pananaw sa buhay.Matagal na siyang nag-iisa simula nang pumanaw ang kanyang mga magulang at hindi niya pa nararanasan na magkaroon ng tunay na pamilya.Kahit nagkaroon si Charlie ng pamilya pagkatapos pakasalan si Claire, dati tinuring siya ng pamilya Wilson na mas malala pa sa isang estranghero. Tanging si Claire lamang ang tumuturing sa kanya na isang miyembro ng pamilya. Pero kailan ba nangyaring pamilya talaga ang trato ng mga Wilsons sa kanya?Kahit maganda na ang pakikitungo ng mga biyenan niya sa kanya ngayon, alam ni Charlie sa loob ng kanyang puso na gumamit siya ng iba’t ibang pabor para makuha ang kanilang loob. Malaki ang pinagkaiba nito sa pamilya Golding. Matapos ang lahat, nanggagaling sa kaibuturan ng puso ang nararamdaman ng pamilya Golding para kay Charlie. Wala silang kahit anong interes o iban
Pakiramdam ni Charlie nagkaroon siya ng déjà vu nang titigan niya ang dalawang maliliit na fondant dolls. Pero, hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.Sa pagkakataong ito, habang nasa tabi, napatitig si Quinn kay Charlie habang may ngiti sa mukha saka siya nagtanong, “Kuya Charlie, sa tingin mo ba pamilyar ang dalawang iyan sa’yo?”Tumango nang paulit-ulit si Charlie, “Oo, pamilyar silang dalawa sa akin. Kahit anong tingin ko, pamilyar talaga sila, pero hindi ko maalala kung saan ko sila eksaktong nakita.”Habang nasa tabi, masayang nagsalita si Rachel, “Ikaw talagang bata ka, hindi ba ikaw iyan at si Nana? Iyan kayo noong bata pa kayo. Higit sa lahat, ito ang 6th birthday mo!”Hindi mapigilang mapabulalas ni Charlie, “Talaga ba? Pakiramdam ko pamilyar nga sila, pero hindi ko maalala nang sakto kung saan at kailan.”Tumango si Rachel. Pagkatapos, inilabas niya ang isang photo album mula sa kanyang handbag.Sumunod, binuksan niya ang album at hinanap niya ang isang luma at
Nang marinig ni Charlie na hindi nila dapat kainin ang fondant dolls, nakaramdam siya ng panatag. Kung hindi at kailangan niya talagang kainin ang mga fondant dolls nila ni Quinn noong bata pa sila, magkakaroon siya ng kakaibang pakiramdam sa kanyang tiyan.Habang nasa tabi, malambing na nakatitig si Quinn kay Charlie saka siya nagsalita nang marahan, “Kuya Charlie, kakantahan kita ng happy birthday song gaya nang ginawa ko sa kabataan natin! Pwede kang humiling ng kahit ano habang kumakanta ako, pwede mong hipan ang kandila kapag tapos na ako sa pag-awit.”Tumango si Charlie at napangiti siya nang bahagya, “Sige!”Inayos ni Quinn ang kanyang paghinga saka siya nagsimula sa pag-awit ng isang malambing na birthday song, “Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday dear Charlie~ Happy~ Birthday~ To~ You~”Sa puntong ito, pinagdaop ni Charlie ang dalawa niyang palad habang nakapikit ang kanyang mga mata at tahimik siyang nanalangin.Wala siyang ibang materyal na kagu
Naantig si Charlie sa loob ng kanyang puso at napangiti na lamang siya, “Uncle Golding, bakit kaunting birthday celebrations lang? Dapat mga ilang dosena, hindi ba?”Napatawa si Yule, “Oo, tama ka! Ilang dosenang birthday celebrations ang gagawin natin para sa’yo!”Habang umiinom at nagkukuwentuhan, pareho nang nakainom ng tig-isang bote ng alak si Charlie at Yule.Kahit si Rachel na madaling malasing, hindi nagpakita ng kahit anong sintomas na nahihilo na siya pagkatapos uminom ng isang bote ng red wine nang mag-isa lang.Sa kasalungat, tuwang-tuwa si Rachel sa epekto ng alak sa kanya. Namumula ang kanyang mga pisngi at dahil kakainom niya lang ng Rejuvenating Pill, kulay rosas ang kulay ng kanyang balat. Sa madaling salita, nakakaakit siyang tignan sa ilalim ng ilaw.Napatitig si Yule sa kanyang asawa at hindi niya mapigilang magitla nang kaunti. Hindi niya mapigilang mapabulalas sa pagkamangha, “Mahal, tignan mo ang itsura mo ngayon, para akong nagkakaroon ng ilusyon na ito ang
Nagitla si Charlie sa loob ng ilang sandali nang marinig niya ang tanong ni Rachel.Ito ang pangalawang pagkakataon na narinig ni Charlie na may nagtatanong sa kanya kung balak niya bang pumunta ng United States para makipagkita sa kanyang lolo at lola.Higit sa lahat, ang huling taong nagtanong nito sa kanya ay si Quinn.Kaya, sinabi ni Charlie kay Rachel ang parehong bagay na sinabi niya kay Quinn dati. Sinabi niya na wala siyang balak na istorbohin ang kanyang lolo at lola na dalawang dekada niya nang hindi nasisilayan at ilang beses niya lang nakita sa nakaraan.Nang marinig ni Rachel ang sagot na ito, kahit hindi niya maunawaan kung ano talaga ang nararamdaman ni Charlie sa loob ng kanyang puso, makikitang may awa sa ekspresyon sa kanyang mukha.Pagkatapos mag-alangan sa loob ng ilang sandali, seryosong nagsalita si Rachel, “Charlie, sa totoo lang, sa loob ng maraming taon, hindi lang ikaw ang taong sumusubok alamin kung bakit pumanaw ang mga magulang mo. Sinubukan rin namin
Umaasa si Charlie na marating niya ang tuktok balang araw at maging mas nakamamangha ang kanyang paningin mula sa isang mataas na lugar sa hinaharap.Subalit, mas gusto niyang mag-isang akyatin ang patungo sa tuktok at gamit ang sarili niyang kakayahan kumpara sa umasa sa iba para magtagumpay.Naging maayos ang takbo ng tanghalian sa ilalim ng mainit na salo-salo ng magpamilya at si Charlie.Pagkatapos kumain, ginamit ni Charlie ang Reiki niya para alisin ang alak sa kanyang sistema, at nang makumpirma niyang hindi siya lasing, hinatid niya si Quinn sa performance venue saka niya inihatid si Yule at Rachel pabalik ng Shangri-La.Maraming gagawin ang mag-asawa. Magpapahinga lang nang saglit si Yule at Rachel sa tanghaling iyon saka sila lilipad pabalik ng Eastcliff pagkatapos panoorin ang concert ni Quinn mamayang gabi.Nang marinig ni Charlie ang plano nila, nagsalita siya, “Uncle Golding, Aunt Golding, bakit hindi muna kayo magpalipas ng gabi sa Shangri-La sa halip na umuwi agad?
Pagkatapos ihatid si Yule at Rachel sa Shangri-La at ipagkatiwala sila kay Isaac, nagmaneho na si Charlie pabalik ng Thompson First Villa.Sa pagkakataong ito, alas dos pa lang ng tanghali. Naisip ni Charlie na hindi pa makakauwi ang asawa niyang si Claire hangga’t hindi pa alas tres o alas kwatro ng hapon. Kaya, naisip niyang umuwi muna saka niya susunduin si Claire.Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, pagdating ni Charlie sa bahay, abalang-abala na ang kanyang asawang si Claire, at ang mga biyenan niyang si Jacob at Elaine, sa kusina.Nang makita ni Charlie na nasa bahay si Claire, hindi niya mapigilang masorpresa, “Mahal, kailan ka pa umuwi? Bakit hindi mo ako sinabihan para masundo sana kita?”Napangiti si Claire, “Binilisan ko ang trabaho ko. Dumating ako sa bahay kani-kanina lang. Maaga akong umuwi dahil balak kong maghanda ng birthday dinner para sa’yo.”Sa pagkakataong ito, hawak ni Elaine ang isang malaking king crab gamit ang dalawa niyang kamay. Nang ilaagy niya i
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh