Nang marinig ni Harold ang sinabi ni Lady Wilson, bigla siyang nakaramdam ng sabik saka siya nagsalita, “Lola, kung totoo nga talaga ang sinasabi niyo, ibig sabihin magandang bagay iyan! Matagal ko nang hinihiling na bumagsak ang tarantadong iyan! Mukhang ito na nga ang sintomas na katapusan na ni Charlie!”Naging mapanghamak ang ekspresyon sa mukha ni Lady Wilson. “Maganda lang ang pamumuhay nila sa loob ng isang taon dahil magaling manloko si Charlie! Dati, marami ring nakukuhang pera ang mga qigong masters at metaphysics masters sa mga mayayamang pamilya, pero wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng magandang kinahihinatnan! Sa tingin ko talagang katapusan n ani Charlie!”Sabik na sabik si Harold at napakislots ang kanyang katawan nang bahagya. Hindi maitatago ang pananabik sa kanyang boses, “Kung pabagsak na si Charlie ngayon, sa tingin ko katapusan na rin ng pamilya nila! Baka nga magpakita si Zeke White sa kanila pagkatapos ng ilang araw para kunin pabalik ang villa na tinitirah
“Mhm.” Tumango si Lady Wilson, “Nakikita ko rin ang sinasabi mo. Pero, ayaw sabihin ni Wendy kung ano ang pagkatao ng lalaking tumulong sa kanya lalo naman ang pangalan nito. Kaya, hindi ko tuloy mapigilang kabahan.”Habang nagsasalita, muling nagdagdag si Lady Wilson, “Nga pala, Christopher, dapat kausapin mo nang mag-isa si Wendy mamaya. Tanungin mo siya kung kumusta na ang relasyon niya sa lalaking iyon. Kung malabo ang kanilang ugnayan, bigyan mo siya ng payo na pabilisin ang lahat. Mas mabuti kung makukuha niya agad ang loob ng lalaking ito sa pinakamabilis na panahon.”Nahihiyang tumugon si Christopher, “Mama, paano ko naman makakausap si Wendy sa ganitong klase ng mga bagay? Para bang hindi ako mapakali at gusto ko nang ibenta ang sarili kong anak.”Napabulalas si Lady Wilson, “Mas tama lang na ikaw ang magtanong ng bagay na ito. Hindi na maganda ang opinyon ni Wendy sa akin simula nang mangyari ang isyu kay Kenneth Wilson. Sigurado akong wala siyang sasabihin sa akin kung ak
Bumuntong hininga nang emosyonal si Lady Wilson, kaya yumuko ang mag-amang si Christopher at Harold dahil sa hiya.Nang makita ni Lady Wilson na pinanghihinaan ng loob ang dalawang lalaking miyembro ng pamilya niya, nakaramdam siya ng pait sa kanyang puso. Agad siyang tumayo, “Humiga lang kayo rito. Pupunta ako sa bahay nila Charlie!”Napatanong si Harold, “Lola, ano ang gagawin mo sa bahay nila Charlie?”Suminghal nang malamig si Lady Wilson. “Pfft! Ano pa ba ang gagawin ko doon? Syempre, kukutyain ko sila!”Hindi mapigilan ni Christopher na mag-alala nang kaunti, “Ma, sa dulo ng araw, espekulasyon mo lang naman ang lahat na pabagsak na sa buhay si Charlie. Hindi pa nga natin nakukumpirma ang katotohanan. Kung pupunta ka roon para gumawa ng gulo at wala naman talagang nangyaring masama kay Charlie, kapag napagpasyahan niyang ligpitin tayo, hindi ba magdadala ito ng kalamidad sa buhay natin?”Naiinis na sumagot si Lady Wilson, “Matalas ang panramdam ko at kailan ba ako nagkamali?
Hindi nagtagal, dumating si Lady Wilson sa pinto nila Charlie sa isang agresibo at mapagmataas na paraan. Sumunod, pinindot niya ang doorbell.Sa loob ng villa, kararating lamang ni Charlie sa sala pagkatapos ilagay ang cake sa loob ng refrigerator. Samantala, nasa kusina pa sila Claire at ang mga biyenan niya. Sa pagkakataon ito, narinig ni Charlie ang doorbell kaya agad siyang tumayo para pumunta sa pinto.Napasulyap siya sa monitor at nang mapagtanto niya kung sino ang nasal abas, hindi niya mapigilang masorpresa. Malamig niyang kinausap si Lady Wilson, “May kailangan ba kayo?”Nang marinig ni Lady Wilson ang boses ni Charlie, malamig siyang suminghal, “Papasukin mo ako. Gusto kong makita si Jacob!”Tumugon si Charlie nang walang emosyon, “Pasensya na, hindi ka pwedeng pumasok dito. Umalis ka na. Kung hindi, tatawag ako ng property security!”“Ikaw!” Galit na sigaw ni Lady Wilson, “Ito ang bahay ng anak ko! Hindi ako pwedeng pumasok dahil lang sa’yo? Wala akong paki, papasok
Hindi inaakala ni Charlie na may lakas ng loob magyabang si Lady Wilson sa harap niya dahil lang kay Wendy.Siguradong hindi alam ni Lady Wilson na si Charlie ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakataon si Wendy na maging general manager mula sa pagiging hostess na inaapi ng lahat sa Mallow Stenhouse Etiquette Corporation. Si Charlie ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong klase ng oportunidad si Wendy.Nang marinig ito, napatitig si Charlie kay Lady Wilson na para bang tangang unggoy ang kausap niya, “Lady Wilson, ang pinakamalaking kahinaan mo ay pagiging makitid mo. Kung titignan mo sana nang malalim ang mga bagay-bagay, hindi sana aabot sa ganitong punto ang pamilya Wilson.”Hindi nagtagal, naging seryoso ang boses ni Charlie, “Kung gusto mo pang manatili sa Thompson First, tandaan mong lubayan ang pamilya ko at problemahin mo ang sarili mong mga problema. Pero, kung hindi mo magagawa ang bagay na ito, huwag ka nang magtaka kung bakit mawawalan ka ng oportunidad na magp
Gayunpaman, ito ay isa sa mga luxury na kayang bilhin ngayon ni Wendy.Dahil, ngayon ay mag-isa lang nagtatrabaho si Wendy para pakainin ang apat na tao. Bukod dito, maraming gastusin sa medisina ang kailangan ng kanyang ama at kuya. Kaya, sobrang matipid si Wendy, at nag-iipon siya. Pagkatapos maghirap, nakapag-ipon na siya ng mahigit eight thousand dollars.Hiniling niya sa sales personnel na tulungan siyang ibalot ang sinturon, at inisip niya kung paano niya ibibigay kay Charlie ang regalo habang pauwi siya.Pagkatapos itong pag-isipan, balak ni Wendy na ilagay ang regalo sa loob ng mailbox sa harap ng bahay ni Charlie. Pagkatapos, magpapadala siya ng WhatsApp message kay Charlie para lumabas siya at kunin ito.Naramdaman niya na ligtas na paraan ito, at hindi ito malalaman ng iba, lalo na ang kanyang pinsan, si Claire.Bukod ito, kung hindi tatanggapin ni Charlie ang regalo niya, wala siyang pagkakataon na tanggihan ito nang harapan. Magagawa niyang mag-iwan ng daan palabas pa
Nang makita ni Wendy ang mayabang at walang galang na hitsura sa mukha ng kanyang lola, hindi maiwasan ni Wendy na matakot nang sobra sa puso niya, at sinabi niya nang nagmamadali, “Lola! Paano mo nagawang maging bastos nang sobra kay Bayaw? Bilis at humingi ka ng tawad sa kanya!”Natulala si Lady Wilson nang marinig niya ang mga sinabi ni Wendy, at sinabi niya, “Wendy, baliw ka ba?! Hindi pa ba sapat na pinahirapan niya at inapi niya ang pamilya natin?!”Habang nagsasaltia siya, napuno ng makatarungan na galit si Lady Wilson habang pinagalitan siya, “Huwag mong kalimutan na siya ang nagpadala sa ina mo sa black coal kiln!” “Kung hindi niya ipinadala ang ina mo sa black coal kiln, hindi magiging ganito ngayon ang ama at ina mo! Ang bruha, si Elaine, ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na ipahiya ang ama mo sa pamamagitan ng paglagay ng mga berdeng sombrero sa balkonahe niya!”“Nakalimutan mo na rin ba noong inaresto tayo at ipinadala sa detention center? Hindi ba’t dahil ito sa ka
Naging emosyonal si Lady Wilson habang umiyak siya at sinabi, “Alam ko na may mga maling ginawa talaga ako dati, at wala akong masasabi dito kung gusto mo akong sisihin para dito. Pero, maraming taon kitang kinampihan at minahal, kaya hindi ka ba marunong kumilala ng utang na loob?! Masama na nga na hindi ka marunong kumilala ng utang na loob, pero sinasabi mo pa talaga na sobrang bait sayo ni Charlie?! Hindi mo ba pinagtataksilan ang konsensya mo sa pagsabi ng mga iyan?!”Si Wendy, na galit, ay hindi man lang nag-isip bago sinabi, “Syempre hindi ko nararamdaman na pinagtataksilan ko ang konsensya ko! Si Bayaw ang nagligtas sa akin noong pinuwersa akong pirmahan ang kontrata sa etiquette company dati!”Habang nagsasalita siya, mayroong mga luha sa mga mata ni Wendy habang nagpatuloy siya, “Hindi lang ako niligtas ni Bayaw, ngunit pinaalis niya pa ang walang awang boss at ang kalaguyo niya. Pagkatapos, pinalaya niya rin ang ibang babae na pinuwersang pirmahan ang kontrata!”“At sa to
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a
Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni
Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal