Malamig ang ekspresyon sa mukha ni Jaime kahit nakita niyang nawalan ng malay si Cadfan mula sa kabilang bahagi ng screen, “Anong nangyari sa kanya? Siya ang may kasalanan niyan!”Nagulantang si Arrington. ‘Anong nangyayari rito? Siya pa rin ba ang parehong Jaime Schulz na laging nagpapakumbaba sa harap ni Lord Schulz para subukang kunin ang loob nito? Ang lakas naman ng loob niyang magbitaw ng mga ganyang salita?!’Dahil gustong ipagtanggol ni Arrington si Lord Schulz, agad siyang nagalit at sinigawan niya rin si Jaime, “Jaime Schulz! Nakalimutan mo na ba kung ano ang estado mo?! Sino ka para magsalita ng mga ganyang bagay kay Lord Schulz?!”Mapanuyang tumugon si Jaime, “Pfft! Sa tingin mo ba hindi ako magrerebelde sa mga gaya niyang g*go sa lipunan? Ikinahihiya ko bilang si Jaime Schulz ang mga taong kagaya niya!”Pagkatapos, ibinaba ni Jaime ang video call nang sabihin ito.Sa isang bigla, nagkagulo ang buong mansyon ng pamilya Schulz.Samantala, sa Aurous Hill, gulat na gulat
Pagkatapos sabihin ni Jaime ang mga salitang ‘nakapagpasya na talaga ako’, agad siyang tumalikod para bumalik sa kanyang kwarto.Pagkabalik sa kanyang kwarto, inupload niya ang video na ni-record niya kanina sa isang short video platform.Pagkatapos, tinawagan ni Jaime ang mga tauhan niya para magpagawa ng arrangements sa mga sasama sa kanya papunta sa Jordan Temple bukas ng umaga.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Jaime nang marinig ang kanyang desisyon. Sa totoo lang, ayaw nilang sumama.Pero, kahit walang masyadong pera si Jaime, hindi naman problema para sa kanya na gumastos ng ilang milyong dolyar para bumili ng mga taong sasama sa kanya. Kaya, naghanda na ang grupo ng kanyang mga tauhan para sa biyaheng ito na sisimulan nila kinabukasan.Habang nasa labas, nalilito si Sophie at Helen dahil hindi nila maunawaan ang nangyayari.Tinanong ni Helen si Sophie, “Sophie, ano sa tingin mo ang mal isa kapatid mo? Bakit siya biglang gumawa ng ganitong desisyon?”Mapakla ang ekspresy
Nang maisip ni Charlie ang gagawin nilang collaboration sa hinaharap, hindi niya itinago ang katotohanan kay Sophie. Naglakad siya palabas ng bahay at tumungo siya sa courtyard saka siya gumamit ng voice message: “Tama ang sinabi mo. Pumunta ang kapatid mo sa Emgrand Group kanina. Nagpanggap siyang gusto niyang makita si Doris, pero sa totoo lang, pumunta siya para alamin ang tunay kong pagkatao.”Nagpadala si Sophie ng isa pang voice message: “Kung gano’n, iyan rin ba ang dahilan kung bakit ganyan ang kalagayan niya ngayon?”Direktang inamin ni Charlie ang lahat: “Oo. Nagpautos siya ng ilang mga tao para imbestigahan ang plate number ng sasakyan ng asawa ko. Hindi ako natuwa sa ginawa niya. Hindi lang iyan, pero gusto niya pang alamin kung ano ang tunay kong pagkatao. Dahil ginagawa niyang komplikado ang lahat, marapat lang na pagbigyan ko siya.”Agad na nagmakaawa si Sophie, “Benefactor, masyadong kaunti ang social experiencen ng kapatid ko, minsan madali lang talaga para sa kanya
Sa totoo lang, walang pinagkaiba ang mga prestihiyosong pamilya sa mga imperial nobles ng feudal society ng sinaunang panahon.Pareho ang mekanismo na nagpapatakbo sa mga ganitong pamilya sa royal family ng feudal dynasty.Sa ganitong klase ng espesyal na paligid, hindi edad o pagiging mas matanda ang nagdidikta ng estado, kundi titulo at kapangyarihan.Bago pa man magkaroon ng crown prince, pare-pareho lang ang estado ng mga anak ng emperor. Magkaiba lang sila nang kaunti dahil sa kanilang edad, kung sino ang mas matanda at kung sino ang mas bata.Pero, kahit ang pinakamatandang anak ng emperor, kuya lang siya ng ibang mga prinsipe, pero pareho pa rin ang henerasyon niya sa kanyang mga kapatid. Kaya, imposible para sa mga ibang prinisipe na lumuhod sa kanyang harap sa tuwing nakikita nila ito.Subalit, kung makokoronahan siya bilang crown prince at siya ang magmamana ng trono, kailangang magpakita ng respeto ng mga kapatid niya sa kanya bilang mas mababang nilalang. Kailangan rin
…Habang naliliwanagan si Sophie kung ano talaga ang intensyon ni Charlie, katatapos lamang ni Quinn sa huli niyang dress rehearsal.Habang nasa stage, tatlong beses nang kinanta ni Quinn ang lahat ng mga aawitin niya bukas sa kanyang concert. Pero, ang magandang bagay, hindi niya naman kailangang magbigay todo sa pagkanta dahil para sa rehearsal, kailangan lamang nilang kumpirmahin ang lahat ng proseso at detalye ng performance, lalo na ang lighting, sound, choreography, pati na rin ang accompaniment ng banda at mga backup dancers.Nang matukoy nilang walang problema o kahit anong mali sa daloy ng lahat, naging mas kampante na si Quinn para sa gaganapin niyang concert bukas.Lumapit si Dorothy kay Quinn sa stage saka niya inabot ang isang bote ng tubig habang nagpapaliwanag, “Quinn, nakamamangha talaga ang visual at auditory effects ng concert mo ngayon! Hindi lang nito nalagpasan ang lahat ng mga dati mong concerts, pero sa alaala ko, wala pa akong nakikitang ganitong klase ng co
Hindi alam ni Quinn na ang tunay na dahilan kung bakit pinaparusahan ni Charlie si Jaime ay dahil inimbestigahan ni Jaime ang BMW ni Claire.Sa kanyang opinyon, pinarusahan ni Charlie si Jaime dahil matindi ang pagpahalaga ng kanyang Kuya Charlie sa kanya sa loob ng puso nito. Kaya, pinoprotektahan siya ni Charlie na para bang pagmamay-ari niya, at iyan ang dahilan kung bakit nakialam si Charlie sa bagay na ito.Si Quinn ang tipo ng babae na hindi umaasa sa iba at hindi niya mapigilang makaramdam ng panunuya sa mga chauvinistic na lalaking nagsasabing pagmamay-ari nila ang isang babae.Pero, simula nang magkita sila ni Charlie, naglaho ang ganitong klase ng prinsipyo niya.Ngayon, wala na siyang ibang hinihiling kundi manatili sa tabi ni Charlie para maalagaan, itago, at sakupin. Walang problema sa kanya kung ituturing siya ni Charlie na isang pribadong pagmamay-ari.Kaya, kahit sa loob ng kanyang puso, pakiramdam niya masyadong malupit si Charlie sa kanyang parusa kay Jaime dahil
Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya mapigilang maantig nang kaunti sa kailaliman ng puso niya. Hindi siya naantig dahil sa kilos ni Elaine. Dahil, noon pa man ay madali nang maimpluwensyahan si Elaine, at gagawin niya ang kahit ano para kahit sa sinong magbibigay sa kanya ng pera.Naantig talaga si Charlie sa katapatan ni Claire.Mas nakakapagod at matrabaho nga na ipagdiwang ang kaarawan niya sa bahay kumpara sa lumabas at kumain ng nakahandang pagkain. Dahil naisip at layunin ito ng asawa niya, ipinapakita nito na talagang pinapahalagahan niya nang sobra ang kaarawan niya.Bukod dito, sa mga nakaraang taon noong hindi pa siya tinatanggap dahil hindi siya matagumpay at wala siyang magandang kinabukasan, naaalala pa rin ni Claire ang kaarawan niya. Palihim siyang bibili ng isang cake para sa kanya at ilalabas siya sa isang abot-kayang restaurant upang kumain sila nang tahimik.Nang maalala ito, napuno ng pasasalamat si Charlie sa walang humpay na suporta ni Claire sa mga nagd
Nang makita ni Charlie na hindi pa bumabalik ang kanyang asawa, si Claire, sa kwarto kahit na natapos na siyang maligo, sinuot niya ang pajama niya bago siya bumalik sa sala.Masayang nag-uusap ang pamilya ng tatlo sa sala.Sina Jacob at Elaine, na isang pares ng matandang magkaaway na nagtatalo sa paghihiwalay nila, ay nakakagulat na hindi nag-aasaran tulad ng karaniwan sa oras na ito.Nang bumaba si Charlie, tinanong niya nang mausisa, “Claire, Pa, Ma, bakit hindi pa kayo bumabalik sa mga kwarto niyo para magpahinga?”Tumayo nang nagmamadali si Claire at tumakbo para sunggabin ang braso ni Charlie habang ngumiti siya at sinabi, “Sinabi nina Papa at Mama na gusto nilang magpuyat kasama ka. Dalawang oras na lang bago ang 27th birthday mo. Masayang maghihintay muna ang lahat para batiin ka ng happy birthday!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Salamat, Mahal. Salamat, Pa, Ma.”Sinabi agad ni Elaine sa nambobolang paraan, “Oh! Mabuti kong manugang, bakit sobrang galang mo pa rin sa aki
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh