Tinanong nang mausisa ni Elaine, “Oh! Bibigyan ka na ng sahod ng Calligraphy and Painting Association mo ngayon?”May mayabang na hitsura si Jacob sa kanyang mukha habang sinanbi, “Hindi nila ako bibigyan lang ng sahod, bibigyan nila ako ng medyo malaking sahod!”Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Jacob, “Tingnan mo, ako ang executive vice-president. Kaya, simula ngayong buwan, magiging 12 thousand dollars ang sahod ko. Ito ang pangalawang pinakamalaking sahod na binabayaran sa buong Calligraphy and Painting Association bukod sa president, kay Mr. Bay!”Pagkatapos, sinabi ni Jacob, “Ito pa lang ang sahod na ibibigay sa amin ng Aurous Hill city. Sa totoo lang, maraming private enterprise ang gustong gumawa ng negosyo sa cultural development. Kaya, nag-donate sila ng maraming pondo at nagbigay ng maraming rouserces sa Calligraphy and Painting Association. Kailan lang ay maraming calligraphy at painting activity ang kinuha ng Calligraphy and Painting Association. Kaya, magiging so
Sa una ay masayang hinihintay ng buong pamilya ang pagdating ng hatinggabi. Pero, hindi talaga inaasahan ni Jacob na mawawala ang lahat ng sahod niya sa hinaharap kay Elaine dahil hindi niya napigilan ang saloobin niya at nagpasikat siya.Habang sobrang pait at sama ng loob niya, pinag-isipan niya kung bakit palagi siyang lugi sa harap ni Elaine.Napagtanto niya na mukhang may ganitong abilidad si Elaine. Kahit na mukhang simple lang ang isipan niya at umaasa lang siya sa kawalang-hiyaan niya at marahas na enerhiya niya, sa totoo lang, palaging nahahanap ni Elaine ang mga pinaka eksaktong punto sa kanya at mahigpit siyang susunggabin dito.Nang maisip niya ang mahigit dalawampung taon niyang kasal na buhay, nakaramdam ng desperasyon si Jacob. Ito ay dahil hindi pa siya nananalo sa harap ni Elaine sa nakaraang dalawang dekada. Palagi siyang pinupuntirya at tinatalo ni Elaine sa halos lahat ng buhay niya, at walang lugar sa kahit anong paglaban.Nang makita ni Charlie na medyo masama
Pero, ang nag-iisang tao na hindi inaasahan ni Charlie na babatiin siya, ay ang kanyang lolo, si Jeremiah.Kahit ang isang matandang lalaki na nasa animnapung taong gulang ay binabantayan ang oras para magpadala sa kanya ng isang text message upang batiin siya ng happy birthday sa 12:00 AM. Hindi talaga ito inaasahan ni Charlie.At ang kanyang tita, si Carmen, na naghirap ng iba’t ibang paghihirap sa harap ni Charlie, ay nakakagulat na nagpadala rin ng text message sa kanya at binati siya ng happy birthday. Humingi pa siya ng tawad sa ginawa niya dati, umaasa na makukuha niya ang pagpapatawad ni Charlie.Nang makita ni Claire na tuloy-tuloy na nakatanggap si Charlie ng iba’t ibang text message, hindi niya maiwasan na masorpresa nang kaunti. Hindi niya tiningnan ang laman ng mga text message, ngunit hinulaan niya lang na ang mga taong nagpadala ng mga text message na ito ay mga customer ni Charlie.Nang makita ni Elaine, na nakaupo sa harap nila, na nakatanggap si Charlie ng iba’t i
Kinabukasan ng umaga.Pagkatapos mag-almusal nina Charlie at Claire, hinatid ni Charlie si Claire sa lumang mansyon sa old town, tulad ng ginawa niya kahapon.Narinig ni Charlie na sinabi ni Claire na nagsikap nang sobra si Helen na ayusin ang bahay na ito. Gusto niya pang maging perpekto ang mga maliliit na detalye kahit magkano pa ang gastusin niya.Sa kotse, emosyonal na sinabi ni Claire kay Charlie, “Ang client na nakita mo kahapon, si Aunt Dunn, sa una ay binigyan ko siya ng plano na may halagang two million dollars. Sa totoo lang, sobra na ito para ipaayos ang mansyon. Pero, patuloy niyang binago ang plano kahapon, at direktang tumaas ang budget ng ten million dollars…”Habang nagsasalita siya, idinagdag ni Claire, “Napagtanto ko na ginagawa nga ng mga mayamang tao ang mga bagay-bagay hindi kahit magkano pa ang gastusin nila. Ang aktwal na presyo ng bahay na ito ay wala pang one million dollars. Bukod dito, hindi hinahayaan ng gobyerno ang kahit anong major renovation at pagb
Tumango nang nagmamadali si Helen at sinabi, “Pumunta ka muna sa trabaho mo kung may gagawin ka. Makasisiguro ka dahil nandito si Claire kasama ko.”Tumango si Charlie, pero hindi niya maiwasan na maguluhan nang kaunti. Mukhang tinawag ni Helen si Claire na ‘Miss Wilson’ noong nakita niya siya dati, pero ngayon, direkta na niyang tinatawag ang pangalan niya, si Claire. Kaya, mukhang mabilis na umuunlad ang relasyon sa pagitan nilang dalawa.Hindi pinagdudahan ni Charlie ang pagkatao ni Helen, pero nang maisip niya na mukhang sadyang nilalapitan ni Helen si Claire, hindi niya mapigilang mag-alala. Nag-aalala siya na may masasabi si Helen, kahit na sadya o hindi ito sadya.Pero, ayaw niyang paalalahanan nang direkta si Helen. Naniniwala siya na alam ni Helen ang limitasyon niya.Kaya, nagpaalam si Charlie sa kanilang dalawa bago siya nagmaneho direkta papunta sa Shangri-La para sunduin si Quinn. Pagkatapos, pupunta sila sa airport para sunduin si Yule at ang asawa niya, si Rachel.D
Nang nagkasalubong sina Charlie at Dorothy at dahil mukhang nagulat at nanigas si Dorothy, sadyang umubo nang dalawang beses si Charlie, “Ehem, ehem. Hello, Miss Chan.”Sa wakas ay bumalik na si Dorothy sa diwa niya. Nang maisip niya kung paano niya tinitigan nang matagal ang gwapong mukha ni Charlie kanina lang, bigla siyang nahiya nang sobra, at tinanong niya nang kinakabahan, “Oh. Ikaw… Bakit nandito ka…”“Nandito ako para sunduin si Nana.” Nang makita ni Charlie ang natatarantang hitsura sa mukha ni Dorothy, hindi niya mapigilang itanong, “Bakit takot na takot ka? Hindi naman kita kakainin, tama?”Hinawakan ni Dorothy ang dibdib niya, at kumalma siya bago sadyang sinabi nang malakas kay Charlie, “Hindi mo ako kakainin, pero natatakot ako na baka may narinig kang mali sa akin. Kung gano’n, kakainin ako ng tigre sa loob ng kwarto!”Nang marinig ni Quinn ang mga sinabi ni Dorothy, tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Dorothy, sinong kausap mo? Sinong tinatawag mong tigre? Gusto mo
Habang naglalakad pababa ang mag-asawa sa passenger boarding stairs, hindi napigilan ni Quinn na hawakan ang kamay ni Charlie habang mabilis silang umabante para batiin sila.Sinabi nang magalang ni Charlie, “Uncle Golding, Aunt Golding, siguradong nakakapagod at mahirap ang biyahe niyo mula sa malayo. Talagang medyo naaawa ako sa inyo!”Tumawa si Yule at sinabi, “Charlie, ikaw ang nagligtas sa buhay ko. Kaya, bakit kailangan mong maging sobrang galang sa akin sa maliit na bagay lang?”Si Rachel, na nasa tabi, ay ngumiti rin at sinabi, “Tama, Charlie. Sabik ang Uncle Golding mo na ipagdiwang ang kaarawan mo ngayong taon. Hindi ko man lang alam kung gaano katagal na niya ito sinasabi. Alam mo ba kung gaano siya kasabik sa pagpunta dito?”Tinanong nang nagmamadali ni Quinn, “Pa, dinala mo ba ang birthday cake na pinapadala ko sayo? Dinala mo ba iyon dito?”Ngumiti si Yule. “Syempre dinala ko iyon dito! Paano ko magagawang kalimutan ang isang bagay na ilang beses sa aking pinaalala n
Hindi itinuturing ni Charlie na estranghero si Yule. Naramdaman niya lang na medyo sayang para kay Yule na bigla siyang bigyan ng isang private jet.Bukod dito, hindi ito isang ordinaryo at maliit na private jet na nasa sampu-sampung milyong dolyar o nasa one o two hundred million dollars lang. Isa itong private jet na binago mula sa isang Boeing 737 airliner.Ang presyo ng isang ordinaryong ex-factory Boeing 737 ay nasa 100 million US dollars, at para lang ito sa isang ordinaryong airliner. Para sa isang private jet, ang isang ordinaryong airliner ay katumbas ng isang bahay na kalahating tapos na. Ang gastos para sa pagbabago at renovation ng bahay na ito ay nasa kalahati ng buong halaga.Kung gagawin mo ang matematika, ang halaga ng eroplano na ito ay nasa one billion Oskian dollars.Medyo nahihiya talaga si Charlie na tanggapin ang sobrang mahal na regalo sa kaarawan niya.Nang makita ni Yule na medyo nag-aatubili si Charlie, umabante siya at hinawakan ang mga balikat niya haba
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a
Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni
Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal