Kumaway si Charlie, “Dito sa amin, ang unang patakaran ko, kung gusto mo ng investment collaboration kasama kami dapat ilipat mo agad ang pera sa account namin. Hindi ba pumunta ka rito nang buong katapatan? Bilisan mo at kausapin mo na agad ang finance department niyo. Magpa-transfer ka ng 10 billion dollars sa bank account ng Emgrand Group. Kapag nalipat mo na ang pera, saka lang natin pag-uusapan ang magiging collaboration natin.”Tumutulo na parang gripo ang malamig na pawis ni Jaime habang kinakabahan siyang nagsalita, “B-Benefactor, natatakot akong… walang ibang paraan para magawa ko ang sinasabi niyo… Hindi pwedeng magpadala ng ganyan kalaking pera ang finance department namin sa bank account ng ibang enterprise nang hindi nakikita ang kontrata o nagsasagawa ng risk assessment…”Napasinghal si Charlie, “Talaga bang hindi iyan kayang gawin ng finance department niyo, o baka dahil wala ka talagang pera at wala ka talagang intensyon na bumuo ng collaboration kasama ako?”Kinakab
“Ahh?!”Nang marinig ni Jaime ang tanong ni Charlie, para bang nalaglag siya sa isang hukay na gawa sa yelo!Napagtanto niya sa puntong ito na ang mga motibong pinipilit niyang itago ay nalantad na sa harap ni Charlie!Matagal na siyang nadiskubre ng kabilang panig simula pa lamang ng magpautos siya ng imbestigasyon sa BMW na binabaan ni Quinn!Maliban dito, hindi inaakala ni Jaime na ang taong nagligtas sa kanila ng kapatid niya dati ang nasa likod ng lahat ng ito. Si Charlie rin pala ang nagligtas kay Sophie at sa kanyang ina kamakailan lang!Sa pagkakataong ito, napagtanto ni Jaime na masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang kakayahan…. Sinubukan niyang gawin ang isang imposibleng bagay…Nang maalala niya ang kamang-manghang lakas ni Charlie, naalala niya ang kanyang second uncle at ang pagkawala ng kanyang tatay pati na rin ang kakaibang pagkamatay ni Falco. Sumunod, nakaramdam siya ng kakaibang takot sa kanyang puso!Pagkatapos, agad siyang umalis sa sofa at lumuhod siy
Hindi nagtagal, napuno ulit ng luha ang mukha ni Jaime saka siya umiyak habang mapakla ang damdamin, “Benefactor… utang ko sa inyo ang walang silbi kong buhay, at may karapatan nga naman kayong tapusin ito… pero gusto ko talagang magmakaawa para sa kapakanan ng kapatid at nanay ko. Pakiusap, pakawalan niyo ako… pakiusap, Benefactor, nagmamakaawa ako…”Nang makita ni Charlie na lumuluha si Jaime at nagmamakaawa ito nang matindi sa kanyang harap, napangiti siya nang bahagya saka siya nagsalita, “Pinagbigyan ko nan ga ang papa mo at iniligtas ko ang buhay niya para sa kapakanan ng nanay mo at ng kapatid mo. Pero, inaasahan mo ring ililigtas ko ang buhay mo para sa kanila?”Napatanong si Jaime nang hindi niya namamalayan, “Benefactor, ang tatay ko… buhay pa ba ang tatay ko?!”Napangiti si Charlie nang walang emosyon, “Nasa Syria ang tatay mo ngayon. Kahit matagal siyang hindi makakauwi ng Oskia, sigurado akong hindi siya malalagutan ng hininga roon.”“Sa Syria?” Nagulantang si Jaime sa
Para kay Jaime, sa pagkakataong ito, wala nang mas mahalaga pa sa katotohanang kailangan niyang unahin ang kanyang buhay.Alam niyang sa loob ng kanyang puso na may sapat na lakas si Charlie at rason para patayin siya.Higit sa lahat, sa lakas na mayroon si Charlie, kahit pa patayin ni Charlie si Jaime, walang sapat na puwersa ang pamilya Schulz para ipaghiganti siya.Matapos ang lahat, hindi pa nakikita ni Cadfan ang mukha ni Charlie kahit kailan. Takot na takot rin si Cadfan sa puntong hindi siya makatulog nang maayos sa gabi!Para makipag-ayos kay Charlie, ibinigay pa nga ni Cadfan ang buong ocean shipping group kay Sophie.Nakikita ni Jaime na takot na takot ang kanyang lolo kay Charlie mula pa lamang sa katotohanang ito.Basta makatakas si Jaime sa sitwasyong ito, ayos lang sa kanya kahit pumunta pa siya ng Syria.Kahit papaano, makakasama niya ang kanyang tatay sa halip na mag-isa siyang maparusahan sa Syria.Nang marinig ni Charlie ang mga salitang binitawan ni Jaime hab
“Sige! Gagawin ko ang makakaya ko para pagbayaran ang mga kasalanan ng pamilya namin!”Nang marinig ni Jaime ang sinabi ni Charlie, kahit hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin, pumayag pa rin siya nang walang pag-aalangan saka siya bumulalas, “Handa akong umalis at pagbayaran ang mga kasalanan namin! Handa akong buhatin ang mga kasalanan ko, ang mga kasalanan ni papa, at ng buong pamilya! Pupunta ako ng templo para magsunog ng insenso at sumamba kay Buddha para bumawi sa mga nagawa naming masama!”Tumawa si Charlie, “Masyadong mabigat ang lahat ng kasalanan ng pamilya Schulz. Paano mo naman magagawang bumawi sa pagsusunog lang ng insenso at pagsamba kay Buddha?”Nalilito si Jaime kaya napatanong siya, “Benefactor, ano ang ibig mong sabihin?”Tumugon si Charlie nang walang emosyon, “Dahil masyadong malala ang mga kasalanan ng pamilya niyo, kailangan mong maging mas banal at dumaan sa paghihirap. Mula bukas, gagawin mo ang three steps and one bow pilgrimage habang papunta
Sa totoo lang, matagal nang alam ni Charlie na nililigawan ni Jaime si Quinn.Pero, ayaw niyang pakialam si Jaime dahil naniniwala siya sa prinsipyo ng ‘kalayaang magmahal’. Hindi niya naisip ang bagay na ito kahit binanggit ni Isaac dati na kailangan niyang pigilan si Jaime.Pakiramdam ni Charlie may karapatan ang lahat na magustuhan ang iba at gustuhin pabalik.Basta ba matapat at patas ang pag-ibig na ito, walang karapatan ang kahit sino na makialam.Pero, nagkamali si Jaime dahil hindi niya inintindi nang mabuti ang aspetong ito.Bago niya pa man ligawan nang maayos si Quinn, tinuring niya na agad itong personal niyang pagmamay-ari. Nang malaman ni Jaime na may ibang nagmamaneho para kay Quinn papunta sa venue, naisip niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para imbestigahan ang pagkatao ni Charlie. Pinuntirya niya si Charlie at inimbestigahan niya ang plate number ng kotse ng asawa nito na masasabing labag sa prinsipyo ni Charlie na may ‘kalayaan ang lahat na magmahal’.K
Pagkalabas ng pinto, agad na tumayo ang assistant at mga bodyguards nang makita nilang dumating na si Jaime sa pinto ng conference room.Lumapit ang assistant ni Jaime saka siya nagtanong sa isang mababang boses, “Nalaman mo na ba ang tunay na pagkatao ng chairman ng Emgrand Group?”Tumugon si Jaime nang walang emosyon, “Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaunawaan. Hindi siya ang taong hinahanap ko. Wala sa Emgrand Group ang gusto kong makita. Tara na. Dalhin niyo na lang ako pauwi.”Nakaramdam ng pagkalito ang assistant ni Jaime, pero hindi rin siya sigurado kung ano ang nakita ni Jaime sa VIP passage ng venue. Siguro, nagkamali nga talaga si Jaime. Ganoon din, hindi na masyadong pinansin ng assistant ang lahat, “Sige, Young Master. Kung iyan ang kaso, ihahatid na kita pauwi.”Hindi nagsalita si Jaime habang nasa biyahe pauwi. Sa halip, nakaupo lamang siya sa isang tabi habang nakapikit ang mga mata.Nang ihatid ng convoy si Jaime pabalik sa lumang mansyon ng pamilya Dunn, bago b
Halos sumabog sa galit si Cadfan sa pagkakataong ito.‘Anong nangyayari?!’‘Malaki ang ipinagpalit ko para mapatahimik si Sophie, pero sino naman ang mag-aakalang hindi aabot ng dalawang araw ang katahimikan at kapayapaang nararamdaman ko bago ako pagtaksilan ng apo kong malalaki ang mata at makakapal ang kilay na si Jaime.’Sa ngayon, hindi maintindihan ni Cadfan kung ano ang tumatakbo sa isip ng kanyang tarantadong apo.Dati, nang halos mapatay ni Cadfan ang nanay at kapatid ni Jaime, hindi ito nagrebelde gaya ng ginagawa niya ngayon. Sa halip, tahimik na nagtiis si Jaime at hindi niya inilabas ang kanyang galit habang sinusubukan niyang kunin ang loob ni Cadfan.Ngayong nasa nakaraan na ang bagay na ito, tila ba bumalik na sa tamang rason ang batang ito at nagsisimula na siyang magrebelde kay Cadfan.Nang maisip ni Cadfan na gagawin ni Jaime ang three steps and one bow method papunta ng Jordan Temple para mabawasan ang mga kasalanan nila, kinakabahan si Cadfan sa puntong nagpa
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh