Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 21 - Chapter 30

5559 Chapters

Kabanata 21

Mabagal na tumayo si Charlie, habang ang lahat ay napanganga sa hindi paniniwala.Sa isang saglit, ang tingin ng lahat ng tao sa handaan ay nakatuon sa kanya.“Charlie, anong ginagawa mo! Umupo ka!” Sinabi nang matining ni Elaine sa takot.Hindi ba siya tumingin kung nasaan siya ngayon! Walang sinuman sa mga nakakatakot na boss dito ang nangahas na tumayo sa sandaling ito, pero anong hangarin ng talunan na ‘to upang agawin niya ang spotlight!Sina Gerald at Kevin ay tumingin sa isa’t isa at bumulong, “Pucha, siya ba talaga ang chairman ng Emgrand Group?”Pagkatapos nito, agad silang umiling.Impossible, kung siya talaga ang chairman, bakit siya pinapagalitan ng kanyang biyenan na babae ngayon?“Talunan, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Umupo ka!” Sinigaw na may tonong naiinis ni Harold sa entablado.Malamig na tumingin sa kanya si Charlie. Pagkatapos, habang hindi pinapansin ang gulat at nalilitong tingin ng lahat, dumiretso siya kay Doris at bumulong sa kanyang tainga.Bahag
last updateLast Updated : 2021-04-29
Read more

Kabanata 22

Pagkatapos lumabas ni Charlie sa pinto, nakita niya na hindi pumunta nang malayo si Claire. Siya ay nakaupo sa sulok ng isang poste, umiiyak sa lungkot. Mabagal niya siyang pinuntahan, hinubad ang kanyang coat, at pinatong ito kay Claire, at sinabi, “Mahal, huwag kang malungkot. Hindi naman gano’n kataas ang posisyon ng direktor sa Wilson Group, mas mahusay ka doon...”“Hindi, hindi mo naiintindihan. Kung ako ang naging direktor, makakalakad ulit nang taas-noo ang mga magulan ko sa pamilya. Paano nagawa ni lola na hindi tuparin ang pangako…” malungkot at nalulumbay na sinabi ni Claire.Nagpatuloy si Charlie, “Sinong nakakaalam? Siguro magmamakaawa sila para gawin kang direktor. Tingnan mo ang sarili mong hitsura na umiiyak, hindi ka magiging maganda kapag pupunta ka na sa entablado mamaya...”“Wala na, impossible. Inanunsyo na ni lola, hindi na niya babawiin. Pumunta ka na, bumalik ka sa loob. Hayaan mong mag-isa ako…”Sa sandaling ito, tumakbo rin palabas sina Lady Wilson at Har
last updateLast Updated : 2021-04-29
Read more

Kabanata 23

Bumalik ang lahat sa kanilang mga upuan habang naglakad si Lady Wilson sa entablado hawak ang kamay ni Claire.Nagpakita siya ng banayad at matamis na ngiti habang sinabi, “Pasensya na talaga sa nangyari kanina, nagkamali ako. Sa totoo lang, so Claire ay isang magaling na supling ng aming pamilya Wilson. Nang dahil sa kanya, nakakuha kami ng isang malaking kontrata sa Emgrand Group. Malaki ang pagsisikap na ginawa niya upang makamit ang kamangha-manghang tagumpay.”Habang nakatayo sa tabi nila, nakatingin nang mapanghamak si Doris sa matandang babae. Iwinasiwas niya ang kanyang kamay, sumenyas upang itigil niya ang kanyang pagsasalita, at sinabi, “Hayaan mong itama ko ang mga bagay. Hindi lamang malaki ang ginawang pagsisikap ni Miss Claire para sa proyektong ito ngunit nakamit niya rin ito nang mag-isa. Walang kinalaman ang sinuman dito.”Ang boses niya ay bastos at walang pakundangan, pero sanay na ang lahat dito. Sa katayuan ng Emgrand Group sa siyudad, kahit pa sampalin ni Doris
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more

Kabanata 24

Talagang walang ideya si Charlie sa nangyayari. Ginaya niya na lang ang mga matatanda sa paligid niya at nagprotesta. Habang sila ay sumisigaw, tinanong niya ang tiyuhin sa tabi niya upang maintindihan ang nangyayari.Ang nangyari pala ay ang Axel Insurance company ay nag-aalok ng mga insurance packages na may sobrang laking returns. Ang grupo ng mga matatandang ito ay naakit sa malaking returns at sila ay naging kliyente ng company sa pamamagitan ng pagbili ng maraming insurance product sa ilalim ng pangalan ng kumpanya.Ayon sa kanilang kasunduan, ngayong araw dapat nila makukuha ang kanilang mga tubo, pero nang pumunta ang mga taong ito upang kunin ang kanilang pera, nalaman nila na ang pinto ay naka kandado at kaunting empleyado lamang ang natira sa pinto upang harangan sila gamit ang mga walang kwentang palusot.Sa kalaunan, napagtanto nila na sila ay biktima ng isang fraudulent investing scam.Hindi nakapagtataka na hinimok siya ni Elaine na pumunta at tulungan siya sa protes
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more

Kabanata 25

Mabilis na nasagot ang tawag.Sinabi agad ni Elaine, “Hello, ito ba si Kevin? Hi, ako ang ina ni Claire…”Simula nang makilala niya si Claire sa handaan, talagang nahuli siya ng kanyang kagandahan. Hindi niya siya maalis sa kanyang isipan.Naiinis siya kung paano niya lalapitan si Claire at nagkataon na tinawagan siya ng kanyang ina. Naisip niya na may problema si Elaine at syempre, hindi niya palalampasin ang pagkakataon na suyuin siya.Kaya, nagpakita siya ng taos-pusong boses at sinabi, “Tita, may problema po ba?”“Ayun, kailangan ko ang tulong mo,” agad na sinabi ni Elaine, “Kevin, ako at ang ilang matandang kaibigan ko ay bumili ng participating policy mula sa insurance company na tinatawag na Axel at literal na ginamit namin ang lahat ng pera namin upang bilhin ito. Gayunpaman, hindi binigay ang tubo namin at ngayon hindi man lang nila binalik ang pera namin! Maaari ka bang humanap ng paraan upang mabawi ang pera, pakiusap?”Nalugod si Kevin nang marinig ito, inisip na ito
last updateLast Updated : 2021-05-01
Read more

Kabanata 26

”Oo! Kung mapapakasalan siya ng anak kong babae, mamamatay akong payapa!”“Phew, huwag kang managinip! Kahit patay ka na, hindi niya magugustuhan ang anak mong babae!”Sa sandaling nakita siya ni Elaine, nagmadali siya sa kanyang tabi at sinabi nang taimtim, “Hey, Kevin, sa wakas ay nandito ka na! Sobrang nabalisa ako habang hinihintay ka!”Talaga, si Kevin nga ito.Sinabi nang nakangiti ni Kevin, “Tita, pasensya na at pinaghintay kita!”“Ay hindi, Kevin, masyado kang mabait. Sa tingin ko ay sampung minuto lang ang lumipas para makapunta ka rito, ang bilis mo!”“Sa sandaling narinig ko na may problema ka, mabilis akong nagmaneho. Nilagpasan ko pa ang ibang red lights habang papunta dito.Mukhang mayabang si Elaine, pero tinanong nang nag-aalala, “Mapapahamak ka ba kapag nilagpasan mo ang red lights?”“Hindi,” sinabi nang walang ekspresyon ni Kevin, “Kakilala ko lahat ng mga tao sa traffic department. Isang tawag lang para maayos ang mga traffic ticket.”Nilinis ni Kevin ang ka
last updateLast Updated : 2021-05-01
Read more

Kabanata 27

Habang sobrang sabik ni Elaine, malakas na inanunsyo ni Kevin, “Mga tito at tita, huwag kayong mabahala, kakausapin ko na sila ngayon. Mangyaring hintayin niyo ang magandang balita!”Naramdaman ni Elaine na kapag nandito si Kevin, hindi sila matatalo, kaya sabik niyang sinabi, “Kevin, sasama ako!”Mabilis na sumingit si Charlie, “Ma, sa tingin ko na mas mabuting lumayo ka. Kung hindi ito kayang lutasin ni Kevin, baka mapahamak ka!”“Bah!” Galit na inungol ni Elaine. “Gaano ka kangahas na pagdudahan ang abilidad ni Kevin, talunan?!”Ang ibang mga matatanda ay umaasa na matutulungan sila ni Kevin na mabalik ang pera nila. Ngayong may ibang opinyon si Charlie, sila ay na bwisit at nainis sa kanya.Kaharap ang mga naiinis na tingin at bulungan, sinabi nang payak ni Charlie, “Ma, mas mabuti na maghintay ka dito. Mas maigi na maging taganood.”Nandiri si Elaine sa kanyang boses at agad na minura, “Itikom mo ang mabaho mong bibig! Hindi ito ang lugar para magsalita ka!”Mapagmataas at
last updateLast Updated : 2021-05-02
Read more

Kabanata 28

Samantala, sa opisina ng chairman ng Axel Insurance, ang nagmamay-ari, si Axel Jordan, ay magalang na pinagsisilbihan ang isang lalaki na nasa apatnapu ang edad.Ang kanyang mukha ay nagliliwanag na may malaking ngiti. Kumuha siya ng bank card sa drawer at ibinigay ito nang magalang sa lalaki at sinabi, “Don Albert, mayroong tatlumpung milyong dolyar sa card na ito at ang pin number ay ang birthday mo. Ito ang bonus para sa’yo, paki tingnan.”Ang di gaano katandang lalaki ay may suot na smart suit. Ang kanyang mukha ay medyo magaspang at mukhang pagod pero ang kanyang mala-mandaragit na mga mata ay kasing talas ng liyon.Kung may ibang tao na naroroon, siguradong makikilala nila agad ang lalaki.Siya si Don Albert Rhodes!Alam ng lahat sa Aurous Hill na si Albert ang mafia boss sa underworld at walang mangangahas na maghanap ng gulo sa kanya!Tumingin si Albert kay Axel at sinabi nang may nasiyahan na ngiti, “Axel, hindi masama. Mataktika ka, humanga ako!”Sinabi sa nabalisang b
last updateLast Updated : 2021-05-02
Read more

Kabanata 29

Sa sandaling ito, si Kevin ay nakatayo sa harap ng pangunahing pintuan ng Axel Insurance na may mapagmataas na mukha.Alam niya na ngayon ang pinakamahusay na pagkakataon upang magpakitang-gilsa sa ina ni Claire. Dapat niyang sunggaban ang sandaling ito upang patunayan ang kanyang halaga!Kung makukuha niya ang puso ng kanyang ina, magiging sa kanya siya sa lalong madaling panahon.Kapag dumating ang oras, sa wakas ay magiging sila na ni Claire Wilson, ang pinakamagandang babae sa Aurous Hill. Nabalisa siya nang maisip ito.Kaya, inihayag niya sa malakas na boses, “Mga tito at tita, huwag kayong mag-alala. Ibabalik ng boss ang pera ng lahat!”Ang lahat ay nagsaya na may galak at pagkasabik nang marinig ang pahayag niya, mga malalaking ngiti ang makikita sa kanilang mga mukha.Maliban kay Charlie, na nakatingin nang may panunuya kay Kevin. Ang lalaking to ay masyadong bilib sa sarili ngayon, ni hindi niya nga alam kung ano ang mangyayari mamaya.Sa sandaling tinaas ni Kevin ang k
last updateLast Updated : 2021-05-03
Read more

Kabanata 30

Sa sandaling natapos ni Kevin ang kanyang tinatawag na nakakatakot na banta, isang lalaki na may malaking katawan sa likod ni Don Albert ang biglang umabante, sinunggaban si Kevin sa kanyang buhok, at sinampal siya ng ilang beses sa kanyang mukha!“P*nyeta! Gaano ka kangahas na itaas ang iyong boses kay Don Albert! Gusto mo bang mamatay?!”Pagkatapos, sinunggaban niya si Elaine at sinampal siya sa mukha, at sinigaw, “G*go ka matandang tanga, gaano ka kangahas na insultuhin si Don Albert! Tatanggalin ko yang mabahong bunganga mo sa iyong mukha!”Boom!Tila ba si Kevin at si Elaine ay tinamaan ng kidlat!Ano?Ang lalaking may suot ng suit sa harap nila ay ang kinakatakutang Don Albert ng Aurous Hill?Gayunpaman, ignoranteng ininsulto nila siya ngayon lang...Hindi matagal, nawalan ng dugo ang mga mukha nila, sila ay naging kasing putla ng papel. Malamig na pawis ang bumalot sa kanilang mga noo at ang kanilang mga katawan ay hindi mapigilang manginig sa takot.Mabilis na gumalaw
last updateLast Updated : 2021-05-03
Read more
PREV
123456
...
556
DMCA.com Protection Status