Pagkatapos lumabas ni Charlie sa pinto, nakita niya na hindi pumunta nang malayo si Claire. Siya ay nakaupo sa sulok ng isang poste, umiiyak sa lungkot. Mabagal niya siyang pinuntahan, hinubad ang kanyang coat, at pinatong ito kay Claire, at sinabi, “Mahal, huwag kang malungkot. Hindi naman gano’n kataas ang posisyon ng direktor sa Wilson Group, mas mahusay ka doon...”“Hindi, hindi mo naiintindihan. Kung ako ang naging direktor, makakalakad ulit nang taas-noo ang mga magulan ko sa pamilya. Paano nagawa ni lola na hindi tuparin ang pangako…” malungkot at nalulumbay na sinabi ni Claire.Nagpatuloy si Charlie, “Sinong nakakaalam? Siguro magmamakaawa sila para gawin kang direktor. Tingnan mo ang sarili mong hitsura na umiiyak, hindi ka magiging maganda kapag pupunta ka na sa entablado mamaya...”“Wala na, impossible. Inanunsyo na ni lola, hindi na niya babawiin. Pumunta ka na, bumalik ka sa loob. Hayaan mong mag-isa ako…”Sa sandaling ito, tumakbo rin palabas sina Lady Wilson at Har
Bumalik ang lahat sa kanilang mga upuan habang naglakad si Lady Wilson sa entablado hawak ang kamay ni Claire.Nagpakita siya ng banayad at matamis na ngiti habang sinabi, “Pasensya na talaga sa nangyari kanina, nagkamali ako. Sa totoo lang, so Claire ay isang magaling na supling ng aming pamilya Wilson. Nang dahil sa kanya, nakakuha kami ng isang malaking kontrata sa Emgrand Group. Malaki ang pagsisikap na ginawa niya upang makamit ang kamangha-manghang tagumpay.”Habang nakatayo sa tabi nila, nakatingin nang mapanghamak si Doris sa matandang babae. Iwinasiwas niya ang kanyang kamay, sumenyas upang itigil niya ang kanyang pagsasalita, at sinabi, “Hayaan mong itama ko ang mga bagay. Hindi lamang malaki ang ginawang pagsisikap ni Miss Claire para sa proyektong ito ngunit nakamit niya rin ito nang mag-isa. Walang kinalaman ang sinuman dito.”Ang boses niya ay bastos at walang pakundangan, pero sanay na ang lahat dito. Sa katayuan ng Emgrand Group sa siyudad, kahit pa sampalin ni Doris
Talagang walang ideya si Charlie sa nangyayari. Ginaya niya na lang ang mga matatanda sa paligid niya at nagprotesta. Habang sila ay sumisigaw, tinanong niya ang tiyuhin sa tabi niya upang maintindihan ang nangyayari.Ang nangyari pala ay ang Axel Insurance company ay nag-aalok ng mga insurance packages na may sobrang laking returns. Ang grupo ng mga matatandang ito ay naakit sa malaking returns at sila ay naging kliyente ng company sa pamamagitan ng pagbili ng maraming insurance product sa ilalim ng pangalan ng kumpanya.Ayon sa kanilang kasunduan, ngayong araw dapat nila makukuha ang kanilang mga tubo, pero nang pumunta ang mga taong ito upang kunin ang kanilang pera, nalaman nila na ang pinto ay naka kandado at kaunting empleyado lamang ang natira sa pinto upang harangan sila gamit ang mga walang kwentang palusot.Sa kalaunan, napagtanto nila na sila ay biktima ng isang fraudulent investing scam.Hindi nakapagtataka na hinimok siya ni Elaine na pumunta at tulungan siya sa protes
Mabilis na nasagot ang tawag.Sinabi agad ni Elaine, “Hello, ito ba si Kevin? Hi, ako ang ina ni Claire…”Simula nang makilala niya si Claire sa handaan, talagang nahuli siya ng kanyang kagandahan. Hindi niya siya maalis sa kanyang isipan.Naiinis siya kung paano niya lalapitan si Claire at nagkataon na tinawagan siya ng kanyang ina. Naisip niya na may problema si Elaine at syempre, hindi niya palalampasin ang pagkakataon na suyuin siya.Kaya, nagpakita siya ng taos-pusong boses at sinabi, “Tita, may problema po ba?”“Ayun, kailangan ko ang tulong mo,” agad na sinabi ni Elaine, “Kevin, ako at ang ilang matandang kaibigan ko ay bumili ng participating policy mula sa insurance company na tinatawag na Axel at literal na ginamit namin ang lahat ng pera namin upang bilhin ito. Gayunpaman, hindi binigay ang tubo namin at ngayon hindi man lang nila binalik ang pera namin! Maaari ka bang humanap ng paraan upang mabawi ang pera, pakiusap?”Nalugod si Kevin nang marinig ito, inisip na ito
”Oo! Kung mapapakasalan siya ng anak kong babae, mamamatay akong payapa!”“Phew, huwag kang managinip! Kahit patay ka na, hindi niya magugustuhan ang anak mong babae!”Sa sandaling nakita siya ni Elaine, nagmadali siya sa kanyang tabi at sinabi nang taimtim, “Hey, Kevin, sa wakas ay nandito ka na! Sobrang nabalisa ako habang hinihintay ka!”Talaga, si Kevin nga ito.Sinabi nang nakangiti ni Kevin, “Tita, pasensya na at pinaghintay kita!”“Ay hindi, Kevin, masyado kang mabait. Sa tingin ko ay sampung minuto lang ang lumipas para makapunta ka rito, ang bilis mo!”“Sa sandaling narinig ko na may problema ka, mabilis akong nagmaneho. Nilagpasan ko pa ang ibang red lights habang papunta dito.Mukhang mayabang si Elaine, pero tinanong nang nag-aalala, “Mapapahamak ka ba kapag nilagpasan mo ang red lights?”“Hindi,” sinabi nang walang ekspresyon ni Kevin, “Kakilala ko lahat ng mga tao sa traffic department. Isang tawag lang para maayos ang mga traffic ticket.”Nilinis ni Kevin ang ka
Habang sobrang sabik ni Elaine, malakas na inanunsyo ni Kevin, “Mga tito at tita, huwag kayong mabahala, kakausapin ko na sila ngayon. Mangyaring hintayin niyo ang magandang balita!”Naramdaman ni Elaine na kapag nandito si Kevin, hindi sila matatalo, kaya sabik niyang sinabi, “Kevin, sasama ako!”Mabilis na sumingit si Charlie, “Ma, sa tingin ko na mas mabuting lumayo ka. Kung hindi ito kayang lutasin ni Kevin, baka mapahamak ka!”“Bah!” Galit na inungol ni Elaine. “Gaano ka kangahas na pagdudahan ang abilidad ni Kevin, talunan?!”Ang ibang mga matatanda ay umaasa na matutulungan sila ni Kevin na mabalik ang pera nila. Ngayong may ibang opinyon si Charlie, sila ay na bwisit at nainis sa kanya.Kaharap ang mga naiinis na tingin at bulungan, sinabi nang payak ni Charlie, “Ma, mas mabuti na maghintay ka dito. Mas maigi na maging taganood.”Nandiri si Elaine sa kanyang boses at agad na minura, “Itikom mo ang mabaho mong bibig! Hindi ito ang lugar para magsalita ka!”Mapagmataas at
Samantala, sa opisina ng chairman ng Axel Insurance, ang nagmamay-ari, si Axel Jordan, ay magalang na pinagsisilbihan ang isang lalaki na nasa apatnapu ang edad.Ang kanyang mukha ay nagliliwanag na may malaking ngiti. Kumuha siya ng bank card sa drawer at ibinigay ito nang magalang sa lalaki at sinabi, “Don Albert, mayroong tatlumpung milyong dolyar sa card na ito at ang pin number ay ang birthday mo. Ito ang bonus para sa’yo, paki tingnan.”Ang di gaano katandang lalaki ay may suot na smart suit. Ang kanyang mukha ay medyo magaspang at mukhang pagod pero ang kanyang mala-mandaragit na mga mata ay kasing talas ng liyon.Kung may ibang tao na naroroon, siguradong makikilala nila agad ang lalaki.Siya si Don Albert Rhodes!Alam ng lahat sa Aurous Hill na si Albert ang mafia boss sa underworld at walang mangangahas na maghanap ng gulo sa kanya!Tumingin si Albert kay Axel at sinabi nang may nasiyahan na ngiti, “Axel, hindi masama. Mataktika ka, humanga ako!”Sinabi sa nabalisang b
Sa sandaling ito, si Kevin ay nakatayo sa harap ng pangunahing pintuan ng Axel Insurance na may mapagmataas na mukha.Alam niya na ngayon ang pinakamahusay na pagkakataon upang magpakitang-gilsa sa ina ni Claire. Dapat niyang sunggaban ang sandaling ito upang patunayan ang kanyang halaga!Kung makukuha niya ang puso ng kanyang ina, magiging sa kanya siya sa lalong madaling panahon.Kapag dumating ang oras, sa wakas ay magiging sila na ni Claire Wilson, ang pinakamagandang babae sa Aurous Hill. Nabalisa siya nang maisip ito.Kaya, inihayag niya sa malakas na boses, “Mga tito at tita, huwag kayong mag-alala. Ibabalik ng boss ang pera ng lahat!”Ang lahat ay nagsaya na may galak at pagkasabik nang marinig ang pahayag niya, mga malalaking ngiti ang makikita sa kanilang mga mukha.Maliban kay Charlie, na nakatingin nang may panunuya kay Kevin. Ang lalaking to ay masyadong bilib sa sarili ngayon, ni hindi niya nga alam kung ano ang mangyayari mamaya.Sa sandaling tinaas ni Kevin ang k
Nakita ni Mr. Chardon ang Thunder Order sa kamay ni Charlie at nakilala niya agad na isa itong kayamanan na gawa sa Thunderstrike wood. Kahit hindi niya alam kung paano gumawa ng mga mahiwagang instrumento, pamilyar siya sa kalidad ng mga materyales. May mahabang kasaysayan ang Thunderstrike wood sa kamay ni Charlie at malinaw na isa itong top-grade na Thunderstrike wood sa isang tingin.Mayroon siyang nagulat na ekspresyon habang sinabi, “Ano… Anong nangyayari? Saan mo nakuha ang mahiwagang instrumento na iyan?!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Sa totoo lang, ako ang gumawa ng dalawang Thunderstrike wood na ito. Kaso nga lang ay ang nasa akin ay ang ama, at ang anak ang nasa iyo. Kahit na madalas na mayabang ang anak, kailangan niyang magpakabait kapag nakita niya ang kanyang ama, kaya natural na mananatili itong tahimik!”Nagalit si Mr. Chardon at sinigaw, “Letse ka! Sa tingin mo ba ay hindi edukado ang isang matandang lalaki na tulad ko? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako kalokohan
Sinigaw ni Mr. Chardon, “Halika, kidlat at kulog!” nang malakas at magarbo.Ayon sa eksena na ipininta sa isipan ni Mr. Chardon, pagkatapos ng malakas na sigaw niya, dapat ay nababalot na ng mga madilim na ulap at malabong kulog ang langit. Pagkatapos nito, isang kidlat na kasing kapal ng isang timba ang bababa sa langit, direktang tatamaan ang ulo ni Charlie.Naniniwala siya nang matatag na kahit na hindi tamaan nang direkta ng kidlat si Charlie, mawawalan siya ng kakayahan na lumaban. Sa sandaling iyon, may sampung libong paraan si Mr. Chardon para gawin siyang miserable at puwersahin siyang ibunyag ang lahat ng sikreto niya.Pero, pagkatapos isigaw ni Mr. Chardon ang ‘Halika, kidlat at kulog!’, walang madilim na ulap ang lumitaw sa langit tulad ng dati, at walang kahit anong nakabibinging kulog o kidlat.Sobrang linaw ng langit sa Aurous Hill ngayong gabi, at kasama na ang kaunting polusyon ng ilaw sa mabundok na lugar, kayang tumingala ng isang tao para makita ang buwan na hugi
Narinig niya ang isang nakabibinging tunog habang tumama ang malakas na puwersa sa mga braso niya. Ang pakiramdam na ito ay tila ba isang mabigat na tren ang sumugod sa kanya nang napakabilis.Agad naubos ng puwersa na ito ang Reiki na inipon ni Mr. Chardon sa mga braso niya! Nakaramdam din ng matalas na sakit ang mga braso niya, at pakiramdam niya na parang nabali ang mga ito.Pero, hindi pa ito ang katapusan nito. Tumalsik nang dose-dosenang metro ang katawan ni Mr. Chardon dahil sa malakas na puwersa na ito, bago niya nabalanse kahit papaano ang sarili niya.Si Mr. Chardon, na katatayo lang nang matatag, ay agad napaduwal ng dugo. Halos nawala na ang lahat ng pakiramdam sa dalawang braso niya, at ang buong dibdib niya ay tila ba nabasag habang nagkaroon siya ng malalang internal injury.Pero, hindi inaasahan ni Mr. Chardon na habang pinapatatag niya ang sarili niya, susugurin siya nang napakabilis ni Charlie!Sa kalagitnaan ng pagkabigla niya, lalaban na sana si Mr. Chardon gam
Sa isang iglap, isang invisible na umiikot na ispada ang lumabas sa kahoy na ispada. Naramdaman nang malinaw ni Charlie ang malakas na enerhiya sa loob ng ispada, katulad ng isang biglaang pag-andar ng mga elisi ng isang mabilis na helicopter!Alam ni Charlie ang kakulangan niya sa kasanayan at karanasan sa pakikipaglaban, kaya hindi siya nangahas na maging pabaya. Nang makita niya na sinisira ng umiikot na ispada ang lahat ng nasa daan nito, pinutol ang maraming sanga at dahon, sinamantala niya ang pagkakataon at sinigaw, “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang kayang humiwa?!”Pagkasabi nito, isang Soul Blade ang mabilis na lumabas, at ang invisible na malaking Soul Blade ay pumunta nang napakabilis sa umiikot na ispada! Sa isang iglap, nagbanggaan ang dalawang puwersa, gumawa ng isang malakas na pagsabog sa hangin sa pagitan nila. Ang mga puno na kaninang malago at makulay, sa loob ng sukat na ilang dosenang metro, ay biglang parang nagpaulan ng mga dahon!Napaatras pa nang ilang hakba
Sa sandaling ito, tumakbo nang mabilis si Charlie sa mga bundok, dinadala si Mr. Chardon sa mabilis na habulan sa bundok. Sobrang bilis nilang dalawa, madali silang nakatakbo sa mabundok na lupa na may mga makakapal na puno, tila ba naglalakad sila sa patag na lugar, at para bang lumilipad sila.Ginamit ni Mr. Chardon ang kanyang buong lakas para manatiling malapit kay Charlie. Habang tumatakbo, kailangan ay nakadilat nang sobra ang mga mata niya, nakatuon nang matindi para maiwasan ang mga nakapalibot na puno at mabatong daan. Pagkatapos matahak ang distansya na isa o dalawang kilometro, mukhang sobrang gulo na ng hitsura niya.Pero, kahit gamit ang buong lakas niya, nanatiling matatag si Charlie at nasa ligtas na distansya siya, kaya nainis nang sobra si Mr. Chardon. Wala siyang nagawa kundi patuloy na sundan si Charlie dahil wala siyang pagkakataon na umatake.Kahit na gamitin niya ang kanyang kahoy na ispada na ipinagkaloob ng British Lord o ang Thunderstrike Wood na binili niya
Sa ibang salita, ang agarang posisyon nilang dalawa ay dalawang beses na na-update kada segundo sa monitoring terminal kung saan matatagpuan ang British Lord. Bukod dito, ang positioning system nila ay gumagamit ng pinaka-propesyonal na high-precision map na maaaring makuha ngayon, na may accuracy level na sentimetro lang at wala sa sampung sentimetro ang kamalian nito.Nang makita ng British Lord na pumasok ang pulang tuldok ni Mr. Chardon sa gate ng villa, malinaw na sa kanya na nakapasok na si Mr. Chardon. Sa sandaling iyon, naniwala rin ang British Lord na sa loob ng ilang minuto, magiging biktima na ni Mr. Chardon ang mga Acker.Pero, habang hinihintay ng British Lord ang ulat ni Mr. Chardon ng tagumpay niya, biglang ganap na nawala ang dalawang kumukurap na coordinate! Nasorpresa ang British Lord sa biglaang pagbabago na ito, at biglang nagkaroon ng kalabog sa puso niya.Ipinapahiwatig ng pagkawala ng mga coordinate ay naputol ang paglipat ng impormasyon sa pagitan nila. Pero,
Nakita ni Ruby na pumasok si Mr. Chardon sa villa na nasa tagong lugar. Sa una ay akala niya na mauubos nang madali ni Mr. Chardon ang mga Acker ngayong gabi at magkakaroon siya ng malaking tagumpay sa Qing Eliminating Society. Naniniwala siya na kailangan niya lang manood sa dilim at iulat ang lahat sa British Lord mamaya.Pero, hinding-hindi niya inaasahan na nang kapapasok lang ni Mr. Chardon sa villa, isang helicopter ang mabilis na dumating mula sa kabilang dulo ng bundok, dumiretso sa itaas ng villa sa gitna ng Willow Manor.Bago pa niya maintindihan kung sino ang darating gamit ang helicopter sa sandaling ito, isang itim na anino ang direktang tumalon mula sa helicopter. Mabilis pa rin ang pagbaba ng helicopter, at sa medyo mataas na dose-dosenang metro sa itaas ng lupa, hindi niya inaasahan na matatag na makakababa ang isang tao sa lupa mula dito.Umangat nang buong lakas ang helicopter sa sandaling bumaba ang lalaki. Hindi man lang huminto kahit saglit ang anino at sumugod
Ang unang bagay na ginawa ni Charlie ay hilingin sa kanya na tulungan siyang kunin ang public surveillance footage mula sa Willow Manor. Samantala, umupo siya sa helicopter, binabantayan ang sitwasyon sa Willow Manor sa aktwal na oras.Dalawa o tatlong minuto lang ang kailangan para makapunta sa Willow Manor mula sa Champs Elys Resort. Sa maikling panahon na ito, kayang antalain ng mga security guard at caretaker ang bahagi ng banta. Ipagkakatiwala niya ang iba kay Merlin kasama ang ‘pangligtas ng buhay na pangungusap’ na binigay niya kay Merlin.Naniniwala siya na basta’t sasabihin ni Merlin ang pangungusap na ito, siguradong mapapatagal ito nang kaunti, hahayaan siyang dumating sa oras.Pero, alam ni Charlie na kahit na dumating siya, hindi niya pwedeng labanan ang kalaban sa loob ng villa. Siguradong mamamatay si Merlin at ang mga miyembro ng pamilya Acker kung sa loob ng villa siya kikilos. Kaya, kailangan niyang gamitin ang singsing para ilayo ang buong atensyon ng kabila, magb
Samantala, si Ruby, na palihim na inoobserbahan ang Willow Manor mula sa kabilang bahagi bundok, ay nakita ang isang itim na tao na tumakbo palabas sa villa, sinundan ito nang malapit ni Mr. Chardon, ang leader ng apat na great earl. Sa hindi inaasahan, papunta sa direksyon niya ang nakaitim na tao, habang si Mr. Chardon ay may hawak na kahoy na ispada sa isang kamay at hawak ang dulo ng kanyang robe sa kabila habang hinahabol ang nakaitim na tao.Narinig niya pa ang galit na sigaw ni Mr. Chardon, “Bata, ibigay mo ang singsing ngayon din kung marunong ka! At saka, sabihin mo rin sa akin kung saan nagtatago si Vera Lavor! Kung maganda ang mood ko, baka buhayin pa kita! Kung hindi, sisiguraduhin ko na mawawala ang uo mo sa sandaling mahabol kita!”Sumigaw si Charlie nang hindi man lang lumilingon, “Alalay, tigilan mo ang kalokohan mo. Ang tanda mo na pero hindi mo pa rin alam ang sarili mong abilidad at limitasyon? Nangahas ka pang magyabang dito? Kung gusto mong makuha ang singsing, k