Nakayuko si Elaine sa sahig, ang kanyang katawan ay nanginginig nang sobra. Mahigpit niyang pinikit ang mga mata niya, hinihintay na sampalin siya ng lalaking may malaking katawan, ngunit hindi dumating ang sampal tulad ng kanyang inaasahan.Binuksan niya ang kanyang mga mata sa pagkalito at nagulat!Si Charlie, ang kanyang walang kwentang manugang, ay dumating at sinunggaban ang pulso ng lalaki!Ito...Naramdaman niya na ang kanyang pag-iisip ay talagang nawasak sa sandaling ito, hindi niya maproseso ng nangyayari sa harap niya. Bakit biglang naging malakas ang loob ng walang kwentang si Charlie?Hindi rin makapaniwala si Don Albert na mayroong mag lalakas-loob na ipagtanggol ang letseng matandang babae sa sandaling ito. Malamig niyang sinabi, “Sino ka? Gusto mo na bang mamatay?”Bahagyang ngumiti si Charlie, “Ikaw si Don Albert, hindi ba? Pwede mong bugbugin ang bastardong iyon, pero gawan mo ako ng pabor at huwag mong hawakan ang biyenan kong babae!”Isang patong ng dilim ang
Sa sandaling umalingawngaw ang boses sa tainga ni Albert, mabilis na pinroseso ng kanyang utak ang impormasyon at naisip na ang boses ay mula kay Isaac Cameron, ang lalaking gusto niyang lapitan at hingian ng pabor!Sinabi ba niya na ginalit niya ang kanyang young master?Maaari bang ang lalaking ito sa harap niya?!Bukod dito, alam ni Isaac na mayroong dalawampu’t limang miyembro sa kanyang buong pamilya. Sinaliksik niya na ba agad ang kanyang background?Si Isaac Cameron ang tagapagsalita ng pamilya Wade sa Aurous Hill! Ang impluwensya at kapangyarihan ng pamilya Wade ay sobrang napakalaki at malakas, ang pagwasak sa kanya ay kasing dali ng pagpatay sa isang langgam!”Nanlambot ang mga binti ni Albert at nanginig siya sa takot habang pinakikinggan ang galit na boses ni Isaac. Putol-putol niyang sinabi, “Mr. Cameron, mangyaring kumalma ka. Hin… Hindi ko alam, hindi lang kami nagkakaintindihan, ako at ang young master…”“Manahimik ka!” Sinigaw ni Isaac, “Ang pagkakakilanlan ng am
Si Elaine ay sobrang natuwa at kaunting hindi naniniwala nang narinig niya ang sinabi ni Axel. Ang kanyang pera ay tumaas mula sa 1.3 milyon sa dalawang milyon!Tinanong niya nang nagtataka, “Sigurado ka ba? Bibigyan mo ako ng dalawang milyon?” Mabilis na tumango si Axel. “Syempre! Sa’yo na ang lahat ng ‘yan!”“Aba, magaling!” Napatili sa sabik si Elaine.Nang makita si Elaine na hindi lamang binalik ang kanyang pera ngunit dinagdagan pa ng limang daang libong dolyar, ang natitirang mga matatanda ay nakatingkayad sa nerbyos. Nadama nila na dahil nakuha ni Elaine ang kanyang pera, dapat rin ibalik ang sa kanila, hindi ba?Kaya, ang iba sa kanila ay nagsimula, “Mr. Jordan, paano ang aming pera?”Humarap nang nababagot si Axel kay Albert.Mabigat sa damdamin ni Albert na ibalik ang perang binulsa niya, pero kalaban niya ang pamilya Wade na hindi niya dapat galitin, maaaring mamatay pa siya. Kaya, sinabi niya, “Ibalik na lang, ibalik na lang sa kanila! Alang-alang kay Mr. Wade, mak
Tumingin nang malamig si Charlie sa kanya at sinabi, “Wala naman akong pagtatalo o koneksyon sa’yo, pero lagi mo akong nilalait at kinukutya, tapos ngayon gusto mong tulungan kita? Mangarap ka!”Bumagsak si Kevin at iniyak, “Charlie, sorry talaga, pakiusap at tulungan mo ‘ko…”Nang makita ang hindi masayang ekspresyon ni Charlie, sinigaw ni Albert sa kanyang mga tauhan, “P*nyeta mga tanga, ano pang hinihintay niyo? Sunggaban niyo na siya!”Nagulantang sa gulat ang kanyang mga bodyguard. Pagkatapos, mabilis nilang sinunggaban ang leeg at buhok ni Kevin, at sinimulan nilang bugbugin siya!Hindi matagal, binaha ng dugo ang bibig ni Kevin at ilang mga ngipin niya ang natanggal, pero ang mga bodyguard ni Albert ay hindi nagpakita ng palatandaan na titigil sila. Ang bawat sampal sa mukha ni Kevin ay mabilis at malakas!Humarap si Albert kay Charlie at tinanong sa mapambolang ngiti, “Mr. Wade, nasiyahan ka ba sa aming ginawa?”Tumango nang kaswal si Charlie. “Napakagaling. Okay, iyon la
Pagkatapos ayusin ang problema ni Elaine, naghiwalay na sina Elaine at Charlie. Habang yakap ang suitcase nang masaya na parang isang bata na may lollipop, pumunta si Elaine sa banko upang mag deposito habang si Charlie naman ay umuwi na.Pagkatapos niya sa bahay, nakita ni Charlie ang sapatos ni Chlaire sa hallway, kaya alam niya na bumalik na siya at pumunta sa kanilang kwarto.Sa sandaling pumasok siya sa pinto, nakita niya ang kanyang asawa na kakababa lang ng selpon, ang kanyang mukha ay puno ng sorpresa at sabik.Tinanong niya nang nag-uusisa, “Mahal, sino ang kausap mo?”Tumili nang sabik si Claire, “Ang bestieko, si Loreen! Naalala mo pa ba siya?”“Oo,” tumango si Charlie at nagpatuloy, “Nag-aaral siya dati sa Aurous Hill at malapit siya sa’yo. Sa totoo lang, kung tama ang pagkakaalala ko, siya ang anak na babae ng mayamang pamilya Thomas sa Eastcliff, tama ba?”“Oo!” sinabi ni Chalire, “Ang pamilya ni Loreen ay medyo sikat sa Eastcliff.”Ngumiti si Charlie at tinanong,
Inutusan siya ni Charlie na bantayan si Loreen habang siya ay nagtatrabaho at laging mag report sa kanya kung mayroon mang kakaiba.Pagkatapos kausapin si Doris, sumakay si Charlie ng taxi papunta sa airport upang sunduin si Loreen.Nang nasa airport na siya, bumaba si Charlie at pupunta na sana sa arrival hall nang may isang Mercedes-Benz G-Class ang biglang pumreno at tumigil sa harap niya.Si Harold, ang pinsan ni Claire, ay nilabas ang kanyang ulo sa bintana ng kotse at kumunot ang noo nang makita niya si Charlie. “Bakit ka nandito?”“Nandito ako para sunduin ang kaibigan ni Claire. Bakit ka nandito?”Kumunot rin ang noo ni Charlie nang makita niya ang mga pamilyar na mukha na nakaupo sa kotse—bukod kay Harold, nandoon din sina Gerald at Wendy.Kinutya ni Harold. “Si Miss Thomas ba? Nandito kami para aliwin siya, isa ka lamang pabigat, umalis ka na!”Suminghal nang walang pakialam si Charlie at sinabi, “Ikaw ang umalis.”Kaya, hindi sila pinansin ni Charlie at naglakad dire
Bahagyang nasorpresa si Charlie nang narinig niyang nagreserba rin si Harold sa Heaven Springs.Grabe ang pagkakataon. Hindi ba si Albert ang nagmamay-ari ng Heaven Springs? Naghanda rin siya ng suite para sa kanya sa restaurant, hindi ba?Samantala, napanganga sa gulat si Gerald. “Aba, Harold, talaga bang nakapag reserba ka ng Golden Suite sa Heaven Springs? Hindi ito kayang gawin ng lahat!”Tumawa nang matagumpay si Harold. “Sa totoo lang, bukod sa Diamond Suite na hindi ko talaga kayang abutin, ang ibang suite ay madali lang.”Sa kabila ng hambog na pahayag niya, nagyayabang lang si Harold.Sa totoo lang, para makapag reserba sila ng Golden Suite, si Lady Wilson mismo ang humiling ng maraming pabor mula sa maraming tao upang ireserba ito.Narinig ni Loreen ang tungkol sa Heaven Springs kahit sa Eastcliff. Mabilis niyang sinabi, “Magkakaibigan tayong lahat, hindi mo kailangang mag reserba ng magarbong lugar para sa akin.”Sinabi nang nahihiya ni Harold, “Hindi ah, ikaw ang ami
Tinanong nang may mapanglait na ngiti ni Wendy, “Charlie, hindi ba’t nag reserba ka rin dito? Anong suite? Dalhin mo kami para makita namin!”Sinabi nang payak ni Charlie, “Sa totoo lang, hindi ko talaga pinag-isipan kung anong suite ang irereserba ko. Nag-text lang ako sa boss nila at nag pareserba sa kanya. Titignan ko ang mensahe niya, bigyan mo ako ng isang minuto.”Kinutya nang masungit ni Harold, “Manahimik ka! Kilala mo ba ang boss dito? Siya ang tanyag na si Don Albert Rhodes! Gaano ka kangahas na magsinungaling dito? Mag ingat ka, kapag narinig ka niya, pipisilin ka niya hanggang mamatay ka sa mga daliri niya.”Hindi pinansin ni Charlie ang kanilang masasamang sinabi at patuloy na tiningnan ang kanyang mga mensahe sa selpon. “Sinabi niya na nagreserba siya ng Diamond Suite para sa’kin.”Tumawa agad si Harold. “Hahaha… Diamond Suite? Charlie, ‘wag mo kaming patawanin, okay? Kilala mo ba kung sino lang ang mga nakakapasok sa Diamond Suite? Wala pang sampung tao sa buong Auro
Sa isang iglap, isang invisible na umiikot na ispada ang lumabas sa kahoy na ispada. Naramdaman nang malinaw ni Charlie ang malakas na enerhiya sa loob ng ispada, katulad ng isang biglaang pag-andar ng mga elisi ng isang mabilis na helicopter!Alam ni Charlie ang kakulangan niya sa kasanayan at karanasan sa pakikipaglaban, kaya hindi siya nangahas na maging pabaya. Nang makita niya na sinisira ng umiikot na ispada ang lahat ng nasa daan nito, pinutol ang maraming sanga at dahon, sinamantala niya ang pagkakataon at sinigaw, “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang kayang humiwa?!”Pagkasabi nito, isang Soul Blade ang mabilis na lumabas, at ang invisible na malaking Soul Blade ay pumunta nang napakabilis sa umiikot na ispada! Sa isang iglap, nagbanggaan ang dalawang puwersa, gumawa ng isang malakas na pagsabog sa hangin sa pagitan nila. Ang mga puno na kaninang malago at makulay, sa loob ng sukat na ilang dosenang metro, ay biglang parang nagpaulan ng mga dahon!Napaatras pa nang ilang hakba
Sa sandaling ito, tumakbo nang mabilis si Charlie sa mga bundok, dinadala si Mr. Chardon sa mabilis na habulan sa bundok. Sobrang bilis nilang dalawa, madali silang nakatakbo sa mabundok na lupa na may mga makakapal na puno, tila ba naglalakad sila sa patag na lugar, at para bang lumilipad sila.Ginamit ni Mr. Chardon ang kanyang buong lakas para manatiling malapit kay Charlie. Habang tumatakbo, kailangan ay nakadilat nang sobra ang mga mata niya, nakatuon nang matindi para maiwasan ang mga nakapalibot na puno at mabatong daan. Pagkatapos matahak ang distansya na isa o dalawang kilometro, mukhang sobrang gulo na ng hitsura niya.Pero, kahit gamit ang buong lakas niya, nanatiling matatag si Charlie at nasa ligtas na distansya siya, kaya nainis nang sobra si Mr. Chardon. Wala siyang nagawa kundi patuloy na sundan si Charlie dahil wala siyang pagkakataon na umatake.Kahit na gamitin niya ang kanyang kahoy na ispada na ipinagkaloob ng British Lord o ang Thunderstrike Wood na binili niya
Sa ibang salita, ang agarang posisyon nilang dalawa ay dalawang beses na na-update kada segundo sa monitoring terminal kung saan matatagpuan ang British Lord. Bukod dito, ang positioning system nila ay gumagamit ng pinaka-propesyonal na high-precision map na maaaring makuha ngayon, na may accuracy level na sentimetro lang at wala sa sampung sentimetro ang kamalian nito.Nang makita ng British Lord na pumasok ang pulang tuldok ni Mr. Chardon sa gate ng villa, malinaw na sa kanya na nakapasok na si Mr. Chardon. Sa sandaling iyon, naniwala rin ang British Lord na sa loob ng ilang minuto, magiging biktima na ni Mr. Chardon ang mga Acker.Pero, habang hinihintay ng British Lord ang ulat ni Mr. Chardon ng tagumpay niya, biglang ganap na nawala ang dalawang kumukurap na coordinate! Nasorpresa ang British Lord sa biglaang pagbabago na ito, at biglang nagkaroon ng kalabog sa puso niya.Ipinapahiwatig ng pagkawala ng mga coordinate ay naputol ang paglipat ng impormasyon sa pagitan nila. Pero,
Nakita ni Ruby na pumasok si Mr. Chardon sa villa na nasa tagong lugar. Sa una ay akala niya na mauubos nang madali ni Mr. Chardon ang mga Acker ngayong gabi at magkakaroon siya ng malaking tagumpay sa Qing Eliminating Society. Naniniwala siya na kailangan niya lang manood sa dilim at iulat ang lahat sa British Lord mamaya.Pero, hinding-hindi niya inaasahan na nang kapapasok lang ni Mr. Chardon sa villa, isang helicopter ang mabilis na dumating mula sa kabilang dulo ng bundok, dumiretso sa itaas ng villa sa gitna ng Willow Manor.Bago pa niya maintindihan kung sino ang darating gamit ang helicopter sa sandaling ito, isang itim na anino ang direktang tumalon mula sa helicopter. Mabilis pa rin ang pagbaba ng helicopter, at sa medyo mataas na dose-dosenang metro sa itaas ng lupa, hindi niya inaasahan na matatag na makakababa ang isang tao sa lupa mula dito.Umangat nang buong lakas ang helicopter sa sandaling bumaba ang lalaki. Hindi man lang huminto kahit saglit ang anino at sumugod
Ang unang bagay na ginawa ni Charlie ay hilingin sa kanya na tulungan siyang kunin ang public surveillance footage mula sa Willow Manor. Samantala, umupo siya sa helicopter, binabantayan ang sitwasyon sa Willow Manor sa aktwal na oras.Dalawa o tatlong minuto lang ang kailangan para makapunta sa Willow Manor mula sa Champs Elys Resort. Sa maikling panahon na ito, kayang antalain ng mga security guard at caretaker ang bahagi ng banta. Ipagkakatiwala niya ang iba kay Merlin kasama ang ‘pangligtas ng buhay na pangungusap’ na binigay niya kay Merlin.Naniniwala siya na basta’t sasabihin ni Merlin ang pangungusap na ito, siguradong mapapatagal ito nang kaunti, hahayaan siyang dumating sa oras.Pero, alam ni Charlie na kahit na dumating siya, hindi niya pwedeng labanan ang kalaban sa loob ng villa. Siguradong mamamatay si Merlin at ang mga miyembro ng pamilya Acker kung sa loob ng villa siya kikilos. Kaya, kailangan niyang gamitin ang singsing para ilayo ang buong atensyon ng kabila, magb
Samantala, si Ruby, na palihim na inoobserbahan ang Willow Manor mula sa kabilang bahagi bundok, ay nakita ang isang itim na tao na tumakbo palabas sa villa, sinundan ito nang malapit ni Mr. Chardon, ang leader ng apat na great earl. Sa hindi inaasahan, papunta sa direksyon niya ang nakaitim na tao, habang si Mr. Chardon ay may hawak na kahoy na ispada sa isang kamay at hawak ang dulo ng kanyang robe sa kabila habang hinahabol ang nakaitim na tao.Narinig niya pa ang galit na sigaw ni Mr. Chardon, “Bata, ibigay mo ang singsing ngayon din kung marunong ka! At saka, sabihin mo rin sa akin kung saan nagtatago si Vera Lavor! Kung maganda ang mood ko, baka buhayin pa kita! Kung hindi, sisiguraduhin ko na mawawala ang uo mo sa sandaling mahabol kita!”Sumigaw si Charlie nang hindi man lang lumilingon, “Alalay, tigilan mo ang kalokohan mo. Ang tanda mo na pero hindi mo pa rin alam ang sarili mong abilidad at limitasyon? Nangahas ka pang magyabang dito? Kung gusto mong makuha ang singsing, k
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff