Tumingin nang malamig si Charlie sa kanya at sinabi, “Wala naman akong pagtatalo o koneksyon sa’yo, pero lagi mo akong nilalait at kinukutya, tapos ngayon gusto mong tulungan kita? Mangarap ka!”Bumagsak si Kevin at iniyak, “Charlie, sorry talaga, pakiusap at tulungan mo ‘ko…”Nang makita ang hindi masayang ekspresyon ni Charlie, sinigaw ni Albert sa kanyang mga tauhan, “P*nyeta mga tanga, ano pang hinihintay niyo? Sunggaban niyo na siya!”Nagulantang sa gulat ang kanyang mga bodyguard. Pagkatapos, mabilis nilang sinunggaban ang leeg at buhok ni Kevin, at sinimulan nilang bugbugin siya!Hindi matagal, binaha ng dugo ang bibig ni Kevin at ilang mga ngipin niya ang natanggal, pero ang mga bodyguard ni Albert ay hindi nagpakita ng palatandaan na titigil sila. Ang bawat sampal sa mukha ni Kevin ay mabilis at malakas!Humarap si Albert kay Charlie at tinanong sa mapambolang ngiti, “Mr. Wade, nasiyahan ka ba sa aming ginawa?”Tumango nang kaswal si Charlie. “Napakagaling. Okay, iyon la
Pagkatapos ayusin ang problema ni Elaine, naghiwalay na sina Elaine at Charlie. Habang yakap ang suitcase nang masaya na parang isang bata na may lollipop, pumunta si Elaine sa banko upang mag deposito habang si Charlie naman ay umuwi na.Pagkatapos niya sa bahay, nakita ni Charlie ang sapatos ni Chlaire sa hallway, kaya alam niya na bumalik na siya at pumunta sa kanilang kwarto.Sa sandaling pumasok siya sa pinto, nakita niya ang kanyang asawa na kakababa lang ng selpon, ang kanyang mukha ay puno ng sorpresa at sabik.Tinanong niya nang nag-uusisa, “Mahal, sino ang kausap mo?”Tumili nang sabik si Claire, “Ang bestieko, si Loreen! Naalala mo pa ba siya?”“Oo,” tumango si Charlie at nagpatuloy, “Nag-aaral siya dati sa Aurous Hill at malapit siya sa’yo. Sa totoo lang, kung tama ang pagkakaalala ko, siya ang anak na babae ng mayamang pamilya Thomas sa Eastcliff, tama ba?”“Oo!” sinabi ni Chalire, “Ang pamilya ni Loreen ay medyo sikat sa Eastcliff.”Ngumiti si Charlie at tinanong,
Inutusan siya ni Charlie na bantayan si Loreen habang siya ay nagtatrabaho at laging mag report sa kanya kung mayroon mang kakaiba.Pagkatapos kausapin si Doris, sumakay si Charlie ng taxi papunta sa airport upang sunduin si Loreen.Nang nasa airport na siya, bumaba si Charlie at pupunta na sana sa arrival hall nang may isang Mercedes-Benz G-Class ang biglang pumreno at tumigil sa harap niya.Si Harold, ang pinsan ni Claire, ay nilabas ang kanyang ulo sa bintana ng kotse at kumunot ang noo nang makita niya si Charlie. “Bakit ka nandito?”“Nandito ako para sunduin ang kaibigan ni Claire. Bakit ka nandito?”Kumunot rin ang noo ni Charlie nang makita niya ang mga pamilyar na mukha na nakaupo sa kotse—bukod kay Harold, nandoon din sina Gerald at Wendy.Kinutya ni Harold. “Si Miss Thomas ba? Nandito kami para aliwin siya, isa ka lamang pabigat, umalis ka na!”Suminghal nang walang pakialam si Charlie at sinabi, “Ikaw ang umalis.”Kaya, hindi sila pinansin ni Charlie at naglakad dire
Bahagyang nasorpresa si Charlie nang narinig niyang nagreserba rin si Harold sa Heaven Springs.Grabe ang pagkakataon. Hindi ba si Albert ang nagmamay-ari ng Heaven Springs? Naghanda rin siya ng suite para sa kanya sa restaurant, hindi ba?Samantala, napanganga sa gulat si Gerald. “Aba, Harold, talaga bang nakapag reserba ka ng Golden Suite sa Heaven Springs? Hindi ito kayang gawin ng lahat!”Tumawa nang matagumpay si Harold. “Sa totoo lang, bukod sa Diamond Suite na hindi ko talaga kayang abutin, ang ibang suite ay madali lang.”Sa kabila ng hambog na pahayag niya, nagyayabang lang si Harold.Sa totoo lang, para makapag reserba sila ng Golden Suite, si Lady Wilson mismo ang humiling ng maraming pabor mula sa maraming tao upang ireserba ito.Narinig ni Loreen ang tungkol sa Heaven Springs kahit sa Eastcliff. Mabilis niyang sinabi, “Magkakaibigan tayong lahat, hindi mo kailangang mag reserba ng magarbong lugar para sa akin.”Sinabi nang nahihiya ni Harold, “Hindi ah, ikaw ang ami
Tinanong nang may mapanglait na ngiti ni Wendy, “Charlie, hindi ba’t nag reserba ka rin dito? Anong suite? Dalhin mo kami para makita namin!”Sinabi nang payak ni Charlie, “Sa totoo lang, hindi ko talaga pinag-isipan kung anong suite ang irereserba ko. Nag-text lang ako sa boss nila at nag pareserba sa kanya. Titignan ko ang mensahe niya, bigyan mo ako ng isang minuto.”Kinutya nang masungit ni Harold, “Manahimik ka! Kilala mo ba ang boss dito? Siya ang tanyag na si Don Albert Rhodes! Gaano ka kangahas na magsinungaling dito? Mag ingat ka, kapag narinig ka niya, pipisilin ka niya hanggang mamatay ka sa mga daliri niya.”Hindi pinansin ni Charlie ang kanilang masasamang sinabi at patuloy na tiningnan ang kanyang mga mensahe sa selpon. “Sinabi niya na nagreserba siya ng Diamond Suite para sa’kin.”Tumawa agad si Harold. “Hahaha… Diamond Suite? Charlie, ‘wag mo kaming patawanin, okay? Kilala mo ba kung sino lang ang mga nakakapasok sa Diamond Suite? Wala pang sampung tao sa buong Auro
Nagulantang sa pagkahanga at pagkalito si Loreen.Hindi niya inaasahan na malaki ang koneksyon ni Harold sa Aurous Hill. Talagang mas maasahan siya kumpara kay Charlie. Pinag-isipan niya na mas mabuting mapalapit siya kay Harold para sa kanyang pang araw-araw.Ang lalaki na may itim na suit ay hinatid nang magalang ang grupo sa pinto ng Diamond Suite. Kinuha niya ang bill, at direkta itong binigay kay Charlie, at sinabi nang magalang “Sir, mangyaring pumirma ka rito.”Ang Diamond Suite at espesyal na nakalaan para kay Charlie at ang kanyang pirma ay kailangan para sa kumpirmasyon.Ngumiti si Charlie at kinuha ang panulat at papel, pero bago pa niya mapirmahan gamit ang kanyang pangalan, umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Harold.“P*cha! Ibaba mo ang panulat!”Naglakad si Harold nang may madilim na mukha. Inagaw niya ang panulat at papel mula sa mga kamay ni Charlie, pinirmahan nang mabilis gamit ang kanyang pangalan, at sumigaw kay Charlie, “Walang hiyang daga! Wala ka ba tala
Sa kabilang dako, natakot siya dahil mayroon lamang isang hanay ng mga mamahaling handa na nakahanda para sa Diamond Suite at naihatid na ito sa mga taong ‘to. Anong gagawin niya kapag dumating na ang totoong marangal na bisita rito?Tumayo si Harold at sinigaw sa pagkabalisa, “Anong ginagawa niyo? Nireserba ko ang suite na ‘to, sino ka ba sa tingin mo para gumawa ng gulo rito?”Tinuro ni Bill si Harold at tinanong, “Ikaw ba si Harold Wilson?”Tumango si Harold at sinabi nang mapagmataas, “Oo, ako nga!”Inutos nang malamig ni Bill, “Dalhin niyo siya sa’kin!”Dalawang lalaki na may malaking katawan ang humila kay Harold sa kanyang upuan at kinaladkad siya palayo.“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Pakawalan niyo ‘ko!”“P*ta, manahimik ka!”Sinipa ng isang lalaki ang tuhod ni Harold at direkta siyang napaluhod sa harap ni Bill habang tumili siya sa sakit.Tiningan ni Bill si Harold mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang matalas na paningin, pinanginig siya na parang isang d
Takot na takot si Gerald sa punto na hindi na niya kayang kontrolin ang panginginig niya at halos maihi na rin siya sa pantalon. Ang kanyang nag-uutal na boses ay narinig, “Big Boss Bill, galing ako sa pamilya White…”“Pamilya White?” Ngumiti nang masama si Bill. “Ano raw? Huwag mo ‘kong patawanin, okay!”Dumura nang masungit si Bill. Sinipa niya si sahig Gerald at sinabi, “Katatapos lang ng don na turuan ng leksyon ang isang tanga mula sa pamilya White kahapon, ang tangang ‘yon ay sinampal ng isa naming tauhan ng sampung libong beses sa mukha! May lakas-loob ka pang banggitin sa akin ang pamilya White, huh!”“Ha?” Napaatras si Gerald sa sobrang gulat.Akala niya na binugbog si Kevin habang ninanakawan siya, pero ang totoo pala ay si Don Albert ang bumugbog sa kanya!Habang nasa kalagitnaan siya ng sobrang pagkagulat at pagkatakot, itinaas ni Bill ang kanyang pamalo at pinalo ito sa ulo niya!Bang!Naramdaman ni Gerald na ang mundo ay umiikot sa paligid niya. Isang buzz ang patu
Tumingin si Mr. Chardon kay Samadius, na umabante agad at sinabi sa hindi matitinag na tono, “Ferris, may mahalagang gawain si Mr. Chardon na kailangan niyang gawin, kaya walang pwedeng pumigil o antalain siya! Sinabi na sa akin ni Mr. Chardon ang gusto niyong malaman, at sasabihin ko sa inyo ang bawat salita mamaya!”Pagkatapos itong sabihin, “Hayaan mong sabihin ko ito nang maaga. Kung may kahit sinong mag-aantala sa mahalagang gawin ni Mr. Chardon, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang taong iyon na malaman ang paraan para sa pagpapahaba ng buhay!”Mayroong takot na ekspresyon ang lahat sa kanilang mukha, at wala nang naglakas-loob na magtanong.Si Ferris, na tinawag sa pangalan, ay nabalisa rin at sinabi, “Maging ligtas sana ang biyahe mo, Mr. Chardon!”Kumilos agad ang lahat at sinabi nang sabay-sabay, “Paalam, Mr. Chardon!”Hinimas ni Mr. Chardon ang mahabang balbas niya at naglakad palayo nang mahinhin. Nang ihahatid na siya palabas ng lahat, sinabi ni Mr. Chardon nang hindi
Pagkatapos itong sabihin, nagtanong ulit si Samadius, “Master Coldie, may karaniwang bakas ka ba tungkol sa babaeng ito? Halimbawa, saan siya maaaring magtago?”Umiling si Mr. Chardon at sinabi, “Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na nasa Oskia siya. Kaya, mas mabuti kung makakagawa ka ng isang grupo ng mga disipulo mo at hayaan silang maglakbay sa buong bansa para hanapin siya!”Tumango si Samadius at sinabi, “Walang problema, aayusin ko na ang lahat ngayon din!”Tumango nang bahagya si Mr. Chardon at sinabi, “Okay, kung gano’n, iiwan ko na sayo ang bagay na ito. Tandaan mo na ipaalam mo agad sa akin kung may nadiskubre kang kahit anong bakas.”“Opo, Master Coldie!” Sumang-ayon nang mabilis si Samadius. Pagkatapos ay tinanong niya si Mr. Chardon, “Siya nga pala, Master Coldie, mga junior ko ang mga taong naghihintay sa labas. Kung matuturo mo sa akin sa hinaharap ang paraan para humaba ang buhay, maaari ko rin ba itong ibahagi sa kanila? Mg
Nang marinig ni Mr. Chardon ang sabik na pagpapahayag ng katapatan ni Samadius, tumango siya at ngumiti nang kuntento. Ang lahat ay nangyayari ayon sa planong direksyon niya.Para kay Mr. Chardon, kailanman ay hindi siya naging isang mabuting tao. Bukod sa pagsisikap nang walang reklamo sa harap ng British Lord, kahit kailan ay hindi niya naabot ang pinakapangunahing kabutihang-asal ng ‘pagtupad ng pangako niya’ pagdating sa iba.Sa totoo lang, naisip niyang gamitin ang mga koneksyon at resources ng Cohmer Temple para hanapin si Vera noong una siyang dumating sa Eastcliff, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naramdaman niya na hindi sulit na ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan para lang pagsamantalahan ang Cohmer Temple.Kahit hindi na banggitin kung matutulungan ba siya ng Cohmer Temple na makahanap ng mga bakas tungkol kay Vera, pero kung ang balita na buhay pa rin ang isang Taoist priest na ipinanganak sa 19th century at nag-ensayo ng Taoism sa Cohmer Temple ng dek
Tumango si Mr. Chardon, bumuntong hininga, at sinabi, “156 years old na ako ngayong taon.”“156 years old?” Sinabi ni Samadius habang may mapaghangad na tingin sa kanyang mukha, “Hindi ka man lang mukhang 156 years old…”Sinabi nang kalmado ni Mr. Chardon, “Ito ang mga benepisyo pagkatapos ma-master ang Reiki. Tatlong siglo na akong nabubuhay; ang 19th, 20th, at 21st century. Hindi na ako magkakaroon ng pagsisisi sa buhay kung aabot ako ng 22nd century.”Nabigla si Samadius. Lumuhod ulit siya at yumuko sa harap ni Mr. Chardon habang nagmakaawa, “Master Coldie, pakiusap at ituro mo sana sa ako ang paraan ng pagpapahaba ng buhay! Kung papayag ka, handa akong sundan ka sa buong buhay ko para magamit mo! Susundin ko ang lahat ng hiling mo nang walang pag-aatubili!”Mahigit pitumpung taon na simula noong pumasok si Samadius sa Taoist Sect, at sa sandaling ito, nasa parehong estado siya ni Mr. Chardon noong unang umalis siya sa Cohmer Temple.Buong araw siyang nag-eensayo ng Taoism at g
Sa mga nagdaang taon, bumalik siya nang ilang beses sa Oskia gamit ang iba’t ibang pagkakakilanlan, pero kahit kailan ay hindi siya bumalik sa Cohmer Temple.Ito ay dahil ayaw niyang malaman ng mga disipulo niya sa Cohmer Temple na nadiskubre na niya ang paraan ng mahabang buhay.Sa opinyon niya, dumaan siya sa lahat ng uri ng paghihirap bago siya sa wakas nakapasok sa landas ng Taoism, kaya hindi dapat malaman ng kahit sinong nakakakilala sa kanya ang sikreto na ito, kasama na ang mga tao sa Cohmer Temple.Pinili niyang pumunta sa Cohmer Temple ngayong araw dahil wala siyang mahanap na kahit anong bakas tungkol sa kinaroroonan ni Vera pagkatapos ng mahabang panahon.Patuloy siyang inuudyok ng British Lord na pumunta sa Aurous Hill. Kaya niyang antalain ito ng tatlo hanggang limang araw pero hindi tatlo hanggang limang buwan. Ayon sa ugali ng British Lord, siguradong bibigyan niya siya ng dalawa o tatlong araw na lang, kaya walang nagawa si Mr. Chardon kundi humanap ng mga katulong
Sinundan ni Mr. Chardon ang binatang Taoist priest sa reception hall sa middle yard ng Cohmer Temple. Ito ang reception room sa Cohmer Temple na ginagamit para aliwin ang mga abbot at overseer mula sa ibang Taoist temple o peregrino na may malaking ambag sa Taoist temple.Pagkatapos sabihan si Mr. Chardon na maghintay dito, nagmamadaling tumakbo ang binatang Taoist priest para i-report ito sa kanyang master.Sa Cohmer Temple, karamihan ng tao na nananatili sa front yard nang matagal ay ang mga junior Taoist priest na may medyo mababang kwalipikasyon, kaya naatasan sila na panatilihin ang kaayusan ng mga turista at mga mananampalataya sa yard habang naglilinis, inaayos ang mga istatwa ng templo, at inaayos ang mga alay.Kaya, kung gustong i-report ng binatang Taoist priest ang balita sa overseer, kailangan patong-patong ang daan ng mensahe, at ang dami ng antas ng paglilipat ay higit sa inaasahan ng binatang Taoist priest.Makalipas ang dalawampung minuto, isang matandang lalaki na
Kahit na may parehong titulo ang Taoist at Buddhist abbot, may sobrang magkaibang gampanin sila. Ang Buddhist abbot ang may pinakamataas na posisyon at kapangyarihan sa templto at siya ang namamahala sa mga gawain ng templo, habang ang pangunahing responsibilidad ng Taoist abbot ay ipangaral ang mga banal na kasulatan. Ang Taoist abbot ay parang isang senior professor sa Taoist temple, pero ang taong may pinakamataas na kapangyarihan sa pamamahala ay ang overseer.Si Mr. Chardon, na may suot na Taoist robe, ay tumingala sa gate ng Cohmer Temple nang ilang sandali, pagkatapos ay pumasok sa gate.Ang buong Cohmer Temple ay nahahati sa tatlong courtyard, na tinatawag na front, middle, at back. Bukas lang ang front yard sa mga mananampalataya at peregrino. May ilang hall dito, lalo na ang Trinity Hall, na inilaan para sa Three Supreme Gods ng Taoism.Ang middle at back yard ay ang mga panloob na lugar ng Cohmer Temple kung saan nakatira at nag-aaral ng Taoism ang mga abbot at ang mga di
Sinabi nang seryoso ni Jacob, “Zachary, ayokong magtunog magaspang, pero dapat mahalin mo ang kahit anong trabaho na kukunin mo. Kung gusto mo ang antique business, dapat ay may etika ka ng isang propesyonal.”Tumango si Zachary at sinabi, “Hindi ba’t ito ay dahil gusto ko munang kumita ng ilang pera? Hindi pa huli para sa akin na paunlarin ang etika ko ng isang propesyonal pagkatapos kong kumita ng ilang pera. Dahil, hindi ba’t may kasabihan na dapat bumili ang isang tao ng ticket pagkatapos sumakay sa bus?”Kumulot ang mga labi ni Jacob sa panghahamak, tumingin sa stall ni Zachary, umiling, at sinabi, “Oh, mas lalo kang paatras kapag nagtatrabaho ka. Nakikita ko na peke ang bawat bagay sa stall mo.”“Oo, tama ka.” Sinabi nang masigasig ni Zachary, “Mr. Jacob, matalas talaga ang paningin mo para sa mga produkto. Hindi makakatakas sa mga mata mo ang mga magagandang bagay, at gano’n din para sa mga peke.”Ngumiti si Jacob, pinulot ang Thunderstrike wood sa gitna ng stall, tiningnan
Hindi niya mapigilang isipin, ‘Mukhang hindi ko kayang itapon ang antique business na ito. Kalahati ng kasiyahan ko ay galing sa lugar na ito… Pwede akong pumunta dito at magsaya paminsan-minsan kung hindi ako abala sa trabaho ko kay Don Albert sa hinaharap.’Masayang gumagawa ng plano si Zachary sa kanyang isipan nang isang pamilyar at malugod na boses na may halong bakas ng sorpresa ang narinig niya, “Oh, Zachary, kailan ka bumalik para magtayo ulit ng isang stall?”Tumingin si Zachary at sinabi nang may magalang na ekspresyon, “Oh, Mr. Jacob! Medyo matagal na kitang hindi nakikita!”Ang taong nagsalita ay walang iba kundi ang biyenan na lalaki ni Charlie, si Jacob.Kahit na si Jacob na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, ang pagmamahal niya para sa mga antique ay gano’n pa rin tulad ng dati.Kailan lang, hindi maayos ang pakiramdam niya pagkatapos niyang matalo sa pag-ibig, kaya medyo matagal siyang hindi pumunta dito.Bumalik nang kaunti ang kalooban n