Bahagyang nasorpresa si Charlie nang narinig niyang nagreserba rin si Harold sa Heaven Springs.Grabe ang pagkakataon. Hindi ba si Albert ang nagmamay-ari ng Heaven Springs? Naghanda rin siya ng suite para sa kanya sa restaurant, hindi ba?Samantala, napanganga sa gulat si Gerald. “Aba, Harold, talaga bang nakapag reserba ka ng Golden Suite sa Heaven Springs? Hindi ito kayang gawin ng lahat!”Tumawa nang matagumpay si Harold. “Sa totoo lang, bukod sa Diamond Suite na hindi ko talaga kayang abutin, ang ibang suite ay madali lang.”Sa kabila ng hambog na pahayag niya, nagyayabang lang si Harold.Sa totoo lang, para makapag reserba sila ng Golden Suite, si Lady Wilson mismo ang humiling ng maraming pabor mula sa maraming tao upang ireserba ito.Narinig ni Loreen ang tungkol sa Heaven Springs kahit sa Eastcliff. Mabilis niyang sinabi, “Magkakaibigan tayong lahat, hindi mo kailangang mag reserba ng magarbong lugar para sa akin.”Sinabi nang nahihiya ni Harold, “Hindi ah, ikaw ang ami
Tinanong nang may mapanglait na ngiti ni Wendy, “Charlie, hindi ba’t nag reserba ka rin dito? Anong suite? Dalhin mo kami para makita namin!”Sinabi nang payak ni Charlie, “Sa totoo lang, hindi ko talaga pinag-isipan kung anong suite ang irereserba ko. Nag-text lang ako sa boss nila at nag pareserba sa kanya. Titignan ko ang mensahe niya, bigyan mo ako ng isang minuto.”Kinutya nang masungit ni Harold, “Manahimik ka! Kilala mo ba ang boss dito? Siya ang tanyag na si Don Albert Rhodes! Gaano ka kangahas na magsinungaling dito? Mag ingat ka, kapag narinig ka niya, pipisilin ka niya hanggang mamatay ka sa mga daliri niya.”Hindi pinansin ni Charlie ang kanilang masasamang sinabi at patuloy na tiningnan ang kanyang mga mensahe sa selpon. “Sinabi niya na nagreserba siya ng Diamond Suite para sa’kin.”Tumawa agad si Harold. “Hahaha… Diamond Suite? Charlie, ‘wag mo kaming patawanin, okay? Kilala mo ba kung sino lang ang mga nakakapasok sa Diamond Suite? Wala pang sampung tao sa buong Auro
Nagulantang sa pagkahanga at pagkalito si Loreen.Hindi niya inaasahan na malaki ang koneksyon ni Harold sa Aurous Hill. Talagang mas maasahan siya kumpara kay Charlie. Pinag-isipan niya na mas mabuting mapalapit siya kay Harold para sa kanyang pang araw-araw.Ang lalaki na may itim na suit ay hinatid nang magalang ang grupo sa pinto ng Diamond Suite. Kinuha niya ang bill, at direkta itong binigay kay Charlie, at sinabi nang magalang “Sir, mangyaring pumirma ka rito.”Ang Diamond Suite at espesyal na nakalaan para kay Charlie at ang kanyang pirma ay kailangan para sa kumpirmasyon.Ngumiti si Charlie at kinuha ang panulat at papel, pero bago pa niya mapirmahan gamit ang kanyang pangalan, umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Harold.“P*cha! Ibaba mo ang panulat!”Naglakad si Harold nang may madilim na mukha. Inagaw niya ang panulat at papel mula sa mga kamay ni Charlie, pinirmahan nang mabilis gamit ang kanyang pangalan, at sumigaw kay Charlie, “Walang hiyang daga! Wala ka ba tala
Sa kabilang dako, natakot siya dahil mayroon lamang isang hanay ng mga mamahaling handa na nakahanda para sa Diamond Suite at naihatid na ito sa mga taong ‘to. Anong gagawin niya kapag dumating na ang totoong marangal na bisita rito?Tumayo si Harold at sinigaw sa pagkabalisa, “Anong ginagawa niyo? Nireserba ko ang suite na ‘to, sino ka ba sa tingin mo para gumawa ng gulo rito?”Tinuro ni Bill si Harold at tinanong, “Ikaw ba si Harold Wilson?”Tumango si Harold at sinabi nang mapagmataas, “Oo, ako nga!”Inutos nang malamig ni Bill, “Dalhin niyo siya sa’kin!”Dalawang lalaki na may malaking katawan ang humila kay Harold sa kanyang upuan at kinaladkad siya palayo.“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Pakawalan niyo ‘ko!”“P*ta, manahimik ka!”Sinipa ng isang lalaki ang tuhod ni Harold at direkta siyang napaluhod sa harap ni Bill habang tumili siya sa sakit.Tiningan ni Bill si Harold mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang matalas na paningin, pinanginig siya na parang isang d
Takot na takot si Gerald sa punto na hindi na niya kayang kontrolin ang panginginig niya at halos maihi na rin siya sa pantalon. Ang kanyang nag-uutal na boses ay narinig, “Big Boss Bill, galing ako sa pamilya White…”“Pamilya White?” Ngumiti nang masama si Bill. “Ano raw? Huwag mo ‘kong patawanin, okay!”Dumura nang masungit si Bill. Sinipa niya si sahig Gerald at sinabi, “Katatapos lang ng don na turuan ng leksyon ang isang tanga mula sa pamilya White kahapon, ang tangang ‘yon ay sinampal ng isa naming tauhan ng sampung libong beses sa mukha! May lakas-loob ka pang banggitin sa akin ang pamilya White, huh!”“Ha?” Napaatras si Gerald sa sobrang gulat.Akala niya na binugbog si Kevin habang ninanakawan siya, pero ang totoo pala ay si Don Albert ang bumugbog sa kanya!Habang nasa kalagitnaan siya ng sobrang pagkagulat at pagkatakot, itinaas ni Bill ang kanyang pamalo at pinalo ito sa ulo niya!Bang!Naramdaman ni Gerald na ang mundo ay umiikot sa paligid niya. Isang buzz ang patu
Nandito na si Don Albert!Mr. Wade? Sino si Mr. Wade?Pumasok si Albert sa kwarto at binugbog si Bill sa sahig. “Tarantado ka, paano mo hindi nakilala si Mr. Wade! Papatayin kitang hayup ka!”Nagmura si Albert habang balisang sinisipa si Bill.Si Bill, na napakalakas at mapagmataas kanina, ay nakayuko sa sahig at umuungol na parang isang asong binubugbog.Talagang nagulantang si Loreen. Anong nangyayari?Ang lahat ng tao ay nag-panic din. Si Mr. Wade ba talaga ang batang lalaki? Muntik na rin nilang bugbugin siya. Literal na hinuhukay nila ang kanilang libingan!Galit na sinabi ni Albert sa mga natira, “At kayong mga tanga rin! Bakit nakatayo lang kayo diyan na parang kahoy? Humingi kayo ng tawad kay Mr. Wade, ngayon na!”“Mr. Wade, humihingi po kami ng tawad. Kami ay mga tanga at hindi ka nakilala! Patawarin mo po kami!”Ang lahat ng lalaki ay sabay-sabay na lumuhod at walang tigil na humingi ng tawad.Parehong natakot si Bill. Sinampal niya ang kanyang mukha habang humihing
Pumayag si Loreen kay Doris Young ng Emgrand Group na magsimulang magtrabaho bukas.Pagkatapos umalis ng Heaven Springs, hinatid siya ni Charlie sa hotel kung saan siya mananatili at umalis na.Gulat pa rin si Loreen sa nangyari kanina sa restaurant habang iniisip ang kanyang gagawin sa hinaharap.May mahalaga siyang layunin ngayon para pumunta ng Aurous Hill. Mula sa halatang pananaw, nandito siya para sa kanyang bagong trabaho sa Emgrand Group, pero mayroon siyang mas malaking agenda mula sa kanyang pamilya.Sinabi sa kanya ng kanyang ama na ayon sa isang sikretong impormasyon, ang pamilya Wade, ang pinaka prominenteng pamilya sa Eastcliff, ay nahanap na ang kanilang young master na ilang taon nang nawawala. Binili pa nila ang buong Emgrand Group bilang regalo sa kanilang young master upang sanayin at hasain ang kanyang kasanayan sa pagnenegosyo.Sa ibang salita, ang young master ng pamilya Wade ay nasa Aurous Hill ngayon at siya ang bagong chairman ng Emgrand Group.Sa Eastcli
Naging alerto at maingat si Doris sa sandaling sabihin ito ni Loreen.Kakautos lang ni Charlie na bantayan si Loreen sa araw bago kahapon. Sa sandaling pumasok si Loreen, tinanong niya na agad ang tungkol sa chairman. Tila ba napaka kakaiba at hindi ito pangkaraniwan.Tiningnan ni Doris ang magandang batang babae at inisip, ‘Ano ang iyong layunin sa pagpunta ng Emgrand Group?’Sinabi niya nang nakangiti, “Bihira lang pumunta sa opisina ang ating chairman, pero kung pupunta siya, sasabihin ko sa kanya at ipapaalam ko sa’yo kung gusto ka niyang makita.”Kaunting nadismaya si Loreen, pero nakangiti pa rin siya at sinabi, “Okay, salamat po, Miss Young!”Sa sandaling bumalik si Doris sa kanyang opisina, agad niyang iniulat ang pangyayari kay Charlie. Mas lalong naging maingat si Charlie nang marinig na gusto siyang makita ni Loreen sa sandaling pumasok siya.Talaga nga, ang babaeng ito ay pumunta para sa kanya.Ano ang layunin niya upang puntahan siya?Nandito ba siya para saktan
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu
“Okay, Master Wade!”***Pagkatapos ng tawag kay Aurora, tinawagan ni Charlie si Nanako. Nagbuburda si Nanako sa bahay. Nang matanggap niya ang tawag ni Charlie, sinabi niya nang masaya, “Charlie-kun, ano ang kinakaabalahan mo ngayon?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nagmamaneho ako, at pabalik na ako sa siyudad. May gusto akong sabihin sayo sa personal. Nasa bahay ka ba ngayon?”Sinabi nang masaya ni Nanako, “Oo! Charlie-kun, pwede kang pumunta kahit anong oras.”Sinabi ni Charlie, “Okay, darating ako ng halos dalawampung minuto.”Mabilis na binaba ni Nanako ang burda sa mga kamay niya at sinabi nang nakangiti, “Maghahanda na ako ngayon at magpapakulo muna ng ilang tsaa para makapag-tsaa tayo pagdating mo mamaya, Charlie-kun.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Hindi mo na kailangan mag-abala. May gusto ko lang akong sabihin sayo sa personal, at aalis ako pagkatapos kang kausapin.”Sinabi nang nakangiti ni Nanako, “Pwede kang mag-enjoy ng isang tasa ng tsaa habang nagsasalita
Tinawagan muna ni Charlie si Aurora pagkatapos magdesisyon. Medyo matagal na niyang hindi nakikita si Aurora. Ang huling beses na nakita niya siya ay noong ipinadala ni Aurora ang mga halamang gamot sa kanya sa ngalan ng kanyang ama.Medyo nahiya si Charlie nang maisip niya na nangako siya sa kanya na maglalaan siya ng oras para pangasiwaan ang training niya pero hindi niya ito magawa dahil masyado siyang naging abala.Mabilis na kumonekta ang tawag pagkatapos niyang tawagan ang number ni Aurora. Tinanong ni Aurora sa sorpresa, “Master Wade, bakit may oras ka na tawagan ako?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tinawagan kita dahil may magandang balita ako na sasabihin sayo.”Tinanong nang masaya ni Aurora, “Ano ito? Maaari ba na pupunta ka sa bahay ko para pangasiwaan at gabayan ako sa training ko? Matagal mo na itong pinangako sa akin…”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Kaugnay ito doon. Kailan lang ay nag-imbita ako ng isang martial arts expert para gumawa ng isang martial arts tra
Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Albert, bakit hindi kita ilibre ng kain mamayang gabi? Kailangan nating uminom nang magkasama!”Sinabi ni Albert, “Mukhang hindi ako makakaalis pansamantala. Ako ang responsable para sa lahat ng logistics dito, kaya sa teorya, kailangan kong manatili dito buong magdamag!”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Albert, “Ganito na lang kaya? Maghanap tayo ng pagkakataon na uminom nang magkasama sa Champs Elys Resort pagkatapos opisyal na magsimula ang mga leksyon. Siguradong may ilang libreng oras tayo pagkatapos ng mga klase.”Sinabi nang nakangiti ni Isaac, “Okay! Gano’n na lang!”***Samantala, nagmamaneho si Charlie pabalik sa siyudad ng Aurous Hill.May malaking kahalagahan para kay Charlie ang pananatili ni Caden sa Aurous Hill para sanayin ang mga martial arts expert para sa kanya.Kahit kailan, hindi nag-cultivate o nag-ensayo ng martial arts si Charlie, kaya bukod sa pagbibigay ng mga pill at mga mental cultivation method, wala siyang ib
Nang makita ni Isaac na parang kumikilos nang misteryoso si Albert para bitinin siya, tinukso niya siya, “Albert, hindi pa ba kita kilala? Siguradong wala kang magawa maliban sa asarin ako! Paano tayo magiging magkaklase sa ganitong edad?!”Sinabi nang agrabyado ni Albert, “Hindi iyon totoo, Mr. Cameron! May habang buhay na pagkakaibigan tayo, kaya sa tingin mo ba ay aasarin kita nang kaswal?”Pagkatapos, idinagdag niya nang mabilis, “Okay, Mr. Cameron, hindi ko na itatago ang katotohanan sayo. Didiretso na ako sa punto. Alam mo naman na ni-renovate ni Master Wade ang Champs Elys resort kailan lang, pero alam mo ba kung bakit niya ni-renovate ang lugar na ito?”Sinabi ni Isaac, “Hindi ba’t gustong sanayin ng young master ang isang grupo ng mga martial artist doon? Anong kinalaman nito sa atin?”Humagikgik si Albert at sinabi, “Tinipon ko ang tapang ko para kausapin si Master Wade ngayong araw, at sinabi ko sa kanya na interesado tayo sa pag-eensayo ng martial arts, kaya hiniling ko
Kinamot ni Albert ang kanyang kamay at sinabi nang may seryoso at umaasang tingin, “Master Wade, sa totoo lang, gusto kong mag-ensayo ng martial arts. Sa totoo lang, matagal ko nang gustong matuto ng martial arts,, pero wala akong pagkakataon na gawin ito…”Habang nagsasalita siya, bumuntong hininga siya at sinabi, “Naisip ko na hilingin na maging master kita kanina, pero alam ko ang abilidad ko. At saka, matanda na ako, kaya dapat unti-unti kong matutunan ang mga bagay, kaya hindi ako nangahas na hilingin sayo na turuan ang isang baguhan na tulad ko na wala man lang pundasyon sa martial arts. Ngayong magtatayo ka ng isang training base, naisip ko na humingi na pahintulot na mag-ensayo at matuto rin kasama ang mga estudyante. Para naman sa kung magtatagumpay ako sa paglinang ng martial arts o hindi, nakadepende ito sa tadhana ko. Kung hindi ko tadhana ang martial arts, susukuan ko ito, pero mas marami akong magagawa para sayo sa hinaharap kung matututunan ko ito…”Sinabi nang nakangi
Hindi pinigilan ni Charlie si Caden nang makita niya na lumuhod si Caden sa dalawang tuhod. Alam niya na karapat-dapat siya para luhuran ni Caden. May awtoridad at kakayahan siyang magturo!Kaya, ang mga guro ang pinakadakila sa tradisyon sa Oskia.Dati ay binigyan niya si Caden ng isang pill para tulungan siyang maabot ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm. Kahit na pabor din iyon, hindi iyon maituturing na pagtuturo.Tinuturuan at nagbabahagi ng kaalaman talaga ngayon si Charlie kay Caden nang pinasa niya ang laman ng second chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method.Lumuhod nang sumasamba si Caden habang yumuko siya sa harap ni Charlie.Hinintay ni Charlie na matapos ang paggalang niya bago niya inabot ang kanyang kamay para tulungan siyang tumayo at sinabi, “Master Howton, aralin mo muna sana itong mental cultivation method. Hindi na kita aabalahin pa. Sasabihan ko si Albert na ipaalam sayo bago dumating ang mga estudyante.”Pinagdaup ni Caden ang mga kamay niya, iti