Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2731 - Chapter 2740

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2731 - Chapter 2740

5684 Chapters

Kabanata 2731

Napatitig si Charlie kay Rosalie saka siya nagsalita, “Rosalie, pakibigay na lang kay Mr. Cameron ang contact information ng nanay mo bago ka bumalik sa kwarto mo para magpahinga.”“Salamat!”***Samantala, sa Moncolne sa northeast.Ito ang isa sa pinakamalamig na lugar sa Oskia sa kabila ng liit nito.Kahit patapos na ang unang buwan, umaabot pa rin ng -17 degrees hanggang -18 degrees ang temperatura sa Moncolne. Katumbas nito ang isang freezer compartment ng isang refrigerator.Sa pinakamalamig na pagkakataon, umaabot hanggang -50 degrees ang temperatura ng lugar.Ang pamilya Harker ang isa sa four major martial arts families ng Oskia. Kasalukuyang nakabase ang pamilya Harker sa maliit na bayang ito na may populasyon na hindi hihigit sa 100,000 katao.Ganoon pa man, hindi nanggaling sa Moncolne ang mga ninuno ng pamilya Harker.Nanggaling talaga sila sa Johnstul Peninsula. Sa sinaunang panahon, kilala ang pamilya Harker bilang isang martial arts family sa Johnstul Peninsula.
Read more

Kabanata 2732

Sa bahaging ito, bilang head ng pamilya Harker, hindi mapigilang mag-alangan ng ama ni Yashita, “Yashita, kinausap ako ng panganay sa mga nakaraang araw na pumunta ka ng southeast coast.”Agad na nagtanong si Yashita, “Papa, ano ang sinabi ni kuya sa’yo?”Bumuntong hininga si Yolden, “Para mahanap si Rosalie, pinadala ng pamilya Harker ang halos lahat ng tauhan nito, marami tayong nagastos. Umabot na yata ito ng 100 o 200 million dollars. Pero, wala pa rin tayong nakukuhang impormasyon. Pwede na nating kalimutan ang katotohanang made-delay ang training ng mga batang miyembro natin, pero dahil hindi rin maganda ang relasyon ng pamilya natin sa mga Schulz, nawalan tayo ng pinagkukunan ng kita. Kung magpapatuloy tayo sa paghahanap kay Rosalie, lalong lalaki ang problemang pinansyal natin.”Habang nagsasalita, tila ba nawawalan ng pag-asa si Holden, “Umaabot ng 3 o 5 million dollars bawat buwan ang medicinal materials at herbs na kinakailangan para sa training ng mga bata natin. Bukod p
Read more

Kabanata 2733

Nagtanong si Yashita, “Papa, ano na ang balak mo ngayon?”Tumugon si Holden, “Hindi ko pa masyadong napag-isipan ang lahat. Mas mabuti kung maghahanap tayo ng main family na pwede nating maka-collaborate sa Eastcliff. Maraming malalaki at mayayamang pamilya sa Eastcliff. Maliban sa pamilya Schulz, naririyan ang pamilya Wade at pamilya Golding. Kung hindi sila pwede, pamilya Dunn na lang ang piliin natin. Matapos ang lahat, kaibigan natin ang kalaban ng kalaban natin. Naniniwala akong pareho rin ang intensyon ng pamilya Dunn gaya natin. Hindi pa rin nila nasisiguro kung buhay pa si Helen o hindi, naniniwala akong hindi papakawalan ng pamilya Dunn ang mga Schulz.”Tumango si Yashita. Pagkatapos pilitin ang sarili na mag-isip sa loob ng ilang sandali, nagsalita siya, “Papa, malalakas ang lahat ng pamilyang binanggit mo. Maganda sana kung magkaroon tayo ng collaboration sa kanila. Pero, hindi ko irerekomenda ang pamilya Dunn.”Agad na nagtanong si Holden, “Bakit?”Tumugon si Yashita, “
Read more

Kabanata 2734

Nang marinig ni Yolden na galing ang tawag mula sa pamilya Wade, hindi lamang si Yashita ang nagulantang, kundi pati na rin ang matanda.Habang gulat na gulat si Yashita, muling nagsalita si Isaac, “Madam Harker, pwede ba kitang makausap ngayon?”Agad na bumalik si Yashita sa kanyang katinuan. Mabilis siyang sumagot, “Ayos lang. Magsalita ka lang.”Ngumiti si Isaac. “Ito kasi ang kaso. Gusto kang imbitahan ng young master namin para makipag-usap. Napapaisip ako kung may oras kayo, Madam Harker?”“Makipag-usap?” Napatanong si Yashita dahil sa pagkalito, “Napapaisip ako kung ano ang gustong sabihin ng young master niyo sa akin?”Tumugon si Isaac, “Syempre kailangan niya kayong makausap tungkol sa isang collaboration. Umaasa ang young master na makakausap niya kayo tungkol sa isang oportunidad na magkaroon ng collaboration ang pamilya Wade at pamilya Harker.”Nag-alangan nang kaunti si Yashita. Matapos ang lahat, balak niya sanang pumunta sa Johnstul Peninsula para maghanap ng impor
Read more

Kabanata 2735

Subalit, kung makakapunta siya ng Aurous Hill para pag-usapan ang collaboration kasama ang Young Master Wade ngayong gabi, kahit ano pa ang maging kahinatnan ng kanilang diskusyon, hindi ito magiging problema basta makaalis si Yashita patungo ng Johnstul Peninsula sa susunod na umaga.Malapit lang ang Aurous Hill sa Johnstul Peninsula, aabutin lang siya ng mahigit sa isang oras sakay ang isang high-speed train.Hindi maaapektuhan ng lahat ang kanyang orihinal na plano, kung tutuusin, mas bibilis pa ang lahat para sa kanya.Kaya, pumayag si Yashita nang walang pag-aalangan, “Wala akong problema sa sinabi mo, pasensya na lang rin sa abala.”Ngumiti si Isaac, “Maliit na bagay lamang ito. Madam Harker, pakibigay na lang sa akin ang detalyado niyong address. Magpapadala muna ako ng helicopter sa lokasyon niyo ngayon.”“Sige!”Pagkatapos ibigay ang detalyadong address ng mansyon ng pamilya Harker, nagpaalam na si Yashita kay Isaac.Nang ibaba ang tawag, hindi mapigilang masabik ni Hol
Read more

Kabanata 2736

Habang ipinapadala ni Isaac ang mga resources niya para sunduin si Yashita sa Moncolne upang dalhin siya sa Aurous Hill, hinatid na ng mga tauhan niya si Sheldon sa eroplano para pumunta sa Syria.Sa parehong oras, si Hamed, na nasa Syria, ay inayos na rin ang mga sundalo niya habang naghanda silang gawin ang mungkahi ni Charlie na pataasin ang mga fortification, magtipon ng mga rasyon at supply, at patagalin ang enthronization.Nang marinig ng kanyang kaibigan, na nasa construction industry sa Iraq, na bibigyan siya ni Hamed ng 50% premium para sa proyekto at handa rin siyang bayaran ng paunang bayad na limang milyong US dollars, hindi siya nag-alangan na itigil ang proyekto niya sa Iraq, na palaging huli sa bayad. Pagkatapos nito, dinala niya ang ilang construction worker na handang ilagay sa panganib ang buhay nila para kumita ng mas maraming pera habang pumunta sila nang mabilis sa Syria.Hindi alam ni Cadfan na sinimulan na ng kanyang anak ang kanyang journey to the west.Alam
Read more

Kabanata 2737

May istilo ng British royal princess ang dress ng Chanel. Ang pang-ibaba ay palda na hanggang tuhod, habang ang pang-itaas ay nasa istilo ng maliit na suit na may mahabang manggas, at may marangyang istilo ito ng isang young lady.Pinili ni Charlie ang ganitong uri ng damit dahil medyo malamig pa ang panahon ngayon. Kaya, ang ganitong uri ng damit, na bagay para sa tagsibol at taglagas, ay sakto lang.Kahit na sobrang haba ng palda ng ganitong damit, kung isusuot ito gamit ang kanilang hubad na binti, siguradong medyo malamig pa rin ito. Kaya, bumili si Charlie ng isang pares ng panyhose para sa kanya.Pagkatapos pumili ng sukat ayon sa tangkad ni Autumn sa alaala niya, bibilhin na niya sana ang damit at aalis na. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na masyadong madumi na ang pares ng sapatos na suot ni Autumn kahapon. Kaya, bumili siya ng isa pang pares ng size 37 na white fashion leather shoes.Hindi alam ni Charlie kung sakto ba ang sukat para sa kanya, pero hindi ito mahalag
Read more

Kabanata 2738

Hindi alam ni Charlie kung anong mali sa damit panloob na binili niya. Ito ay dahil sumulyap lang siya sa harap, at dahil iniisip niya na tapusin ang lahat sa lalong madaling panahon, tinuro niya lang ito nang hindi nag-iisip.Pero, kung titingin siya sa likod, mapapagtanto niya na ang underwear na pang-ibaba ay isa talagang T-shaped na thong, gawa sa dalawang string.Pagkatapos niyang bilhin ang mga damit, bumalik si Charlie sa hotel wing. Nang makita niya na wala pa ring gumagalaw sa kwarto ni Autumn kahit na alas dose na ng tanghali, direktang pumunta si Charlie sa pinto ng kwarto niya at pinindot ang doorbell.Ilang minutong tumunog ang doorbell bago nagising nang nanghihina si Autumn.Paggising niya, inunat niya nang maganda ang kanyang baywang, at naging komportable ang buong katawan niya.Pagkatapos nito, binalot niya ang sarili niya gamit ang bathrobe, at inaantok pa rin siya at hindi pa masyadong gising pagdating sa pinto. Pagkatapos tingnan ang silipan, napagtanto niya n
Read more

Kabanata 2739

Para sa mga babae, ang isang pantyhose ay isang kailangan na kailangan na suotin. Hindi lang ito ginagamit para ipakita ang katawan at temperament ng isang tao, ngunit ginagamit din ito para manatili silang mainit.Maraming taon na ang lumipas, bihirang makakita ng babaeng may suot na dress sa taglamig dahil ang saligan ng pagsuot ng dress ay para siguraduhin at panatilihin ang temperatura ng mga binti. Pero, magiging sobrang kakaiba na magsuot ng dress sa pang-itaas na bahagi ng katawan at isang pares ng trouser sa pang-ibabang bahagi ng katawan. Mas katawa-tawa kung magsusuot ng isang dress sa pang-itaas na bahagi na may isang pares ng long johns sa pang-ibabang bahagi ng katawan. Nalutas lang ang problema na ito noong sumikat ang mga leggings at pantyhose.Pero, kahit na medyo karaniwan na ang pantyhose, hindi pa nakatanggap ng isang pares ng pantyhose si Autumn sa kahit sinong lalaki.Kaya, medyo may kakaiba at kaunting pakiramdam siya tungkol dito.Gayunpaman, alam ni Autumn n
Read more

Kabanata 2740

Sa sandaling nabuksan ang package, may makikitang dalawang plastic bag sa loob.Nang makita ni Autumn ang dalawang purong itim na damit-panloob na may puntas, naging mainit ang kanyang nahihiyang mukha.Kahit na nahulaan na niya na damit-panloob ito, hindi niya inaasahan na kulay itim ito na may puntas.Sa totoo lang, kailanman ay hindi pa nagsusuot si Autumn ng magarabo at high-end na damit-panloob. Noon pa man ay pragmatiko na siya, at mahilig siyang magsuot ng mga damit-panloob na komportable at puro ang kulay. Dahil, sa opinyon niya, ang pagiging komportable ang pinakamahalaga.Pero, dahil binili na ito ni Charlie, wala na siyang magagawa. Kaya, tinipon niya na lang ang kanyang tapang at binuksan ang package habang inisip, ‘Kahit ano pa ito, isusuot ko muna ito para makalabas. Nasa United States ang lahat ng personal na gamit ko, at ang ilang luggage ko ay nasa Syria. Wala akong dinala pabalik sa Oskia ko ngayon. Kaya, makakabili lang ako ng mga bagay-bagay pagkatapos makipagki
Read more
PREV
1
...
272273274275276
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status