Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2721 - Chapter 2730

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2721 - Chapter 2730

5684 Chapters

Kabanata 2721

“Hindi ko papakawalan ang kahit sinong may kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang ko.”“Pero, kung kung wala namang kinalaman ang isang tao sa aksidenteng nangyari, hindi ko siya pupuntiryahin basta hindi niya ako susubukin.”“Kung ikaw ang magiging head ng pamilya Schulz sa hinaharap at nakapagbayad na ang mga may sala sa pamilya niyo sa ginawa nila, hindi ko na kayo guguluhin ulit!”Tumango nang bahagya si Sophie saka siya tumugon sa isang mababang boses, “Maraming salamat, Mr. Wade!”Sa opinyon ni Sophie, kahit medyo malamig ang tono ni Charlie, kahit papaano, malinaw nitong nakikita ang kaibahan ng kabutihan at pagkamuhi.Napatingin si Charlie sa oras saka siya nagsalita, “Maghahanap ako ng taong magdadala sa inyo sa labas ng bayan mamaya. Pagkatapos, bibigyan ko rin kayo ng cellphones para matawagan niyo ang pulis. Sa pagkakataong iyon, umaasa akong makabalik na kayo sa normal niyong buhay.”Pagkatapos, napatitig si Charlie kay Rosalie, “Medyo espesyal ang sitwasyon ni Rosa
Read more

Kabanata 2722

Laging mababa ang pagtingin ni Rosalie sa kanyang sarili habang lumalaki siya.Hindi niya naranasan kahit kailan na magkaroon ng tatay. Tumira siya sa pamilya Harker hanggang sa umabot ng 18 ang kanyang edad at nagkaroon siya ng pagkakataon na magtrabaho bilang bodyguard ng kanyang ama.Nang dumating siya sa mansyon ng pamilya Schulz, lagi niyang nakikita na napakalambing ni Sheldon kay Sophie. Lagi nitong ipinapakita ang kanyang pagmamahal hindi lamang sa mga salita kundi pati na rin sa kanyang mukha. Sa tuwing nakikita ito ni Rosalie, hindi niya mapigilang makaramdam ng inggit.Alam niyang hindi lang ama ni Sophie si Sheldon, pero tatay niya rin ito.Iyon nga lang, hindi niya ito pwedeng tawagin ng papa. Hindi rin siya pwedeng kumilos na para bang isang bata sa harap nito.Ipinapakita lamang ni Sheldon ang kanyang pagmamahal kay Rosalie sa tuwing wala ang iba, pero kung may kasala sila, agad na bumabalik si Sheldon sa kanyang tunay na pagkatao bilang eldest master ng pamilya Sch
Read more

Kabanata 2723

Napatitig si Charlie kay Sophie at hinintay niya kung ano ang sasabihin nito.Agad na nagsalita si Sophie, “Mr. Wade, pwede ko bang makuha ang contact information mo?”Nang makita ni Helen na naglakas loob ang kanyang anak na hingiin ang contact information ni Charlie, agad na nagsalita si Helen sa takot na tanggihan ni Charlie ang kanyang anak, “Oo nga! Charlie, mas mabuti kung bibigyan mo kami ng contact information mo. Sa ganitong paraan, mas madali ka naming makakausap kapag may nangyari sa hinaharap.”Nang makita ni Charlie na nagsalita na si Helen, hindi niya magawang tanggihan ang pakiusap ni Sophie. Inilabas niya ang kanyang cellphone, “Pwede tayong mag-usap sa WhatsApp. Kausapin niyo lang ako kahit kailan kung may kailangan kayo.”Nahihiyang tumugon si Sophie, “Mr. Wade, parehong kinuha ng mga tauhan mo ang cellphones namin ni mama…”Tumango si Charlie, “Sasabihan ko na lang si Mr. Cameron na ibalik ang cellphones niyo mamaya. Sasabihan ko rin silang pakibigay na lang ang
Read more

Kabanata 2724

Hindi inaakala ni Hamed na maliit na halaga lamang para kay Charlie ang 100 million US dollars.Naantig siya nang matindi at hindi niya mapigilang masamid, “Brother… ikaw… ikaw ang tagapagligtas ko. Napagaling mo ang pilay kong binti, salamat sa milagroso mong gamot, pero hindi ko naman inaakalang bibigyan mo ako ng malaking halaga ng pera para suportahan ang career ko. Hindi ko alam kung paano talaga kita papasalamatan…”Napatawa si Charlie, “Katumbas ng tadhana ang engkuwentro natin. Ibig sabihin, tadhana ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala. Dahil tinadhanang magkakilala tayo, tama lang na gumawa ako ng ganitong bagay para sa’yo.”Habang nagsasalita, muling nagdagdag si Charlie, “Nga pala, dahil may ganitong pondo ka na, ano na ang balak mong gawin sa susunod?”Hindi nag-alangan si Hamed, “Brother, sa totoo lang, simula nang mapilay ang binti ko, marami ang nawalang talento sa pamamahala ko. Hindi ako nagkaroon ng oportunidad na palaguin at muling buuin ang hukbo ko. Ngayong
Read more

Kabanata 2725

“Higit sa lahat, kapag may reverse-slope fortifications na kayo, mas magiging mahirap para sa kabilang panig na bombahin kayo o magsagawa ng atake sa base niyo. Kahit makapasok ang mga kalaban sa loob ng lambak, pwedeng gamitin ng mga sundalo mo ang reverse-slope fortifications sa kabundukan para magtago at magpaulan ng bala sa kabilang panig. Siguradong hindi makakaligtas ang mga kalaban niyo.”Nang marinig ni Hamed ang linyang ito, nagliwanag agad ang mga mata niya.Samantala, nagpatuloy naman si Charlie, “Basta ba mapalakas mo ang depensa niyo at maging matatag ito. Siguradong susuko na sila na atakihin kayo. Pipiliin nilang kalabanin ang iba pang puwersa ng oposisyon kapag napagtanto nilang hindi nila kayang talunin ang hukbo mo. Subukan mo ring huwag silang atakihin. Huwag kang mauna. Sa halip, magtago lang kayo sa loob ng base niyo kapag dumating ang kalaban o kapag tumatakas sila. Sa ganitong paraan, hindi niyo lang mapepreserba ang lakas niyo, pero magkakaroon rin kayo ng opo
Read more

Kabanata 2726

Ang mabagal na paglaro ng military, mahinang hukbo, at mababang kalidad ng mga sundalo ang madalas na problema sa mga bansang may giyera.Malaki ang pinagkaiba nila pagdating sa aspeto ng ekonomiya kumpara sa ibang bansa, lalo naman sa lakas ng kanilang mga hukbo.Kahit si Hamed mismo, hindi rin nanggaling sa isang tunay na military school. Bukod pa rito, lumaki siya sa isang mahirap at magulong bayan, kaya hindi siya magaling sa pag-iisip ng mga estratehiya.Ang alam niya lang gawin ay makipaglaban para sa kanyang buhay sa abot ng kanyang makakaya.Ang dahilan lang naman kung bakit hindi sila nalipol sa nakalipas na dalawang araw ay dahil sa pagkakamali ng intelligence ng gobyerno ng Syria. Akala nila maliit na kuta lamang ang bayang kinalalagyan nila Hamed, hindi naman nila inakalang kampo ito mismo ng oposisyon. Higit sa lahat, madali lang depensahan ang kampo nila Hamed pero mahirap itong atakihin. Kaya, nabigo ang puwersa ng gobyerno sa kanilang misyon.Subalit, hindi ibig sa
Read more

Kabanata 2727

Agad na nagtanong si Hamed, “Brother, paano naman ang second at third phases?”Tumugon si Charlie, “Sa second phase, kailangan niyong doblehin ang dami ng fortifications niyo. Kailangan mong siguruhin na mahigit sa kalahati ng mga sundalo mo ang direktang makapagtatago sa mga permanent fortifications. Sa ganitong paraan, kahit sugurin kayo ng mga kalaban niyo gamit ang mga kanyon at baril, hindi masasakripisyo ang buhay ng mga sundalo mo sa tulong ng permanent fortifications.”“Para naman sa third phase, kailangan mong siguruhin na magagawang makaligtas ng mga sundalo mo sa fortifications sa napakatagal na panahon. Sa hinaharap, dapat mas marami na ang fortifications niyo. Kailangan mong palakihin nang palakihin ang kampo niyo. Sa huli, dapat maayos rin ang internal communication niyo sa lahat ng fortifications sa bawat bundok. Hindi mo lamang magagamit ang fortifications para sa depensa, kundi pwede niyo rin itong pag-imbakan ng mga supplies. Kapag nagawa mo ang lahat ng ito, wala k
Read more

Kabanata 2728

Nang marinig ni Hamed na may isa pa siyang problemang kailangang ayusin, agad siyang nagtanong, “Brother, anong problema ang sinasabi mo?”Tumugon si Charlie, “Sa huli kong punta sa kampo niyo, napagtanto kong nakaasa ang base niyo sa diesel generators para magkaroon ng kuryente.”“Tama ang sinabi mo.” Sambit ni Hamed, “Madaling gamitin ang mga diesel generators, may kamahalan nga lang ang binabayaran namin.” Sumagot si Charlie, “Hindi lang kamahalan, pero talagang mahal ito. Umaabot ito ng ilang libong beses na mas magastos kumpara sa coal-fired electricity.”Agad na nagsalita si Hamed, “Electricity-saving strategy ang ginagawa ko sa kampo namin. Tuwing umaga, hindi namin ginagamit ang generator, o kaya naman kaunting kuryente lang ang ginagamit namin. Para lang rin sa ilaw ang kuryenteng ginagamit ng mga sundalo ko sa gabi. Hindi masyadong mataas ang kinokonsumo naming kuryente kaya kinakaya pa rin naming ang gastos.”Tumugon si Charlie, “Halatang hindi mo iniisip kung ano ang
Read more

Kabanata 2729

Habang nagsasalita, natawa si Hamed, “Mabuti na lang, may kakilala ako sa isang construction industry sa Iraq. Marami siyang construction workers na nagtatrabaho para sa kanya. Sanay na rin sila sa mga giyera dahil ganyan ang buhay sa Iraq. Kung magbibigay ako ng sapat na bayad, sigurado akong hindi sila makakatanggi kahit pa paghukayin ko sila sa buwan. Kokontakin ko na siya mamaya-maya para magpadala siya ng ilang mga trabahador sa kampo namin!”Tumugon si Charlie, “Mabuti naman dahil may ganito kang koneksyon. Sa totoo lang, hindi naman masyadong malaki ang magagastos mo sa fortification na sinasabi ko, hindi rin ito nangangailangan ng kahit anong nakakamanghang teknolohiya. Kailangan mo lang manood ng isang lumang Oskian movie para matutunan ang bagay na ito. Ipapadala ko ang pamagat nito mamaya. Magandang materyal ang palabas na ito para makakuha ka ng impormasyon sa kasalukuyan niyong sitwasyon. Parehong highland warfare ang estratehiya niyo, halos walang pinagkaiba ang mga arma
Read more

Kabanata 2730

Alam ni Charlie na ang isang investment na may mataas na return ay walang pinagkaiba sa sugal.Mataas ang risk, pero mas mataas rin ang profit kapag nanalo siya.Ngayong gumagawa siya ng investment kay Hamed, masasabing katumbas ito ng investment ng kanyang ina sa mga start-up companies ng Silicon Valley dati.Maliit na halaga lamang ang kailangan nilang gamitin sa investment, pero kapag naging matagumpay ang mga projects na ito sa hinaharap, malaki ang makukuhang profit at returns ng investor.Kahit hindi isang kumpanya ang armed forces ni Hamed, isa rin itong project na may malaking potensyal. Kapag nagtagumpay si Hamed sa hinaharap, siguradong walang humpay ang makukuhang benepisyo ni Charlie. Kaya, maagang nagbigay ng investment si Charlie sa pamamagitan ng pera at payo para suportahan si Hamed.Bukod pa rito, Healing Pill at kaunting payo lang naman sa estratehiya ang talagang nanggaling sa kanya. Matapos ang lahat, nanggaling sa bulsa ng pamilya Schulz ang 100 million US dol
Read more
PREV
1
...
271272273274275
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status