Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2711 - Chapter 2720

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2711 - Chapter 2720

5684 Chapters

Kabanata 2711

Nang makita niya na buhay pa si Rosalie, mas lalo siyang naging emosyonal habang umiyak siya at sinabi, “Rosalie! Rosalie, ikaw talaga ito! Nagsikap ako at dumaan sa maraming paghihirap para lang hanapin ka!”Umirap si Charlie, at tumingin siya kay Sheldon bago niya itinaas ang kanyang kamay para direkta siyang sampalin.Pak!Nasorpresa nang sobra sina Sophie at Rosalie dahil sa sampal na ito!Nagulantang din nang sobra si Sheldon. Galit na galit siya habang tinanong, “Anong problema ngayon?! Anong ginawa ko?! Bakit mo ulit ako sinampal? At saka, sinampal mo pa talaga ako sa harap ng asawa at mga anak na babae ko!”Tinanong siya nang malamig ni Charlie sa sandaling ito, “Sheldon Schulz, sobrang walang hiyang tao ka talaga. Sinubukan mo ba talagang hanapin si Rosalie pagkatapos niyang maglaho?”“Ako…” Nabigla si Sheldon.‘Tama. Hinanap ko ba siya?’‘Syempre hindi.’‘Dahil wala akong paraan para mahanap siya!’‘Naglaho siya sa malawak na dagat, at kahit ang mga Japanese ay hind
Read more

Kabanata 2712

Nang marinig ito ni Sheldon, hindi niya mapigilang manginig!Hindi niya inaakala na buhay pa talaga ang dalawang anak na babae niya!Bukod dito, niligtas silang dalawa ni Charlie.Dahil dito, anong gagawin niya kung gusto talaga ni Charlie na ibigay ang buhay niya bilang kapalit?!Nagsisisi talaga siya nang sobra sa dalawang anak na babae niya, at gusto niya silang maging ligtas. Pero, tao rin siya, at hindi pa sapat ang buhay niya! Ayaw niya rin mamatay!Nang maisip niya ito, bigla siyang nanginig at sinabi nang nabubulunan, “Mr. Wade, pangako na hindi ako ang pumatay sa mga magulang mo dati. Wala talaga akong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo.”Pagkatapos, mabilis niyang idinagdag, “Sasabihin ko ito sa kailaliman ng puso ko. Sa unang kalahati ng buhay ko, kahit anong gawin ko, palagi akong dinudurog at tinatalo ng ama mo. Siya ang pinaka kinikilalang talento sa buong Eastcliff, at marahil ay kahit sa buong Oskia! Hindi lang siya gwapo at mabait, ngunit sobrang talentad
Read more

Kabanata 2713

”Ako…” Walang masabi si Sheldon, at nanginig nang sobra ang buong katawan niya.Sa sandaling ito, hindi niya talaga alam ang dapat niyang sabihin.Sabihin niya na gusto niyang mamatay nang mag-isa? Kung gano’n, siguradong pupuwersahin siya ni Charlie na magpakamatay.Sasabihin niya na gusto niyang tulungan siya ni Charlie? Kung gano’n, marahil ay barilin lang siya ni Charlie…Kahit ano pa, nandito ang dalawang anak niya. Kaya, dapat ba talaga siyang magmakaawa kay Charlie? Hindi ba’t ibig sabihin nito ay umaatras siya sa mga sinasabi niya at aabandonahin ulit ang mga anak niya?Nahirapan siya nang sobra, at natatakot talaga siyang mamatay. Kaya, bumagsak na lang si Sheldon sa sahig, tila ba naparalisa siya. Umiyak lang siya, pero wala siyang masabi na kahit ano.Nang tumingin si Sophie kay Sheldon, hindi niya mapigilang kamuhian siya nang kaunti, pero sa parehong oras, naramdaman niya na hindi niya ito matiis.Hindi talaga siya natatakot na aatras ang ama niya sa mga sinabi niya
Read more

Kabanata 2714

Nang marinig ni Sheldon na hahawakan siya ni Charlie ng tatlong taon at makakalaya lang siya pagkatapos ibigay ni Sophie ang kanyang ama kay Charlie, biglang nakaramdam ng taranta si Sheldon.Nang magsasalita na siya, si Sophie, na nasa tabi, ay biglang nagsalita at sinabi, “Benefactor, pinupuntirya mo ang ama ko dahil sa Anti-Wade Alliance dati. Pero bakit mo pinupuntirya ang lolo ko?”Bahagyang ngumiti si Charlie bago siya sumagot nang seryoso, “May tatlong dahilan ako para puntiryahin ang lolo mo.”“Una, dahil may ganap na karapatan ang lolo mo na magsalita at gumawa ng desisyon sa pamilya Schulz, kahit na ang ama mo ang nagtayo ng Anti-Wade Alliance dati, ang taong sumulsol dito ay siguradong walang iba kundi ang lolo mo!”Sa sandaling narinig ito ni Sheldon, na nasa tabi, tumango siya nang paulit-ulit habang dumadaloy ang mga luha sa kanyang mukha!Direktang tumama sa kailaliman ng puso niya ang mga sinabi ni Charlie.Sa pamilya Schulz, ang kailangan nilang gawin para makaki
Read more

Kabanata 2715

Nang maisip niya ito, hindi mapigilang magmakaawa ni Sheldon, “Mr. Wade, nagmamakaawa ako sa’yo na huwag akong ipadala sa Africa, pakiusap. Matanda na ako, at hindi ko matitiis ang sobrang paghihirap.”Nang marinig ito ni Charlie, ngumiti siya habang sinabi, “Mr. Schulz, masyado kang nag-iisip. Wala akong kakilala o koneksyon sa Africa. Kahit na gusto kitang ipadala doon, walang angkop na lugar para ipadala ka doon.”Sa wakas ay gumaan na ang pakiramdam ni Sheldon.Sa opinyon niya, basta’t hindi siya pupunta sa Africa, makatwiran pa rin ang lahat.Kahit na Myanmar ito o Cambodia, ang bawat aspeto ng kondisyon at seguridad doon ay siguradong mas maganda kumpara sa Africa.Kaya, tinanong niya nang nagmamadali, “Mr. Wade, kung gano’n, saan mo ako ipapadala?”Bahagyang ngumiti si Charlie bago sinabi nang mahina, “Syria!”Nakaramdam ng ugong si Sheldon sa kanyang isipan, at naramdaman niya na tila ba may malakas na pwersa na direktang sumugod sa kanyang utak sa sandaling narinig niya
Read more

Kabanata 2716

Kababalik lang ni Charlie mula sa base ni Hamed. Sa puntong ito, malinaw sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang kaibigan.Kulang na kulang sila sa pera.Dalawang libong tao ang pinapakain ni Hamed. At walang alam ang mga ito kundi gumastos, pero wala ni isa sa mga sundalong ito ang marunong kumita ng pera.Sa simpleng andar pa lang ng iilang mga helicopters at armored vehicles na mayroon sila, para bang nagsusunog na sila ng pera.Sa dami ng tao at equipment na kailangang alagaan, bawat galaw kailangan nilang gumastos.Maliban pa rito, limitado lamang ang impluwensya ng oposiyon sa mga liblib at tagong lugar na nakahimlay sa mga lambak o bundok. Imposibleng makakahanap sila ng pera rito. Wala silang magawa kundi atakihin ang mga siyudad o kaya umasa sa mga foreign capital funding.Sa totoo lang, maraming pera si Charlie ngayon. Hindi rin naman malaking bagay sa kanya na gumastos ng ilang milyong halaga ng pera, maging 10 million man ito o 100 million, kayang-kaya niyang i
Read more

Kabanata 2717

Habang iniisip ito, nasamid si Sheldon, “Mr. Wade, masyadong hindi maganda ang serbisyong sinabi mo. Hindi ba pwedeng bigyan mo ako ng mas magandang package?”Tumugon si Charlie, “Hindi ba ang sabi mo ilang milyon lang ang kaya mong paikutin sa kamay mo? Ganitong klase lang ng serbisyo ang pwede mong makuha sa ganyang kaliit na halaga ng pera.”Agad na kumaway si Sheldon. “Mr. Wade, basta ba maging mas mabuti ang sitwasyon ko sa Syria, hindi magiging problema ang pera!”Nauunawaan na rin ni Sheldon ang sitwasyon sa wakas.‘Dati, wala akong lakas ng loob na maglabas ng malaking pera mula sa pamilya Schulz para sa pribadong dahilan. Kailangan ko munang hingiin ang permiso ni Lord Schulz dahil regular niyang pinapatingin sa financial auditors ang accounts namin. Kung lulustay ako ng malaking halaga mula sa public funds ng pamilya, hindi ko ito matatago at magdadala pa ito ng gulo sa akin.’‘Pero, sigurado akong ipapadala ako ni Charlie sa Syria ngayon. Matapos ang lahat, imposibleng
Read more

Kabanata 2718

Nang marinig ni Hamed na magpapadala ng pera si Charlie sa kanya, nakaramdam siya ng kaba, “Hay, Brother, hindi na iyan kailangan. Pinagaling mo ang paa ko, sapat na kabutihan na ito sa akin. Bakit ko naman tatanggapin ang pera mo?”Ngumiti si Charlie, “Hindi ba kulang kayo sa pera ngayon? Kailangan mong pakainin ang mga sundalo mo at kailangan mo ring gumastos ng pera para sa mga armas. Sinusubukan lang kitang tulungan sa abot ng makakaya ko. Kaya, hindi mo kailangang maging pormal sa akin, Brother.”Gusto pa sanang tumanggi ni Hamed pero pirmi ang boses ni Charlie nang magsalita siya, “Brother, kung hindi mo tatanggapin ang pera, ibig sabihin hindi kaibigan ang turing mo sa akin. Kung iyan ang kaso, hindi na natin kailangang kausapin ang isa’t isa sa hinaharap!”Nang marinig ni Hamed ang mga salitang ito, agad siyang tumugon nang walang pag-aalangan, “Brother! Dahil iyan ang kaso, sa tingin ko mas mabuting tanggapin ko nang buong puso ang perang iaabot mo kumpara sa tanggihan ko i
Read more

Kabanata 2719

Tumugon si Isaac nang walang pag-aalangan, “Masusunod, Young Master. Kikilos na ako para ayusin ang mga arrangements na kakailangan natin!”Tumango si Charlie saka napunta ang kanyang tingin kay Sheldon, “Napakakomplikado ng sitwasyon sa Syria. Huwag mong subukang tumakas pagkarating doon, Mr. Schulz. Kung hindi, sakaling malagay sa pahamak ang buhay mo o maaksidente ka, wala kaming kinalaman.”Tumango si Sheldon habang walang buhay ang itsura. Hindi niya mapigilang makiusap, “Mr. Wade, pwede ba akong magdala ng sarili kong mga gamit? Alam kong maraming kakulangan sa resources doon. Pwede ba akong magdala ng ilang mga toiletries, pang-araw-araw na pangangailangan, damit, sapatos, at sombrero. Sa ganitong paraan, mapapalagay ang loob ko…”Malamig na tumugon si Charlie, “Dahil sinabihan kitang pumunta roon para maranasan ang buhay nila, natural lang na dapat kang mabuhay ayon sa pamantayan nila. Gamitin mo lang kung ano ang mayroon doon. Kung hindi, parang tinayuan na yata kita ng sar
Read more

Kabanata 2720

Hindi alam ni Sophie kung ano ang nasa isip ng kanyang ina, pero totoo ngang nasasabik siya na tuparin ang hinihiling niya sa loob ng kanyang puso. Marami na siyang pantasya para sa hinaharap.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Kahit masyado nang gamit na gamit ang sitwasyon kung saan inililigtas ng isang lalaki ang babae, hindi ito nararanasan ng lahat. Walang ganitong pagkakataon ang iba. Kapag nangyari ang ganitong sitwasyon sa kanila, mararamdaman nila ang kapangyarihan sa likod nito. Sa tuwing naaalala ko kung paano niya niligtas ang buhay ko, hindi ko mapigilang magkaroon ng mentalidad na gusto kong i-alay ang buo kong sarili sa kanya.’‘Higit sa lahat, hindi lamang ako iniligtas ng isang beses ni Mr. Wade, pero dalawa! Iniligtas niya ng isang beses ang kapatid ko, isang beses ang nanay ko, at isang beses ang half-sister na nasa tabi ko ngayon…’‘Hindi madaling kalimutan ang isang beses, lalo naman kung paulit-ulit itong nangyayari. Hindi ko ito pwedeng makalimutan.’‘Pero, na
Read more
PREV
1
...
270271272273274
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status