Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2751 - Kabanata 2760

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2751 - Kabanata 2760

5684 Kabanata

Kabanata 2751

Nang makita ni Yolde na dumating na si Charlie, agad niya itong tinawag para umupo sa kanyang tabi.Sa Heaven Springs, ang Diamond Room ang pinakamagarbong private room sa buong restaurant. Kasya ang 20 na tao sa iisang bilog na mesa lamang nito. Kung tatlong tao lamang ang uupo sa loob, nagmumukha itong walang laman.Nang umupo si Charlie sa tabi ni Yolden, napatitig si Yolden kay Autumn na nakaupo sa tapat, “Autumn, tatlo lang tayo dito. Bakit naman ang layo mo? Bilisan mo at umupo ka rito.”Tumugon si Autumn na para bang nahihiya, “Dito dapat ako umupo. Hindi magandang tignan na nasa iisang hilera lang tayo. Matapos ang lahat, tatlo lang tayo sa isang malaking mesa.”Umiling si Yolden na para bang hindi niya alam kung ano ang dapat gawin, “Sige, ikaw ang bahala.’Habang nagsasalita, nabaling ang kanyang atensyon kay Charlie, “Charlie, pwede bang uminom tayo nang kaunti?”Tumawa si Charlie saka siya sumagot, “Ayos lang naman sa akin, pero depende sa inyo. Baka may trabaho pa ka
Magbasa pa

Kabanata 2752

Nang marinig ito ni Autumn, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya at galit.Nahihiya siya dahil una sa lahat binilhan siya ni Charlie ng isang lingerie na hindi angkop sa kanya. Pero, hindi siya makapaniwalang ang lakas pa ng loob nito na direktang magtanong sa kanya ngayon. Lalo siyang nahihiya.Syempre, galit rin si Autumn dahil binilhan siya ng lalaking ito, si Charlie, ng mga bagay na hindi naman nararapat para sa kanya! Masyadong revealing ang binili nito o kaya naman imposibleng suotin! Higit sa lahat, maluwag rin ang lingerie strap na suot niya ngayon. Hindi siya mapakali sa puntong ito.Subalit, alam ni Autumn na hindi naman sinasadya ni Charlie ang nangyari. Kahit galit na galit siya sa kanyang loob, hindi niya kayang ilabas ito sa lalaki. Bukod pa roon, si Charlie ang sumagip ng buhay niya. Ito ang tagapagligtas niya.Kinagat niya na lamang ang kanyang labi saka siya nagsalita, “Iyan… Iyan ay… ayos lang naman… huwag mo nang isipin.”Muling nagtanong si Charlie, “Sigur
Magbasa pa

Kabanata 2753

Ngumiti nang bahagya si Charlie saka siya seryosong nagtanong, “Ito naman talaga ang dapat kong gawin. Sakto na ba ito sa’yo ngayon?”Tumango si Autumn habang namumula ang mukha.Saktong-sakto talaga ang suot niyang lingerie ngayon.Pero, nahihiya si Autumn na direkta itong sabihin.Ibinaba niya na lamang nang bahagya ang kanyang mga mata saka siya nagtanong sa isang hindi natural na boses, “Mr. Wade, magkano ang lahat ng nagastos niyo? Pakisabi na lang sa akin, babayaran ko kayo mamaya!”Kumaway si Charlie. “Hindi mo kailangang maging ganyan kapormal sa akin. Kahit anong mangyari, boss mo pa rin naman ako sa hinaharap. Isipin mo na lang na regalo ko ito para sa induction mo.”Lalo pang nakaramdam ng hiya si Autumn nang maisip ito, ‘Ayos lang naman kung damit lang ang binigay niya sa akin, pero sinong boss naman ang magbibigay ng pantyhose at lingerie bilang regalo…’Pero, nang maisip ito, napagtanto ni Autumn na kapag tumigil na siya sa paksa, matatapos na ang usapan. Subalit,
Magbasa pa

Kabanata 2754

Masayang-masaya talaga si Yolden sa puntong ito.Hindi lamang naalis sa peligro ang kanyang anak, pero ligtas rin itong nakabalik sa kanyang tabi.Higit sa lahat, pagkatapos ng insidenteng ito, siguradong nauunawaan na ni Autumn na maraming delikadong bagay sa mundong ito. Hindi na siya basta-bastang sasabak sa kanyang mga ideolohiya na hindi makatotohanan gaya ng nakaraan.Bukod pa rito, nangako rin si Autumn na tutulungan niya siCharlie. Ibig sabihin, makakasama ni Yolden ang kanyang anak sa isang ligtas na bayan gaya ng Aurous Hill sa loob ng matagal na panahon.Dahil masaya si Yolden sa sitwasyon, hindi niya mapigilang mapainom ng ilan pang baso.Pagkatapos ng tatlong baso ng wine, medyo lasing na si Yolden.Paulit-ulit na pinasalamatan ni Yolden si Charlie saka napunta ang kanilang usapan kay Autumn.Tinignan ni Yolden ang nag-iisa niyang anak habang lasing at malambing ang ekspresyon sa mukha. Bumuntong-hininga siya, “Autumn, magkasing edad lang kayo ni Charlie, pero apat
Magbasa pa

Kabanata 2755

Habang nagsasalita, bumuhos si Yolden ng alak sa kanyang baso saka niya ito nilagok nang isahan lang. Sumunod, muli niyang binuka ang kanyang bibig, “Sa pagkakataong ito, binigyan ko ng atensyon ang sitwasyon ng mga dayuhang babae na pareho rin ang sexual orientation sa’yo. Napagtanto kong masaya ang kanilang mga buhay. Tanggap sila ng kanilang mga kaibigan at pamilya. May iba pa sa kanila na legal ang kasal at magkasama silang naninirahan sa iisang bahay. May iilan pa nga na pinili ang in vitro fertilization method para magkaroon ng anak. Sa tingin ko, magandang solusyon ito. Hindi ka lang magkakaroon ng sarili mong asawa, pero mapagpapatuloy mo rin ang bloodline natin. Kaya, hindi mo kailangang mag-alala. Sabihin mo lang sa akin, ano sa tingin mo?”Hindi makapaniwala si Autumn sa kanyang naririnig.Hindi niya inaakalang naniniwala ang kanyang ama na talagang babae ang gusto niya.Sa totoo lang, isang simpleng palusot lamang ito na naisip niya habang nagrerebelde kay Yolden. Gusto
Magbasa pa

Kabanata 2756

Nang marinig ni Yolden ang mga sinabi ni Autumn, ilang minuto pa ang nagdaan bago siya nakabawi sa kanyang sorpresa.Hindi niya mapigilang mapabulalas, “Hindi babae ang gusto mo? Kung hindi babae, ibig sabihin lalaki ang gusto mo, ganoon ba?!”Hindi inaasahan ni Autumn na gulat na gulat pa rin ang kanyang ama pagkatapos marinig ang sinabi niya. Hindi niya mapigilang ibalik ang tanong mo, “Papa… sa tingin mo, babae o lalaki ba ang dapat kong magustuhan?”Agad na natuwa si Yolden nang marinig ito, tuwang-tuwa siya nang sumagot, “Mula sa pananaw ko, bilang tatay mo, syempre mas gusto kong lalaki ang magugustuhan mo!”Pagkatapos magsalita, agad na napatingin si Yolden kay Charlie saka siya nagsalita, “Charlie, kalimutan mo na ang babaeng binanggit mo. kailangan mong maghanap ng mga binatang bagay sa anak ko. Kung sakaling mayroon, ipakilala mo siya agad kay Autumn!”Ngumiti nang bahagya si Charlie saka siya tumango, “Oo naman, maghahanap rin ako.”Kakaiba ang ekspresyon sa mukha ni A
Magbasa pa

Kabanata 2757

.…Samantala, sa villa ng pamilya Schulz sa Sudbury.Hindi mapigilang kabahan ni Cadfan nang hindi siya makatanggap ng kahit anong balita mula kay Sheldon.Kung tutuusin, dapat pumunta si Sheldon sa Aurous Hill para kitain si Yahiko ngayong umaga. Dahil lagpas na ng tanghalian ngayon, naging maganda man o hindi ang diskusyon ni Sheldon kasama si Yahiko, dapat nagbigay pa rin ng report si Sheldon sa kanya.Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Cadfan na ilabas ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang anak.Subalit, isang malamig na boses ang sumalubong sa kanya mula sa kabilang linya: “Sorry. The number that you have dialed is not in service.”Agad na naramdaman ni Cadfan na may mali!“Naku, Diyos ko!” Napabulalas siya, “Mukhang may hindi magandang nangyari kay Sheldon!”Agad na inilabas ng butler na si Arrington ang kanyang cellphone, “Tatawagan ko ang mga tauhang sumama kay Mr. Sheldon.”Pagkatapos magsalita, agad na tinawagan ni Arrington ang mga tauhan na kasama ni Sheld
Magbasa pa

Kabanata 2758

Nang ibaba ni Jeremiah ang tawag, naisip niyang tawagan agad si Isaac para tanungin ito kung ano ang nangyayari.Habang nasa tabi, agad na nagtanong si Stephen, “Lord Wade, anong nangyari?”Emosyonal na nagsalita si Jeremiah, “Naglaho raw si Sheldon Schulz sa Aurous Hill ngayong araw. Bukod pa roon, nasa Shangri-La siya nang mawala siya. Kaya, tinawagan ako ni Cadfan Schulz para tanungin ako kung bakit nawawala ang kanyang anak. Kailangan kong tawagan si Isaac Cameron para malaman kung ano ang nangyayari!”Nagulantang si Stephen at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Nawala si Sheldon Schulz?! Naglaho rin si Steven Schulz sa Aurous Hill ilang araw ang nakararaan. Wala ring naiwang bakas sa hotel na tinutuluyan niya…”Napabuntong hininga si Jeremiah, “Madali lang takasan ang nangyari kay Steven Schulz. Matapos ang lahat, hindi siya nawala sa loob ng teritoryo natin. Walang kinalaman ang buhay o kamatayan niya sa atin. Pero, mas mahirap ang sitwasyon ni Sheldon Schulz. Kahit anong ma
Magbasa pa

Kabanata 2759

“Siya ang tipo ng taong aasikasuhin ka sa paraang tuturuan ka niya ng tamang leksyon kapag sinubok mo ang pasensya niya. Bukod pa rito, alam niya rin kung kaya niyang labanan ang isang tao o hindi. Madalas, gumagamit siya ng mga underhanded methods para puksain ka kung hindi ka niya kayang kalabanin. Kahit anong mangyari, layunin niya lang na turuan ka ng leksyon.”“Bukod pa roon, wala siyang masyadong paki sa ibang bagay.”Habang nagsasalita, natawa nang bahagya si Jeremiah, “Halimbawa, alam mo naman ang nangyari kay Carmen at Charlie, hindi ba? Ano naman kung tunay na kadugo ni Charlie si Carmen? Mababa ang pagtingin ni Carmen sa kanya at hindi nito nirerespeto ang kanyang kasal. Nang pumunta si Carmen sa Aurous Hill, direkta niyang kinausap si Elaine. Masyadong arogante si Carmen habang kausap si Elaine. Sinubukan niyang sirain ang kasal ni Charlie. Pagkatapos, bilang resulta, kinulong siya ni Charlie nang mahigit sa dalawang linggo sa Aurous Hill.”Pagkatapos magsalita, umiling
Magbasa pa

Kabanata 2760

Hindi inaakala ni Jeremiah na aaminin lang ni Charlie ang ganitong bagay nang diretso.Nagulantang siya nang bahagya dahil masyadong prangka ang kanyang apo.Ilang sandali ang makalipas, hinawakan ni Jeremiah ang kanyang pulso habang bumubuntong hininga, “Charlie, nasisiraan ka na yata ng bait!”Napasimangot si Charlie. “Bakit naman ako nasisiraan ng bait?”Emosyonal na nagsalita si Jeremiah, “Hindi mo dapat inatake nang direkta si Sheldon Schulz! Isipin mo na lang. Siya ang panganay ng pamilya nila at bigla siyang nawala sa Shangri-La. Paano naman matatakasan ng pamilya Wade ang bagay na ito?”Tinanong ni Charlie si Jeremiah, “Bakit? Kinausap ka ba ni Cadfan Schulz?”“Tama ang sinabi mo!” Nag-alala nang matindi si Jeremiah at hindi niya mapigilang kabahan, “Tinawagan ako ni Cadfan Schulz at binulyawan niya ako. Sinabihan niya akong gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para labanan ang pamilya natin! Alam mo namang sa pamamagitan lamang ng salita ang alitan ng mga pamilya nati
Magbasa pa
PREV
1
...
274275276277278
...
569
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status