Nauubusan na talaga ng pasensya si Jeremiah. “Ito… ano ang punto ng sinasabi mo? Para kang bata.”Tumugon si Charlie habang seryoso ang mukha, “Totoo ang sinasabi ko. Sa totoo lang, hindi nagcheck-in si Sheldon Schulz sa Shangri-La hotel. Bukod pa roon, wala ang pangalan niya sa check-in information. Wala rin siyang record na pumasok siya ng hotel sa surveillance camera. Nauunawaan mo ba ang sinasabi ko?”Agad na nagtanong si Jeremiah, “Binura mo ba ang lahat ng surveillance camera records na pumasok siya ng hotel?”“Hindi.” Tugon ni Charlie nang diretso, “Tumuloy siya sa hotel natin dahil balak niyang lapitan nang palihim si Yahiko. Pero, natatakot siyang malaman ng mga nagtatrabaho sa Shangri-La ang tunay niyang pagkatao. Kaya, pinakiusapan niya ang kanyang tauhan na magcheck-in sa hotel natin. Pagkatapos, nagsuot siya ng disguise para hindi siya makilala sa mga surveillance cameras. Natural lang na wala siyang maiiwang bakas ng kanyang check-in information.”“Kaya, kung kakausap
Nakita ni Charlie na hindi na nag-aalala si Jeremiah gaya ng kanina. Kaya, nagsalita siya, “Kung wala na kayong kailangan, ibaba ko na ang tawag. Pagod pa ako sa biyahe. Gusto ko munang magpahinga.”Agad na tumugon si Jeremiah, “Oo naman! Walang problema, magpahinga ka muna. Hindi na kita aabalahin!”Ibababa n asana ni Charlie ang tawag nang bigla siyang may maalala. Bigla siyang nagsalita, “Oh! Nga pala, balak ko sanang pumasok sa ocean shipping business. Sa hinaharap, hindi naman susubukan ng pamilya Wade na nakawin ito mula sa akin, hindi ba?”“Ano?” Napabulalas si Jeremiah, “Gusto mong pumasok sa ocean shipping business?”“Oo.” Tugon ni Charlie nang walang emosyon, “Nasa gitna na ako ng paghahanda ko. Sasabihan na lang kita kapag nagsimula na ang project. Sa pagkakataong iyon, kukunin ko ang market shares na nabitawan ng pamilya Schulz. Bukod pa rito, umaasa akong hindi makikialam ang pamilya Wade sa business market sa south ng Yaak River.”Nag-alangan si Jeremiah sa loob ng i
Nagsalita si Arrington, “Hindi kaya sinadya nila ito bilang disguise?”“Isang disguise?” Lalo pang nasorpresa si Cadfan nang magsalita siya, “Wala namang silbi para gawin nila ang ganitong klase ng disguise, hindi ba? Mas lalong katawa-tawa na itago nila ang ganitong bagay…”Habang nagtataka nang matindi si Cadfan, dumating ang tawag ni Jeremiah.Agad na sinagot ni Cadfan ang tawag, “Jeremiah Wade, nasaan na ang anak ko?! Umamin ka na!”Malamig na tumugon si Jeremiah, “Cadfan Schulz, paano ko naman malalaman kung nasaan ang anak mo?”Napamura si Cadfan, “Magpapanggap ka ba talaga na tarantado sa harap ko?! Nawala ang anak ko sa loob ng Shangri-La! Pero sinasabi mo sa akin na wala kang alam?!”Pinagbantaan ni Jeremiah si Cadfan, “Cadfan Schulz, mas mabuting tumigil ka na sa pagbibintang mo sa amin! Sinabi mong nawala ang anak mo sa Shangri-La. Kaya, inutusan ko ang mga tauhan ko na tignan ang lahat ng occupancy at check-in information sa hotel namin, pero hindi ko nakita ang panga
Sa pagkakataong ito, nagsalita ang butler ng pamilya Schulz na si Arrington mula sa tabi, “Lord Schulz, pakiramdam ko may mali talaga sa nangyayari. Sigurado akong may kinalaman pa rin ito sa pamilya Wade.”Bumuntong hininga si Cadfan, “Oo, iyan rin ang nasa isip ko. Pero, kahit sila nga ang may kasalanan, wala tayong magagawa ngayon. Matapos ang lahat, sinadya ni Sheldon na iwasan ang mata ng publiko. Wala rin naman tayong ebidensya na pwedeng magpatunay na tumuloy talaga siya sa Shangri-La. Kaya, paano naman natin sasabihing nawala nga siya roon? Kahit banggitin natin ito sa gobyerno, tayo ang magmumukhang hindi makatuwiran sa kanilang paningin.”Mapanglaw ang ekspresyon ni Arrington, “Hindi tayo pwedeng magtiis nang walang sinasabi, hindi ba? Parehong nawawala si Sir Steven at Sir Sheldon. Kailan pa dumanas ng ganitong hinaing ang pamilya Schulz? Kung lalabas sa publiko ang isyung ito, siguradong mawawalan na talaga ng reputasyon ang pamilya natin sa hinaharap…”Kinuyom ni Cadfan
“Masusunod.”Pumunta si Charlie kasama si Isaac sa opisina nito. Si Isaac muna ang nagbukas ng pinto. Sa pagkakataong ito, isang hindi gaanong katandang babae na nasa 40s o 50s ang nakaupo sa loob ng opisina.Ang babaeng ito ay wala ng iba kundi ang tunay na nanay ni Rosalie, si Yashita Harker.Galing sa isang prestihiyosong pamilya si Yashita. First-class beauty ang kanyang ganda, at dahil sa kanyang ilang taon na martial arts training, matangkad at balingkinitan ang kanyang pangangatawan. Subalit, sayang nga lang dahil kulang siya ng isang braso.Nang makita ni Yashita na papasok si Charlie at Isaac sa loob ng opisina, agad siyang tumayo habang pormal ang kilos at ekspresyon sa kanyang mukha.Matapos ang lahat, sa kanyang opinyon, young master ng pamilya Wade ang kabilang panig. Marangal ang estado nito. Para naman sa kanyang sarili, isang miyembro lamang si Yashita ng martial arts family. Maliban dito, masasabing may kapansanan siya. Kaya, hindi niya mapigilang tignan nang maba
Alam ni Isaac na ang taong gustong imbitahan ni Charlie ay walang iba kundi si Rosalie, na matagal nang naninirahan sa Shangri-La.Kaya, sinabi niya agad nang magalang, “Young Master, mangyaring maghintay ka nang ilang sandali. Iimbitahan ko na siya dito ngayon din!”Hindi mapigilan ni Yashita na mas lalong masorpresa nang makita niyang umalis si Isaac.Hindi niya talaga malaman kung sino ang kakilala na mayroon sila ng young master ng pamilya Wade.Dahil, ito ang unang pagkakataon na nakita niya siya. Hindi niya man lang alam kung ano ang pangalan niya, at saang lahi ng pamilya Wade siya isang young master.Pero, hindi niya na siya kinuwestiyon. Dahil, alam niya na basta’t maghihintay siya nang ilang minuto, malalantad ang sagot.Sa sandaling ito, balisang naghihintay si Rosalie sa kaniyang kwarto.Simula noong nagpasya si Charlie na hayaan siyang makipagkita sa kaniyang ina, hinihintay na niya ang pagdating ng kaniyang ina.Pero, dahil hindi nakikipag-usap si Charlie sa progr
Nagmamadaling lumingon si Yashita kay Charlie sa sorpresa at pasasalamat habang tinanong, “Young Master Wade, ikaw ang nagligtas kay Rosalie?!”Bahagyang ngumiti si Charlie bago niya sinabi nang walang interes, “Nagkataon lang na pabalik ako sa Oskia sa isang barko nang may nangyaring masama kay Rosalie. Kaya, niligtas ko siya sa daan at binalik siya sa bansa.”Pagkatapos niyang magsalita, idinagdag ni Charlie, “Siya nga pala, Madam Harker, sa mga nagdaang panahon, pinatira ko si Rosalie sa Shangri-La, at hindi ko siya hinayaan na magkaroon ng contact sa kahit sino sa labas. Kaya, patawad talaga at nag-alala nang napakatagal. Huwag ka sanang magtanim ng galit sa akin.”Sinabi nang nagmamadali ni Yashita, “Young Master Wade, anong sinasabi mo? Niligtas mo ang nag-iisang anak ko. Hindi pa kita napapasalamatan dito. Paano ko magagawang magtanim ng galit sa iyo?”Habang nagsasalita siya, biglang napagtanto ni Yashita na ang kaniyang anak, si Rosalie, ay mukhang medyo nag-iba na kumpara
Matagal nang hinahanap ni Yashita si Rosalie. Kahit na ayaw niyang sumuko, sa kailaliman ng puso niya, naramdaman niya rin na sobrang baba ng tsansa na mahanap niya ang anak niya.Tinanggap niya pa ang katotohanan na marahil ay namatay na ang kaniyang anak sa aksidente. Pero, pinilit siya ng pagmamahal niya bilang isang ina na ipagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang anak dahil ito lang ang pag-asa niya.Sa mga nagdaang panahon, naramdaman ni Yashita na handa siyang bayaran ang kahit anong halaga para lang patuloy na mabuhay ang anak niya. Handa pa siyang tanggapin kahit na may injury o naparalisa ang anak niya. Sapat na para sa kaniya basta’t buhay ang anak niya.Pero, hinding-hindi niya talaga inaasahan na hindi lang lilitaw sa harap niya ang kaniyang anak, na walang sugat at buo pa, ngunit nakamit niya pa ang isang malaking tagumpay sa kaniyang cultivation level.Isa talaga itong mapanlinlang na pagpapala, at naiwasan ni Rosalie ang isang malaking sakuna at nakatanggap ng isang ma
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro