Alam ni Isaac na ang taong gustong imbitahan ni Charlie ay walang iba kundi si Rosalie, na matagal nang naninirahan sa Shangri-La.Kaya, sinabi niya agad nang magalang, “Young Master, mangyaring maghintay ka nang ilang sandali. Iimbitahan ko na siya dito ngayon din!”Hindi mapigilan ni Yashita na mas lalong masorpresa nang makita niyang umalis si Isaac.Hindi niya talaga malaman kung sino ang kakilala na mayroon sila ng young master ng pamilya Wade.Dahil, ito ang unang pagkakataon na nakita niya siya. Hindi niya man lang alam kung ano ang pangalan niya, at saang lahi ng pamilya Wade siya isang young master.Pero, hindi niya na siya kinuwestiyon. Dahil, alam niya na basta’t maghihintay siya nang ilang minuto, malalantad ang sagot.Sa sandaling ito, balisang naghihintay si Rosalie sa kaniyang kwarto.Simula noong nagpasya si Charlie na hayaan siyang makipagkita sa kaniyang ina, hinihintay na niya ang pagdating ng kaniyang ina.Pero, dahil hindi nakikipag-usap si Charlie sa progr
Nagmamadaling lumingon si Yashita kay Charlie sa sorpresa at pasasalamat habang tinanong, “Young Master Wade, ikaw ang nagligtas kay Rosalie?!”Bahagyang ngumiti si Charlie bago niya sinabi nang walang interes, “Nagkataon lang na pabalik ako sa Oskia sa isang barko nang may nangyaring masama kay Rosalie. Kaya, niligtas ko siya sa daan at binalik siya sa bansa.”Pagkatapos niyang magsalita, idinagdag ni Charlie, “Siya nga pala, Madam Harker, sa mga nagdaang panahon, pinatira ko si Rosalie sa Shangri-La, at hindi ko siya hinayaan na magkaroon ng contact sa kahit sino sa labas. Kaya, patawad talaga at nag-alala nang napakatagal. Huwag ka sanang magtanim ng galit sa akin.”Sinabi nang nagmamadali ni Yashita, “Young Master Wade, anong sinasabi mo? Niligtas mo ang nag-iisang anak ko. Hindi pa kita napapasalamatan dito. Paano ko magagawang magtanim ng galit sa iyo?”Habang nagsasalita siya, biglang napagtanto ni Yashita na ang kaniyang anak, si Rosalie, ay mukhang medyo nag-iba na kumpara
Matagal nang hinahanap ni Yashita si Rosalie. Kahit na ayaw niyang sumuko, sa kailaliman ng puso niya, naramdaman niya rin na sobrang baba ng tsansa na mahanap niya ang anak niya.Tinanggap niya pa ang katotohanan na marahil ay namatay na ang kaniyang anak sa aksidente. Pero, pinilit siya ng pagmamahal niya bilang isang ina na ipagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang anak dahil ito lang ang pag-asa niya.Sa mga nagdaang panahon, naramdaman ni Yashita na handa siyang bayaran ang kahit anong halaga para lang patuloy na mabuhay ang anak niya. Handa pa siyang tanggapin kahit na may injury o naparalisa ang anak niya. Sapat na para sa kaniya basta’t buhay ang anak niya.Pero, hinding-hindi niya talaga inaasahan na hindi lang lilitaw sa harap niya ang kaniyang anak, na walang sugat at buo pa, ngunit nakamit niya pa ang isang malaking tagumpay sa kaniyang cultivation level.Isa talaga itong mapanlinlang na pagpapala, at naiwasan ni Rosalie ang isang malaking sakuna at nakatanggap ng isang ma
Sa sandaling ito, naghihirap siya sa kailaliman ng puso niya.Paano niya hindi malalaman ang iniisip ng anak niya?Pero noong naalala niya ang makasalanan na ginawa nila ni Sheldon at ang mga paghihirap na pinagdaanan niya para palakihin si Rosalie nang mag-isa, natatakot siya na susundan din ni Rosalie ang mga yapak niya sa hinaharap.Kung kaya niya, ayaw ni Yashita na maging katulad siya ng kaniyang anak sa hinaharap.Habang may matalas na sakit sa kaniyang puso, biglang sinabi ni Charlie, “Rosalie, dati, hindi kita niligtas dahil gusto kong gamitin ang buhay mo para bayaran ako. Kaya, hindi mo kailangang manatili sa tabi ko at sundan ako sa hinaharap. Pwede mong baguhin ang hitsura mo at simulan ang sarili mong buhay sa ilalim ng malinis na pagkakakilanlan.”Umiling nang mabilis si Rosalie at sinabi, “Mr. Wade, naiintindihan ko nang sobra ang kasalukuyang sitwasyon ko. Alam ko na kapag wala ang proteksyon mo; sa huli, mapupunta pa rin ako sa mga kamay ng Japanese. Sa sandaling
Tinulungan ni Charlie ang mag-ina na tumayo, tumingin siya kay Yashita, at sinabi, “Madam Harker, siguraduhin mo sana na gawing 100% na lihim ang pagpunta mo sa Aurous Hill para makita si Rosalie. Hindi mo dapat sabihin sa kahit kanino ang tungkol dito, kasama na ang mga pamilya Harker!”Naintindihan ni Yashita na ang pinakamagandang paraan para gawin itong lihim ay huwag banggitin ang bagay na ito. Kung hindi, sa sandaling may bumungad, kahit gaano pa ito kaliit, marahil ay malaman ito ng mga tagalabas sa hinaharap.Anak niya si Rosalie. Kaya, masisigurado ni Yashita na hindi lalabas ang balitang ito sa publiko. Pero, hindi ito masasabi para sa lahat ng miyembro ng pamilya Harker. Kahit ang sarili niyang ama ay hindi mapagkakatiwalaan ng 100%. Kaya, para sa kaligtasan ng anak niya, dapat manatiling nakatikom ang bibig niya.Kaya, sinabi nang disidido ni Yashita, “Young Master Wade, makasisiguro ka na nakatikom ang bibig ko at wala akong sasabihin sa kahit sino tungkol dito pagkatap
Nagsalita si Charlie sa sandaling ito, “Madam Harker, matagal na kayong hindi nagkita ni Rosalie. Bakit hindi muna kayo bumalik sa kwarto para magpahinga? Sigurado ako na marami kayong pag-uusapan. Magpapadala ako ng hapunan sa inyong dalawa mamaya. Kung may iba pa kayong kailangan, malaya kayong tawagan ang service staff sa kahit anong oras.”Bahagyang yumuko si Yashita bago sinabi, “Salamat, Young Master Wade!”Ngumiti nang kaunti si Charlie bagosinabi ulit, “Siya nga pala, Madam Harker, kung interesado ka at ang pamilya Harker, pwede nating pag-usapan ang kolaborasyon sa hinaharap. Sa sandaling iyon, pwede kitang kunin at papuntahin dito para magtrabaho sa ilalim ko. Sa ganitong paraan, hindi mo kailangang mahiwalay kay Rosalie.”Bago pa makapagsalita si Yashita, si Rosalie, na nasa gilid, ay sinabi nang sabik, “Magaling! Ma, pagdating ng oras, pwede kang lumipat sa Aurous Hill!”May medyo nahihiyang ekspresyon si Yashita sa kaniyang mukha habang sinabi, “Young Master Wade, ayon
Habang kaharap ang tanong ni Charlie, walang tinago si Yashita habang nagsalita siya at nagpaliwanag, “Young Master Wade, may malaking demand at kailangan para sa temperatura at mga halamang gamot ang inner family boxing method ng pamilya Harker. Ang mga halamang gamot ay suplemento para sa qi, at kailangan din ang mga halamang gamot para palakasin ang katawan. Ang mga halamang gamot na suplemento para sa qi ay ang mga ginseng, reishi mushroom, deer antler, at cordyceps sinensis. Para naman sa mga halamang gamot na nagpapalakas ng katawan, binubuo ito ng mga halamang gamot tulad ng mga binababad sa mga medicinal bath.”Pagkatapos niyang magsalita, patuloy na nagpaliwanag si Yashita, “May dalawang prescription ang pamilya Harker. Ang una ay ang tinatawag na Nourishing Qi pill, at ang isa pa ay tinatawag na Body Awakening soup. Ang Nourishing Qi pill ay isang medisina na nagagawa pagkatapos pakuluan ang ginseng, reishi mushroom, at ibang mahalagang halamang gamot sa espesyal na paraan.
‘Naniniwala ako na siguradong sasambahin ng pamilya Harker ang Healing Pill at ituturing ito bilang pamantayan pagkatapos maranasan ang bisa ng Healing Pill!’‘Pagdating ng oras, magbibigay lang ako ng ilang Healing Pill sa pamilya Harker kada taon para siguraduhin na susundan ako ng pamilya Harker at pagsisilbihan nila ako nang taos puso!’Hindi alam ni Yashita ang iniisip ni Charlie.Nang makita niyang naglabas si Charlie ng dalawang pill bago ito ibinigay sa kanilang mag-ina, hindi niya mapigilang itanong, “Young Master Wade, direkta lang ba naming iinumin ang pill?”“Oo.” Tumango si Charlie bago niya sinabi nang seryoso, “Ang medisina na ito ay ginawa gamit ang isang sobrang espesyal na technique, at direkta itong matutunaw sa bibig mo. Bukod dito, sobrang bilis ng epekto ng medisina na ito, at wala itong nakakalason na side effect. Pwede niyo na subukan ito ngayon.”Kahit na hindi alam ni Yashita kung gaano kabisa ang epekto ng pill ng ito, naniniwala rin siya na hinding-hind
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya