Sa bahaging ito, bilang head ng pamilya Harker, hindi mapigilang mag-alangan ng ama ni Yashita, “Yashita, kinausap ako ng panganay sa mga nakaraang araw na pumunta ka ng southeast coast.”Agad na nagtanong si Yashita, “Papa, ano ang sinabi ni kuya sa’yo?”Bumuntong hininga si Yolden, “Para mahanap si Rosalie, pinadala ng pamilya Harker ang halos lahat ng tauhan nito, marami tayong nagastos. Umabot na yata ito ng 100 o 200 million dollars. Pero, wala pa rin tayong nakukuhang impormasyon. Pwede na nating kalimutan ang katotohanang made-delay ang training ng mga batang miyembro natin, pero dahil hindi rin maganda ang relasyon ng pamilya natin sa mga Schulz, nawalan tayo ng pinagkukunan ng kita. Kung magpapatuloy tayo sa paghahanap kay Rosalie, lalong lalaki ang problemang pinansyal natin.”Habang nagsasalita, tila ba nawawalan ng pag-asa si Holden, “Umaabot ng 3 o 5 million dollars bawat buwan ang medicinal materials at herbs na kinakailangan para sa training ng mga bata natin. Bukod p
Nagtanong si Yashita, “Papa, ano na ang balak mo ngayon?”Tumugon si Holden, “Hindi ko pa masyadong napag-isipan ang lahat. Mas mabuti kung maghahanap tayo ng main family na pwede nating maka-collaborate sa Eastcliff. Maraming malalaki at mayayamang pamilya sa Eastcliff. Maliban sa pamilya Schulz, naririyan ang pamilya Wade at pamilya Golding. Kung hindi sila pwede, pamilya Dunn na lang ang piliin natin. Matapos ang lahat, kaibigan natin ang kalaban ng kalaban natin. Naniniwala akong pareho rin ang intensyon ng pamilya Dunn gaya natin. Hindi pa rin nila nasisiguro kung buhay pa si Helen o hindi, naniniwala akong hindi papakawalan ng pamilya Dunn ang mga Schulz.”Tumango si Yashita. Pagkatapos pilitin ang sarili na mag-isip sa loob ng ilang sandali, nagsalita siya, “Papa, malalakas ang lahat ng pamilyang binanggit mo. Maganda sana kung magkaroon tayo ng collaboration sa kanila. Pero, hindi ko irerekomenda ang pamilya Dunn.”Agad na nagtanong si Holden, “Bakit?”Tumugon si Yashita, “
Nang marinig ni Yolden na galing ang tawag mula sa pamilya Wade, hindi lamang si Yashita ang nagulantang, kundi pati na rin ang matanda.Habang gulat na gulat si Yashita, muling nagsalita si Isaac, “Madam Harker, pwede ba kitang makausap ngayon?”Agad na bumalik si Yashita sa kanyang katinuan. Mabilis siyang sumagot, “Ayos lang. Magsalita ka lang.”Ngumiti si Isaac. “Ito kasi ang kaso. Gusto kang imbitahan ng young master namin para makipag-usap. Napapaisip ako kung may oras kayo, Madam Harker?”“Makipag-usap?” Napatanong si Yashita dahil sa pagkalito, “Napapaisip ako kung ano ang gustong sabihin ng young master niyo sa akin?”Tumugon si Isaac, “Syempre kailangan niya kayong makausap tungkol sa isang collaboration. Umaasa ang young master na makakausap niya kayo tungkol sa isang oportunidad na magkaroon ng collaboration ang pamilya Wade at pamilya Harker.”Nag-alangan nang kaunti si Yashita. Matapos ang lahat, balak niya sanang pumunta sa Johnstul Peninsula para maghanap ng impor
Subalit, kung makakapunta siya ng Aurous Hill para pag-usapan ang collaboration kasama ang Young Master Wade ngayong gabi, kahit ano pa ang maging kahinatnan ng kanilang diskusyon, hindi ito magiging problema basta makaalis si Yashita patungo ng Johnstul Peninsula sa susunod na umaga.Malapit lang ang Aurous Hill sa Johnstul Peninsula, aabutin lang siya ng mahigit sa isang oras sakay ang isang high-speed train.Hindi maaapektuhan ng lahat ang kanyang orihinal na plano, kung tutuusin, mas bibilis pa ang lahat para sa kanya.Kaya, pumayag si Yashita nang walang pag-aalangan, “Wala akong problema sa sinabi mo, pasensya na lang rin sa abala.”Ngumiti si Isaac, “Maliit na bagay lamang ito. Madam Harker, pakibigay na lang sa akin ang detalyado niyong address. Magpapadala muna ako ng helicopter sa lokasyon niyo ngayon.”“Sige!”Pagkatapos ibigay ang detalyadong address ng mansyon ng pamilya Harker, nagpaalam na si Yashita kay Isaac.Nang ibaba ang tawag, hindi mapigilang masabik ni Hol
Habang ipinapadala ni Isaac ang mga resources niya para sunduin si Yashita sa Moncolne upang dalhin siya sa Aurous Hill, hinatid na ng mga tauhan niya si Sheldon sa eroplano para pumunta sa Syria.Sa parehong oras, si Hamed, na nasa Syria, ay inayos na rin ang mga sundalo niya habang naghanda silang gawin ang mungkahi ni Charlie na pataasin ang mga fortification, magtipon ng mga rasyon at supply, at patagalin ang enthronization.Nang marinig ng kanyang kaibigan, na nasa construction industry sa Iraq, na bibigyan siya ni Hamed ng 50% premium para sa proyekto at handa rin siyang bayaran ng paunang bayad na limang milyong US dollars, hindi siya nag-alangan na itigil ang proyekto niya sa Iraq, na palaging huli sa bayad. Pagkatapos nito, dinala niya ang ilang construction worker na handang ilagay sa panganib ang buhay nila para kumita ng mas maraming pera habang pumunta sila nang mabilis sa Syria.Hindi alam ni Cadfan na sinimulan na ng kanyang anak ang kanyang journey to the west.Alam
May istilo ng British royal princess ang dress ng Chanel. Ang pang-ibaba ay palda na hanggang tuhod, habang ang pang-itaas ay nasa istilo ng maliit na suit na may mahabang manggas, at may marangyang istilo ito ng isang young lady.Pinili ni Charlie ang ganitong uri ng damit dahil medyo malamig pa ang panahon ngayon. Kaya, ang ganitong uri ng damit, na bagay para sa tagsibol at taglagas, ay sakto lang.Kahit na sobrang haba ng palda ng ganitong damit, kung isusuot ito gamit ang kanilang hubad na binti, siguradong medyo malamig pa rin ito. Kaya, bumili si Charlie ng isang pares ng panyhose para sa kanya.Pagkatapos pumili ng sukat ayon sa tangkad ni Autumn sa alaala niya, bibilhin na niya sana ang damit at aalis na. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na masyadong madumi na ang pares ng sapatos na suot ni Autumn kahapon. Kaya, bumili siya ng isa pang pares ng size 37 na white fashion leather shoes.Hindi alam ni Charlie kung sakto ba ang sukat para sa kanya, pero hindi ito mahalag
Hindi alam ni Charlie kung anong mali sa damit panloob na binili niya. Ito ay dahil sumulyap lang siya sa harap, at dahil iniisip niya na tapusin ang lahat sa lalong madaling panahon, tinuro niya lang ito nang hindi nag-iisip.Pero, kung titingin siya sa likod, mapapagtanto niya na ang underwear na pang-ibaba ay isa talagang T-shaped na thong, gawa sa dalawang string.Pagkatapos niyang bilhin ang mga damit, bumalik si Charlie sa hotel wing. Nang makita niya na wala pa ring gumagalaw sa kwarto ni Autumn kahit na alas dose na ng tanghali, direktang pumunta si Charlie sa pinto ng kwarto niya at pinindot ang doorbell.Ilang minutong tumunog ang doorbell bago nagising nang nanghihina si Autumn.Paggising niya, inunat niya nang maganda ang kanyang baywang, at naging komportable ang buong katawan niya.Pagkatapos nito, binalot niya ang sarili niya gamit ang bathrobe, at inaantok pa rin siya at hindi pa masyadong gising pagdating sa pinto. Pagkatapos tingnan ang silipan, napagtanto niya n
Para sa mga babae, ang isang pantyhose ay isang kailangan na kailangan na suotin. Hindi lang ito ginagamit para ipakita ang katawan at temperament ng isang tao, ngunit ginagamit din ito para manatili silang mainit.Maraming taon na ang lumipas, bihirang makakita ng babaeng may suot na dress sa taglamig dahil ang saligan ng pagsuot ng dress ay para siguraduhin at panatilihin ang temperatura ng mga binti. Pero, magiging sobrang kakaiba na magsuot ng dress sa pang-itaas na bahagi ng katawan at isang pares ng trouser sa pang-ibabang bahagi ng katawan. Mas katawa-tawa kung magsusuot ng isang dress sa pang-itaas na bahagi na may isang pares ng long johns sa pang-ibabang bahagi ng katawan. Nalutas lang ang problema na ito noong sumikat ang mga leggings at pantyhose.Pero, kahit na medyo karaniwan na ang pantyhose, hindi pa nakatanggap ng isang pares ng pantyhose si Autumn sa kahit sinong lalaki.Kaya, medyo may kakaiba at kaunting pakiramdam siya tungkol dito.Gayunpaman, alam ni Autumn n
Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D
Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito
Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an
Isang kakaiba at nakakamanghang eksena ang nangyayari sa isang simpleng roast goose shop sa Oskiatown.Limang miyembro ng gang, na dati’y kinatatakutan sa Oskiatown dahil sa pagiging mabangis at mayabang, ay nakaluhod ngayon sa sahig, pilit na isinusubo ang mga gintong bala sa kanilang mga bibig.Makakapal at matataba ang 9mm na bala ng pistol, at mas masakit itong lunukin kumpara sa pinakamalalaking gamot.Wala pa silang baso ng tubig para inumin ang mga bala, kaya ang nagagawa lang nila ay kagatin ang kanilang mga ngipin at pilit na lunukin nang hilaw ang mga iyon.Pinakamalala ang sinapit ni Will.Dahil kapatid niya ang isa sa mga kabit ng boss ng Burning Angels, at dahil likas ang kanyang pagiging malupit, naging isa siyang mid-level manager ng Burning Angels. Ipinagkatiwala sa kanya ng boss ang pamamahala ng Oskiatown.Siya ang kinatawan ng Burning Angels sa buong Oskiatown.Pero sa oras na ito, sobrang kaawa-awa ang kalagayan ng leader na ito.Ang apat niyang kasamahan ay
Natulala ang ilan at hindi napigilang matakot. Kung kaya ni Charlie na alisin ang ulo ng bala gamit lang ang mga daliri niya, paano pa kaya kung buong lakas niyang suntukin ang mukha ng tao? Baka madurog pati ang utak nila!Pero hindi nila maintindihan kung bakit biglang inalis ni Charlie ang ulo ng bala, at lalong hindi nila maintindihan kung anong koneksyon nito sa kapatawarang sinabi niya kanina.Tiningnan ni Charlie ang lalaki, tinaas ang bala na napaghiwalay na niya, bahagyang ngumiti, at sinabi, “Hindi ba gusto mong mapatawad? Eto ang kapatawaran ko. Mahirap lunukin ang buong bala, kaya hinati ko na para mas madali mong malunok.”Parang nahulog sa impyerno ang lalaki habang nakatitig kay Charlie sa takot. Hindi siya makapaniwala na manggagaling ang ganitong klaseng salita sa gwapong binatang kaharap niya.Paalala pa ni Charlie, “Ah, oo nga pala. Huwag mong kalimutan pasalamatan ang mabait mong tauhan. Siya ang tumulong sayo para makuha mo ang magandang pagkakataon ng kapatawa
Agad siyang napuno ng matinding takot nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie at ang halatang intensyon nitong pumatay.Sa oras na iyon, hindi na siya nagduda sa babala ni Charlie. Kapag hindi niya sinunod ang utos na lunukin ang mga bala, siguradong papatayin siya.Pero ang ideya na lulunukin niya ang mga bala ay labis na nakakatakot para sa kanya. Marahil ay madali lang lunukin ang mga ito, pero siguradong hindi simple ang paglabas nito.Sandaling pumasok sa isip niya kung gagamitin ba niya ulit ang pangalan ng Burning Angels para takutin si Charlie, o kung makikipag-ayos na lang siya gaya ng madalas gawin sa underworld, para makita kung kahit papaano ay magpapakita ng respeto si Charlie. Kapag kuntento ang dalawa, baka nga maging magkaibigan pa sila sa inuman.Hindi lang sa Oskia uso ang ganitong sitwasyon, kundi pati na rin sa buong America. Ang mahalaga, alam mo kung paano kunin ang kiliti ng kabila.Pero pagdating sa paghingi ng kapayapaan, hindi siya makalakas-
Halos patay na ang leader, at nawala na ang lahat ng yabang niya. Kita sa mukha niya ang matinding takot at kaba.Tinitigan siya ni Charlie at sinampal siya nang malakas sa mukha.Umalingawngaw sa buong roast goose shop ang tunog ng sampal.Nang makita niyang mabilis na namaga ang pisngi ng lalaki, ngumiti si Charlie at sinabi, “Mga siga ba talaga kayo? Burning Angel daw? Sinong nagbigay sa inyo ng pangalan na yan? Tingnan mo ang namumula at namamagang mukha mo. May kinalaman ba yan sa pagiging anghel?”Sobrang sakit ng pisngi ng lalaki pagkatapos siyang sampalin, pero wala siyang magawa kundi umiyak at sabihin, “Pasensya na po, patawad talaga! Hindi ko alam na marunong pala kayo sa martial arts. Patawarin niyo kami, hindi na po kami babalik dito!”Napakunot-noo si Charlie at muling sinampal siya nang malakas.Sa lakas ng sampal, parang nasaktan pati pandinig ng apat na kasamahan niya.Pagkatapos ng pangalawang sampal, nakangiti siyang tinanong Charlie, “Hindi ba ang tapang mo k
Wala ni isa ang naglakas-loob na kumontra nang tanungin ni Charlie ang ama, lolo, at maging ang lolo sa tuhod ni Homer kung kumbinsido silang siya nga ang pumatay kay Homer.Ngayon naman, ilang miyembro ng gang na walang alam ang naglakas-loob na takutin si Charlie gamit ang baril. Hindi basta-basta palalampasin ni Charlie ang mga iyon.Tinitigan ng leader si Charlie, pero hindi man lang natakot si Charlie. Sa halip, tumingin si Charlie kay Angus at sinabi, “Kunan mo ako ulit ng kanin. Sayang ang pagkain dahil sa basurang ito. Pero paluluhurin ko siya at ipapaligpit ko lahat ng butil ng kanin sa sahig gamit ang dila niya na parang aso.”Halos mabaliw na ang lalaki. Pinaputok na niya ang baril pero hindi pa rin natakot si Charlie. Kaya mas lalong nainis siya.Ibinuka niya nang malaki ang bibig niya, pinagtampal ang makakapal niyang labi, at galit na sinabi, “Oskian! Dahil gustong-gusto mong mamatay, ako na mismo ang maghahatid sayo sa Diyos!”Pagkasabi noon, madiin niyang hinila an
“Letse!” Galit na galit ang lalaki nang makita niyang hindi man lang natakot si Charlie, at tinutukso pa siya.Ginamit niya ang ilalim ng baril para itulak sa sahig ang lahat ng bote at garapon sa mesa, pagkatapos ay tumayo at itinutok ang dulo ng baril sa ulo ni Charlie habang galit na galit na sumigaw, “Oskian! Nasa America ka! Kapag nagwala ka dito, walang magpapauwi sayo sa Oskia at babarilin ka nila direkta sa ulo!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Sobrang yabang mo talaga.”Pagkasabi noon, nawala ang ngiti niya at may pangungutya niyang sinabi, “Ang malas mo lang, hindi ako natatakot kahit kaunti.”Nagngalit ang lalaki at sinabi, “Letse! Sawa ka na siguro mabuhay!”Kalmado lang na iniunat ni Charlie ang mga kamay niya at sinabi, “Nandito ako ngayon, kaya kahit nasusunog na anghel ka pa o ligaw na aso mula sa crematorium, kapag naglakas-loob kang harapin ako, kailangan mo muna akong aliwin. Kung maaaliw ako, baka pagbigyan ko ang buhay mo. Pero kung mabwisit ako sa'yo, pupuguta