Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 221 - Chapter 230

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 221 - Chapter 230

5589 Chapters

Kabanata 221

Mabilis sinabi ni Zeke, “Mr. Wade, rush hour na sa mga oras na ito, at ito ang pinakamahirap na oras para makakuha ng taxi. Bakit hindi ko kayo ihatid doon, kung ayos lang sa inyo?”Nausisa si Claire at nagduda siya sa pagkakataong ito, pero sobrang desperado niya upang tangihan ang mabait ng alok. “Maraming salamat sa pagpapaangkas, Mr. White.”“Masyado kang mabait, karangalan ko ito.” Mabilis na lumabas si Zeke ng kotse at masayang binuksan ang pinto para sa kanila.Kinuskos lang nang nahihiya ni Charlie ang kanyang ilong nang walang sinasabi. Alam niya na kinuha ni Zeke ang pinakamagandang pagkakataon upang purihin, at nagkataon, na kailangan niya ng tulong niya, kaya hindi niya tinanggihan ang alok.Ang driver ay nagmaneho sa harap habang si Zeke ay nakaupo sa harap na pampasaherong upuan at nagsimula ng kaswal na usap kay Charlie.Sa daan, nakinig ni Claire sa kanilang usapan habang isang nagtatakang damdamin ang namuo sa loob niya.Si Zeke White ay isa sa mga tagumpay na ne
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

Kabanata 222

Sa opisina.Nakaupo sa likod ng kanyang mesa habang nakapatong ang mga paa niya, nakatingin nang matindi si George sa kanyang selpon dahil nakikipaglandian siya sa ilang babae sa isang dating app.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang selpon niya, at isang text ang lumitaw.Tinikom ni George ang kanyang mga labi sa inis. Habang nag-aatubili niyang binuksan ang mensahe, nakita niya na ito ay ang schedule ng interview mula sa HR department.Kumunot ang noo niya habang tiningnan niya ito na may halong gulat, pagkatapos ay sarkastiko niyang kinutya habang inaalog ang kanyang selpon sa mga taong nakaupo sa tabi niya. “Hey, hulaan niyo kung sino ang pumunta sa Spikeworth?”Ang mga nakaupo sa sofa sa tabi ni George ay sina Jerry at Joanne na nandoon upang makausap si George at humingi ng pabor sa kanya.Mapang-akit na aura ang lumabas sa katawan ni Joanne habang nakaupo siya nang naka-dekwatro na may maikling palda at mahabang buhok na nakalatay sa kanyang mga balikat. Tiningnan niya n
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Kabanata 223

Hindi alam ni Claire na may masamang balak si George, kaya, mabillis niyang sinabi sa pagiging magalang niya, “George, masyado kang mabait.”Naglabas si George ng isang mapagpanggap na mabait na ngiti. Kinuha niya ang resume ni Claire, kaswal na tiningnan ito at sinabi sa malungkot na tono, “Claire, pasensya na pero sa nakita ko sa resume mo, hindi umabot ang mga kwalipikasyon mo sa pamantayan namin, kahit pa may kakayahan ka o karanasan. Hindi ka angkop sa kailangan namin.”Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at nagpatuloy, “Pasensya na Claire. Hindi ka pumasa sa interview. Payo ko na subukan mo na lang sa ibang kumpanya. Good luck!”Nagulantang si Claire sa marahas niyang pagtanggi at sinabi nang nagmamadali, “Pero maraming taon na akong nagtatrabaho sa management department ng Wilson Group! Sigurado ako na ang pagiging propesyonal ko ay angkop sa pamantayan na sinabi ng kumpanya mo.”Umiling si George at sinabi nang mahigpit. “Ah, hindi. Ang mga tinatawag mong kwalipikasyon at k
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Kabanata 224

Tumawa nang matagumpay si George. “Maghintay lang kayo. Kapag naging isa ako sa mga board of director, ang mga taong ito ay titingalain ako at sasambahin ako!”Nasorpresa si Jerry at nagtanong, “George, magiging isa ka ba sa mga direktor?”“Malapit na,” sumagot si George na may mayabang na ngito. “Nasa ilalim na ito ng proseso. Kung magiging maayos ang lahat, hihirangin ako sa ilang buwan!”“Aba, mabuti iyon!” Itinaas ni Jerry ang kanyang hinlalaki at sinabi, “George, mangyaring huwag mong kalimutan ang matalik mong kaibigan kapag naging direktor ka na!”Tumango si George. “Syempre! Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo.”Sa gitna ng pag-uusap nila, mayroong malakas na tunog, at ang pinto sa opisina ni George ay bumukas nang sipain ito nang mabangis.“Sino ang nangahas na sumipa ng pintuan ko…”Nagulantang si George sa biglang kaguluhan. Sisigaw na siya nang makita niya ang lahat ng direktor na nakatayo sa kanyang pinto, nakayuko sa harap ng isang di gaano katandang lalaki
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Kabanata 225

Bumagsak sa sahig si George, ang mga mata niya ay puno ng kawalan ng pag-asa at paghihirap.Ang dahilan kung bakit siya naging senior executive sa batang edad ay dahil sa mahigpit na kontrata na pinirmahan niya.Para mapalakas ang kontrol nila sa kanilang mga empleyado, naglabas ang Spikeworth Corps ng isang sobrang higpit at makiling na kontrata na garantisadong tataas ang posisyon mo pagkatapos itong pirmahan, pero dapat ay mahigpit silang nakagapos sa kumpanya. Ang pagtaas ng posisyon ay garantisado, pero kailangan nilang patunayan na karapat-dapat sila at magsumikap na maging matapat sa kumpanya. Kung mabibigo sila sa hinahanap na sipag o may hindi mga hindi pagsang-ayon, magdedemanda nang malaki ang kumpanya sa kanila.Maraming tao ang natatakot na pirmahan ang ganitong kontrata dahil sa malupit at mahigpit na mga kondisyon, pero sa sandaling iyon, si George ay katatapos pa lamang na puno ng yabang at gustong umasenso. Kaya, pinirmahan niya ang kontrata kahit na medyo hindi pat
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Kabanata 226

Nagbuntong hininga nang malalim si Claire at sinabi, “Mahirap nang makakuha ng trabaho ngayon. Maghahanap lang ako at titingnan ko kung saan ako dadalhin ng swerte ko.”“Sa Emgrand kaya?”Umiling si Claire. “Niloloko mo ba ako? Hindi naman pamilihan ang Emgrand. Hindi ako pwedeng umalis at bumalik dahil lang gusto ko. Bukod dito, sobrang higpit ng pagsusuri nila at sistema ng pagmamarka, nakakahiya para sa akin na magsimula sa pinakamababa.”Nagbuntong hininga si Charlie at sinabi sa nagpapahiwatig na tono, “Mahal, sa tingin ko ay dapat mo nang simulan ang sarili mong negosyo!”“Simulan ang sarili kong negosyo?” Tinanong nang nasorpresa ni Claire. “Pero paano?”“Ilang taon ka nang nasa industriya, taya ko na mayroon ka nang sarili mong propesyonal na ugnayan at mga koneksyon ngayon. Nakikita ko na mukhang malapit sa iyo si Doris Young ng Emgrand Group. Bukod dito, umaasa sa akin si Zeke White na obserbahan at baguhin ang swerte niya, sa tingin ko ay susuportahan niya tayo nang sob
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Kabanata 227

Dahil sa pagbibigay ng lakas at sigla ni Charlie, ginamit ni Claire ang buong gabi upang pag-isipan ang kanyang negosyo. Mukha siyang pagod sa sumunod na umaga dahil kulang siya sa tulog.Pagkagising, mabilis na pinapresko ni Claire ang kanyang sarili. Kumunot ang noo ni Charlie nang makita ito at tinanong, “Mahal, bakit hindi ka muna matulog? Bakit ka nagmamadali?”“Pupunta ako sa Millenium Enterprise. Hindi dapat ako mahuli.”“Millenium Enterprise? Interview ulit?”“Hindi.” Umiling si Claire at sinabi nang nahihiya pagkatapos ng maikling hinto, “Susubukan kong kumuha ng ilang proyekto para sa akin.”“Magaling!” Masayang ngumiti si Charlie. “Kung masisimula ka ng kumpanya sa konstruksyon, ako ang magiging unang empleyado mo.”“Sa tingin mo ba ay ang pagsisimula ng kumpanya sa konstruksyon ay parang paghahanda ng hapunan? Ang mga pondo at koneksyon ang pangunahing pamantayan para mabuhay at umunlad ang negosyo,” sinabi ni Claire. “Gusto kong magsimula mula sa isang maliit na opis
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Kabanata 228

Mabilis na tumakas si Charlie sa bahay habang nag-aaway pa rin sila sa loob.Mas mabuti sa kanya na lumayo sa mga nakakainis na away mag-asawa.Pumunta si Charlie sa isang maliit na cafe, nag-order ng ilang meryenda, at nagpasya na gamitin doon ang malayang oras niya hanggang gabi.Isa itong sikat na kalye na puno ng kainan sa Aurous Hill, at maraming tao ang dumadaan dito.Nilalasap ni Charlie ang kanyang pagkain nang bigla niyang makita ang dalawang tao sa kabilang bahagi ng kalye, ang isa sa kanila ay sobrang pamilyar.Si Claire iyon, diba?Sa kabila ng kalye ay isang magandang restaurant. Nakita ni Charlie na nakaupo si Claire sa tabi ng isang malaking bintana sa pangalawang palapag, at sa kabila niya ay isang di gaano katandang lalaki na may suit at katad na sapatos na may ginintuang salamin.May hawak na folder si Claire at kinakausap nang walang tigil ang lalaki na tila ba pinapakita niya ang kanyang portfolio sa kanya at ang kanyang bagong tungkulin bilang isang freelanc
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Kabanata 229

Ayaw kamayan ni Claire si Peter, pero dahil inalok niya ito, bastos naman na tanggihan siya. Kaya, kinagat niya ang labi niya at nag-aatubiling nilapit ang kanyang kamay.Nang si Peter ay tahimik na nasabik at susunggaban na ang mainam na kamay ni Claire, isang malaking kamay ang biglang lumitaw at sinunggaban nang mahigpit ang kamay niya.Nagulantang nang ilang sandali si Peter. Tumingala siya nang galit, at sinabi, “Ano!? Sino ka?”Itinaas rin ni Claire ang kanyang tingin at kaunting natulala sa nakita niya.“Charlie! Kailan ka pa dumating?”Pagkatapos ay mabilis siyang nagpaliwanag kay Peter, “Siya ang asawa ko.”Dumilim ang mukha ni Peter na tila ba may maitim na ulap na dumaan sa taas niya nang marinig niya ang salitang ‘asawa’.“Kadarating ko lang.” Ngumiti si Charlie kay Claire at humarap siya kay Peter, nagkukunwaring hindi niya nakita ang pagbabago sa kanyang ekspresyon, sinabi niya, “Ikaw si Peter Murray, hindi ba? Ang boss ng Millenium Enterprise?”Sinabi ni Peter na
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more

Kabanata 230

Kinakabahan si Claire habangp pinapakinggan niya ang pagtatalo nila at sumingit, “Mr. Murray, maraming tulong si Charlie sa bahay. At saka, pakitawag akong Miss Wilson. Ang pagtawag sa unang pangalan ko ay hindi propesyonal.”“Ano naman ang ginagawa niya sa bahay? Pupunta sa pamilihan? Magluluto? Maglalaba?” Tumawa nang sarkastiko si Peter. “Claire, kung nahihirapan ang asawa mong makahanap ng trabaho, nagkataon na kumukuha ang kumpanya ko ng mga guwardiya. Pwede mong hayaan siyang subukan.”Pagkatapos, nagpatuloy siya nang may mapanglait na ngisi, “Claire, kung ako sa’yo, hindi ko papakasalan ang lalaking walang trabaho. Matagal ko na siyang hiniwalayan.”Sumimangot sa bagabag si Claire, bago pa siya makapagsalita, nararamdaman niya ang biglang lamig sa tabi niya.Lumingon siya at nakita si Charlie na tumayo na may ngiti sa kanyang mukha habang sinabi kay Peter, “Mr. Murray, mas mataas ka talaga sa reputasyon mo. Ngayong napunta sa akin ang karangalan na makilala ka, totoo nga, ba
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more
PREV
1
...
2122232425
...
559
DMCA.com Protection Status