Mabilis na tumakas si Charlie sa bahay habang nag-aaway pa rin sila sa loob.Mas mabuti sa kanya na lumayo sa mga nakakainis na away mag-asawa.Pumunta si Charlie sa isang maliit na cafe, nag-order ng ilang meryenda, at nagpasya na gamitin doon ang malayang oras niya hanggang gabi.Isa itong sikat na kalye na puno ng kainan sa Aurous Hill, at maraming tao ang dumadaan dito.Nilalasap ni Charlie ang kanyang pagkain nang bigla niyang makita ang dalawang tao sa kabilang bahagi ng kalye, ang isa sa kanila ay sobrang pamilyar.Si Claire iyon, diba?Sa kabila ng kalye ay isang magandang restaurant. Nakita ni Charlie na nakaupo si Claire sa tabi ng isang malaking bintana sa pangalawang palapag, at sa kabila niya ay isang di gaano katandang lalaki na may suit at katad na sapatos na may ginintuang salamin.May hawak na folder si Claire at kinakausap nang walang tigil ang lalaki na tila ba pinapakita niya ang kanyang portfolio sa kanya at ang kanyang bagong tungkulin bilang isang freelanc
Ayaw kamayan ni Claire si Peter, pero dahil inalok niya ito, bastos naman na tanggihan siya. Kaya, kinagat niya ang labi niya at nag-aatubiling nilapit ang kanyang kamay.Nang si Peter ay tahimik na nasabik at susunggaban na ang mainam na kamay ni Claire, isang malaking kamay ang biglang lumitaw at sinunggaban nang mahigpit ang kamay niya.Nagulantang nang ilang sandali si Peter. Tumingala siya nang galit, at sinabi, “Ano!? Sino ka?”Itinaas rin ni Claire ang kanyang tingin at kaunting natulala sa nakita niya.“Charlie! Kailan ka pa dumating?”Pagkatapos ay mabilis siyang nagpaliwanag kay Peter, “Siya ang asawa ko.”Dumilim ang mukha ni Peter na tila ba may maitim na ulap na dumaan sa taas niya nang marinig niya ang salitang ‘asawa’.“Kadarating ko lang.” Ngumiti si Charlie kay Claire at humarap siya kay Peter, nagkukunwaring hindi niya nakita ang pagbabago sa kanyang ekspresyon, sinabi niya, “Ikaw si Peter Murray, hindi ba? Ang boss ng Millenium Enterprise?”Sinabi ni Peter na
Kinakabahan si Claire habangp pinapakinggan niya ang pagtatalo nila at sumingit, “Mr. Murray, maraming tulong si Charlie sa bahay. At saka, pakitawag akong Miss Wilson. Ang pagtawag sa unang pangalan ko ay hindi propesyonal.”“Ano naman ang ginagawa niya sa bahay? Pupunta sa pamilihan? Magluluto? Maglalaba?” Tumawa nang sarkastiko si Peter. “Claire, kung nahihirapan ang asawa mong makahanap ng trabaho, nagkataon na kumukuha ang kumpanya ko ng mga guwardiya. Pwede mong hayaan siyang subukan.”Pagkatapos, nagpatuloy siya nang may mapanglait na ngisi, “Claire, kung ako sa’yo, hindi ko papakasalan ang lalaking walang trabaho. Matagal ko na siyang hiniwalayan.”Sumimangot sa bagabag si Claire, bago pa siya makapagsalita, nararamdaman niya ang biglang lamig sa tabi niya.Lumingon siya at nakita si Charlie na tumayo na may ngiti sa kanyang mukha habang sinabi kay Peter, “Mr. Murray, mas mataas ka talaga sa reputasyon mo. Ngayong napunta sa akin ang karangalan na makilala ka, totoo nga, ba
Binuksan ni Charlie ang bibig niya, may gustong sabihin, pero itinikom niya ito at lumabas sa restaurant nang makita niya ang galit na mukha ni Claire.Ang lakas ng loob ng boss ng maliit na kumpanya na ito na maging mayabang sa harap niya? Nagpasya siya na gamitin na ang lahat ng swerte niya, tama?Kailangan pang maging maingat ni Claire sa g*gong iyon! Hindi niya alam na ang asawa niya ang pinakamakapangyarihan sa kanilang lahat?Sa sandaling ito, desperado siya na ilantad ang pagkakakilanlan niya kay Claire. Gusto niyang malaman niya na hindi niya na kailangan mag-alala sa hinaharap nila at hindi niya na kailangan maapi at pahirapan ng isang mababang boss ng isang pangkaraniwang kumpanya.Gayunpaman, pinigilan niya ang mga salita niya.Ang ibig sabihin ng paglalantad niya sa pagkakakilanlan niya ay opisyal niya nang tinanggap ang pamilya Wade at babalik sa kanilang yakap.Hindi, ayaw niyang bumalik.Nakatayo sa labas ng restaurant, tumingala si Charlie sa pangalawang palapag,
Nagulantang si Peter habang tinakpan niya ang kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. Pagkatapos nang ilang sandali, sumigaw siya kay Charlie.“Ikaw basura! Ang lakas ng loob mong sampalin ako!”Umirap si Charlie bago sinabi, “Bakit? Bakit hindi ako maglalakas ng loob na sampalin ko? Kung gusto kitang sampalin, kailangan mo lang ito tiisin.”Pagkatapos, itinaas ni Charlie ang kanyang kamay at sinampal ulit si Peter. Sa sandaling ito, ang pisngi ni Peter ay namamaga na.Kahit na sobrang nandidiri rin si Claire kay Peter, dalawang beses na siyang sinampal ni Charlie. Kaya, medyo nag-aalala siya at mabilis niyang sinabi, “Charlie, anong ginagawa mo? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na huwag kang gagawa ng gulo kahit kanino?”Hindi siya nag-aalala sa sarili niya pero nag-aalala siya na maghihiganti si Peter kay Charlie. Dahil, si Peter ay isang boss ng malaking kumpanya. Paano siya magiging kalmado pagkatapos sampalin ni Charlie?Totoo nga, talagang nainis at nairita si Peter sa sandali
Pagkatapos makatanggap ng sunod-sunod na sakuna, nagpawis nang sobra si Peter sa punto na hindi niya man lang kayang tumayo nang tuwid at kailangan niyang gamitin ang pader upang suportahan ang sarili niya.Hindi alam ni Claire kung sino ang tumawag kay Peter pero nakikita niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Peter pagkatapos sagutin ang tawag. Tila ba babagsak na agad siya.“Charlie, sa tingin mo ba ay masama ang pakiramdam ni Peter?”Ngumiti si Charlie bago siya sumgaot, “Oo, marahil ay may mali sa utak niya at nakalimutan niya kung sino talaga siya.”Patuloy na nag-panic ang sekretarya ni Peter sa kabilang linya pero hindi na naririnig ni Peter ang sinasabi niya. Masakit na tunog lang ang naririnig niya sa kanyang tainga at ang iniisip niya lang ay ang sinabi ni Charlie kanina.“Bankrupt ka na!”Nagpapawis si Peter at takot niyang itinaas ang kanyang ulo habang tumingin siya kay Charlie na may matatag na ekspresyon sa kanyang mukha.Paano nahulaan ni Charlie ang lahat ng ito?
Ang lahat ng ito ay parang nagkataon lang pero paano nagkaroon ng ganitong pagkakataon?Mayroong malabong pakiramdam si Peter na ang lahat ng ito ay siguradong may kaugnayan kay Charlie. Kaya, maaari lang siyang lumuhod sa harap ni Charlie dahil wala na siyang pakialam sa kanyang reputasyon.Hindi alam ni Claire ang sinabi ng tao kay Peter sa tawag. Kaya, sinabi niya lang nang nasorpresa, “Peter, hindi ba’t magaling ang kumpanya mo? Anong pinagsasabi mo? Bukod dito, kahit na maba-bankrupt ka na, anong kinalaman nito kay Charlie?”Lumuhod si Peter at sinabi, “Claire, patawarin mo ako at ginalit kita kanina! Inaamin ko ang pagkakamali ko at nagmamakaawa ako sa iyo na patawarin mo ako. Tinawagan ako ng kumpanya ko kanina na ang isa sa pinakamalaking kustomer ko ay tumawag upang itigil ang kontrata sa amin. Bukod dito, ang lahat ng banko ay tumawag upang kolektahin ang pera na inutang namin sa kanila. Tapos na ako… pakiusap at bigyan mo si Mr. Wade ng magandang salita para sa akin. Kung
Nang bigla siyang tinanong ni Claire, ang biyenan na babae ni Charlie, si Elaine, ay nagalit at sinabi, “Ikaw pa rin ang apo ng pamilya Wilson kahit anong mangyari! Bukod dito, humingi na ng tawad ang lola mo sa akin at inamin na ginawa niya iyon dahil lang nalito siya. Sinabi niya na si Harold ang nagsimula ng away at pinarusahan niya na siya nang mahigpit. Saan pa masama ang loob mo?”Sumagot nang galit si Claire, “Ano naman kung humingi sila ng tawad sa atin? Naiintindihan ko ang ugali at pagkatao ng lola ko. Kahit na humingi siya ng tawad, siguradong hindi ito taos-puso! Humihingi lang siya ng tawad dahil gusto niya akong bumalik sa Wilson Group at ayusin ang problema sa Emgrand Group!”Sinubukang himukin ni Elaine si Claire sa sandaling ito. “Huwag mong pag-isipan nang masama ang lola mo! Pamilya pa rin tayo kahit anong mangyari! Paano mo pa rin siya kinamumuhian nang matagal?”“Wala akong relasyon sa kahit sino sa pamilya Wilson!” Sumagot nang galit si Claire bago siya nagpatu
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata
Nang makita ni Vera ang pangungusap na ito, agad niyang sinabi, “Ang Queens na ito ay siguro ang Queens, New York City. Kaya't ang larawang ito ay talagang kuha sa Queens. Tungkol naman sa ‘Cole’, mukhang ang tao sa larawan kasama ang tatay mo ay may apelyidong Cole at siya ay may lahing Oskian. Ang hindi lang natin alam ay ang buong pangalan niya.”“Tama ka…” Tumango si Charlie nang marahan habang patuloy na nakakunot ang kanyang kilay.Bumulong siya, “May pakiramdam ako na pamilyar ang lalaking may apelyidong Cole, pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita dati.”Nagmamadaling sinabi ni Vera, “Wag kang mag-alala, Young Master. Ang pakiramdam ng pagiging pamilyar ay tiyak na may pinagmulan sa iyong alaala. Baka lang hindi malalim ang alaala mo sa taong iyon, o baka saglit lang ang pagkikita niyo. Kaya, wag kang mag-alala. Kung mag-iisip ka nang mabuti, tiyak may maalala kang mga palatandaan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinanong ni Vera si Charlie, “B
Itinuro ni Vera ang isang karatula na may postcode sa tabi ng pinto ng tindahan at sinabi, “Young Master, ang tindahang ito ay nasa Queens, New York.”Nagtanong si Charlie nang mausisa, “Ganoon ba? Paano mo nalaman? Hindi ko halos mabasa ang mga salita dito dahil sa resolution na ito.”Ipinaliwanag ni Vera, “Dati akong nakatira sa Queens. Ang laki, kulay, at pwesto ng karatulang ito para sa postal code ay tipikal na istilo ng Queens noon. Hindi ko lang alam kung sinusunod pa nila ang parehong istilo ngayon.”“New York…” Tumango si Charlie, bigla niyang naalala ang sinabi ng tiyuhin niya ilang araw na ang nakalipas. Bumili ang mga magulang niya ng set ng mga sinaunang libro mula sa isang antique shop sa New York. Ang set ng mga librong ito ay walang iba kundi ang Preface to the Apocalyptic Book.Kasama ng antique shop sa larawan, biglang naalala ni Charlie ang isang bagay at sinabi kay Vera, “Maaaring ito nga ang antique shop kung saan nabili ng tatay ko ang Preface to the Apocalypti
Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Vera, tumingin siya agad sa itim na photo album na hawak niya. Sa unang tingin, halatang luma na ang album.Sa nakaraang dekada, dahil sa mabilis na pag-usbong ng mga smartphone, hindi namamalayan ng karamihan na nadidigitize na nila lahat ng mga larawan nila. Kunti na lang ang bumibili ng mga photo album na iba't ibang laki at kapal tulad ng ginagawa ng mga tao dalawampung taon na ang nakalipas para ayusin ang mga litrato nila.Hindi alam ni Charlie kung ano ang laman ng album, kaya kinuha niya ito mula kay Vera at maingat na binuksan ang unang pahina. Ang unang bagay na tumama sa mata niya sa unang pahina ay dalawang magkahiwalay na larawan ng dalawang kabataan na kuha sa harap ng Statue of Liberty sa America.Ang lalaki sa larawan ay kamukhang-kamukha ni Charlie, pero medyo luma ang pananamit dahil suot ng lalaki ang kilalang knit sweater at kupas na jeans na sikat noong mga panahong iyon. Siya ang ama ni Charlie, si Curtis.Ang babae sa
Pagkasabi nito, sumunod siya kay Charlie palabas ng dining room at pumunta sa courtyard kung saan dating nakatira ang mga magulang ni Charlie.Dahil malaki ang courtyard na iyon, may apat na magkadikit na kwarto ang mga magulang ni Charlie noon. Bukod sa main hall at bedroom, may study rin at sariling kwarto si Charlie.Sa madaling sabi, parang isang three-bedroom apartment na may living room ito. Ilang taon din siyang nanirahan doon kaya kabisado na niya ang buong ayos ng lugar. Bukod pa roon, halos walang nabagong anuman kaya madali para sa kanya na suriin ito.Pagpasok sa main hall, halos pareho pa rin ang mga kasangkapan at ayos ng lahat mula noong huling naroon sila ng mga magulang niya. Sa isang iglap, bumalik sa alaala ni Charlie ang mga sandaling magkasama sila ng kanyang mga magulang noong bata pa siya, at biglang sumiklab ang samu’t saring damdamin sa puso niya.Mabilis niyang nilibot ang mga kwarto kasama si Vera. Maliban sa mga kasangkapan, may mga bagong kumot at unan s
Madalas mag-alala si Ashley noon tungkol sa pagpapalaki kay Charlie pagdating sa ugali niya, pagkatao, at mga pinapahalagahan sa buhay. Bilang ina, natural lang na gusto niyang maibigay ang pinakamahusay na edukasyon, kapaligiran, at gabay para sa anak niya. Pero ang tanging magagawa lang niya ay panoorin si Charlie habang lumalaki sa ampunan kasama ng ibang bata, at panoorin siyang tumigil sa pag-aaral sa high school para magtrabaho sa isang construction site, nang hindi man lang niya kayang makialam o makagambala kahit kaunti.May mga pagkakataong nag-aalala siya na baka maapektuhan ang pananaw sa buhay ni Charlie, o kaya’y masyado siyang matutong makibagay sa mga kalakaran ng mundo sa ganoong kapaligiran. Pero sa kabutihang palad, nahanap ni Charlie ang tamang balanse sa pagitan ng pagiging anak-mayaman noong bata pa siya, at ng pagiging ulilang mahirap pagkatapos niyon. Dahil doon, napanatili niya ang maayos na pananaw sa buhay at matibay na pakiramdam ng katarungan.Hindi lang ni
Sarado na ngayon ang sikat na templong ito sa mga bisita.Mag-isa lang si Ashley na nakatayo sa loob ng courtyard, habang napapaligiran ng amoy ng insenso na nanatili sa hangin. Nakatingala siya sa maliwanag na buwan at damang-dama ang halo-halong emosyon. Matagal na niyang inaasam ang kanyang anak, si Charlie, na dalawampung taon na niyang hindi nakikita.Ang layo ng Harmony Temple sa lumang mansyon ng mga Wade ay isa o dalawang milya lang, sampung minuto lang ang biyahe sakay ng kotse. Pero kahit ganoon, paulit-ulit na ipinapaalala ni Ashley sa sarili niya na hindi pa ito ang tamang oras para magkita sila ng anak niya.Nang makita ng pekeng abbess na tila malungkot si Ashley habang nakatayo nang mag-isa sa courtyard, marespeto siyang lumapit at nagtanong, “Madam, ilang kanto na lang ang layo niyo kay Young Master. Siguro ay sabik na sabik ka nang makita siya, tama po ba?”Tumango si Ashley, “Dalawampung taon ko nang hindi nakikita ang anak ko. Paanong hindi ako mananabik?”Pagka