Binuksan ni Charlie ang bibig niya, may gustong sabihin, pero itinikom niya ito at lumabas sa restaurant nang makita niya ang galit na mukha ni Claire.Ang lakas ng loob ng boss ng maliit na kumpanya na ito na maging mayabang sa harap niya? Nagpasya siya na gamitin na ang lahat ng swerte niya, tama?Kailangan pang maging maingat ni Claire sa g*gong iyon! Hindi niya alam na ang asawa niya ang pinakamakapangyarihan sa kanilang lahat?Sa sandaling ito, desperado siya na ilantad ang pagkakakilanlan niya kay Claire. Gusto niyang malaman niya na hindi niya na kailangan mag-alala sa hinaharap nila at hindi niya na kailangan maapi at pahirapan ng isang mababang boss ng isang pangkaraniwang kumpanya.Gayunpaman, pinigilan niya ang mga salita niya.Ang ibig sabihin ng paglalantad niya sa pagkakakilanlan niya ay opisyal niya nang tinanggap ang pamilya Wade at babalik sa kanilang yakap.Hindi, ayaw niyang bumalik.Nakatayo sa labas ng restaurant, tumingala si Charlie sa pangalawang palapag,
Nagulantang si Peter habang tinakpan niya ang kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. Pagkatapos nang ilang sandali, sumigaw siya kay Charlie.“Ikaw basura! Ang lakas ng loob mong sampalin ako!”Umirap si Charlie bago sinabi, “Bakit? Bakit hindi ako maglalakas ng loob na sampalin ko? Kung gusto kitang sampalin, kailangan mo lang ito tiisin.”Pagkatapos, itinaas ni Charlie ang kanyang kamay at sinampal ulit si Peter. Sa sandaling ito, ang pisngi ni Peter ay namamaga na.Kahit na sobrang nandidiri rin si Claire kay Peter, dalawang beses na siyang sinampal ni Charlie. Kaya, medyo nag-aalala siya at mabilis niyang sinabi, “Charlie, anong ginagawa mo? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na huwag kang gagawa ng gulo kahit kanino?”Hindi siya nag-aalala sa sarili niya pero nag-aalala siya na maghihiganti si Peter kay Charlie. Dahil, si Peter ay isang boss ng malaking kumpanya. Paano siya magiging kalmado pagkatapos sampalin ni Charlie?Totoo nga, talagang nainis at nairita si Peter sa sandali
Pagkatapos makatanggap ng sunod-sunod na sakuna, nagpawis nang sobra si Peter sa punto na hindi niya man lang kayang tumayo nang tuwid at kailangan niyang gamitin ang pader upang suportahan ang sarili niya.Hindi alam ni Claire kung sino ang tumawag kay Peter pero nakikita niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Peter pagkatapos sagutin ang tawag. Tila ba babagsak na agad siya.“Charlie, sa tingin mo ba ay masama ang pakiramdam ni Peter?”Ngumiti si Charlie bago siya sumgaot, “Oo, marahil ay may mali sa utak niya at nakalimutan niya kung sino talaga siya.”Patuloy na nag-panic ang sekretarya ni Peter sa kabilang linya pero hindi na naririnig ni Peter ang sinasabi niya. Masakit na tunog lang ang naririnig niya sa kanyang tainga at ang iniisip niya lang ay ang sinabi ni Charlie kanina.“Bankrupt ka na!”Nagpapawis si Peter at takot niyang itinaas ang kanyang ulo habang tumingin siya kay Charlie na may matatag na ekspresyon sa kanyang mukha.Paano nahulaan ni Charlie ang lahat ng ito?
Ang lahat ng ito ay parang nagkataon lang pero paano nagkaroon ng ganitong pagkakataon?Mayroong malabong pakiramdam si Peter na ang lahat ng ito ay siguradong may kaugnayan kay Charlie. Kaya, maaari lang siyang lumuhod sa harap ni Charlie dahil wala na siyang pakialam sa kanyang reputasyon.Hindi alam ni Claire ang sinabi ng tao kay Peter sa tawag. Kaya, sinabi niya lang nang nasorpresa, “Peter, hindi ba’t magaling ang kumpanya mo? Anong pinagsasabi mo? Bukod dito, kahit na maba-bankrupt ka na, anong kinalaman nito kay Charlie?”Lumuhod si Peter at sinabi, “Claire, patawarin mo ako at ginalit kita kanina! Inaamin ko ang pagkakamali ko at nagmamakaawa ako sa iyo na patawarin mo ako. Tinawagan ako ng kumpanya ko kanina na ang isa sa pinakamalaking kustomer ko ay tumawag upang itigil ang kontrata sa amin. Bukod dito, ang lahat ng banko ay tumawag upang kolektahin ang pera na inutang namin sa kanila. Tapos na ako… pakiusap at bigyan mo si Mr. Wade ng magandang salita para sa akin. Kung
Nang bigla siyang tinanong ni Claire, ang biyenan na babae ni Charlie, si Elaine, ay nagalit at sinabi, “Ikaw pa rin ang apo ng pamilya Wilson kahit anong mangyari! Bukod dito, humingi na ng tawad ang lola mo sa akin at inamin na ginawa niya iyon dahil lang nalito siya. Sinabi niya na si Harold ang nagsimula ng away at pinarusahan niya na siya nang mahigpit. Saan pa masama ang loob mo?”Sumagot nang galit si Claire, “Ano naman kung humingi sila ng tawad sa atin? Naiintindihan ko ang ugali at pagkatao ng lola ko. Kahit na humingi siya ng tawad, siguradong hindi ito taos-puso! Humihingi lang siya ng tawad dahil gusto niya akong bumalik sa Wilson Group at ayusin ang problema sa Emgrand Group!”Sinubukang himukin ni Elaine si Claire sa sandaling ito. “Huwag mong pag-isipan nang masama ang lola mo! Pamilya pa rin tayo kahit anong mangyari! Paano mo pa rin siya kinamumuhian nang matagal?”“Wala akong relasyon sa kahit sino sa pamilya Wilson!” Sumagot nang galit si Claire bago siya nagpatu
Sa gabi, pumunta si Jasmine upang sunduin si Charlie.Nang makita si Charlie, inarko ni Jasmine nang magalang ang kanyang mga kamay at bumati, “Mr. Wade, pasensya na talaga sa abala.”Bahagyang ngumiti si Charlie bago sinabi, “Miss Moore, hindi mo na kailangang maging sobrang galang.”Pagkatapos, napansin ni Charlie na may suot na dyamanteng kuwintas si Jasmine sa kanyang leeg. Sa sandaling ito, tinanong niya nang mausisa, “Ito ang dyamanteng kuwintas na nawala mo dati, hindi ba?”Tumango nang mabilis si Jasmine at sumagot, “Oo. Ito ang dyamanteng kuwintas na binigay sa akin ng aking ina bago siya pumanaw at mas mahalaga pa ito kaysa sa aking buhay. Kaya, nagpapasalamat talaga ako sa’yo dahil kung hindi dahil sa’yo, hindi ito mababalik, Mr. Wade.”Ngumiti si Charlie bago siya sumagot, “Jasmine, mayroon kang koneksyon sa dyamanteng kuwintas. Kahit hindi kita tulungan, babalik ito sa iyo.”Alam ni Jasmine nagiging mapagpakumbaba lang si Charlie. Kaya, mabilis siyang sumagot, “Mr. W
Talagang hindi nasisiyahan si Charlie sa sandaling ito.Dahil ang tanging dahilan lang kung bakit siya sumang-ayon na pumunta dito ngayon ay dahil gusto niyang magbigay respeto kay Jasmine. Kung hindi, ang young master ng pamilya Wade ay hindi mag-aabala na pumunta sa mansyon ng pamilya Moore. Bakit pa sila magiging karapat-dapat sa presensya niya?Nagalit din si Jasmine sa sandaling ito. “Pinsan! Paano mo nasabi ang mga ganitong bagay? Maaari kang hindi maniwala sa abilidad ng isang tao pero hindi mo dapat sila binabastos dahil lamang doon!”Suminghal nang malamig si Reuben bago siya sumagot, “Respeto? Nirerespeto ko lang ang mga maestro na may tunay na talento at kakayahan. Sa tingin ko ay hindi nararapat sa mga manloloko ang respeto ko!”Pagkatapos, tinuro ni Reuben ang matandang lalaki na nakatayo sa tabi niya bago niya siya pinakilala nang mapagmataas, “Ito si Anthony Simmons, isang sobrang tanyag na doktor sa Hilaga, at ang apo niya.”Bahagyang nagulantang si Charlie at tumi
“Ayos lang, dahil alam mo ang lugar mo.”Sa sandaling ito, dumating ang hindi gaano katandang lalaki at sinabi, “Jasmine! Reuben! Mukhang hindi na kaya ng lolo niyo!”Mabilis na tinanong ni Anthony, “Nasaan ang matandang lalaki? Mangyaring dalhin mo ako sa kanya upang makita ko ang kondisyon niya.”“Nasa kwarto siya sa likod ng bahay. Mangyaring sundan mo ako,” sumagot si Reuben habang nagmamadali siya upang pangunahan si Anthony at ang apo niya papunta sa kanyang lolo.Nagmadaling sumenyas si Jasmine kay Charlie na sundan sila.Ang lahat ay mabilis na dumating sa isang sobrang luho at antigong kwarto sa likod ng bahay at nakita nila ang isang namamatay na matandang lalaki na nakahiga sa kama na may kuwadro na gawa sa yellow rosewood.Mukhang sobrang pagod ng matandang lalaki at ang mga kilay niya ay mahigpit na nakakapit sa isa’t isa, tila ba tinitiis niya ang sobrang sakit.Mabilis na sinabi ni Anthony, “Labis na mapanganib ang kondisyon ng matandang lalaki. Mangyaring hayaan
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin
Pakiramdam ni Mr. Chardon na isa siyang tao na gustong manalo sa lotto ng isang daang taon pero hindi siya nanalo kahit isang beses. Ngayon, bigla siyang nanalo ng dalawang jackpot nang magkasunod.Sa madaling salita, katumbas ito sa pagbili ng mga lotto ticket habang buhay at hindi nanalo ng kahit consolation prize na limang dolyar. Bilang resulta, bigla niyang napanalunan ang grand prize para sa Mega Millions at Grand Lotto!Ang kanyang isang daan at limampu’t anim na taon na karanasan sa buhay ay hindi nagduda kung isa ba itong patibong. Sobrang simple rin ng dahilan kung bakit hindi siya nagduda. Ito ay dahil kaunting mahiwagang instrumento lang din ang pagmamay-ari ng British Lord.Nagsikap nang napakaraming taon si Mr. Chardon para sa British Lord, at binigyan lang siya ng British Lord ng isang mahiwagang instrumento na magagamit niya para sa self-defense. Bukod dito, ang mahiwagang instrumento ay hindi isang regalo mula sa British Lord. Kailangan itong ibalik ni Mr. Chardon s
Pagkatapos makipagkita ni Charlie kay Zachary sa opisina ni Isaac, tinanong niya siya, “Dinala mo ba ang Thunderstrike wood na binigay ko sayo?”Kinuha ni Zachary ang Thunderstrike wood sa bulsa niya, binigay ito kay Charlie, at sinabi, “Dinala ko ito. Tingnan mo ito, Master Wade.”Tumango si Charlie at sinabi sa kanya, “Zachary, lumabas ka muna at hintayin mo ako saglit.”Sinabi ni Zachary nang walang pag-aatubili, “Okay! Master Wade, huwag ka sanang mag-atubili na tawagan ako kung may kailangan ka.”Pagkatapos ay umalis nang magalang si Zachary sa opisina.Mabilis na ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para ayusin ang formation sa Thunderstrike wood. Makalipas ang ilang minutos, pinapasok niya si Zachary, binigay ang Thunderstrike wood na naayos sa kanya, at naglagay ng ilang Reiki kay Zachary habang sinabi, “Zachary, bumalik ka na dala-dala ang Thunderstrike wood na ito. Kung tatanungin ka ng kabila tungkol sa mga detalye ng paghuhukay ng libingan o kung may ibang produkto ka
Pagkatapos ng tawag ni Zachary kay Landon, inulat niya agad ang sitwasyon kay Charlie.Si Charlie, na natanggap ang tawag, ay dumating na sa Champs Elys Resort. Balak ni Charlie na manatili dito hangga’t maaari upang maiwasan ang kahit anong emergency dahil hindi malayo ang Champs Elys Resort sa Willow Manor, kung saan nakatira ang lolo at lola niya.Kaya sinabihan niya si Isaac na maghanda ng isang malakas na rescue helicopter para manatili dito palagi upang direktang makaalis ang helicopter at makarating sa Willow Manor sa loob ng dalawa o tatlong minuto kung may emergency.Agad namangha si Charlie nang marinig niyang sinabi ni Zachary na may tao sa airport na handang magbayad ng three million dollars para bilhin ang jade ring na inihanda niya.Alam ni Charlie na sa wakas ay nandito na ang taong hinihintay niya!Hula niya na siguradong pupunta sa Aurous Hill ang mga tao mula sa Qing Eliminating Society, pero hindi niya inaasahan na sobrang bilis nilang pupunta!Pagkatapos ay ti
Tuwang-tuwa si Landon at sinabi nang nagmamadali, “Okay, Mr. Zachary. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mandaya… Ah, hindi, ang ibig kong sabihin, para magpakilala ng mas maraming customer sayo!”Pinaalalahanan siya ni Zachary, “Huwag kang mag-focus sa pagkuha ng mas maraming customer. Baka malapit nang dumating ang malaking customer mula sa Hong Kong, at iyon ang totoong malaking investor!”Sinabi nang sabik ni Landon, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary! Siguradong hindi ko ito palalagpasin!”Pagkatapos ibaba ang tawag, sabik na naglakad nang pabalik-balik si Landon. Hindi niya alam na narinig na ni Mr. Chardon ang buong usapan nila ni Zachary.Walang napansin na kakaiba si Mr. Chardon sa usapan nina Landon at Zachary. Sa kabaliktaran, mas lumakas ang hula niya kanina, at naniniwala siya nang sobra na ang ibang bagay na binanggit ni Zachary ay maaaring ibang mahiwagang instrumento.Sabik na sabik siya nang maisip ito. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng isang mahiwagan
“Gusto mo itong bilhin?”Tumango si Mr. Chardon at sinabi, “Oo, gusto ko itong bilhin. Bigyan mo sana ako ng presyo para sa singsing na ito!”Nang marinig ni Landon na tinatanong ni Mr. Chardon ang presyo ng singsing, agad niyang naisip nag dating utos ni Zachary. Kailangan niyang magbigay ng napakataas na presyo na mahigit isang beses sa market price ng singsing kahit sino pa ang gustong bumili sa singsing na ito.Hindi naintindihan ni Landon kung bakit ito ginagawa ni Zachary, pero dahil binabayaran lang siya para tapusin ang mga bagay-bagay, kailangan niyang gawin ang papel niya ayon sa pinag-usapan. Nandito lang siya para magsundo ng tao, at kailangan dumiretso ng matandang lalaki kay Zachary kung gusto niya talagang bilhin ang jade ring na ito. Kaya, nag-isip siya saglit. Ang jade ring na ito ay nasa 30 o 50 thousand dollars, kaya kailangan niyang magbigay ng presyo na nasa three o five million dollars kung kailangan niyang pataasin ng isang daang beses ang presyo ayon sa mar
Sa sandaling naglagay si Mr. Chardon ng ilang Reiki sa singsing, naramdaman niya agad ang formation na mabagal na umaandar sa singsing.Nagulat agad siya at inisip niya, ‘Patuloy ang pag-andar ng formation na ito, kaya ano kayang epekto nito.’Kahit na na-master na ni Mr. Chardon ang Reiki, wala siyang masyadong alam sa mga mahiwagang instrumento at formation.Kahit na may kahoy na ispada siya at may attack formation sa kahoy na ispada, kaya niya lang itong gamitin pero hindi ito kayang linlangin.Hindi niya naiintindihan ang misteryo ng formation o naiintindihan ang mga pangunahing prinsipyo at lohika ng formation.Kaya, nang makita niya ang formation na iniwan ni Charlie sa singsing, biglang hindi niya malaman kung ano ang layunin ng formation na ito.Sa totoo lang, ang formation na ito ay isang passive defense formation na nakatala sa Apocalyptic Book. Sa sandaling inatake ang taong may suot ng mahiwang instrumento, agad gagana ang formation, gamit ang sarili nitong enerhiya p
Habang kinokolekta ang pera at pinupuri si Mr. Chardon, hindi nakalimutan ni Landon na bolahin siya habang sinabi, “Tatang, mukhang isa ka ring eksperto! Maaari ba na isa ka ring tomb raider noong bata ka pa?”Ang ibig sabihin ni Landon ay posibleng isang tomb raider si Mr. Chardon na gumawa ng isang tomb-robbing team at nagsilbing pangunahing tao sa team na ito.Kinaway ni Mr. Chardon ang kanyang kamay at sinabi nang nakangiti, “Kaunti lang ang alam ko sa mga antique, pero wala akong alam sa paghuhukay ng mga libingan.”Sa totoo lang, wala talagang masyadong alam si Mr. Chardon sa paghuhukay ng mga libingan.Noong bata pa siya, narinig na niya ang ilang mga tomb raider at mga nangyaring paghuhukay ng libingan, pero ang pangunahing punto ay nagsasanay siya ng Taoism sa templo ng buong taon, at wala siyang interes sa paghuhukay ng libingan o mga kultural na relikya, kaya kaunti lang ang alam niya sa paghuhukay ng libingan.Pero, matagal na siyang nabubuhay, at ang dami ng impormasy
“Oo!” Sinabi ni Landon nang walang pag-aatubili, “Nasa dalawampu o tatlumpung taon na siya sa antique business. Siguradong isa siyang manloloko… ah, hindi, siguradong magaling siya sa mga antique, calligraphy, at mga sinaunang painting!”Tumango si Mr. Chardon, pagkatapos ay naglabas pa ng ilang isang daang dolyar na papel at binigay ang mga ito kay Landon habang sinabi nang nakangiti, “Iho, maaari mo ba akong ipakilala sa boss mo? Gusto ko talaga siyang makilala.”Tumingin si Landon sa matandang lalaki at nakita niya na mukhang handa ang matandang lalaki na mag-alok ng pera sa kanya, kaya agad siyang nagkaroon ng plano sa isipan niya. Sadya siyang umubo nang dalawang beses bago sinabi nang seryoso, “Tatang, dapat alam mo rin na may mga patakaran sa industriya namin. Hindi kita kilala, kaya hindi kita pwedeng dalhin para makita ang boss ko nang gano’n lang. Kung undercover ka at pinuntirya mo kami, hindi ba’t tapos na ang buong buhay ko?”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Oh,