Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 241 - Chapter 250

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 241 - Chapter 250

5595 Chapters

Kabanata 241

Labis na naagrabyado si Xyla at hindi siya nakumbinsi sa sandaling ito. Kaya, kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi, “Gusto kong makipag-kompetensya sa kanya at kung magaling talaga siya, hihingi ako ng tawad.”“Gaano katagal mo pang ipagpapatuloy ang ganitong ugali?” Galit na sinigaw ni Anthony habang tumingin siya sa kanyang apo.Nagulantang din sa sandaling ito ang hindi gaano katandang lalaki mula sa pamilya Moore. Walang nag-aakala na mas magaling ang lakas at kakayahan ni Charlie kumpara sa tanyag na Dr. Simmons.Labis na nalilito rin si Reuben sa sandaling ito. Anong sinasabi ni Dr. Simmons? Sinasabi niya ba na magaling talaga ang biantang ito?Paano ito naging posible?Makakaasa ba talaga sila sa kanya?Nakumbinsi ba talaga si Anthony sa kakayahan ni Charlie?Sa sandaling ito, sumulyap si Charlie kay Xyla at nakikita niya na hindi talaga siya masaya. Ang mukha niya ay namumula sa galit at mayroon siyang nayayamot na ekspresyon sa kanyang mukha. Natatawa rito si Charl
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Kabanata 242

Pagkatapos niyang magsalita, tinuro ni Charlie ang hindi gaano katandang lalaki sa pamilya Moore bago niya sinabi, “Bukod sa mataas na blood pressure, ang ginoo na ito ay mayroon ding diabetes at mabilis na pagtibok ng puso. Bukod dito, ang ginoong ito ay may baling tadyang sa kanyang kaliwang dibdib at ito ay matagal na sugat na, mga sampung taon na ang nakalipas.”Nagulat nang sobra ang hindi gaano katandang lalaki mula sa pamilya Moore at sinabi sa paghanga, “Mr. Wade, ang galing talaga ng kakayahan mo sa medisina! Paano mo nalaman na mayroon akong diabetes? Namangha rin ako na kaya mong malaman na mayroon akong baling tadyang sa aking kaliwang dibdib. Nabali ang tadyang ko mula sa isang aksidente sa kotse 13 taon na ang nakalipas at iyon ang dahilan kung bakit may matandang sugat ako.”Ngumiti si Charlie bago niya tinuro si Reuben at sinabi, “Ang impeksyon mo sa baga ay nangyari dahil umiinom ka ng sobra at hindi kayang iproseso ng kidney mo ang mga ito. Bukod sa problema mo sa b
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Kabanata 243

Naintindihan na nang buo ni Xyla ang ibig sabihin ni Charlie.Binigyan siya ng respeto ni Charlie nang sinabi niya na may nakaligtaan siya, pero malaki ang binago nito!Nagulat din si Anthony sa sandaling ito.Nakikita ni Anthony na sinasadyang kontrolin ni Charlie ang kanyang paghinga at sinasadya niyang padaluyin nang paatras ang kanyang ispiritwal na enerhiya sa kanyang katawan upang gumawa ng isang ilusyon na ‘sakit sa puso’. Iyon ang dahilan kung bakit naloko ang apo niya.Gayunpaman, ang pagbaliktad ng daloy ng reiki sa katawan ay magsasanhi ng sobrang sakit at kahirapan.Gayunpaman, hindi lamang kayang kontrolin ni Charlie ang daloy ng reiki sa kanyang katawan ngunit malaya niya rin itong pinapagalaw sa kalmado at mahinanong paraan, tila ba wala siyang nararamdamang sakit. Mukhang tila ba nilinang niya na ang kakayahan niya sa limampu o isang daang taon!Alam ni Anthony na si Charlie ay isa ngang eksperto.Sa kabilang ako, sinusubukan pa ring galitin ng apo niya si Charli
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Kabanata 244

“Anong mahiwagang tableta iyon?” Nasorpresang tinanong ni Charlie.Talagang nauusisa siya sa kung anong klaseng mahiwagang tableta ito dahil naakit din dito si Anthony.Mabilis na nilabas ni Anthony ang isang kahon na jade sa kanyang bulsa at binuksan niya ito nang maingat. Pagkatapos, sinabi niya, “Gumastos ako ng limang milyong dolyar sa mahiwagang tableta na ito pero talagang sulit! Pagkatapos kong gamitin ang kalahati, mas maganda na ang pakiramdam ko. Iyon ang dahilan kung bakit dala-dala ko ang kalahati ng tableta. Mr. Wade, pakitingnan mo ito.”Mabilis na nagtipon ang mga tao sa paligid nia dahil guso nilang makita ang mahiwagang tableta na sinasabi ni Anthony. Hindi talaga nila maisip kung anong klaseng mahiwagang tableta ang talagang aakit sa doktor na ito.Sa sandaling binuksan ni Anthony ang kahon na jade, isang malakas na amoy ng medisina ang bumalot agad sa hangin.Pagkatapos ilabas ang kalahati ng mahiwagang tableta, naglabas si Anthony ng isang maliit na kutsilyo na
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Kabanata 245

Nagulat nang sobra si Anthony at wala siyang masabi.Nanginginig ang buong katawan niya sa sandaling ito...Hindi talaga siya makapaniwala na ang mahiwagang tableta na akala niyang binili niya sa isang maestro ay ginawa talaga ng isang binatang nasa harap niya...Bukod dito, sinabi pa ni Charlie na hindi pa ito tapos?Kung sobrang lakas na ng hindi tapos na produkto, hindi ba’t ang tapos na produkto ay mas epektibo pa?Nagulantang din ang hindi gaano katandang lalaki ng pamilya Moore sa sandaling ito at bigla siyang nasabik sa kanyang puso!Hindi niya maisip kung paano nakilala ni Jasmine ang isang diyos na tulad niya!Kung mapapanatiling kakampi ng pamilya Moore ang binatang ito, siguradong magiging malusog sila at maunlad.Ito ay dahil, kahit gaano pa kayaman o makapangyarihan ang isang tao, takot pa rin sila sa kamatayan!Kahit gaano karaming pera o kapangyarihan ang mayroon sila, ma-eenjoy lamang nila ito kung malusog sila!Kung magiging kakampi ng kahit sino ang young ma
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Kabanata 246

Sa opinyon ni Anthony, hindi man lang siya maikukumpara kay Charlie kahit na mabuhay pa siya nang limampung taon.Ang kakayahan sa medisina ng lalaking ito ay hindi mawari. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay kaya niyang gumawa ng isang epektibo at mahiwagang tableta. Talagang mala-diyos siya!Sa sandaling ito, ang mukha ni Xyla ay namutla at hindi niya na alam ang sasabihin niya. Sa totoo lang, hindi siya nakumbinsi sa kakayahan ni Charlie sa una pero ngayon ay talagang nakumbinsi na siya!Pagkatapos, sinabi nang walang bahala ni Charlie kay Anthony, “Dr. Simmons, kahit na epektibo ang medisina na binili mo para sa iyong sugat, may kulang pa itong ilang sangkap. Kaya, ang epekto ng tableta ay dalawampung porsyento lang para sa iyong kondisyon. Mangyaring bigyan mo ako ng ilang panahon upang makagawa ako ng kumpletong tableta para sa iyo. Naniniwala ako na gagaling nang buo ang pinsala mo pagkatapos gamitin ang tableta.”“Mr. Wade, salamat! Maraming salamat!”Labis na nagpapasalam
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Kabanata 247

Hindi talaga inaasahan ni Anthony na magsasalita nang mabuti si Charlie sa kanya at sa kanyang apo sa sandaling ito. Labis na nagpapasalamat siya at mapagpakumbaba habang sinabi, “Lord Moore, labis na mapagpakumbaba si Mr. Wade. Sa totoo lang, si Mr. Wade ang tumulong sa iyo na iwasan ang sakunang ito. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka namin magigising.”Tumango si Lord Moore bago sumagot nang magalang, “Matagal ko nang narinig ang reputasyon mo. Mangyaring huwag mong maliitin ang iyong sarili, masyado kang mapagpakumbaba. Nagpapasalamat talaga ako sa kabaitan mo at sa pagsisikap mong pumunta pa rito upang gamutin ako. Mangyaring huwag kang mag-atubiling hanapin ako kung kailangan mo ng tulong ng pamilya Moore sa hinaharap.”Pagkatapos, tumingin si Lord Moore kay Charlie bago sinabi, “Mr. Wade, salamat at niligtas mo ang buhay ko. Mangyaring huwag kang mag-atubiling kausapin ako kung may kailangan kang ipaga sa pamilya Moore sa hinaharap. Utang ko sa iyo ang aking buhay.”Ngumiti
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Kabanata 248

Tumingin si Charlie sa kanyang relo at naramdaman niya na hindi pa naman gano’n ka-gabi. Bukod dito, matagal na rin siyang hindi nakainom ng alak. Kaya, tumango siya at sinabi, “Sige. Ikaw ang pumili ng lugar!”Sobrang masaya si Jasmine sa sandaling ito at nagmadaling sumagot, “May alam akong magandang bar!”Pagkatapos, tinapakan ni Jasmine ang accelerator habang nagmaneho papunta sa gitna ng siyudad....Nagmaneho si Jasmine sa gitna ng siyudad at dumating sa isang bar na may pangalang Sunny.Inihinto ni Jasmine ang kanyang kotse sa harap ng pasukan ng bar bago niya pinasa ang susi ng kotse sa isang batang lalaki na nagtatrabaho bilang kamarero. Pagkatapos, mabilis niyang pinangunahan si Charlie papasok ng bar.Sa sandaling nakita siya ng waiter, binati niya siya nang magalang, “Magandang gabi, Miss Moore! Gusto mo bang pumunta sa iyong karaniwang lugar ngayon?”Tumango si Jasmine at sumagot agad ang waiter, “Mangyaring sundan mo ako.”Mayroong sahig ng sayawan sa unang palapa
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

Kabanata 249

Ngumiti si Jasmine pagkatapos makinig sa espesyal na hiling ni Charlie. Pagkatapos, sinabi niya, “Sige, gawin natin iyon! Dahil ito ang unang baso ng wine, ako na ang mauuna!”Pagkatapos, nilinis ni Jasmine ang kanyang lalamunan bago siya ngumiti nang matamis at sinabi, “Ang unang baso ng wine ay para pasalamatan ka sa pagligtas sa aking lolo ngayong araw! Gusto rin kitang pasalamatan dahil binigyan mo ako ng malaking pabor ngayon!”Tumango si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Sige, kung gano’n inumin na natin agad ang baso ng red wine na ito!”Pagkatapos niyang magsalita, itinaas ni Charlie ang baso ng wine bago niya ito marahan na idinikit sa baso ng wine na nasa kamay ni Jasmine. Pagkatapos, inubos niya ang buong baso ng red wine sa isang inom.Sa sandaling ito, natapos dini agad ni Jasmine ang kanyang buong baso ng red wine. Pagkatapos, ngumiti siya bago tinanong, “Mr. Wade, bakit hindi mo sabihin sa akin kung bakit natin iinumin ang pangalawang baso ng red wine?”“Sige,” ngu
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

Kabanata 250

Sa sandaling ito, mabilis na nagtanong si Charlie dahil sa pagkausisa, “Anong ibig mong sabihin?”Sumagot nang seryoso si Jasmine, “Mr. Wade, mukha kang isang sobrang simple at kaswal na tao pero napakagaling mo talaga at may kakayahan. Gayunpaman, kahit na magaling ka, hindi ka mayabang. Pagkatapos kitang makilala nang mas mabuti, napagtanto ko na hindi mo sinusubukang ipakitang-gilas ang kakayahan mo o abilidad pero pag may taong lumpampas sa limitasyon mo o hinamon ka, hindi ka mag-aalangan na ipakita sa kanila ang kaya mong gawin. Bukod dito, ang mga pamamaraan mo para gumanti o dumepensa ay kadalasang hindi mawari at kakaiba sa ugali ng isang ordinaryong tao.”Pagkatapos, nagpatuloy si Jasmine, “Ang pinakamahalaga, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagpasya na maging manugang ng pamilya Wilson at manatili sa bahay kahit na napakagaling mo at talentado. Ang pamilya Wilson ay isa lamang karaniwan o marahil third-rate na pamilya. Sa tingin ko ay mas marami kang magagawa da
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more
PREV
1
...
2324252627
...
560
DMCA.com Protection Status