Nagbuntong hininga nang malalim si Claire at sinabi, “Mahirap nang makakuha ng trabaho ngayon. Maghahanap lang ako at titingnan ko kung saan ako dadalhin ng swerte ko.”“Sa Emgrand kaya?”Umiling si Claire. “Niloloko mo ba ako? Hindi naman pamilihan ang Emgrand. Hindi ako pwedeng umalis at bumalik dahil lang gusto ko. Bukod dito, sobrang higpit ng pagsusuri nila at sistema ng pagmamarka, nakakahiya para sa akin na magsimula sa pinakamababa.”Nagbuntong hininga si Charlie at sinabi sa nagpapahiwatig na tono, “Mahal, sa tingin ko ay dapat mo nang simulan ang sarili mong negosyo!”“Simulan ang sarili kong negosyo?” Tinanong nang nasorpresa ni Claire. “Pero paano?”“Ilang taon ka nang nasa industriya, taya ko na mayroon ka nang sarili mong propesyonal na ugnayan at mga koneksyon ngayon. Nakikita ko na mukhang malapit sa iyo si Doris Young ng Emgrand Group. Bukod dito, umaasa sa akin si Zeke White na obserbahan at baguhin ang swerte niya, sa tingin ko ay susuportahan niya tayo nang sob
Dahil sa pagbibigay ng lakas at sigla ni Charlie, ginamit ni Claire ang buong gabi upang pag-isipan ang kanyang negosyo. Mukha siyang pagod sa sumunod na umaga dahil kulang siya sa tulog.Pagkagising, mabilis na pinapresko ni Claire ang kanyang sarili. Kumunot ang noo ni Charlie nang makita ito at tinanong, “Mahal, bakit hindi ka muna matulog? Bakit ka nagmamadali?”“Pupunta ako sa Millenium Enterprise. Hindi dapat ako mahuli.”“Millenium Enterprise? Interview ulit?”“Hindi.” Umiling si Claire at sinabi nang nahihiya pagkatapos ng maikling hinto, “Susubukan kong kumuha ng ilang proyekto para sa akin.”“Magaling!” Masayang ngumiti si Charlie. “Kung masisimula ka ng kumpanya sa konstruksyon, ako ang magiging unang empleyado mo.”“Sa tingin mo ba ay ang pagsisimula ng kumpanya sa konstruksyon ay parang paghahanda ng hapunan? Ang mga pondo at koneksyon ang pangunahing pamantayan para mabuhay at umunlad ang negosyo,” sinabi ni Claire. “Gusto kong magsimula mula sa isang maliit na opis
Mabilis na tumakas si Charlie sa bahay habang nag-aaway pa rin sila sa loob.Mas mabuti sa kanya na lumayo sa mga nakakainis na away mag-asawa.Pumunta si Charlie sa isang maliit na cafe, nag-order ng ilang meryenda, at nagpasya na gamitin doon ang malayang oras niya hanggang gabi.Isa itong sikat na kalye na puno ng kainan sa Aurous Hill, at maraming tao ang dumadaan dito.Nilalasap ni Charlie ang kanyang pagkain nang bigla niyang makita ang dalawang tao sa kabilang bahagi ng kalye, ang isa sa kanila ay sobrang pamilyar.Si Claire iyon, diba?Sa kabila ng kalye ay isang magandang restaurant. Nakita ni Charlie na nakaupo si Claire sa tabi ng isang malaking bintana sa pangalawang palapag, at sa kabila niya ay isang di gaano katandang lalaki na may suit at katad na sapatos na may ginintuang salamin.May hawak na folder si Claire at kinakausap nang walang tigil ang lalaki na tila ba pinapakita niya ang kanyang portfolio sa kanya at ang kanyang bagong tungkulin bilang isang freelanc
Ayaw kamayan ni Claire si Peter, pero dahil inalok niya ito, bastos naman na tanggihan siya. Kaya, kinagat niya ang labi niya at nag-aatubiling nilapit ang kanyang kamay.Nang si Peter ay tahimik na nasabik at susunggaban na ang mainam na kamay ni Claire, isang malaking kamay ang biglang lumitaw at sinunggaban nang mahigpit ang kamay niya.Nagulantang nang ilang sandali si Peter. Tumingala siya nang galit, at sinabi, “Ano!? Sino ka?”Itinaas rin ni Claire ang kanyang tingin at kaunting natulala sa nakita niya.“Charlie! Kailan ka pa dumating?”Pagkatapos ay mabilis siyang nagpaliwanag kay Peter, “Siya ang asawa ko.”Dumilim ang mukha ni Peter na tila ba may maitim na ulap na dumaan sa taas niya nang marinig niya ang salitang ‘asawa’.“Kadarating ko lang.” Ngumiti si Charlie kay Claire at humarap siya kay Peter, nagkukunwaring hindi niya nakita ang pagbabago sa kanyang ekspresyon, sinabi niya, “Ikaw si Peter Murray, hindi ba? Ang boss ng Millenium Enterprise?”Sinabi ni Peter na
Kinakabahan si Claire habangp pinapakinggan niya ang pagtatalo nila at sumingit, “Mr. Murray, maraming tulong si Charlie sa bahay. At saka, pakitawag akong Miss Wilson. Ang pagtawag sa unang pangalan ko ay hindi propesyonal.”“Ano naman ang ginagawa niya sa bahay? Pupunta sa pamilihan? Magluluto? Maglalaba?” Tumawa nang sarkastiko si Peter. “Claire, kung nahihirapan ang asawa mong makahanap ng trabaho, nagkataon na kumukuha ang kumpanya ko ng mga guwardiya. Pwede mong hayaan siyang subukan.”Pagkatapos, nagpatuloy siya nang may mapanglait na ngisi, “Claire, kung ako sa’yo, hindi ko papakasalan ang lalaking walang trabaho. Matagal ko na siyang hiniwalayan.”Sumimangot sa bagabag si Claire, bago pa siya makapagsalita, nararamdaman niya ang biglang lamig sa tabi niya.Lumingon siya at nakita si Charlie na tumayo na may ngiti sa kanyang mukha habang sinabi kay Peter, “Mr. Murray, mas mataas ka talaga sa reputasyon mo. Ngayong napunta sa akin ang karangalan na makilala ka, totoo nga, ba
Binuksan ni Charlie ang bibig niya, may gustong sabihin, pero itinikom niya ito at lumabas sa restaurant nang makita niya ang galit na mukha ni Claire.Ang lakas ng loob ng boss ng maliit na kumpanya na ito na maging mayabang sa harap niya? Nagpasya siya na gamitin na ang lahat ng swerte niya, tama?Kailangan pang maging maingat ni Claire sa g*gong iyon! Hindi niya alam na ang asawa niya ang pinakamakapangyarihan sa kanilang lahat?Sa sandaling ito, desperado siya na ilantad ang pagkakakilanlan niya kay Claire. Gusto niyang malaman niya na hindi niya na kailangan mag-alala sa hinaharap nila at hindi niya na kailangan maapi at pahirapan ng isang mababang boss ng isang pangkaraniwang kumpanya.Gayunpaman, pinigilan niya ang mga salita niya.Ang ibig sabihin ng paglalantad niya sa pagkakakilanlan niya ay opisyal niya nang tinanggap ang pamilya Wade at babalik sa kanilang yakap.Hindi, ayaw niyang bumalik.Nakatayo sa labas ng restaurant, tumingala si Charlie sa pangalawang palapag,
Nagulantang si Peter habang tinakpan niya ang kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. Pagkatapos nang ilang sandali, sumigaw siya kay Charlie.“Ikaw basura! Ang lakas ng loob mong sampalin ako!”Umirap si Charlie bago sinabi, “Bakit? Bakit hindi ako maglalakas ng loob na sampalin ko? Kung gusto kitang sampalin, kailangan mo lang ito tiisin.”Pagkatapos, itinaas ni Charlie ang kanyang kamay at sinampal ulit si Peter. Sa sandaling ito, ang pisngi ni Peter ay namamaga na.Kahit na sobrang nandidiri rin si Claire kay Peter, dalawang beses na siyang sinampal ni Charlie. Kaya, medyo nag-aalala siya at mabilis niyang sinabi, “Charlie, anong ginagawa mo? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na huwag kang gagawa ng gulo kahit kanino?”Hindi siya nag-aalala sa sarili niya pero nag-aalala siya na maghihiganti si Peter kay Charlie. Dahil, si Peter ay isang boss ng malaking kumpanya. Paano siya magiging kalmado pagkatapos sampalin ni Charlie?Totoo nga, talagang nainis at nairita si Peter sa sandali
Pagkatapos makatanggap ng sunod-sunod na sakuna, nagpawis nang sobra si Peter sa punto na hindi niya man lang kayang tumayo nang tuwid at kailangan niyang gamitin ang pader upang suportahan ang sarili niya.Hindi alam ni Claire kung sino ang tumawag kay Peter pero nakikita niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Peter pagkatapos sagutin ang tawag. Tila ba babagsak na agad siya.“Charlie, sa tingin mo ba ay masama ang pakiramdam ni Peter?”Ngumiti si Charlie bago siya sumgaot, “Oo, marahil ay may mali sa utak niya at nakalimutan niya kung sino talaga siya.”Patuloy na nag-panic ang sekretarya ni Peter sa kabilang linya pero hindi na naririnig ni Peter ang sinasabi niya. Masakit na tunog lang ang naririnig niya sa kanyang tainga at ang iniisip niya lang ay ang sinabi ni Charlie kanina.“Bankrupt ka na!”Nagpapawis si Peter at takot niyang itinaas ang kanyang ulo habang tumingin siya kay Charlie na may matatag na ekspresyon sa kanyang mukha.Paano nahulaan ni Charlie ang lahat ng ito?
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin
Pakiramdam ni Mr. Chardon na isa siyang tao na gustong manalo sa lotto ng isang daang taon pero hindi siya nanalo kahit isang beses. Ngayon, bigla siyang nanalo ng dalawang jackpot nang magkasunod.Sa madaling salita, katumbas ito sa pagbili ng mga lotto ticket habang buhay at hindi nanalo ng kahit consolation prize na limang dolyar. Bilang resulta, bigla niyang napanalunan ang grand prize para sa Mega Millions at Grand Lotto!Ang kanyang isang daan at limampu’t anim na taon na karanasan sa buhay ay hindi nagduda kung isa ba itong patibong. Sobrang simple rin ng dahilan kung bakit hindi siya nagduda. Ito ay dahil kaunting mahiwagang instrumento lang din ang pagmamay-ari ng British Lord.Nagsikap nang napakaraming taon si Mr. Chardon para sa British Lord, at binigyan lang siya ng British Lord ng isang mahiwagang instrumento na magagamit niya para sa self-defense. Bukod dito, ang mahiwagang instrumento ay hindi isang regalo mula sa British Lord. Kailangan itong ibalik ni Mr. Chardon s
Pagkatapos makipagkita ni Charlie kay Zachary sa opisina ni Isaac, tinanong niya siya, “Dinala mo ba ang Thunderstrike wood na binigay ko sayo?”Kinuha ni Zachary ang Thunderstrike wood sa bulsa niya, binigay ito kay Charlie, at sinabi, “Dinala ko ito. Tingnan mo ito, Master Wade.”Tumango si Charlie at sinabi sa kanya, “Zachary, lumabas ka muna at hintayin mo ako saglit.”Sinabi ni Zachary nang walang pag-aatubili, “Okay! Master Wade, huwag ka sanang mag-atubili na tawagan ako kung may kailangan ka.”Pagkatapos ay umalis nang magalang si Zachary sa opisina.Mabilis na ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para ayusin ang formation sa Thunderstrike wood. Makalipas ang ilang minutos, pinapasok niya si Zachary, binigay ang Thunderstrike wood na naayos sa kanya, at naglagay ng ilang Reiki kay Zachary habang sinabi, “Zachary, bumalik ka na dala-dala ang Thunderstrike wood na ito. Kung tatanungin ka ng kabila tungkol sa mga detalye ng paghuhukay ng libingan o kung may ibang produkto ka
Pagkatapos ng tawag ni Zachary kay Landon, inulat niya agad ang sitwasyon kay Charlie.Si Charlie, na natanggap ang tawag, ay dumating na sa Champs Elys Resort. Balak ni Charlie na manatili dito hangga’t maaari upang maiwasan ang kahit anong emergency dahil hindi malayo ang Champs Elys Resort sa Willow Manor, kung saan nakatira ang lolo at lola niya.Kaya sinabihan niya si Isaac na maghanda ng isang malakas na rescue helicopter para manatili dito palagi upang direktang makaalis ang helicopter at makarating sa Willow Manor sa loob ng dalawa o tatlong minuto kung may emergency.Agad namangha si Charlie nang marinig niyang sinabi ni Zachary na may tao sa airport na handang magbayad ng three million dollars para bilhin ang jade ring na inihanda niya.Alam ni Charlie na sa wakas ay nandito na ang taong hinihintay niya!Hula niya na siguradong pupunta sa Aurous Hill ang mga tao mula sa Qing Eliminating Society, pero hindi niya inaasahan na sobrang bilis nilang pupunta!Pagkatapos ay ti
Tuwang-tuwa si Landon at sinabi nang nagmamadali, “Okay, Mr. Zachary. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mandaya… Ah, hindi, ang ibig kong sabihin, para magpakilala ng mas maraming customer sayo!”Pinaalalahanan siya ni Zachary, “Huwag kang mag-focus sa pagkuha ng mas maraming customer. Baka malapit nang dumating ang malaking customer mula sa Hong Kong, at iyon ang totoong malaking investor!”Sinabi nang sabik ni Landon, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary! Siguradong hindi ko ito palalagpasin!”Pagkatapos ibaba ang tawag, sabik na naglakad nang pabalik-balik si Landon. Hindi niya alam na narinig na ni Mr. Chardon ang buong usapan nila ni Zachary.Walang napansin na kakaiba si Mr. Chardon sa usapan nina Landon at Zachary. Sa kabaliktaran, mas lumakas ang hula niya kanina, at naniniwala siya nang sobra na ang ibang bagay na binanggit ni Zachary ay maaaring ibang mahiwagang instrumento.Sabik na sabik siya nang maisip ito. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng isang mahiwagan
“Gusto mo itong bilhin?”Tumango si Mr. Chardon at sinabi, “Oo, gusto ko itong bilhin. Bigyan mo sana ako ng presyo para sa singsing na ito!”Nang marinig ni Landon na tinatanong ni Mr. Chardon ang presyo ng singsing, agad niyang naisip nag dating utos ni Zachary. Kailangan niyang magbigay ng napakataas na presyo na mahigit isang beses sa market price ng singsing kahit sino pa ang gustong bumili sa singsing na ito.Hindi naintindihan ni Landon kung bakit ito ginagawa ni Zachary, pero dahil binabayaran lang siya para tapusin ang mga bagay-bagay, kailangan niyang gawin ang papel niya ayon sa pinag-usapan. Nandito lang siya para magsundo ng tao, at kailangan dumiretso ng matandang lalaki kay Zachary kung gusto niya talagang bilhin ang jade ring na ito. Kaya, nag-isip siya saglit. Ang jade ring na ito ay nasa 30 o 50 thousand dollars, kaya kailangan niyang magbigay ng presyo na nasa three o five million dollars kung kailangan niyang pataasin ng isang daang beses ang presyo ayon sa mar
Sa sandaling naglagay si Mr. Chardon ng ilang Reiki sa singsing, naramdaman niya agad ang formation na mabagal na umaandar sa singsing.Nagulat agad siya at inisip niya, ‘Patuloy ang pag-andar ng formation na ito, kaya ano kayang epekto nito.’Kahit na na-master na ni Mr. Chardon ang Reiki, wala siyang masyadong alam sa mga mahiwagang instrumento at formation.Kahit na may kahoy na ispada siya at may attack formation sa kahoy na ispada, kaya niya lang itong gamitin pero hindi ito kayang linlangin.Hindi niya naiintindihan ang misteryo ng formation o naiintindihan ang mga pangunahing prinsipyo at lohika ng formation.Kaya, nang makita niya ang formation na iniwan ni Charlie sa singsing, biglang hindi niya malaman kung ano ang layunin ng formation na ito.Sa totoo lang, ang formation na ito ay isang passive defense formation na nakatala sa Apocalyptic Book. Sa sandaling inatake ang taong may suot ng mahiwang instrumento, agad gagana ang formation, gamit ang sarili nitong enerhiya p
Habang kinokolekta ang pera at pinupuri si Mr. Chardon, hindi nakalimutan ni Landon na bolahin siya habang sinabi, “Tatang, mukhang isa ka ring eksperto! Maaari ba na isa ka ring tomb raider noong bata ka pa?”Ang ibig sabihin ni Landon ay posibleng isang tomb raider si Mr. Chardon na gumawa ng isang tomb-robbing team at nagsilbing pangunahing tao sa team na ito.Kinaway ni Mr. Chardon ang kanyang kamay at sinabi nang nakangiti, “Kaunti lang ang alam ko sa mga antique, pero wala akong alam sa paghuhukay ng mga libingan.”Sa totoo lang, wala talagang masyadong alam si Mr. Chardon sa paghuhukay ng mga libingan.Noong bata pa siya, narinig na niya ang ilang mga tomb raider at mga nangyaring paghuhukay ng libingan, pero ang pangunahing punto ay nagsasanay siya ng Taoism sa templo ng buong taon, at wala siyang interes sa paghuhukay ng libingan o mga kultural na relikya, kaya kaunti lang ang alam niya sa paghuhukay ng libingan.Pero, matagal na siyang nabubuhay, at ang dami ng impormasy
“Oo!” Sinabi ni Landon nang walang pag-aatubili, “Nasa dalawampu o tatlumpung taon na siya sa antique business. Siguradong isa siyang manloloko… ah, hindi, siguradong magaling siya sa mga antique, calligraphy, at mga sinaunang painting!”Tumango si Mr. Chardon, pagkatapos ay naglabas pa ng ilang isang daang dolyar na papel at binigay ang mga ito kay Landon habang sinabi nang nakangiti, “Iho, maaari mo ba akong ipakilala sa boss mo? Gusto ko talaga siyang makilala.”Tumingin si Landon sa matandang lalaki at nakita niya na mukhang handa ang matandang lalaki na mag-alok ng pera sa kanya, kaya agad siyang nagkaroon ng plano sa isipan niya. Sadya siyang umubo nang dalawang beses bago sinabi nang seryoso, “Tatang, dapat alam mo rin na may mga patakaran sa industriya namin. Hindi kita kilala, kaya hindi kita pwedeng dalhin para makita ang boss ko nang gano’n lang. Kung undercover ka at pinuntirya mo kami, hindi ba’t tapos na ang buong buhay ko?”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Oh,