Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 201 - Chapter 210

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 201 - Chapter 210

5580 Chapters

Kabanata 201

Nagulat nang sobra si Lady Wilson.Paano ito nangyari?Hindi siya makapaniwala na may kapangyarihan si Charlie na impluwensyahan ang pamilya White na ikansela ang kasal sa pamilya Wilson!Tila ba sumasakit ang puso niya habang iniisip niya ito.Gustong magmakaawa si Lady Wilson kay Zeke na huwag iwan ang pamilya Wilson. Gayunpaman, hindi siya pinansin ng kabilang partido. Pagkatapos i-anunsyo na ipapawalang bisa nila ang kasal sa pagitan nina Gerald at Wendy, tumalikod agad si Zeke at umalis na ng villa ng pamilya Wilson kasama si Gerald.Nasira nang buo si Wendy at hindi niya mapigilan ang kanyang pag-iyak.Matagal niya nang sinusundan si Gerald, binibigay ang lahat nang mayroon siya sa kanya. Nabuntis pa siya sa kanyang anak, pero, iniwan niya siya sa sandaling ito!Hindi niya mapigilan na magkaroon ng poot at sama ng loob sa kanyang lola.Malungkot din si Christopher sa oras na iyon. Kumilos siya at kinalaban ang pamilya ng kapatid niya dahil sa utos ng matandang babae, pero
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more

Kabanata 202

Ito ay isang kidlat na biglang lumitaw para kina Lady Wilson at Christopher!Pinag-uusapan lang nila kanina na kailangan nilang umasa sa Emgrand Group upang makaalis sa problema, pero ngayon, nandito ang kinatawan ng Emgrand Group upang ipatigil ang kontrata at ang kahit anong kolaborasyon kasama sila! Bukod dito, sinabi pa nila na hindi na sila makikipagtulungan sa kanila kahit kailan!Ito...Malaking suntok ito sa Wilson Group!Nanginig ang matandang babae at tinanong, “Abogado, anong nangyayari? Bakit ito nangyayari? Hindi ba’t tagumpay naman ang lahat ng mga kolaborasyon natin?”Sumagot nang malamig ang abogado, “Oo, totoo nga na maganda ang trabaho at kooperasyon namin ni Miss Claire dati. Gayunpaman, narinig namin ang balita na umalis na si Miss Claire sa Wilson Group. Kaya, hindi na kami interesadong makipag koopera o makipag kolaborasyon sa Wilson Group.”Napagtanto ni Lady Wilson na ang lahat ng ito ay dahil kay Claire!Nagalit siya!Bakit!?Bakit mayroon siyang walan
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more

Kabanata 203

Ang balita na na-blacklist ang Wilson Group ng Emgrand Group ay mabilis na kumalat sa Aurous Hill.Sa oras na ito, alam na ng lahat sa Aurous Hill na tapos na ang pamilya Wilson. Ang balita rin na na-hospital ang matandang babae sa sandaling narinig niya ang kahihinatnan ng Wilson Group ay kumalat din nang mabilis.Si Jacob, ang biyenan na lalaki ni Charlie, ay hindi man lang nasorpresa nang marinig ang balita.Kalmado niyang sinabi sa kanyang anak na babae at sa kanyang manugang, “Ganyan talaga ang ina ko. Lagi niyang gustong kontrolin ang ibang tao sa buong buhay niya. Dumating na ang panahon na nagdusa siya sa kanyang mga ginawa! Hindi na natin kailangan maawa. Dapat natin siyang bigyan ng oras na magsisi siya sa hospital. Marahil, maiintindihan niya na kung ano ang maling ginawa niya sa kanyang buhay!”Naluwagan si Charlie dahil bihira lang kay Jacob na hindi unahin ang mga bagay tungkol sa kanyang ina.Pagkatapos huminga nang maluwag, palihim na naghanap ng trabaho si Claire.
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more

Kabanata 204

Sino ang malas na mayamang tao na naloko ng mapagsamantalang taong iyon?Hindi maiwasang itanong ni Charlie kay Jacob, “Kanino ibenenta ni Zachary ang mga tableta?”“Hindi ko sigurado. Sinabi sa akin ni Zachary na kailangan niyang panatilihin ang etika ng pagiging propesyonal niya at dapat ay kumpidensyal lang ang mga impormasyon ng kanyang kliyente.”Pagkatapos niyang magsalita, umiling si Jacob at nagbuntong hininga, “Binigay sa akin ni Zachary ang limang daang libong dolyar at sinabi niya sa akin na ginawan niya ako ng pabor upang galangin ka. Sinubukan ko siyang bigyan ng komisyon, pero tinanggihan niya ang mga pera mula sas akin. Magaling talaga siyang tindero, pero sayang at manloloko siya. Pinayuhan ko siya na magtrabaho siya ng marangal.”Umiling si Charlie. Talagang imposibleng mag-iba ng trabaho si Zachary!Siya ay manloloko na sa pagbebenta ng mga antigo simula noong bata pa siya, at naging gawi niya na ito. Kung magtatrabaho siya ng marangal na trabaho sa opisina, mara
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more

Kabanata 205

Ang pamilya Moore ay isa sa pinakamataas na pamilya sa Aurous Hill.Gayunpaman, ang pamilya Moore ay hindi maikukumpara sa pamilya Wade pagdating sa kanilang katayuan o reputasyon.Hindi alam ni Jasmine ang tunay na pagkakakilanlan ni Charlie, at sa kanyang mga mata, si Charlie ay isang lang binata na may kakayahan at abilidad sa mga antigo pati na rin may kaalaman sa metaphysics.Nang tinawag ni Charlie ang Thunder Oder at ginamit ang kulog at kidlat upang patayin si Jack sa mansyon ng pamilya White, totoo ngang tinakot niya nang sobra ang mga tao. Gayunpaman, tinago ni Charlie ang katotohanan kay Charlie at sinadya niya na sabihin sa kanya na nagkataon lang ito. Dahil, paano makakatawag ang isang ordinaryong tao tulad niya ng kulog at kidlat kahit kailan niya gusto.Kaya, nalito rin nang sobra si Jasmine at inisip na sobrang swerte lang talaga ni Charlie.Simula noon, tuluyang naglaho si Jasmine sa mundo ni Charlie.Sa una ay inakala ni Charlie na nawawala lang siya, gayunpaman
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more

Kabanata 206

Pagkatapos bumaba ni Charlie, si Albert, na nakaupo sa loob ng kotse, ay sinabi agad kay Charlie. “Mr. Wade, pumasok ka na po sa kotse!”Tumango si Charlie bago siya mabilis na pumasok sa kotse. Nagmaneho agad si Albert sa sandaling nakapasok si Charlie sa kotse at pumunta sila sa dakong labas ng bayan.Sa daan papunta, sinabi nang nababalisa ni Albert, “Narinig ko na pupunta rin isang sikat at kagalang-galang na maestro ng Feng Shui mula sa Hong Kong. Mr. Wade, hindi mo siya maaaring hayaan na agawin ang gawain mo!”Pagkatapos, nagpatuloy si Albert. “Si Miss Moore ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Moore, at malapit na rin niyang pamahalaan ng negosyo ng pamilya Moore. Kung maliligtas natin siya sa suliraning ito, siguradong aalagaan niya tayo sa hinaharap!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Albert, hindi ka pala gano’n kabait. Kahapon, sinabi mo sa akin na ang dahilan kung bakit nag-aalala ka kay Jasmine ay dahil gusto mong bayaran ang kabaitan ng lolo niya. Gayunpaman, lum
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more

Kabanata 207

Kahit na malinaw na kinamumuhian ng mayordomo si Albert, hindi nagalit si Albert. Bagkus, patuloy siyang nakipag-usap nang magalang kay Oscar habang nakangiti. “Tingnan mo ito, Tito Oscar. Ang mga kaharap na problema ni Miss Moore ay mas nagiging malubha. Lahat tayo ay nag-aalala sa kanya! Bukod dito, hindi tayo sigurado na malulutas ni Master Lennard ang mga problema ni Miss Moore.”Nang marinig ito, sumagot nang malamig si Oscar, “Sa tingin mo ba talaga ay makakahanap ka ng taong kasing galing ni Master Lennard? Mangyaring umalis ka na agad. Hindi mo mababayaran ang maagiging pagkalugi ng pamilya Moore kung guguluhin mo si Master Lennard habang binabasa niya ang Feng Shui ni Miss Moore!”Balisang kinamot ni Albert ang kanyang ulo dahil hindi niya inaasahan na pipigilan sila ni Oscard na pumasok sa villa. Kung hindi sila papapasukin ni Oscar, paano matutulungan ni Charlie si Jasmine?”Habang pinag-isipan niya ito, biglang sinabi ni Albert, “Tito Oscar, narinig mo na ba ang tungkol
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more

Kabanata 208

Sa sandaling iyon, sa kwarto, isang payat na di gaano katandang lalaki na may asul na damit ay hawak-hawak ang isang compass habang tumitingin siya sa paligid ng kwarto, bumubulong ng mga salita. Si Jasmine ay nakatayo habang nakatalikod siya sa pinto. Gayunpaman, sa sandaling narinig niya na may kumatok sa pinto, tumalikod siya at tinanong, “Tito Oscard, may mali ba?”Sumagot agad si Oscard, “Miss Moore, dinala ni Albert si Mr. Wade dito upang tulungan ka sa iyong Feng Shui.”Tumalikod si Jasmine dahil nasorpresa siya nang sobra nang makita niya si Charlie. “Charlie, bakit nandito ka?”Nang tumingin si Charlie kay Jasmine, napagtanto niya na tunay nga na mukhang mas pagod siya kumapra noong nagkita sila ilang araw na ang nakalipas. Ayon sa Apocalyptic Book, may mga anino sa kanyang noo, at tila ba may mali talaga sa kapalaran niya sa sandaling ito.Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Sinabi sa akin ni Albert na may problema ka, kaya dinala niya ako dito para tingnan ang Feng
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Kabanata 209

Nang marinig ni Jasmine na nahanap na ni Master Lennard ang pinagmulan ng mga problema niya, nasabik siya nang sobra at mabilis na sinabi, “Master Lennard, dahil nahanap mo na ang pinagmulan ng mga problema ko, bubuti ba ang kapalaran ko pagkatapos kong tanggalin ang nakapasong halaman?”“Sa kasamaang-palad, hindi.” Sumagot si Master Lennard na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. “Dapat mong maintindihan na ang pormasyon ng Feng Shui ay isang pormasyon na hindi nakikita. Kahit na tanggalin mo ang nakapasong halaman, hindi mo matatanggal ang impluwensya na iniwan nito sa pormasyon ng Feng Shui.”Mabilis na tinanong ni Jasmine, “Kung gayon, ano ang dapat kong gawin?”Sumagot si Master Lennard, “Dapat kang maglagay ng isang bagay na nagpapaalis ng demonyo na ginawa ng isang maestro ng Feng Shui sa bintana sa halip na halamang nakapaso na iyon. Sa ganoong paraan, tuluyan mong mapupuksa ang lahat ng problema mo, at sa sandaling iyon, ang swerte mo ay patuloy na dadaloy mula sa sil
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Kabanata 210

Mabilis na tinago ni Master Lennard ang cheque bago siya naglakad papunta sa bintana at tinanggal ang nakapasong halaman. Pagkatapos, inilagay niya ang kalsedonyang bato sa bintana habang umawit siya ng mga dasal.Umirap si Charlie sa sandaling nakitan iya ang eksenang ito.Napagtanto niya na hindi talaga alam ni Master Lennard ang ginagawa niya. Bukod dito, mas lalo niya pang pinalaki ang sakuna!Ayon sa Apocalyptic Book, pinag-aralan na ni Charlie ang kakaibang pangyayari na nakita niya nang tiningnan niya ang kwarto ni Jasmine.Nararamdaman niya ang nakakatakot na pormasyon ng Feng Shui sa kwartong ito, at napagtanto niya na ang Feng Shui sa kwartong ito ay ang ‘dragon encapsulation formation’.Tulad ng sinabi sa pangalan, kahit isang dragon pa ang nakatira sa ilalim ng pormasyon ng Feng Shui na ito, makukulong din ito. Kung ganoon, paano makakatakas ang isang ordinaryong tao dito?Kaya, kahit gaano pa kaswerte ang isang tao, ang mga taong nakatira sa ilalim ng ‘dragon encapsu
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more
PREV
1
...
1920212223
...
558
DMCA.com Protection Status