Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2141 - Chapter 2150

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2141 - Chapter 2150

5675 Chapters

Kabanata 2141

Nang ihagis ni Charlie ang huling lalaki sa ere, napagtanto ng lalaki na nasa kaliwang bahagi siya ng barko, samantalang nasa kanang bahagi naman ang sinasakyan nila ni Rosalie!Dagdag pa roon, sa lakas ni Charlie, higit sa sampung metro ang layo ng binagsakan niya! Lumublob siya sa malamig na tubig-alat pagkatapos siyang gawing projectile ni Charlie.Hindi malayo ang lokasyon nila sa open sea. Dito pa lang, ilang libong metro na ang lalim ng tubig. Dahil taglamig ngayon, nanunuot sa buto ang temperatura ng dagat ngayon!Nang malaglag siya sa dagat, sa lakas pa lang ng pagkakahagis sa kanya, nakaramdam siya ng matinding sakit sa katawan niya. Sumunod, nang maramdaman niya ang lamig ng tubig, pakiramdam niya nalaglag siya sa loob ng isang refrigerator!Sa ganitong sitwasyon, wala na siyang magawa kundi sumubok na lumangoy pabalik sa kanilang barko.Pero, dahil malakas ang hangin at alon ngayon, kahit ano pang langoy ang gawin niya, hindi niya magawang makalapit sa barko nila. Hindi
Read more

Kabanata 2142

Galit na nagsalita si Rosalie, “Bata! Sino ka para bastusin ang pamilya Schulz!”Ngumiti si Charlie, “Oh? Binabastos ko ba sila? Sinasabihan na kita bago pa mahuli ang lahat, sisiguraduhin kong magmamakaawa si Cadfan Schulz at Sheldon Schulz sa mga paa ko balang araw!”Nakaramdam ng bagting si Rosalie sa ulo niya at para bang sasabog na siya!Si Cadfan ang lolo niya at si Sheldon ang ama niya!Salamat sa brainwashing ng nanay niya simula kabataan niya, matagal niya nang hinahangaan ang ama niya.Kaya, sa pagkakataong ito, gusto niyang patayin si Charlie para sa pang-iinsulto nito sa tatay niya!Hinatak niya ang isang maliit na kutsilyo mula sa kanyang baywang at nagsalita siya sa isang malamig na boses, “Bata, maghanda ka nang mamatay! Tanggapin mo ito!”Sumunod, umamba si Rosalie habang galit na galit papunta kay Charlie!Sa pagkakataong ito, nilalamon siya ng kanyang galit kaya wala na siyang paki kung sino ang mas malakas sa kanilang dalawa o kung sino ang mananalo sa laban.
Read more

Kabanata 2143

Walang kinakatakutan ang kasalukuyang Charlie. Hindi siya nababahala sa pamilya Wade o sa pamilya Schulz.Sa lakas at kapangyarihan niya, posible pa ring tapusin niya ang buhay nila Cadfan at Sheldon kahit sampung libong tao pa ang pumoprotekta sa kanila.Ang dahilan kung bakit hindi niya pa hinahabol ang pamilya Schulz para pabagsakin sila ay dahil naghihintay siya ng tamang oras para patumbahin sila sa pinakamahina nilang pagkakataon.Hindi lamang gustong maungusan ni Charlie ang pamilya Schulz, kundi gusto niya ring masiguro na siya ang mangunguna sa business industry. Sa ganitong paraan, mapupuwersa niya ang pamilya Schulz na lumuhod sa harap niya.Hindi alam ni Rosalie ang tunay na kakayahan ni Charlie. Pakiramdam niya lang na masyadong malakas si Charlie bilang isang martial artist pero hindi ibig sabihin magagawa niyang talunin nang mag-isa ang buong pamilya Schulz!Subalit, alam ni Rosalie na wala na ring kuwenta ang mga sasabihin niya. Sa ngayon, kailangan niyang tumakas
Read more

Kabanata 2144

Iniwasan ni Rosalie ang titig ni Charlie. Hindi siya naglakas loob na sumagot dahil sa takot na maihayag ang katotohanan.Natatakot siyang malaman ni Charlie na anak siya sa labas ni Sheldon. Kapag nangyari ito, hindi lang siya gagamitin ni Charlie bilang hostage para pagbantaan ang tatay niya pati na rin ang buong pamilya Schulz, kundi baka ihayag pa nito ang katotohanan sa publiko.Kahit umaasa siya na i-anunsyo ni Sheldon sa mundo na anak siya nito, alam niyang kapag ginawa nila ito, masisira ang reputasyon ni Sheldon bilang pinakamatandang anak ng pamilya Schulz, bilang asawa, bilang tatay sa mga anak niya, siguradong magdadala ito ng negatibong pinsala sa kanilang pamilya.Gusto lamang ni Rosalie ng kaunting pagmamahal sa kanyang ama pero kailanman hindi niya inisip na bigyan ito ng problema. Sa loob niya, natatakot siyang mapapansin ni Charlie ang kakaibang bagay na ito.Nang mapansin ang pag-iwas sa tingin ni Rosalie at pagiging walang kibo nito, naramdaman ni Charlie na may
Read more

Kabanata 2145

Nanghuhula lamang si Charlie at mula sa naobserbahan niyang reaksyon ni Rosalie, sa hindi inaasahang pagkakataon, nang marinig niya ang mga akusasyon, nanginig nang matindi ang babae.Sa puntong ito, sigurado na si Charlie na tama ang hula niya.Anak nga talaga sa labas ni Sheldon si Rosalie!Kaya pala!Kaya pala handang gumastos ang pamilya Schulz ng malaking halaga para lang iligtas siya sa hukuman ng Japan!Anak pala ni Sheldon ang babaeng ito!Mukhang mas nagiging kasabik-sabik ang lahat!Samantala, napatulala naman si Rosalie!Hindi niya inaakalang mahuhulaan agad ng lalaking ito ang tunay niyang pagkatao sa loob lamang ng maiksing oras!Dalawa lang ang nakakaalam sa buong pamilya Schulz ng tunay niyang pagkatao. Si Sheldon lang at si Cadfan!Kahit si Sophie at Jaime ay wala ring alam na magkapatid silang tatlo kahit naging bodyguard na siya ng dalawa!Syempre, wala ring alam ang asawa ni Sheldon sa bagay na ito.Natatakot si Rosalie na ibunyag ni Charlie ang bagay na
Read more

Kabanata 2146

Hindi makaimik si Rosalie nang marinig niya ang tanong ni Charlie.Simula bata pa siya, sumailalim na siya sa brainwashing ng nanay niya. Dahil dito, matindi ang kanyang debosyon sa pamilya Schulz. Sa ganitong klase ng lugar, matindi ang kanyang paniniwala na dapat niyang ibigay ang lahat para kay Sheldon kahit kapalit man nito ang buhay niya.Pero syempre, hindi niya sasabihin ang bagay na ito kay Charlie. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagmamakaawa, “Sir, maiksi lang ang buhay ko pero hindi ako nagmamakaawa sa kahit sino. Ngayong araw, pakiusap, patayin niyo na lang ako. Tumigil na kayo sa pagpapahirap sa akin. Pakiusap…”Umiling si Charlie at walang emosyon siyang sumagot, “Hindi pwede. Pasensya na, hindi ka mamamatay ngayong araw!”***Samantala, sa cockpit ng kabilang barko, nagulantang ang captain pati na rin ang ibang crew sa nakikita nilang senaryo!Hindi nila maintindihan kung bakit nakatayo lang si Rosalie sa kanyang puwesto na para bang may mahikang pumipigil sa kanya pa
Read more

Kabanata 2147

Sa lapit ng distansya, sigurado si Mr. Good na sapat na ang lakas ng heavy-duty compound crossbow para masira ang bungo ng isang tao.Bukod pa roon, isang top assassin si Mr. Good at magaling siya sa kanyang armas, sigurado siyang mapapatay niya si Charlie sa isang palaso lang.Nagtatrabaho siya bilang assassin sa loob ng 15 na taon at hindi pa siya nabibigo na patayin ang target niya gamit ang crossbow niya.Sa isang kurap ng mata, pinuntirya niya ang crossbow papunta kay Charlie saka niya hinatak ang gatilyo nang walang pag-aalangan!Maririnig ang malutong na tunog ng pisi kasunod ang pagbulusok ng palaso na gawa sa titanium alloy at carbon fiber. Patungo na ito sa sentido ni Charlie!Higit sa 100 metro bawat segundo ang bilis ng normal na palaso, bukod pa roon, killing machine naman talaga ang isang heavy-duty compound crossbow. Sa kombinasyong ito, aabot ng halos 200 metro bawat segundo ang bilis ng palaso ngayon.Sa ganitong bilis, hindi hihigit sa kalahating segundo ang ora
Read more

Kabanata 2148

Kahit ayaw aminin ni Rosalie ang sarili niyang mga pagkukulang, hindi niya pa rin mapigilang mapabilib sa lakas at hindi normal na kakayahan ni Charlie. Talagang malayo ito sa pagkakaunawa niya sa martial arts.Ngumisi si Charlie at lumingon siya sa kabilang barko.Habang hawak ang compound crossbow, nagitla si Mr. Good sa titig ni Charlie. Nag-alangan siya saka siya bumulong sa captain, “Kahit tumama man ang palaso ko o hindi, kailangan mong gamitin ang full speed ng barko para makaalis tayo rito! Kailangan nating bilisan! Masyadong malakas ang lalaking iyan. Mas mabuting lumayo tayo sa kanya hangga’t kaya natin!”Agad na inilagay ng captain ang kamay niya sa engine power gear habang kinakausap ang isang crew, “Pagkatapos ni Mr. Good sa pangalawang palaso, mag-hard-a-port ka. Kasabay nito, magiging full speed ang takbo natin. Nauunawaan mo ba ako?”Agad na sumagot ang crew, “Opo, captain!”“Mabuti naman!” Tumango ang captain at napatitig siya kay Mr. Good habang kinakabahan.Hum
Read more

Kabanata 2149

Napahiyaw sa takot ang lahat ng nasa loob ng barko nang marinig ang sinabi ng isang kasamahan nila!Sa pagkakataong ito, walang kahit sino sa kanila ang kayang lumaban kay Charlie!Tinamaan si Rosalie ng palasong may lason at malapit na siyang mamatay, samantala, itinapon sa dagat ang iba pang mga martial artists ng pamilya Schulz. May iba ring tuluyan nang nalunod dahil sa pagod at lamig ng tubig.Si Mr. Good na lamang ang natitira. Nakatago siya sa loob ng barko at hindi rin alam ni Rosalie ang tungkol sa kanya.Pero, patay na si Mr. Good ngayon. Isang palaso lang ang nagpatumba sa kanya.Tanging mga miyembro na lang ng crew pati na rin ang captain ang natitira. Wala silang alam sa martial arts kaya mas lalong wala silang laban kay Charlie.Habang nanginginig sila at hindi nila alam ang gagawin, biglang sinipa ni Charlie ang pinto ng cockpit para pumasok.Nang magpakita si Charlie, takot na takot ang buong crew sa puntong nanghihina ang mga tuhod nila. Isa sa kanila ang tuluya
Read more

Kabanata 2150

Takot na takot ang captain sa puntong naihi siya sa pantalon niya habang sumisigaw, “Pakiusap! Pakawalan mo ako! Sasabihin ko na ang lahat ng alam ko!”Sumunod, nasamid siya, “Ako lagi ang in charge sa cruise ship ni Lord Schulz. Pero sa pagkakataong ito, pinadala niya ako rito para sa isang bagay. Sa totoo lang, walang balak si Lord Schulz na iligtas si Miss Schulz ngayong gabi. Masyadong magastos ang pagsagip sa kanya at matindi rin ang problemang kakaharapin nila kung sakali kaya iba talaga ang plano niya…”Napasimangot si Charlie, “Ano ba talaga ang plano niya?”Sumagot nang diretso ang captain, “Ayon sa plano niya, aalis ang barko ngayong gabi, didiretso kami sa isang bahagi ng karagatan kung saan nanghihintay ang Maritime Self-Defense Force para sugurin kami. Pagdating namin doon, agad nila kaming tatambangan para mahuli si Miss Schulz…”Lalo pang nalito si Charlie. “Ipapahuli niyo siya? Pero bakit? Bakit niya ipapahuli ulit si Rosalie pagkatapos pagsumikapang itakas siya?”
Read more
PREV
1
...
213214215216217
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status