Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2121 - Chapter 2130

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2121 - Chapter 2130

5675 Chapters

Kabanata 2121

Napatitig si Charlie kay Shinwa. Kita ang pananabik sa mukha ng president ng Nippon Steel. Tinapik ni Charlie ang mesa nang dalawang beses saka siya ngumiti, “Mr. Watanabe, ako, si Charlie Wade, hindi ako magsasabi ng kahit anong bagay na hindi ako sigurado. Kung hindi kita mapapagaling, hindi ko babanggitin ang ganitong bagay.”Agad na natuwa si Shinwa sa sagot ni Charlie. Hindi niya mapigilang bumulalas, “Mr. Wade, kung talagang mapapagaling mo ako, handa akong pumayag sa kahit anong kondisyon mo!”Kahit hindi kasing yaman ni Yahiko si Shinwa, masasabi pa ring isa siya sa pinakamayamang tao sa Japan.Dahil marami siyang pera, hindi na ito ang hinahanap niya. Sa pagtanda niya, iba na ang ambisyon niya.Ngayon, gusto niya na lang maging masaya sa buhay.Sa kasamaang palad, sa oras na dumating ang pagkakataong dapat siyang magsaya sa buhay, unti-unti nang nawawala ang kakayahan niyang lasapin ang pag-ibig nilang mag-asawa.Bilang isang lalaki, may pera, kapangyarihan, at impluwens
Read more

Kabanata 2122

Pagkatapos, tumayo si Charlie saka siya bumalik sa kwartong tinuluyan niya sa villa ng pamilya Ito.Pagdating niya sa kwarto niya, kumuha si Charlie ng dalawang malinis na baso mula sa drawer ng mesa. Pagkatapos, binuhusan niya ng tubig ang dalawang baso.Pagkatapos itong buhusan, inilabas ni Charlie ang isang Rejuvenating Pill mula sa kanyang bulsa.Binawasan nang kaunti ni Charlie ang Rejuvenating Pill na dala niya saka niya ito inilagay sa tubig.Maliit na bahagi lamang ng Rejuvenating Pill ang ginamit niya para sa dalawang baso, 10% lang ito ng kabuuang pill.Hindi naman dahil nagdadamot si Charlie.Una sa lahat, kahit magkaiba ang kondisyon ng dalawang lalaki, hindi naman malaki ang pangangailangan nila sa Rejuvenating Pill.Mahina si Yahiko pero dahil ito sa injuries at trauma na nakuha niya sa aksidente. Pagkatapos ng amputation surgery, naapektuhan nang matindi ang vitality niya.Sa ganitong kaso, maliit na bahagi lamang ng Rejuvenating Pill ang kakailanganin niya para
Read more

Kabanata 2123

Habang gulat na gulat silang dalawa, napatitig si Charlie kay Shinwa habang nakangiti, “Halika, Mr. Watanabe, i-abot mo ang kamay mo sa akin. Susuriin ko lang ang pulso mo.”Nasa gitna pa ng saya si Shinwa dahil sa pagbalik ng kanyang pagiging lalaki. Nang marinig niya ang sinabi ni Charlie, tumango siya, “Pasensya na talaga sa abala, Mr. Wade!”Pagkatapos magsalita, agad niyang inabot ang kamay niya.Mabilis na sinuri ni Charlie ang pulso ni Shinwa. Sumunod, nagpadala siya ng kaunting reiki sa meridians nito.Sapat na ang reiki na ibinigay niya para masigurong patuloy na magiging “lalaki” si Shinwa buong buhay niya.Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang maalala ni Shinwa ang minamahal niyang asawa.Nang maalala niya ang mga sandaling magkasama sila sa kama, naramdaman niyang nagsisimulang uminit ang katawan niya! May nangyayaring kakaiba!Sumunod, naramdaman niyang tumataas ang kanyang libido kaya hindi niya mapigilang mapuno ng tuwa!“Mabilis… Mabilis palang umepekto ang gamo
Read more

Kabanata 2124

Para sa isang normal na tao, malaki ang dalawa hanggang tatlong bilyong halaga. Pero kay Shinwa, isa o dalawang porsyento lamang ito ng kanyang total assets.Para sa isang lalaki na nawalan ng kakayahan sa kama, ang paggastos ng kakarampot na isa o dalawang porsyento ng kanyang assets para bumalik ang kanyang essence ay hindi isang malaking bagay. Walang lalaki sa mundo na tatanggi sa ganitong kasunduan.Tuwang-tuwa si Shinwa pero naalala niya pa ring magtanong, “Mr. Wade, hanggang kailan ito magtatagal?”Ngumiti nang bahagya si Charlie, “Sapat na iyan para sa dalawang dekada. Sa pagkakataong iyon, malapit ka nang mag-70—sa kabila ng edad mo, masisiguro kong mataas pa rin ang libido mo sa pagkakataong iyon. Kung aalagaan mo nang mabuti ang sarili mo, posible pa rin ang bagay na ito kahit lagpas ka na ng 70.”Namumula ang mukha ni Shinwa sa pagkasabik. Habang nanginginig ang boses, nagsalita siya, “Dalawang dekada?! Masyado… Masyado naman yata itong mabuti para maging totoo! Ang gal
Read more

Kabanata 2125

Ganoon din, agad na nagsalita ang natutuwang si Shinwa. Kinausap niya si Jasmine, “Ms. Moore, nagkaroon na kami ng diskusyon ni Mr. Wade. Napagkasunduan naming baguhin ang isang clause sa agreement.”Namangha si Jasmine at agad siyang nagtanong, “Mr. Watanabe, ano ang balak niyong baguhin?”Tumawa si Shinwa saka siya sumagot, “Pareho tayong magbibigay ng 50% sa capital. Pero pagdating sa stock ownership, 60% ng shares ang mapupunta sa inyo at ang 40% naman ang sa Nippon Steel!”Natigilan si Jasmine!Hindi niya maunawaan—kung bakit gagawin ni Shinwa ang ganitong bagay?!Bakit niya isusuko ang 10% ng shares nila?Sumunod, napatitig siya kay Charlie. Sinasabi ng sixth sense niya na may kinalaman si Charlie kung bakit nagbago ang terms nila sa kontrata. May ginawa si Charlie habang wala sila ni Nanako!Nagulantang si Jasmine. ‘Ano ba ang ginawa ni Charlie para magbago ng ganito si Shinwa? Hindi ba magmumukhang malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kay Charlie?’Nang maisip ito
Read more

Kabanata 2126

Tuwang-tuwa si Shinwa!Hindi lamang ang pagiging buo niya bilang lalaki ang pinakamahalagang bagay na nangyari.Sa totoo lang, para makilala ang isang gaya ni Charlie na may supernatural powers, siguradong magdadala ito ng maraming benepisyo sa kanya sa hinaharap.Kaya, maliit lang na bagay sa kanya ang pagpirma sa isang collaboration at partnership kung saan mawawalan siya ng ekstrang 10% shares.Habang nasa tabi, naging emosyonal rin si Yahiko.Pagkatapos inumin ang baso ng tubig na binigay ni Charlie sa kanya, pakiramdam niya bumuti ang kalagayan niya.Mahina ang pangangatawan niya ngayong mga araw. Sa tuwing umiihip ang hangin, pakiramdam niya babagsak siya. Pero ngayon, pakiramdam niya bumalik na ang kanyang lakas.Bukod sa katotohanang wala na siyang mga binti, pakiramdam niya katulad lang siya ng dati bago ang aksidente. Baka nga mas malakas ang pangangatawan niya ngayon.Para sa kanya, magandang bagay ito. Matapos ang lahat, ngayong may pisikal at mental na siyang lakas
Read more

Kabanata 2127

Sa pagkakataong ito, sa Tokyo airport.Isang grupo ng mga sundalo mula sa Japanese defense force ang naghahandang lumapag sa airport sakay ng isang cargo plane.Ang C2 type ng cargo plane ang madalas na ginagamit ng mga sundalo. Inayos nila ito nang kaunti at kinumpuni ang ilang bahagi sa Kawasaki, Japan. Sa kasalukuyan, higit sa 30 na tonelada ang kaya nitong dalhin.Sa cabin ng cargo plane, ilang daang Japanese self-defense troops ang nakabantay habang hinahatid nila si Rosalie at ang 50 o higit pang top masters.Ang tungkulin nila ay ipadala sila Rosalie at ang iba pa sa Tokyo para ilipat ang mga preso sa kamay ng Tokyo Metropolitan Police Department.Magkakaroon ng trial sa Tokyo tungkol sa nangyaring massacre ng pamilya Matsumoto pagkatapos ng ilang araw. Sa oras na iyon, magkakaroon ng paglilitis kay Rosalie at sa iba pa habang nasa korte.Naghanda ang Japanese Justice Department ng isang public hearing para kay nila Rosalie. Kasabay nito, ipapalabas rin sa TV at internet a
Read more

Kabanata 2128

Isa sa mga lalaking nakaitim ang may hawak na remote control sa kamay habang nakatutok ang mga mata niya sa lider ng convoy. Nagbibilang siya ng oras.Nang 50 metro na lamang ang layo ng convoy mula sa intersection, pinindot ng lalaki ang remote control at naging kulay pula ang green light sa daan kanina.Dahil 24 hours ang operasyon ng airport, matindi rin ang trapik dito. Para sa convoy ng Tokyo Metropolitan Police Department, kailangang obserbahan nang mabuti ang traffic lights.Kaya, nang magpalit ang ilaw, agad na tumigil ang unang armored vehicle sa harap ng intersection.Tumigil rin ang mga nasa likod ng convoy.Kinokontrol ng traffic light ang apat na direksyon sa intersection. Magiging green light ang bawat section sa loob ng isang minuto. Kaya, kailangang maghintay ng 180 na segundo bago mawala ang red light sa isang direksyon.Nakaantabay at alerto ang special forces sakaling may mangyayaring kakaiba sa paligid nila.Mabuti na lang, nang tumigil ang mga armored vehicl
Read more

Kabanata 2129

Sa villa ng pamilya Ito, sa Tokyo.Handa na si Charlie at Jasmine na umalis ng bansa.Maganda ang pagkakataong ito para pumuslit sila paalis ng Japan.Posible ang mabilis nilang pagpuslit dahil magiging maluwag ang bantay ng mga coast guards dahil may equipment overhaul ngayong gabi.Kaya, magkakaroon ng ilang oras kung saan walang coast guards na makikita sa dalampasigan.Bukod pa roon, mas mahigpit ang Japanese Coast Guard sa entry inspection kumpara sa exit inspection. Mas mahalaga para sa kanila na pigilan ang kahit anong posibilidad na makapuslit ang mga illegal na indibidwal at mga produkto sa loob ng bansa.Wala silang masyadong interes kung pupuslit ang mga tao o produkto paalis ng Japan.Sa madaling salita, mas madaling umalis ng Tokyo sa ganitong paraan.Hinanda na ni Yahiko ang convoy na maghahatid kay nila Charlie at Jasmine papunta sa daungan.Ito rin ang ideya ni Nanako.Kahit mabigat ang loob niya at umaasa siyang magtagal si Charlie, naniniwala siyang hindi ni
Read more

Kabanata 2130

Nagsimulang mamula ang mga mata ni Nanako saka siya tumango. Sumunod, tinignan niya si Jasmine habang yakap-yakap nito si Cocoa, “Ate Jasmine, hinihiling ko na maging ligtas ang biyahe niyo. Kung may pagkakataon, bisitahin mo ako sa Tokyo ha!”Agad na sumagot si Jasmine, “Huwag kang mag-alala, bibisitahin talaga kita! Kung may oras ka, bisitahin mo rin kami ni Cocoa sa Aurous Hill!”Natuwa nang kaunti si Nanako nang marinig ito. Sumagot siya nang walang pag-aalangan, “Ate, huwag kang mag-alala! Bibisitahin talaga kita kapag tapos na ako sa mga ginagawa ko!”Sumunod, naglakad ang isang lalaking hindi gaanong katandaan pababa ng barko at magalang niyang kinausap si Yahiko. “Sir, handa na kaming umalis kahit kailan.”Nagtanong si Yahiko, “Nasaan si Hashimoto Kazumi?”Sumagot ang lalaki, “Nasa loob ng isang cabin si Mr. Hashimoto Kazumi. Nakatali ang mga paa at kamay niya. Nagpadala rin ako ng tao para bantayan siya. Sisiguraduhin naming magiging maayos ang takbo ng lahat.”Tumango s
Read more
PREV
1
...
211212213214215
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status