Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2131 - Chapter 2140

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2131 - Chapter 2140

5675 Chapters

Kabanata 2131

Sa totoo lang, balak sana ni Rosalie na maghiganti sa lalaking sumira ng buhay niya kapag nakatakas na siya ng Japan.Subalit, hindi niya inaakalang bibiyayaan siya ng Diyos at ngayong paalis na siya ng bansa, makikita niya ang lalaking kinamumuhian niya sa daungan!Sa pagkakataong ito, kumukulo ang dugo ni Rosalie.Kahit makapigil-hininga ang ganda ng mga mata niya, namumula na ito ngayon dahil sa pagkamuhi!Nakatuon lamang ang isip niya sa isang bagay, at iyon ay…‘Kailangan ko siyang patayin! Bilang si Rosalie Schulz, papatayin ko siya!’Dahil nakatuon lamang ang atensyon ni Charlie kay Nanako na nakaupo sa loob ng kotse, hindi niya napansin ang isa pang sasakyan na kararating lamang sa daungan.Dagdag pa roon, tinted rin ang mga bintana ng bagong sasakyan. Kita ni Rosalie si Charlie mula sa loob ng kotse, pero hindi nakikita ni Charlie si Rosalie na nasa loob. Kaya, hindi alam ni Charlie na may kakilala pala siyang kakarating lang.Mamaya-maya, umandar na rin ang cruise shi
Read more

Kabanata 2132

Sa pagkakataong iyon, habang nasa tabi ni Cadfan, nagsalita si Sheldon. “Papa, hindi ito ang tamang oras para lumihis tayo sa plano! Ang pinakamahalagang bagay ngayon, kailangang makauwi ni Rosalie. Pwede tayong mag-isip ng solusyon kung paano natin liligpitin ang taong iyon sa susunod. Kung hindi makakatakas si Rosalie, hindi na tayo magkakaroon ng oportunidad sa susunod!”Mahigpit na nagsalita si Cadfan, “Walang nakakaalam ng tunay na pagkatao ng lalaking sinasabi ni Rosalie. Kapag pinakawalan natin siya ngayon, paano kung maging kalaban siya ng pamilya Schulz sa hinaharap?”Sumagot si Sheldon, “Papa, pwede nating hanapin ang taong tinutukoy ni Rosalie sa susunod. Hindi naman tayo nagmamadali. Kung nagkita sila ni Rosalie ngayon, sigurado akong may susunod pang pagkakataon sa hinaharap. Mas mabuti pa ring umuwi muna si Rosalie kaysa habulin ang taong iyon!”Napabulyaw si Cadfan, “G*go ka talaga! Bakit ba hindi mo nakikita nang malinaw ang sitwasyon?! Nagawang talunin ng taong ito
Read more

Kabanata 2133

Pagkaalis ng daungan, dumiretso na ang cruise ship na sinasakyan nila Charlie sa malawak na karagatan.Nang malamang nakakulong si Hashimoto sa cabin sa pinakababang floor, nagpasya si Charlie na dalhin si Jasmine para bisitahin ang lalaki.Dinala ng isa sa mga tauhan ng pamilya Ito sila Charlie sa kinalalagyan ni Hashimoto at pinagbuksan niya pa ng pinto ang dalawa.Sa loob ng kwarto, isang lalaking nakasuot ng mamahaling wool suit ang nakatali sa isang bangko. Nakatali ang mga kamay niya sa arm rest ng upuan samantalang nakatali naman ang mga paa niya sa mga binti ng bangko. May itim na tela ring nakatakip sa ulo niya.Sigurado si Charlie na ito si Hashimoto Kazumi.Bilang pag-iingat, pinautos ni Yahiko na gumamit ang mga ninja ng isang espesyal na round steel pipes para hindi makakilos ang mga daliri ni Kazumi. Sa ganitong paraan, mananatiling nakahimlay ang mga braso niya sa arm rest.Dahil dito, siguradong wala siyang tsansang makaligtas.Bukod pa roon, isang lalaking may d
Read more

Kabanata 2134

“Ms… Ms. Moore?!”Napatitig si Jasmine kay Kazumi. Kita ang pandidiri at panunuya sa ekspresyon ng babae, “Mr. Hashimoto, mukhang hindi mo inaasahan na buhay pa ako, tama ba?!”Nagsimulang manginig ang katawan ni Kazumi.Alam niyang kasuklam-suklam ang pagsubok niyang patayin si Jasmine.Kamakailan lang, hindi nila mahanap ang lokasyon ni Jasmine. Dalawa ring assistants at isang driver ang namatay sa eksena dahil sa pinagawang aksidente ni Kazumi.Maliban sa mga krimeng ito, isang mabigat na kasalanan ang pagpatay ng tatlong tao. Kung susuriin, madalas, sa mga kaso ng murder, matindi ang ginagawang pagpaplano ng mga may pakana nito. Malupit ang mga ginagamit nilang paraan para makamit ang layunin nila.Sa pagkakataong ito, nasa harap ni Kazumi si Jasmine. Buhay na buhay ang babae. Agad niyang napagtanto na naririto si Jasmine para maghiganti!Agad siyang nagmakaawa, “Ms. Moore, hindi talaga ako ang tunay na nasa likod ng aksidente mo! Si Reuben ang may pakana nito! Ang kapatid m
Read more

Kabanata 2135

Pumunta ang dalawa sa deck ng cruise ship. Sinalubong sila Charlie at Jasmine ng malamig at kalmadong simoy ng hangin. Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Charlie.Kahit nagawa niyang mailigtas si Jasmine sa aksidente at pauwi na sila ngayon ng Oskia, malayo pa bago matapos ang problema.Mahalaga ang susunod na hakbang na gagawin nila.Si Tyler at Reuben, ang walang pusong mag-ama. Kailangan pa nilang resolbahan ang isyu sa dalawang g*gong ito.Sa ngayon, nagpapanggap si Lord Moore na may dementia para protektahan ang sarili niya. Mula sa kasalukuyang sitwasyon, hindi kakayanin ng isang tao na talunin ang mag-ama sa kanilang laro.Kapag nalaman ng mag-ama na nagpapanggap lamang si Lord Moore, siguradong papatayin nila ang matanda.Kaya, kailangang ihayag ni Charlie ang tunay na pagkatao nila Tyler at Reuben sa publiko sa mga susunod nilang hakbang. Kailangan niyang iligtas si Lord Moore at hayaang makuha ulit ni Jasmine ang kontrol sa buong Moore Group.Subalit, pagkatapos ng
Read more

Kabanata 2136

Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Nauunawaan ko ang ibig mong sabihin. Matapos ang lahat, mas malapit ang dugo kaysa tubig. Makatuwiran naman na gusto mong iligtas ang buhay nila. Pero… may dapat kang malaman.”Agad na napatanong si Jasmine, “Ano ang dapat kong malaman, Master Wade?”Sumagot si Charlie, “Gusto mo silang mabuhay, sige, walang problema. Pero, kailangan mong tandaan na kailangan mo pa rin silang parusahan. Payag ako na hindi mo tatapusin ang buhay nila, pero kailangan nilang makatanggap ng parusa. Dapat mong limitahan ang mga posibilidad na ilagay ka ulit nila sa panganib sa susunod na pagkakataon!”Tumango si Jasmine. “Oo, Master Wade. Nauunawaan ko. Pag-iisipan ko nang mabuti kung ano ang magiging parusa nila.”Sa gitna ng usapan nila, biglang narinig ni Charlie ang isang mahinang tunog ng makina mula sa likod. Napalingon siya at nakita niya ang isang maliit na barkong patungo sa direksyon nila. Full speed ang bilis nito at isa o dalawang kilometro na lang ang layo
Read more

Kabanata 2137

Habang papalapit nang papalapit ang distansya ng barko nila Rosalie kay nila Charlie, makikita ang ekspresyon ng paghihiganti sa mukha ng babae.Pinanganak siya sa isa sa mga malalaking martial arts families ng Oskia. Maganda ang edukasyon niya at hindi mapapantayan ng kahit sino ang bagay na ito sa bansa. Kaya, masasabi niyang isa siya sa mga top martial artists ng Oskia.Mas malakas at mas makapangyarihan siya kumpara sa mga patatas sa pamilya nila na isa o dalawang moves lang ang nalalaman. Para sa kanya, hindi isang banta si Charlie.Isang salbahe at manloloko lamang ang lalaki para sa mga mata niya. Totoo ngang may kakayahan si Charlie at kilala siya sa ilang mga tao, pero sigurado si Rosalie na hindi isang eksperto sa martial arts ang lalaki.Matapos ang lahat, tapat at marunong makipagkumpitensya ang mga eksperto, hindi gaya ni Charlie na tumawag ng pulis para arestuhin sila Rosalie nang hindi nila nalalaman.Kaya, nagkaroon ng kongklusyon si Rosalie na magagawa nilang magt
Read more

Kabanata 2138

Laging sinasabi ng nanay ni Rosalie sa kanya na dapat niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para paglingkuran si Sheldon, ang ama niya, pati na rin ang buong pamilya Schulz.Hindi nagtagal, ito na ang naging prinsipyo ni Rosalie sa buhay.Sa tulong ng branwash na ginawa ng nanay ni Rosalie sa kanya sa loob ng 21 na taon, basta ba hindi makakasama sa pamilya Schulz, hindi nag-aalangan si Rosalie na kalabanin ang kahit sino.Kung may balak manakit sa pamilya Schulz, gagawin niya ang lahat para tapusin ang buhay ng target niya! Iyan ang dahilan kung bakit nagawa niyang paslangin ang buong pamilya Matsumoto.Hindi lamang sa personal na lebel ang galit niya kay Charlie, kundi may kinalaman na ito sa pamilya niya! Si Charlie ang dahilan kung bakit naaresto siya pati na rin ang iba pang mga kasama niyang martial artists ng pamilya nila. Dahil sa nangyari, malaki ang natanggap na pinsala ng pamilya Schulz.Hindi lamang paghihiganti para sa personal na interes ang hanap ni Rosalie, ku
Read more

Kabanata 2139

Agad na kinabahan si Rosalie nang marinig niya ang mga salita ni Charlie.Sa ngayon, siya ang pinaka-wanted na kriminal sa buong hukuman ng Japan at siya rin ang pangunahing suspek sa massacre ng pamilya Matsumoto. Kapag nakuha nila ang atensyon ng Japanese Maritime Self-Defense Force dahil sa mangyayaring aksidente, siguradong hindi siya makakatakas.Dagdag pa roon, kapag nalaman ng mga Japanese na nakatakas siya sa kulungan, siguradong magiging mas mahigpit ang pagbabantay nila at hindi na siya magkakaroon ng pangalawang pagkakataon para makatakas.Nang maisip ito, nagngitngit ang ngipin ni Rosalie at inutusan niya ang captain sa isang malamig na boses, “Pabagalin mo ang takbo natin! Huwag mo silang banggain! Lumapit na lang tayo.”Nakahinga nang maluwag ang captain at agad niyang tinapakan ang emergency brakes.Puno ng pagkamuhi at determinasyon ang mga mata ni Rosalie. Sinigawan niya ang mga nasa paligid niya, “Sundan niyo ako!”Ganoon din, pinangunahan ni Rosalie ang crew at
Read more

Kabanata 2140

Bukod pa roon, nakita ni Charlie na maraming kasamang tauhan si Rosalie. Nagsimula na ring sumampa ang mga ito papunta sa barkong sinasakyan niya. Kapag nakita nilang natalo niya si Rosalie, siguradong tatakas sila.Sa ganitong kaso, mas mabuting pasakayin niya muna ang lahat ng crew sa barko niya saka niya ipapamalas ang tunay niyang galing.Nang maisip ito, patuloy si Charlie sa pag-iwas kay Rosalie. Hinahayaan niyang habulin siya nito.Habang hinahabol ni Rosalie si Charlie, nagmadali ring tumalon at lumapit ang mga tauhan ng babae.Nang makita ito, napangiti si Charlie nang malawak, “Dahil naririto na kayong lahat, hindi na ako magsasayang ng oras!”Sumunod, para bang naging ibang tao si Charlie. Ngayon, ramdam ng lahat sa deck ang nakasisindak niyang aura!Magaling na martial artist si Rosalie at mataas ang lebel ng internal Reiki niya, kaya agad siyang natigilan nang maramdam niya ang aura na nagmumula sa katawan ni Charlie!‘Kung hindi ako nagkakamali, mas malakas pa ang
Read more
PREV
1
...
212213214215216
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status