Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2151 - Chapter 2160

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2151 - Chapter 2160

5675 Chapters

Kabanata 2151

Gusto lang naman makaligtas ng captain sa sandaling iyon. Kaya, tinanong niya si Charlie sa isang nanginginig na boses, “Hindi mo ba ako papatayin kung makikinig ako sa ‘yo at susundin ang lahat ng i-uutos mo sa ‘kin?”Tumango si Charlie at sinabing, “Basta’t handa kang makipagtulungan sa ‘kin, hindi kita papatayin. Pwede ko pang ipabago ang pagkatao mo para makapagsimula ka ng bagong buhay.”Sa sandaling marinig ito ng captain, agad siyang nagpasalamat, “Kung gano’n ay susundin na lang kita!”Si Charlie ay lubos na natuwa, at sinabi niya, “Sige. Kung gano’n ay dapat mo nang gawin ang lahat ng sasabihin ko!”Pagkatapos sabihin iyon, nag-isip si Charlie nang sandali bago sabihing, “Simula noong makaisip ng sariling plano ang matandang Cadfan na iyon, sabihin mo na lang sa kaniya na patay na si Rosali dahil sa kaniyang contingency plan.”Pagkatapos no’n, agad siyang bumulong sa tenga ng captain.Ang captain ay tumango bago pulutin nang mabilis ang kaniyang satellite phone. Pagkatap
Read more

Kabanata 2152

Sa sandaling iyon, dali-daling nagsalita ang captain, “Lord Schulz, aalis na ako ngayon. Tiyak na hahanapin ko ang katawan at ipapadala ‘yon sa Japanese Self-Defense Force!”Sumagot si Cadfan, “Hindi mo na kailangang bumalik kung hindi ka makakaisip ng paraan para masunod ang inuutos ko!”“Opo, Lord Schulz!” Agad na pumayag ang captain. Pagkatapos patayin ang phone, tumingin siya kay Charlie nang may nagmamakaaawang itsura sa kaniyang mukha at sinabing, “Sir, kapag nalaman ni Cadfan na nagsisinungaling ako sa kaniya, tiyak na pagpipira-pirasuhin niya ako…”Sumagot si Charlie, “‘Wag kang mag-alala. Dahil sumunod ka na sa mga utos ko, syempre ay tutuparin ko ang pangako ko sa ‘yo!”Pagkatapos sabihin iyon, nagpatuloy si Charlie, “Ang ilan sa inyo ay sasama sa ‘kin sa Aurous Hill ngayong gabi. Tutulungan ko kayong lahat na manatili sa isang ligtas na lugar pagkatapos dumating sa Aurous Hill. Sa sandaling iyon, pwede kayong mamuhay nang patago muna. Pagkatapos kong pangalagaan ang Pam
Read more

Kabanata 2153

Nang makita ni Charlie na ang mukha ni Rosalie ay tila lubos na interesado, ngumiti siya nang bahagya at sinabing, “Ang kwento na ‘to ay tungkol sa isang mayaman na tagapagmana na gustong manligaw sa isang napaka-gandang babae. Gayunpaman, ang lalaking ito ay lubos na kuripot, at ayaw niyang gumastos ng maraming pera para lang makuha ang babaeng ito. Kaya, nagsinungaling siya na bibilhan niya ang magandang babae na iyon ng isang Ferrari…”“Pagkatapos no’n, ang mayamang lalaki ay binayaran ang isang Ferrari salesman at hiniling sa salesman na tulungan siyang magpanggap.”“Noong dalhin niya ang magandang babae upang tumingin sa kotse, sinabi sa kanila ng salesman na walang kotseng pwede bilhin sa sandaling iyon. Kaya, ang tanging nagawa na lamang nila ay ang mag-book muna. Pagkatapos no’n, nagpanggap ang lalaki na nagpasok siya ng isang daang libong dolyar bago siya makatanggap ng kontrata para sa booking ng kotse.”“Akala ng magandang babae na ang Ferrari na binili ng lalaki para sa
Read more

Kabanata 2154

Sa sandaling iyon, lumabas din si Jasmine ng deck at tinanong si Charlie sa pagkagulat, “Master Wade, narito ba ang mga taong ito para sa ‘kin?”Umiling si Charlie. “Hindi. Narito sila para sa ‘kin.”Si Jasmine ay mas nagulat noong makita niya si Rosalie, na hindi gumagalaw kahit na siya ay mayroong palaso sa kaniyang binti. Kaya, dali-dali niyang tinanong si Charlie, “Master Wade, ang babaeng ito ay…”Tumingin si Charlie kay Rosali bago siya ngumiti at sinabing, “Ang magandang babae na ito ay kalaban natin kanina, pero hindi na siya maituturing pang kalaban natin ngayon.”Pagkatapos niyang magsalita, tumingin siyang muli kay Rosalie bago ngumiti at magtanong, “Little beauty, tama ba ako?”Nakaramdam ng kaunting galit at hiya si Rosalie.Kahit na nakita na niya ang tunay na mga kulay ng Pamilya Schulz, at kahit na niligtas nga ni Charlie ang kaniyang buhay, wala siyang magandang impresyon kay Charlie.Si Charlie ang nag-report sa kaniya at kaniyang mga kasama sa Japanese Self-De
Read more

Kabanata 2155

Sa oras na iyon, ang gusto lang ni Rosalie ay ang mabuhay muna bago malaman ang buong katotohanan sa likod ng lahat ng nangyayari.Kahit na siya ay napupuno ng galit para sa pamilya Schulz, alam niyang wala siyang magagawa.Pakiramdam niya na kung ang bagay na ito ay pinlano ng kanyang lolo na si Cadfan nang mag-isa, at kung ang kaniyang ama na si Sheldon, ay walang kinalaman sa problema na ito, tiyak na siya ay magiginhawaan.Gayunpaman, kung ang kaniyang lolo at ang kaniyang ama ay parehong sangkot sa bagay na ito, ganap na siyang hihiwalay sa buong pamilya Schulz!Sa sandaling iyon, napatingin si Rosalie kay Charlie bago magmakaawa sa isang mahinang boses, “Pwede kong sumama sa ‘yo sa Aurous Hill, pero pwede mo ba akong hayaan na tawagan muna ang ina ko? Kailangan kong ipaalam sa kaniya na buhay pa rin ako. Kung ‘di, tiyak na lubos siyang mag-aalala…”Hindi nag-alinlangan si Charlie na sabihiing, “Hindi!”Hindi inaasahan ni Rosalie na tatanggihan ni Charlie ang kaniyang kahili
Read more

Kabanata 2156

Tumango nang nagmamadali ang captain.Sa sandaling ito, nalunod na ang anim na lalaki na tinapon ni Charlie sa dagat.Unti-unti na ngayong lumulubog ang mga katawan nila sa ilalim ng dagat.Dinala ni Charlie ang captain sa kabilang cruise ship. Pagkatapos ayusin ng captain ang kurso at direksyon ng barko, pinabalik muna ni Charlie ang captain sa barko nila.Pagkatapos, binuksan niya at tinodo ang makina ng barko at pinaabante agad ito.Nang makita ni Jasmine, na nasa kabilang barko, na umalis ang barko, medyo nag-alala siya, at sinigaw niya, “Master Wade…”Sa sandaling lumabas ang boses niya, bigla niyang nakita ang isang tao na tumalon mula sa barko, papunta sa tubig sa isang perpektong parabola.Pagkatapos nito, nakita niyang sumilip ang uo ni Charlie sa tubig habang lumangoy siya papunta sa kanilang barko nang walang pagkaantala.Nag-alala si Jasmine kay Charlie, at nagmamadali siyang kumuha ng isang tuwalya. Sa sandaling tumuntong si Charlie sa barko, binigay niya agad sa k
Read more

Kabanata 2157

Binibigyang-diin ng mga martial artist ang pag-iipon, pagsasagawa, at paggamit ng internal strength sa katawan simula noong sinaunang panahon pa. Ang mga tinatawag na meridians, lower belly internal breathing method, big circulatory cycle, at small circulatory cycle, ay nakabatay sa teorya na ito.Ang pangkalahatang lohika ng Reiki ay katulad sa internal strength. Ang pinakahalatang pagkakaiba ay bukod sa pag-iipon, pagsasagawa, at paggamit nito, kayang ilabas ang Reiki.Kahit gaano kalakas ang internal strength ng isang tao, nakadepende lang ito sa sariling katawan ng tao. Madaling mapapatay ng isang master na may maayos na internal strength ang isang malaki at mabigat na baka o kahit elepante sa isang suntok lang.Pero kahit na, hindi niya mapapatay ang isang daga gamit lang ang hangin sa paligid niya.Ang pangunahing dahilan ay dahil hindi nila malabas ang internal strength.Sa huli, maituturing na entry-level na mababang version ng Reiki ang internal strength.Para naman sa R
Read more

Kabanata 2158

Pero, may isa pang lumitaw sa isipan niya, ‘Kasing lakas ng ligaw na kabayo ang pagkatao ng babaeng ito. Bukod dito, masama at malupit ang mga pamamaraan niya. Para maging tapat at masunurin ang ganitong uri ng babae, kailangan ko munang tanggalin ang lakas ng loob niya!’Nang maisip niya ito, nagkaroon ng malamig na ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang sinabi, “Halika, tutulungan muna kitang umupo sa isang single recliner na upuan. Pwede kang humiga at tutulungan kitang linisin ang sugat mo!”Nag utal-utal si Rosalie habang sinabi, “Iyon… ah, kaya ko na itong gawin mag-isa. Bigyan mo na lang sana ako ng isang pares ng pliers at ilang debridement medicine at gasa para balutan ang sugat…”May walang pakialam na hitsura si Charlie sa kanyang mukha habang sinabi, “Imposible talaga para sayo na linisin at ayusin nang mag-isa ang sugat. Pero, maraming blood vessel sa binti mo. Sa sandaling tinanggal mo ang palaso, siguradong magdurugo nang sobra ang sugat mo. Kung nasira na ng s
Read more

Kabanata 2159

Hinding-hindi inaasahan ni Rosalie na aaminin ni Charlie na nakatingin siya sa mga binti niya!Hindi lang iyon, ngunit sumagot pa siya sa dakila at natural na paraan kaya biglang nalito nang kaunti si Rosalie kahit na galit na galit siya.Si Rosalie, na sa una ay namintas kay Charlie, ay biglang hindi na alam kung paano siya kikilos.Bukod dito, ang kaunting galit niya ay nawala kasama ng pagtatapat ni Charlie.Kaya, tumingin na lang siya nang nahihiya kay Charlie bago niya nilayo ang mukha niya at sinabi nang nahihiya, “Kung tapos ka nang tumingin, tulungan mo na sana akong gamutin ang binti ko…”Tumango si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Okay. Simulan na natin ang paggamot nito.”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Rosalie, “Tapos mo na agad itong tingnan?”Pagkatapos niyang magsalita, biglang napagtanto ni Rosalie na hindi tama ang kahulugan ng sinabi niya. Kaya, nahiya siya nang sobra at sinabi nang nagmamadali, “Ah, hindi… hindi iyon ang ibig kong sabihin… Ang ibig kong
Read more

Kabanata 2160

Nang makita ni Rosalie na may hawak ng sipit si Charlie habang maingat niyang nililinis ang sugat niya, bigla siyang nakaramdam ng kaunting antig sa kakaibang lalaki na ito na gumalit nang sobra sa kanya dati.Kaya, tumingin siya kay Charlie bago niya tinanong sa mausisang boses, “Hoy… hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan mo!”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Mahalaga ba ang pangalan ko para sayo?”Nagpanggap na naiinis si Rosalie habang sinabi, “Hindi pa ako nakakabawi sayo dahil niloko mo ako dati! Kaya, syempre sobrang mahalaga ito sa akin!”Tumango si Charlie bago sinabi, “Ah… niloko kita dahil sumobra ka na noong pinatay at inubos mo ang buong pamilya Matsumoto. Oskian ka rin, kaya dapat naiintindihan mo ang kultura ng mga ninuno natin. Sa kultura ng Oskia, pinapahalagahan nang sobra ang konsepto ng pamilya. Hindi ba’t hindi mapapatawad na krimen na dinamay mo ang buong pamilya dahil lang sa isang makasalanan na tao?”Medyo nahiya si Rosalie, at nakonsensya si
Read more
PREV
1
...
214215216217218
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status