Binibigyang-diin ng mga martial artist ang pag-iipon, pagsasagawa, at paggamit ng internal strength sa katawan simula noong sinaunang panahon pa. Ang mga tinatawag na meridians, lower belly internal breathing method, big circulatory cycle, at small circulatory cycle, ay nakabatay sa teorya na ito.Ang pangkalahatang lohika ng Reiki ay katulad sa internal strength. Ang pinakahalatang pagkakaiba ay bukod sa pag-iipon, pagsasagawa, at paggamit nito, kayang ilabas ang Reiki.Kahit gaano kalakas ang internal strength ng isang tao, nakadepende lang ito sa sariling katawan ng tao. Madaling mapapatay ng isang master na may maayos na internal strength ang isang malaki at mabigat na baka o kahit elepante sa isang suntok lang.Pero kahit na, hindi niya mapapatay ang isang daga gamit lang ang hangin sa paligid niya.Ang pangunahing dahilan ay dahil hindi nila malabas ang internal strength.Sa huli, maituturing na entry-level na mababang version ng Reiki ang internal strength.Para naman sa R
Pero, may isa pang lumitaw sa isipan niya, ‘Kasing lakas ng ligaw na kabayo ang pagkatao ng babaeng ito. Bukod dito, masama at malupit ang mga pamamaraan niya. Para maging tapat at masunurin ang ganitong uri ng babae, kailangan ko munang tanggalin ang lakas ng loob niya!’Nang maisip niya ito, nagkaroon ng malamig na ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang sinabi, “Halika, tutulungan muna kitang umupo sa isang single recliner na upuan. Pwede kang humiga at tutulungan kitang linisin ang sugat mo!”Nag utal-utal si Rosalie habang sinabi, “Iyon… ah, kaya ko na itong gawin mag-isa. Bigyan mo na lang sana ako ng isang pares ng pliers at ilang debridement medicine at gasa para balutan ang sugat…”May walang pakialam na hitsura si Charlie sa kanyang mukha habang sinabi, “Imposible talaga para sayo na linisin at ayusin nang mag-isa ang sugat. Pero, maraming blood vessel sa binti mo. Sa sandaling tinanggal mo ang palaso, siguradong magdurugo nang sobra ang sugat mo. Kung nasira na ng s
Hinding-hindi inaasahan ni Rosalie na aaminin ni Charlie na nakatingin siya sa mga binti niya!Hindi lang iyon, ngunit sumagot pa siya sa dakila at natural na paraan kaya biglang nalito nang kaunti si Rosalie kahit na galit na galit siya.Si Rosalie, na sa una ay namintas kay Charlie, ay biglang hindi na alam kung paano siya kikilos.Bukod dito, ang kaunting galit niya ay nawala kasama ng pagtatapat ni Charlie.Kaya, tumingin na lang siya nang nahihiya kay Charlie bago niya nilayo ang mukha niya at sinabi nang nahihiya, “Kung tapos ka nang tumingin, tulungan mo na sana akong gamutin ang binti ko…”Tumango si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Okay. Simulan na natin ang paggamot nito.”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Rosalie, “Tapos mo na agad itong tingnan?”Pagkatapos niyang magsalita, biglang napagtanto ni Rosalie na hindi tama ang kahulugan ng sinabi niya. Kaya, nahiya siya nang sobra at sinabi nang nagmamadali, “Ah, hindi… hindi iyon ang ibig kong sabihin… Ang ibig kong
Nang makita ni Rosalie na may hawak ng sipit si Charlie habang maingat niyang nililinis ang sugat niya, bigla siyang nakaramdam ng kaunting antig sa kakaibang lalaki na ito na gumalit nang sobra sa kanya dati.Kaya, tumingin siya kay Charlie bago niya tinanong sa mausisang boses, “Hoy… hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan mo!”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Mahalaga ba ang pangalan ko para sayo?”Nagpanggap na naiinis si Rosalie habang sinabi, “Hindi pa ako nakakabawi sayo dahil niloko mo ako dati! Kaya, syempre sobrang mahalaga ito sa akin!”Tumango si Charlie bago sinabi, “Ah… niloko kita dahil sumobra ka na noong pinatay at inubos mo ang buong pamilya Matsumoto. Oskian ka rin, kaya dapat naiintindihan mo ang kultura ng mga ninuno natin. Sa kultura ng Oskia, pinapahalagahan nang sobra ang konsepto ng pamilya. Hindi ba’t hindi mapapatawad na krimen na dinamay mo ang buong pamilya dahil lang sa isang makasalanan na tao?”Medyo nahiya si Rosalie, at nakonsensya si
Nang makita niya na nakilala agad ni Rosalie ang pinagmulan niya, bahagyang ngumiti si Charlie bago niya sinabi nang kalmado, “Oo. Masasabing miyembro ako ng pamilya Wade, o marahil, dati akong miyembro ng pamilya Wade.”Nag-isip nang ilang sandali si Rosalie bago sinabi, “Kung miyembro ka ng pamilya Wade dati, ang ibig sabihin ay hindi ka na miyembro ng pamilya Wade ngayon…”Pagkatapos, nagkaroon ng gulat na gulat na ekspresyon si Rosalie sa kanyang mukha habang sinabi, “Hindi maituturing na sobrang maunlad na pamilya ang pamilya Wade. Kaya, pamilyar ako sa lahat ng supling ng pamilya Wade. Kung wala ka na sa pamilya Wade ngayon, malaki ang posibilidad na ikaw ang…”Nang dumating ang mga salita sa bibig niya, nagulat nang sobra si Rosalie at hindi na niya kayang ituloy ang mga sasabihin niya!Tinitigan niya si Charlie bago niya sinabi sa pagkamangha, “Sa mga supling ng pamilya Wade, may isang tao na lang ang natitira sa pamilya Wade. Iyon ay walang iba kundi si Curtis Wade. Pero,
Hinahawakan niya pa ngayon ang kanyang binti…Nang maisip niya ito, biglang naramdaman ni Rosalie na talagang pinaglalaruan ng tadhana ang mga tao.Hindi niya maiwasang isipin, ‘Buong puso kong pinagsilbihan ang pamilya Schulz, at handa ko pang ialay ang buhay ko para sa pamilya Schulz…’‘Pero hinding-hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin sa akin ng pamilya Schulz, sinubukan pa nilang kunin ang buhay ko…’‘Sa kabilang dako, bilang supling ng pamilya Wade, si mortal na kaaway ng buong pamilya Schulz si Charlie. Bukod dito, siya pa ang anak ni Curtis, isang tinik sa aking ama, kay Sheldon. Pero, ang mortal na kaaway ng pamilya Schulz ang nagligtas sa buhay ko sa pinakamahalagang sandali. Sobrang balintuna ng lahat ng ito…’Nang makita ni Charlie masaganang ekspresyon sa mukha ni Rosalie, hindi niya maiwasang asarin siya, “Bakit? Lumabas ba ang galit sa puso mo para sa pamilya Wade, bilang isang miyembro ng pamilya Schulz, pagkatapos mong malaman na miyembro ako ng pamilya Wade?”
Ang dahilan kung bakit nagpasya si Charlie na iligtas si Rosalie ay dahil nakita niya na gusto siyang patayin ng pamilya Schulz. Sinunod niya lang ang prinsipyo na ‘ang kalaban ng kalaban ay isang kaibigan’. Ito ang dahilan kung bakit niya siya niligtas.Hangga’t nahiwalay si Rosalie sa pamilya Schulz, magiging malaking tulong siya kay Charlie kapag naghiganti siya sa pamilya Schulz sa hinaharap.Kung mapapanatiling kontrolado niya si Rosalie at maging tauhan niya, nararamdaman ni Charlie na hindi magiging imposible ang plano niya.Kung gusto niyang gamitin ang isang tao, ang pinakamahalagang bagay ay siguraduhin na may utang na loob siya sa kanya.Sa mundong ito, walang ibang pabor ang mas mahalaga kaysa sa pabor ng pagligtas sa isang buhay.Ang plano ngayon ni Charlie ay ibalik muna si Rosalie sa Aurous Hill. Pagkatapos, itatago niya siya bago niya suriin kung may pagbabago ba sa pamilya Schulz, o kung may iba pa silang maliliit na pandaraya.Para naman sa pakikipagtulungan kay
Nang dumating ang barko sa radar screen, ngumiti ang captain ng Japanese Self-Defense Force habang sinabi, “Letse! Sa wakas ay dumating na rin ang mga g*gong iyon pagkatapos nating maghintay nang napakatagal!”Ngumiti ang deputy niya bago sinabi, “Captain, kung mahuhuli natin si Rosalie Schulz sa sandaling ito, siguradong malaking tagumpay nanaman ito, tama?”Tumango ang captain at sinabi, “Syempre! Si rosalie Schulz ngayon ang numero unong kriminal sa Japan. Hangga’t maaaresto natin siya at maibabalik natin siya sa Japan, siguradong malaking tagumpay ito kahit na patay o buhay siya!”Habang nagsasalita siya, medyo nasabik siya habng sinabi, “Subukan niyong huwag bumaril mamaya. Subukan natin siyang hulihin nang buhay!”Hindi matagal, ang distansya ng barko ay wala na sa isang nautical mile sa lokasyon ng ambush nila.Sobrang tahimik ng patrol boat ng Japanese Self-Defense Force. Pinatay na nila ang lahat ng makina nila, transponder, at ilaw sa barko habang hinihintay nila lumapit
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl