Ang dahilan kung bakit nagpasya si Charlie na iligtas si Rosalie ay dahil nakita niya na gusto siyang patayin ng pamilya Schulz. Sinunod niya lang ang prinsipyo na ‘ang kalaban ng kalaban ay isang kaibigan’. Ito ang dahilan kung bakit niya siya niligtas.Hangga’t nahiwalay si Rosalie sa pamilya Schulz, magiging malaking tulong siya kay Charlie kapag naghiganti siya sa pamilya Schulz sa hinaharap.Kung mapapanatiling kontrolado niya si Rosalie at maging tauhan niya, nararamdaman ni Charlie na hindi magiging imposible ang plano niya.Kung gusto niyang gamitin ang isang tao, ang pinakamahalagang bagay ay siguraduhin na may utang na loob siya sa kanya.Sa mundong ito, walang ibang pabor ang mas mahalaga kaysa sa pabor ng pagligtas sa isang buhay.Ang plano ngayon ni Charlie ay ibalik muna si Rosalie sa Aurous Hill. Pagkatapos, itatago niya siya bago niya suriin kung may pagbabago ba sa pamilya Schulz, o kung may iba pa silang maliliit na pandaraya.Para naman sa pakikipagtulungan kay
Nang dumating ang barko sa radar screen, ngumiti ang captain ng Japanese Self-Defense Force habang sinabi, “Letse! Sa wakas ay dumating na rin ang mga g*gong iyon pagkatapos nating maghintay nang napakatagal!”Ngumiti ang deputy niya bago sinabi, “Captain, kung mahuhuli natin si Rosalie Schulz sa sandaling ito, siguradong malaking tagumpay nanaman ito, tama?”Tumango ang captain at sinabi, “Syempre! Si rosalie Schulz ngayon ang numero unong kriminal sa Japan. Hangga’t maaaresto natin siya at maibabalik natin siya sa Japan, siguradong malaking tagumpay ito kahit na patay o buhay siya!”Habang nagsasalita siya, medyo nasabik siya habng sinabi, “Subukan niyong huwag bumaril mamaya. Subukan natin siyang hulihin nang buhay!”Hindi matagal, ang distansya ng barko ay wala na sa isang nautical mile sa lokasyon ng ambush nila.Sobrang tahimik ng patrol boat ng Japanese Self-Defense Force. Pinatay na nila ang lahat ng makina nila, transponder, at ilaw sa barko habang hinihintay nila lumapit
Sa totoo lang, may kakayahan at abilidad talaga ang matandang soro na iyon, si Cadfan.Hindi niya kailangang gumastos ng marami para magpanggap na iligtas si Rosalie sa sandaling ito. Dahil, lahat ng Japanese Self-Defense Force ay mga aktor na pumayag na magpanggap kasama siya.Para naman sa kung bakit handang makipagtulungan ang Japanese Self-Defense Force kay Cadfan nang libre, dahil ito noong naaresto si Rosalie at ang ibang master ng pamilya Schulz.Sa oras na iyon, pinuksa ni Rosalie at ng iba ang buong pamilya Matsumoto, ipinahiya ang buong Tokyo Metropolitan Police Department. Pagkatapos, binalak nilang tumakas sa Osaka. Sa kritikal na sandali, nang paalis na ang eroplano nila, kumilos ang Japanese Self-Defense Force at hinuli silang lahat.Kaya, sumikat agad ang Japanese Self-Defense Force dahil sa pangyayaring ito.Noong pinuro ng mga tao ang Japanese Self-Defense Force sa ginawa nila, papagalitan din nila ang Tokyo Metropolitan Police Department nang sobra. Naramdaman ni
Kailangan niya lang gamitin ang kanyang kaliwa at kanang kamay para magtagumpay.Bukod dito, binawasan niya ang kabayaran para matapos ang lahat. Para sa pamilya Schulz, ito na ang pinakamagandang sitwasyon.Pero, walang mag-aakala na may mga biglaang pagbabago sa isang maingat at pinag-isipang plano.Kahit si Lord Schulz ay sabik na sabik sa Eastcliff. Sabik na siyang matanggap ang balita na nahuli na si Rosalie ng Japanese Self-Defense Force.Habang balisa niyang hinihintay ang balita, direkta siyang tinawagan ng isa sa mga mataas na officer ng Japanese Self-Defense Force.Sa sandaling kumonekta ang tawag, tumawag nang masaya si Lord Schulz habang tinanong, “Matsushima-kun, tagumpay mo na bang naaresto si Rosalie?”“Arestuhin mo ang ulo mo!” Galit na sumigaw ang kabila sa cellphone, “Bakit walang tao sa barko na inayos mo? Nasaan si Rosalie ngayon?!”Tinanong ni Lord Schulz sa pagkabigla, “Anong sinabi mo? Walang tao sa barko?!”Galit na sumagot ang kabila, “Oo! Walang tao sa
Ang pamilya Schulz, pati na rin ang buong Japanese Self-Defense Force, ay nagsimulang hanapin ang kinaroroonan ni Rosalie sa territorial waters ng Japan malapit sa Tokyo.Pero, walang saysay ang paghahanap nila dahil sobrang lawak ng dagat, at wala silang bakas.Habang balisang hinahanap ng Japanese Self-Defense Force si Rosalie, nakaalis na sa Japan ang barko nila Charlie.Paulit-ulit na iniiba ng barko ang daan nila habang papunta sila sa Oskia. Pagkatapos lumayag ng isang gabi, nakapaglakbay na sila ng halos one–third ng distansya.Sa umaga, lumitaw na ang pulang araw sa silangan ng dagat.Kahit na sobrang lamig ng temperatura sa dagat sa taglamig, lumabas si Charlie sa deck habang may kaswal na suot.Papunta ang barko sa kanluran mula sa silangan. Kaya, nakatayo si Charlie sa stern ng barko habang pinapanood ang pagsikat ng araw sa silangan.Sa sandaling ito, mabagal na umaangat ang pulang araw, at isa pang pula at magulong araw ang makikita sa ibabaw ng dagat. Sobrang ganda
Ngumiti si Jasmine bago niya hinagod ang kanyang buhok sa likod ng tainga niya habang sinabi, “Sobrang pagod na talaga ako, at gusto ko talagang matulog nang mahimbing. Pero, hindi ko na kayang tiisin ang matigtig at maalon na tubig. Kaya, bumangon ako para magpahangin.”Tinanong ni Charlie nang nag-aalala, “May sea sickness ka?”Bahagyang tumango si Jasmine bago sinabi, “Buti na lang, hindi ito masyadong seryoso.”Pagkatapos nito, naglakad si Jasmine papunta sa tabi ni Charlie habang sumandal siya sa railing at tumingin sa sumisikat na araw. Pagkatapos nito, sinabi niya nang emosyonal, “Sobrang ganda talaga ng pagsikat ng araw. Ito ang unang beses sa buhay ko na nakita ko ang pagsikat ng araw sa dagat.”Nang makita ni Charlie ang bakas ng pag-aalala at kaba sa pagitan ng mga kilay ni Jasmine, hindi maiwasang sabihin ni Charlie, “Jasmine…”Nagmamadaling tumingin si Jasmine kay Charlie at tinanong, “Master Wade, may gusto ka bang sabihin?”Tinanong siya ni Charlie, “Nagagambala ka
Pagkatapos ng isang araw at isang gabi na paglalayag, sa wakas ay mabilis na huminto ang barko ni Charlie sa Raventon.Dumating ang barko ng alas-nuwebe ng umaga ayon sa oras sa Eastcliff. May isa’t kalahating oras pa bago ang board meeting nina Tyler at Reuben.Nagkataon na iyon ang oras ng flight ng helicopter. Kaya, hindi makakarating sa oras si Charlie sa board meeting ng Moore Group.Pero, kahit na hindi siya makakarating sa oras, makakapunta pa rin siya sa press conference na kasunod nito.Sila Jasmine, Rosalie, at ilang crew member na nagtatrabaho para sa pamilya Schulz ay sinundan si Charlie pababa sa barko.Bukod dito, ang vice-chairman ng Nippon Steel, si Hashimoto Kazumi, na nakatali, ay kasama rin nila.Habang direktang lumilipad ang helicopter papunta sa Aurous Hill, pumasok si Tyler sa pinakamalaking conference room sa Moore Group.Sa sandaling ito, mahigit isang dosenang shareholder at director ng Moore Group, kasama ang anak ni Tyler, si Reuben, ay nakarating na
Kung patuloy silang maghihintay, hindi lang sila ang mawawalan ng pasensya, ngunit mabilis din mawawalan ng pasensya ang mga investor at stockholder.Kung gano’n, siguradong malaki ang malulugi ng Moore Group.Pagkatapos itong pag-isipan, unti-unting pumayag ang lahat sa mungkahi ni Tyler dahil naniniwala sila na ang pinakamagandang solusyon sa sandaling ito ay pumili ng pormal na chairman sa lalong madaling panahon para patatagin ang sitwasyon.Kaya, sinabi ng isa, “Sinusuportahan ko ang desisyon ng acting chairman.”“Ako rin!”Nang makita ito ni Reuben, natuwa siya nang sobra, at sinabi niya nang nagmamadali, “Bakit hindi natin sabihin ang pananaw natin ngayon din? May labing pitong tao dito ngayong araw. Basta’t may mahigit walong tao ang sasang-ayon na pumili ng bagong chairman, pormal nating ipagpapatuloy ang paghirang ng acting chairman at simulan ang bagong proseso ng pagboboto.Pagkatapos itong sabihin, tumayo si Reuben at sinabi, “Ako ang unang sumasang-ayon sa mungkahi
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka