Share

Kabanata 2134

Author: Lord Leaf
“Ms… Ms. Moore?!”

Napatitig si Jasmine kay Kazumi. Kita ang pandidiri at panunuya sa ekspresyon ng babae, “Mr. Hashimoto, mukhang hindi mo inaasahan na buhay pa ako, tama ba?!”

Nagsimulang manginig ang katawan ni Kazumi.

Alam niyang kasuklam-suklam ang pagsubok niyang patayin si Jasmine.

Kamakailan lang, hindi nila mahanap ang lokasyon ni Jasmine. Dalawa ring assistants at isang driver ang namatay sa eksena dahil sa pinagawang aksidente ni Kazumi.

Maliban sa mga krimeng ito, isang mabigat na kasalanan ang pagpatay ng tatlong tao. Kung susuriin, madalas, sa mga kaso ng murder, matindi ang ginagawang pagpaplano ng mga may pakana nito. Malupit ang mga ginagamit nilang paraan para makamit ang layunin nila.

Sa pagkakataong ito, nasa harap ni Kazumi si Jasmine. Buhay na buhay ang babae. Agad niyang napagtanto na naririto si Jasmine para maghiganti!

Agad siyang nagmakaawa, “Ms. Moore, hindi talaga ako ang tunay na nasa likod ng aksidente mo! Si Reuben ang may pakana nito! Ang kapatid m
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2135

    Pumunta ang dalawa sa deck ng cruise ship. Sinalubong sila Charlie at Jasmine ng malamig at kalmadong simoy ng hangin. Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Charlie.Kahit nagawa niyang mailigtas si Jasmine sa aksidente at pauwi na sila ngayon ng Oskia, malayo pa bago matapos ang problema.Mahalaga ang susunod na hakbang na gagawin nila.Si Tyler at Reuben, ang walang pusong mag-ama. Kailangan pa nilang resolbahan ang isyu sa dalawang g*gong ito.Sa ngayon, nagpapanggap si Lord Moore na may dementia para protektahan ang sarili niya. Mula sa kasalukuyang sitwasyon, hindi kakayanin ng isang tao na talunin ang mag-ama sa kanilang laro.Kapag nalaman ng mag-ama na nagpapanggap lamang si Lord Moore, siguradong papatayin nila ang matanda.Kaya, kailangang ihayag ni Charlie ang tunay na pagkatao nila Tyler at Reuben sa publiko sa mga susunod nilang hakbang. Kailangan niyang iligtas si Lord Moore at hayaang makuha ulit ni Jasmine ang kontrol sa buong Moore Group.Subalit, pagkatapos ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2136

    Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Nauunawaan ko ang ibig mong sabihin. Matapos ang lahat, mas malapit ang dugo kaysa tubig. Makatuwiran naman na gusto mong iligtas ang buhay nila. Pero… may dapat kang malaman.”Agad na napatanong si Jasmine, “Ano ang dapat kong malaman, Master Wade?”Sumagot si Charlie, “Gusto mo silang mabuhay, sige, walang problema. Pero, kailangan mong tandaan na kailangan mo pa rin silang parusahan. Payag ako na hindi mo tatapusin ang buhay nila, pero kailangan nilang makatanggap ng parusa. Dapat mong limitahan ang mga posibilidad na ilagay ka ulit nila sa panganib sa susunod na pagkakataon!”Tumango si Jasmine. “Oo, Master Wade. Nauunawaan ko. Pag-iisipan ko nang mabuti kung ano ang magiging parusa nila.”Sa gitna ng usapan nila, biglang narinig ni Charlie ang isang mahinang tunog ng makina mula sa likod. Napalingon siya at nakita niya ang isang maliit na barkong patungo sa direksyon nila. Full speed ang bilis nito at isa o dalawang kilometro na lang ang layo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2137

    Habang papalapit nang papalapit ang distansya ng barko nila Rosalie kay nila Charlie, makikita ang ekspresyon ng paghihiganti sa mukha ng babae.Pinanganak siya sa isa sa mga malalaking martial arts families ng Oskia. Maganda ang edukasyon niya at hindi mapapantayan ng kahit sino ang bagay na ito sa bansa. Kaya, masasabi niyang isa siya sa mga top martial artists ng Oskia.Mas malakas at mas makapangyarihan siya kumpara sa mga patatas sa pamilya nila na isa o dalawang moves lang ang nalalaman. Para sa kanya, hindi isang banta si Charlie.Isang salbahe at manloloko lamang ang lalaki para sa mga mata niya. Totoo ngang may kakayahan si Charlie at kilala siya sa ilang mga tao, pero sigurado si Rosalie na hindi isang eksperto sa martial arts ang lalaki.Matapos ang lahat, tapat at marunong makipagkumpitensya ang mga eksperto, hindi gaya ni Charlie na tumawag ng pulis para arestuhin sila Rosalie nang hindi nila nalalaman.Kaya, nagkaroon ng kongklusyon si Rosalie na magagawa nilang magt

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2138

    Laging sinasabi ng nanay ni Rosalie sa kanya na dapat niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para paglingkuran si Sheldon, ang ama niya, pati na rin ang buong pamilya Schulz.Hindi nagtagal, ito na ang naging prinsipyo ni Rosalie sa buhay.Sa tulong ng branwash na ginawa ng nanay ni Rosalie sa kanya sa loob ng 21 na taon, basta ba hindi makakasama sa pamilya Schulz, hindi nag-aalangan si Rosalie na kalabanin ang kahit sino.Kung may balak manakit sa pamilya Schulz, gagawin niya ang lahat para tapusin ang buhay ng target niya! Iyan ang dahilan kung bakit nagawa niyang paslangin ang buong pamilya Matsumoto.Hindi lamang sa personal na lebel ang galit niya kay Charlie, kundi may kinalaman na ito sa pamilya niya! Si Charlie ang dahilan kung bakit naaresto siya pati na rin ang iba pang mga kasama niyang martial artists ng pamilya nila. Dahil sa nangyari, malaki ang natanggap na pinsala ng pamilya Schulz.Hindi lamang paghihiganti para sa personal na interes ang hanap ni Rosalie, ku

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2139

    Agad na kinabahan si Rosalie nang marinig niya ang mga salita ni Charlie.Sa ngayon, siya ang pinaka-wanted na kriminal sa buong hukuman ng Japan at siya rin ang pangunahing suspek sa massacre ng pamilya Matsumoto. Kapag nakuha nila ang atensyon ng Japanese Maritime Self-Defense Force dahil sa mangyayaring aksidente, siguradong hindi siya makakatakas.Dagdag pa roon, kapag nalaman ng mga Japanese na nakatakas siya sa kulungan, siguradong magiging mas mahigpit ang pagbabantay nila at hindi na siya magkakaroon ng pangalawang pagkakataon para makatakas.Nang maisip ito, nagngitngit ang ngipin ni Rosalie at inutusan niya ang captain sa isang malamig na boses, “Pabagalin mo ang takbo natin! Huwag mo silang banggain! Lumapit na lang tayo.”Nakahinga nang maluwag ang captain at agad niyang tinapakan ang emergency brakes.Puno ng pagkamuhi at determinasyon ang mga mata ni Rosalie. Sinigawan niya ang mga nasa paligid niya, “Sundan niyo ako!”Ganoon din, pinangunahan ni Rosalie ang crew at

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2140

    Bukod pa roon, nakita ni Charlie na maraming kasamang tauhan si Rosalie. Nagsimula na ring sumampa ang mga ito papunta sa barkong sinasakyan niya. Kapag nakita nilang natalo niya si Rosalie, siguradong tatakas sila.Sa ganitong kaso, mas mabuting pasakayin niya muna ang lahat ng crew sa barko niya saka niya ipapamalas ang tunay niyang galing.Nang maisip ito, patuloy si Charlie sa pag-iwas kay Rosalie. Hinahayaan niyang habulin siya nito.Habang hinahabol ni Rosalie si Charlie, nagmadali ring tumalon at lumapit ang mga tauhan ng babae.Nang makita ito, napangiti si Charlie nang malawak, “Dahil naririto na kayong lahat, hindi na ako magsasayang ng oras!”Sumunod, para bang naging ibang tao si Charlie. Ngayon, ramdam ng lahat sa deck ang nakasisindak niyang aura!Magaling na martial artist si Rosalie at mataas ang lebel ng internal Reiki niya, kaya agad siyang natigilan nang maramdam niya ang aura na nagmumula sa katawan ni Charlie!‘Kung hindi ako nagkakamali, mas malakas pa ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2141

    Nang ihagis ni Charlie ang huling lalaki sa ere, napagtanto ng lalaki na nasa kaliwang bahagi siya ng barko, samantalang nasa kanang bahagi naman ang sinasakyan nila ni Rosalie!Dagdag pa roon, sa lakas ni Charlie, higit sa sampung metro ang layo ng binagsakan niya! Lumublob siya sa malamig na tubig-alat pagkatapos siyang gawing projectile ni Charlie.Hindi malayo ang lokasyon nila sa open sea. Dito pa lang, ilang libong metro na ang lalim ng tubig. Dahil taglamig ngayon, nanunuot sa buto ang temperatura ng dagat ngayon!Nang malaglag siya sa dagat, sa lakas pa lang ng pagkakahagis sa kanya, nakaramdam siya ng matinding sakit sa katawan niya. Sumunod, nang maramdaman niya ang lamig ng tubig, pakiramdam niya nalaglag siya sa loob ng isang refrigerator!Sa ganitong sitwasyon, wala na siyang magawa kundi sumubok na lumangoy pabalik sa kanilang barko.Pero, dahil malakas ang hangin at alon ngayon, kahit ano pang langoy ang gawin niya, hindi niya magawang makalapit sa barko nila. Hindi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2142

    Galit na nagsalita si Rosalie, “Bata! Sino ka para bastusin ang pamilya Schulz!”Ngumiti si Charlie, “Oh? Binabastos ko ba sila? Sinasabihan na kita bago pa mahuli ang lahat, sisiguraduhin kong magmamakaawa si Cadfan Schulz at Sheldon Schulz sa mga paa ko balang araw!”Nakaramdam ng bagting si Rosalie sa ulo niya at para bang sasabog na siya!Si Cadfan ang lolo niya at si Sheldon ang ama niya!Salamat sa brainwashing ng nanay niya simula kabataan niya, matagal niya nang hinahangaan ang ama niya.Kaya, sa pagkakataong ito, gusto niyang patayin si Charlie para sa pang-iinsulto nito sa tatay niya!Hinatak niya ang isang maliit na kutsilyo mula sa kanyang baywang at nagsalita siya sa isang malamig na boses, “Bata, maghanda ka nang mamatay! Tanggapin mo ito!”Sumunod, umamba si Rosalie habang galit na galit papunta kay Charlie!Sa pagkakataong ito, nilalamon siya ng kanyang galit kaya wala na siyang paki kung sino ang mas malakas sa kanilang dalawa o kung sino ang mananalo sa laban.

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5672

    Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5671

    Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5670

    Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5669

    Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5668

    Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5667

    Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5666

    “Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5665

    Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5664

    “Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status