Share

Kabanata 2146

Author: Lord Leaf
Hindi makaimik si Rosalie nang marinig niya ang tanong ni Charlie.

Simula bata pa siya, sumailalim na siya sa brainwashing ng nanay niya. Dahil dito, matindi ang kanyang debosyon sa pamilya Schulz. Sa ganitong klase ng lugar, matindi ang kanyang paniniwala na dapat niyang ibigay ang lahat para kay Sheldon kahit kapalit man nito ang buhay niya.

Pero syempre, hindi niya sasabihin ang bagay na ito kay Charlie. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagmamakaawa, “Sir, maiksi lang ang buhay ko pero hindi ako nagmamakaawa sa kahit sino. Ngayong araw, pakiusap, patayin niyo na lang ako. Tumigil na kayo sa pagpapahirap sa akin. Pakiusap…”

Umiling si Charlie at walang emosyon siyang sumagot, “Hindi pwede. Pasensya na, hindi ka mamamatay ngayong araw!”

***

Samantala, sa cockpit ng kabilang barko, nagulantang ang captain pati na rin ang ibang crew sa nakikita nilang senaryo!

Hindi nila maintindihan kung bakit nakatayo lang si Rosalie sa kanyang puwesto na para bang may mahikang pumipigil sa kanya pa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2147

    Sa lapit ng distansya, sigurado si Mr. Good na sapat na ang lakas ng heavy-duty compound crossbow para masira ang bungo ng isang tao.Bukod pa roon, isang top assassin si Mr. Good at magaling siya sa kanyang armas, sigurado siyang mapapatay niya si Charlie sa isang palaso lang.Nagtatrabaho siya bilang assassin sa loob ng 15 na taon at hindi pa siya nabibigo na patayin ang target niya gamit ang crossbow niya.Sa isang kurap ng mata, pinuntirya niya ang crossbow papunta kay Charlie saka niya hinatak ang gatilyo nang walang pag-aalangan!Maririnig ang malutong na tunog ng pisi kasunod ang pagbulusok ng palaso na gawa sa titanium alloy at carbon fiber. Patungo na ito sa sentido ni Charlie!Higit sa 100 metro bawat segundo ang bilis ng normal na palaso, bukod pa roon, killing machine naman talaga ang isang heavy-duty compound crossbow. Sa kombinasyong ito, aabot ng halos 200 metro bawat segundo ang bilis ng palaso ngayon.Sa ganitong bilis, hindi hihigit sa kalahating segundo ang ora

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2148

    Kahit ayaw aminin ni Rosalie ang sarili niyang mga pagkukulang, hindi niya pa rin mapigilang mapabilib sa lakas at hindi normal na kakayahan ni Charlie. Talagang malayo ito sa pagkakaunawa niya sa martial arts.Ngumisi si Charlie at lumingon siya sa kabilang barko.Habang hawak ang compound crossbow, nagitla si Mr. Good sa titig ni Charlie. Nag-alangan siya saka siya bumulong sa captain, “Kahit tumama man ang palaso ko o hindi, kailangan mong gamitin ang full speed ng barko para makaalis tayo rito! Kailangan nating bilisan! Masyadong malakas ang lalaking iyan. Mas mabuting lumayo tayo sa kanya hangga’t kaya natin!”Agad na inilagay ng captain ang kamay niya sa engine power gear habang kinakausap ang isang crew, “Pagkatapos ni Mr. Good sa pangalawang palaso, mag-hard-a-port ka. Kasabay nito, magiging full speed ang takbo natin. Nauunawaan mo ba ako?”Agad na sumagot ang crew, “Opo, captain!”“Mabuti naman!” Tumango ang captain at napatitig siya kay Mr. Good habang kinakabahan.Hum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2149

    Napahiyaw sa takot ang lahat ng nasa loob ng barko nang marinig ang sinabi ng isang kasamahan nila!Sa pagkakataong ito, walang kahit sino sa kanila ang kayang lumaban kay Charlie!Tinamaan si Rosalie ng palasong may lason at malapit na siyang mamatay, samantala, itinapon sa dagat ang iba pang mga martial artists ng pamilya Schulz. May iba ring tuluyan nang nalunod dahil sa pagod at lamig ng tubig.Si Mr. Good na lamang ang natitira. Nakatago siya sa loob ng barko at hindi rin alam ni Rosalie ang tungkol sa kanya.Pero, patay na si Mr. Good ngayon. Isang palaso lang ang nagpatumba sa kanya.Tanging mga miyembro na lang ng crew pati na rin ang captain ang natitira. Wala silang alam sa martial arts kaya mas lalong wala silang laban kay Charlie.Habang nanginginig sila at hindi nila alam ang gagawin, biglang sinipa ni Charlie ang pinto ng cockpit para pumasok.Nang magpakita si Charlie, takot na takot ang buong crew sa puntong nanghihina ang mga tuhod nila. Isa sa kanila ang tuluya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2150

    Takot na takot ang captain sa puntong naihi siya sa pantalon niya habang sumisigaw, “Pakiusap! Pakawalan mo ako! Sasabihin ko na ang lahat ng alam ko!”Sumunod, nasamid siya, “Ako lagi ang in charge sa cruise ship ni Lord Schulz. Pero sa pagkakataong ito, pinadala niya ako rito para sa isang bagay. Sa totoo lang, walang balak si Lord Schulz na iligtas si Miss Schulz ngayong gabi. Masyadong magastos ang pagsagip sa kanya at matindi rin ang problemang kakaharapin nila kung sakali kaya iba talaga ang plano niya…”Napasimangot si Charlie, “Ano ba talaga ang plano niya?”Sumagot nang diretso ang captain, “Ayon sa plano niya, aalis ang barko ngayong gabi, didiretso kami sa isang bahagi ng karagatan kung saan nanghihintay ang Maritime Self-Defense Force para sugurin kami. Pagdating namin doon, agad nila kaming tatambangan para mahuli si Miss Schulz…”Lalo pang nalito si Charlie. “Ipapahuli niyo siya? Pero bakit? Bakit niya ipapahuli ulit si Rosalie pagkatapos pagsumikapang itakas siya?”

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2151

    Gusto lang naman makaligtas ng captain sa sandaling iyon. Kaya, tinanong niya si Charlie sa isang nanginginig na boses, “Hindi mo ba ako papatayin kung makikinig ako sa ‘yo at susundin ang lahat ng i-uutos mo sa ‘kin?”Tumango si Charlie at sinabing, “Basta’t handa kang makipagtulungan sa ‘kin, hindi kita papatayin. Pwede ko pang ipabago ang pagkatao mo para makapagsimula ka ng bagong buhay.”Sa sandaling marinig ito ng captain, agad siyang nagpasalamat, “Kung gano’n ay susundin na lang kita!”Si Charlie ay lubos na natuwa, at sinabi niya, “Sige. Kung gano’n ay dapat mo nang gawin ang lahat ng sasabihin ko!”Pagkatapos sabihin iyon, nag-isip si Charlie nang sandali bago sabihing, “Simula noong makaisip ng sariling plano ang matandang Cadfan na iyon, sabihin mo na lang sa kaniya na patay na si Rosali dahil sa kaniyang contingency plan.”Pagkatapos no’n, agad siyang bumulong sa tenga ng captain.Ang captain ay tumango bago pulutin nang mabilis ang kaniyang satellite phone. Pagkatap

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2152

    Sa sandaling iyon, dali-daling nagsalita ang captain, “Lord Schulz, aalis na ako ngayon. Tiyak na hahanapin ko ang katawan at ipapadala ‘yon sa Japanese Self-Defense Force!”Sumagot si Cadfan, “Hindi mo na kailangang bumalik kung hindi ka makakaisip ng paraan para masunod ang inuutos ko!”“Opo, Lord Schulz!” Agad na pumayag ang captain. Pagkatapos patayin ang phone, tumingin siya kay Charlie nang may nagmamakaaawang itsura sa kaniyang mukha at sinabing, “Sir, kapag nalaman ni Cadfan na nagsisinungaling ako sa kaniya, tiyak na pagpipira-pirasuhin niya ako…”Sumagot si Charlie, “‘Wag kang mag-alala. Dahil sumunod ka na sa mga utos ko, syempre ay tutuparin ko ang pangako ko sa ‘yo!”Pagkatapos sabihin iyon, nagpatuloy si Charlie, “Ang ilan sa inyo ay sasama sa ‘kin sa Aurous Hill ngayong gabi. Tutulungan ko kayong lahat na manatili sa isang ligtas na lugar pagkatapos dumating sa Aurous Hill. Sa sandaling iyon, pwede kayong mamuhay nang patago muna. Pagkatapos kong pangalagaan ang Pam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2153

    Nang makita ni Charlie na ang mukha ni Rosalie ay tila lubos na interesado, ngumiti siya nang bahagya at sinabing, “Ang kwento na ‘to ay tungkol sa isang mayaman na tagapagmana na gustong manligaw sa isang napaka-gandang babae. Gayunpaman, ang lalaking ito ay lubos na kuripot, at ayaw niyang gumastos ng maraming pera para lang makuha ang babaeng ito. Kaya, nagsinungaling siya na bibilhan niya ang magandang babae na iyon ng isang Ferrari…”“Pagkatapos no’n, ang mayamang lalaki ay binayaran ang isang Ferrari salesman at hiniling sa salesman na tulungan siyang magpanggap.”“Noong dalhin niya ang magandang babae upang tumingin sa kotse, sinabi sa kanila ng salesman na walang kotseng pwede bilhin sa sandaling iyon. Kaya, ang tanging nagawa na lamang nila ay ang mag-book muna. Pagkatapos no’n, nagpanggap ang lalaki na nagpasok siya ng isang daang libong dolyar bago siya makatanggap ng kontrata para sa booking ng kotse.”“Akala ng magandang babae na ang Ferrari na binili ng lalaki para sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2154

    Sa sandaling iyon, lumabas din si Jasmine ng deck at tinanong si Charlie sa pagkagulat, “Master Wade, narito ba ang mga taong ito para sa ‘kin?”Umiling si Charlie. “Hindi. Narito sila para sa ‘kin.”Si Jasmine ay mas nagulat noong makita niya si Rosalie, na hindi gumagalaw kahit na siya ay mayroong palaso sa kaniyang binti. Kaya, dali-dali niyang tinanong si Charlie, “Master Wade, ang babaeng ito ay…”Tumingin si Charlie kay Rosali bago siya ngumiti at sinabing, “Ang magandang babae na ito ay kalaban natin kanina, pero hindi na siya maituturing pang kalaban natin ngayon.”Pagkatapos niyang magsalita, tumingin siyang muli kay Rosalie bago ngumiti at magtanong, “Little beauty, tama ba ako?”Nakaramdam ng kaunting galit at hiya si Rosalie.Kahit na nakita na niya ang tunay na mga kulay ng Pamilya Schulz, at kahit na niligtas nga ni Charlie ang kaniyang buhay, wala siyang magandang impresyon kay Charlie.Si Charlie ang nag-report sa kaniya at kaniyang mga kasama sa Japanese Self-De

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5672

    Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5671

    Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5670

    Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5669

    Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5668

    Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5667

    Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5666

    “Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5665

    Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5664

    “Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status