Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1941 - Chapter 1950

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1941 - Chapter 1950

5672 Chapters

Kabanata 1941

Habang nagmamadali sina Charlie at Jacob papunta sa hospital, dumating na si Claire.Nang dumating ang dalawang lalaki sa ward, hawak-hawak ni Elaine ang kamay ni Claire, at umiiyak siya nang nakakaawa.Patuloy na pinupunasan ni Claire ang mga luha niya habang nakaramdam ng paghatak sa puso niya.Kahit na naghirap ang biyenan na babae ni Charlie, nakatayo lang siya sa labas at hindi siya pumasok para suriin siya; kaya, hindi niya alam kung ano ang kondisyon niya.Bukod dito, pagkatapos ilabas ng mga tauhan ni Albert si Elaine, direkta siyang ipinadala sa hospital. Hindi rin nakita ni Charlie ang mukha niya.Ngayon, nang makita niya si Elaine sa personal na may mala-bughaw-itim na ilong at namamagang mukha, habang may nawawalang buhok sa kanyang noo, hindi niya maiwasang bumuntong hininga. “Jus… medyo masama ang kalagayan ng biyenan na babae ko. Hindi nga talaga inaasahan na pangyayari ito at nagkaganito siya. Sinong nag-aakala na siya ang pupuntahan ni Carmen?”Nang makita ang pa
Read more

Kabanata 1942

Iniisip niya na na magpanggap na nakakaawa upang hindi bawasan ni Charlie ang allowance niya.Ang hindi niya inaasahan ay magiging mapagbigay si Charlie, nag-alok ng malaking halaga na isang daang libong dolyar!Naging presko at masigla agad si Elaine nang marinig niya ang sinabi ni Charlie. Pinasalamatan niya agad si Charlie. “Wow, ikaw talaga ang pinakamagaling na manugang! Siguro ay dahil ito sa naipon kong swerte at naging manugang kita…”Walang masabi si Claire nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang ina.Natulala siya dahil napagtanto niya na tapat na sinabi iyon ng kanyang ina. Sa halip na magalang na kilos ito, mukhang sinasabi niya ito sa kailaliman ng puso niya…Hindi rin inaasahan ni Charlie na maaantig nang sobra si Elaine sa isang daang libong dolyar lang. Hindi niya maiwasang tumawa nang palihim habang iniisip, ‘Kung alam ko lang na madaling makokontrol ang grabeng biyenan na ito gamit lang ang maliit na pera, hindi ba’t mas madali ko siyang mapapaamo kung bibigy
Read more

Kabanata 1943

Nang marinig ni Lady Wilson ang sinabi ng lalaki, naramdaman niya na tila ba tinamaan siya ng kidlat. Nakatayo lang siya doon at nakatulala.Wala siyang nagawa kundi magmakaawa. “Mga binata, pwede ko ba kayong abalahin na tawagan si Mr. Webb? Pakisabi sa kanya na wala nang pera ang pamilya namin, at kailangan namin na magbigay siya ng awa. Mangyaring bigyan niya kami ng pagkakataon na mabuhay. Kahit papaano, iwan niya ang Bentley sa amin…”Idinagdag niya agad, “Kahit na ipahiram niyo lang ito sa amin nang ilang taon, sapat na ito!”Nakatitig nang blangko ang lalaki at sumagot nang malamig. “Pasensya na. Sinabi na ni Mr. Webb na masyadong mababa ang pamilya niya para ipakita sa publiko. Kaya, ayaw na niyang magkaroon ng koneksyon sa inyo. Hahayaan niya pa rin kayong manatili sa villa, sobrang laking kabaitan na ito. Kung hindi niyo ito pahahalagahan, huwag niyo sanang sisihin si Mr. Webb kung babawiin niya rin ang villa.”Tumibok nang masakit ang puso ni Lady Wilson, pero hindi siya
Read more

Kabanata 1944

Dahil naramdaman niya na sobrang hindi makatwiran ito, iniyak niya, “Ma, alam ko na masama ang loob mo dahil nabuntis ako sa Blackpine, pero sinusubukan ko talagang mabuhay; kung hindi, namatay ako!”“At tungkol sa sampu-sampung milyong dolyar, hindi ko intensyon na mawala ito!”“Inaamin ko na gusto kong dayain si Elaine sa lahat ng pera niya at kunin ang villa niya para mapaganda ang kondisyon ng pamilya natin. Lahat ng pagsisikap at sakripisyo na ginawa ko ay para sa pamilyang ito lang.”Sa sandaling binanggit ni Hannah ang tungkol sa pagbubuntis, nakaramdam si Lady Wilson ng dalawang sampal sa kanyang mukha. Sumigaw agad siya sa galit. “Walang hiyang p*ta ka! Ang lakas ng loob mong banggitin ang pagbubuntis mo! Napakawalang hiya mo! Wala kang moralidad! Walang hiya! Kung hindi ka prinoprotektahan ni Donald, pinalayas na kita sa bahay namin!”Galit na galit siya at nag hyperventilate na siya. Habang nagngangalit, inungol niya, “Huwag mong kalimutan na noong gumapang ka palabas sa
Read more

Kabanata 1945

Sa kasalukuyan—sa A06, Thompson First Villa.Pinuno nila Jennifer, Yara, at Yulia ang mga tiyan nila.Matagal na silang naghihintay, pero hindi pa umuuwi ang pamilya ni Lady Wilson, at nagugutom na sila. Nagkataon, na nasa kusina ang mga sangkap na inihanda ni Hannah pero hindi pa ito naluluto. Nagpasya sila na gamitin ang mga sangkap at magluto ng maraming pagkain.Bago pa mag-divest si Donald Webb, medyo maganda ang pamantayan ng pamumuhay ng pamilya Wilson. Pagkatapos mag-invest ni Donald Webb sa Wilson Group, bumalik ang dating gawi ng Wilson Group, at naipagpatuloy ni Lady Wilson ang dati niyang pamumuhay, namumuhay na parang isang empress. Gumanda nang sobra ang pamantayan ng pamumuhay nila sa panahong iyon.Bukod dito, sadyang naghanda si Hannah ng mga mahal na sangkap ngayong araw para ipagdiwang ang tagumpay nila pagkatapos tapusin ng mag-ama si Elaine.Hindi alam ng pamilya Wilson na hindi sila magkakaroon ng pagkakataon na kainin ang mga sangkap na ito, at ang lahat ng
Read more

Kabanata 1946

Naiinis na sinabi ni Wendy, “Hoy, mga doktor. Hindi ba dapat ay nagliligtas kayo ng mga buhay at tumutulong sa mga nahihirapan?”Ang driver ay tumingin sa kaniya at seryosong sinabi, “Miss, para malinaw lang, hindi kami mga doktor. At saka, hindi ito isang emergency ambulance mula sa isang public hospital, ngunit isang privately operated ambulance. Parang mga taxi lang, kailangan mo kaming bayaran para gamitin ang serbisyo namin. Magbayad ka at dadalhin namin kayo sa ospital. Naintindihan mo ba?”Hindi makapaniwalang napanganga si Wendy.Naiinis na sinabi ng lalaki, “Ano ba’ng problema niyo? Nabubuhay sa ganoong magandang villa, pero wala man lang kayong pambayad na apat na daang dolyar!”Dahil doon, agad na pumasok ang dalawang lalaki sa kotse, binuksan iyon, at umalis.Napadabog si Wendy sa galit. Napabuntong-hininga si Lady Wilson sa dismaya at sinabi kina Wendy at Hannah, “Matanda na ako at wala na akong lakas. Kayong dalawa ang magdala kay Christopher papasok ng bahay, tapos
Read more

Kabanata 1947

Si Lady Wilson ay isang tipikal na tao na pagsasamantalahan at papaalisin ang isang tao kapag hindi na sila mahalaga pa.Dati, kailangan niya si Jennifer para tulungan siya sa detention center. Kaya, noong oras na ‘yon, siya ay lubos na magalang kay Jennifer at tinuturing siya na parang sarili niyang anak.Gayunpaman, sa katunayan, kinamumuhian niya ang mga mahihirap na tulad ni Jennifer.Kaya, ganap na niyang nakalimutan si Jennifer simula noong siya ay makalabas ng detention center.Para sa kanya, si Jennifer ay isang gamit lang para sa mga mahahalagang okasyon. Sa sandaling makalipas na ang mahalagang sandali, ayaw na niyang makasama pa si Jennifer.Gayunpaman, hindi niya kailanman naisip na lilitaw si Jennifer sa kanyang bahay!Hindi inaasahan ni Jennifer na itatanggi ni Lady Wilson ang lahat ng mga bagay na ginawa niya.Sa kanyang paningin, si Lady Wilson ang taong naglabas sa kanila, nag-ayos para sa isang driver na dalhin sila sa Thompson First, at nagregister ng kanilang
Read more

Kabanata 1948

Napatanong nang galit si Lady Wilson, “Kailan ko pa hinigi ang tulong niyo? Kailan ko sinabi na kailangan ko kayo na tulungan akong turuan ng leksyon ang manugang ko? Dahil nga sa inyo kaya hindi ko kayang makita si Elaine, kaya binugbog niyo siya!”Hindi makapaniwalang tumiig si Jeninifer kay Lady Wilson at lubos na nalungkot. “Lady Wilson, nagbago ka na! Dati, dinepesahan ka namin at pinrotektahan nang buong lakas, pero eto lang ang makukuha namin sa huli!”Sinabi ni Lady Wilson nang may blangkong mukha, “Pasensya na kung na-disappoint kayo, pero ito ay isa ring leksyon sa inyo: alamin niyo ang lugar niyo at ‘wag tangkahin na makipagkaibigan sa mga taong hindi niyo abot!”Nanggigil, sinabi ni Jennifer, “Oh! Gano’n ba, gurang? Sige! Mananatili lang ako rito! Tingnan natin kung ano ang magagawa mo!”Sabay na sinabi nina Yulia at Yara, “Tara ‘yon! Hindi kami aalis!”Hindi inaasahan ni Lady Wilson na magiging matapang ang tatlo, kaya malamig niyang sinabi, “Tumigil kayo sa kalokohan
Read more

Kabanata 1949

Si Lady Wilson ay biglang natuliro.Si Jennifer at ang mga babae ay pinadala rito ni Donald Webb?Ano ang iniisip ni Donald?!Maaari kaya na ang mga katulong na sinabi niyang kinuha niya para sa kaniya, ay ang tatlong tao na ito?!Habang siya ay tuliro, napasalia si Jennifer sa pananabik pagkatapos marinig ang mga salita ng lalaking may malaking katawan, “Sir, sigurado po ba kayo? Pwede ba talaga kaming manirahan dito?”Tumango ang lalaki. “Syempre! Inayos na kanina ng driver ang fingerprints niyo sa home security, hindi ba? Kaya, pwede niyong tratuhin ang lugar na ‘to na parang sarili niyong bahay!”Desperadong napahiyaw si Lady Wilson, “Pwede niyo bang sabihin kay Mr. Webb na ayaw namin ng ganitong mga katulong? Mga hampaslupa lang sila, ano ang posibleng maitutulong nila para sa amin? Pwede bang bigyan niyo kami ng tatlong propesyonal na caregivers, ‘yong mga klase na kaya ring maglaba at magluto?”Nagsalita ang lalaki sa isang malamig na boses, “Asa ka! Lola, kahit na mukha
Read more

Kabanata 1950

Sinabi ni Jennifer, “Tiningnan namin ang mga kwarto sa villa na ito ngayon lang at nalaman namin na kinuha ng Pamilya Wilson ang lahat ng malalaki at magagandang kwarto, iniiwan lang ang mga pangit at maliliit na kwarto. Dahil tatlo kaming may pantay na karapatan sa kanila, pwede ba kaming humiling ng paglipat ng kwarto?”“Oo nga!” Nagising si Yulia at nananabik na sinabi, “Gusto kong manirahan sa malaking kwarto na nakaharap sa timog!”Sinubukan ng lalaki na magsanhi ng gulo at nakangiting sinabi, “Syempre, wala kaming pakialam sa mga kwarto, kayo na ang bahala roon.”“Buti naman!” Sinabi ni Jennifer, “Gusto ko ‘yong malaking kwarto sa third floor! Kaninong kwarto ‘yon? Bilisan niyo’t alisin ang mga gamit niyo do’n, kung ‘di ay itatapon ko na lang ‘yon sa labas!”Pagalit na sumigaw si Lady Wilson, “Ang kapal ng mukha mo! Kwarto ko ‘yon! Walang pwedeng kumuha no’n!”Tumawa nang malamig si Jennifer, “Gurang, umalis ka nga sa harap ko! Kanina, binibigay ko sa ‘yo ang respeto ko at
Read more
PREV
1
...
193194195196197
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status